Skip to playerSkip to main content
Araw-araw, pumapalaot sa tabing-dagat ang magpinsang sina Raven at Patrick. Nakasakay sila sa styrofoam habang nangangalakal ng mga basurang puwede pa nilang ibenta. Bukod rito, pakay rin nilang hanapin sa dagat ang mga notebook, ballpen at krayolang puwede pa nilang mapakinabangan.


Panoorin ang ‘Mga Pahina sa Basura,’ dokumentaryo ni Mav Gonzales sa #IWitness.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Maingay.
00:03Magulo.
00:06Delikado.
00:07Ito ang araw-araw na buhay ng mga nakatira sa Road 10 sa Maynila.
00:14Sa ilalim ng mga tulay,
00:18may maliliit na barong-barong na ginawa ng tahanan
00:22ng ilang nakipagsapalaran dito sa Maynila para sa mas magandang buhay.
00:31Isa itong Melo Pes Bolivar o kilala dati bilang R10
00:34sa mga pinakadelikado na kalsada sa buong Metro Manila.
00:38Pero yung bahay na pupuntahan kasi natin nandun sa gitna ng tulay sa gitna.
00:41Kaya kailangan natin na makipagpatintero dito sa mga naglalakihang truck para makapunta dun.
00:46Pagdating sa baba,
00:57sasalubong agad sa iyo ang amoy na nagbumula sa katabing dagat.
01:02Dito nakatira ang magpinsang Riven at Patrick kasama ang kanilang nola.
01:12Wala pang walong metro kwadrato ang munting bahay ng pamilya.
01:26Tung may dumaraang truck,
01:30ramdam na ramdam dito sa ibaba.
01:32O maalog nga po tayo kapag may dumadaan.
01:35Maalog po, maalog po.
01:37Maano ito pag malalaking truck.
01:40O ayan nga po.
01:41Palamuling doon.
01:42Oo.
01:43Palamuling doon.
01:44Oo.
01:45Nakakatakot kung saan nakakatakot talaga.
01:48Kaya pag binuksan niyo yung mga dam dito,
01:51ang laki ng tubig hanggang dito sa kilikili.
01:54Hanggang dito po sa taas, abot?
01:55Hindi naman.
01:56Ngayon, kaya pinataasan namin ito para hindi umabot na.
01:58Abot ito kung ano, yung mababa pa.
02:02Pag binuksan ang mga damang, lakas ang tubig.
02:05Opo.
02:08Bunso sa walong magkakapatid ang 13-anyos na si Riven.
02:13Sanggol pa lamang siya nang kunin ng kanyang lola.
02:17Namatay kasi ang tatay niya.
02:19At ang kanyang ina, wala ng kakayahang alagaan siya.
02:24Yung bata, pinabayaan daw, nasa pranggaan na lang.
02:27Pag may dumadaan, binibigyan na si Rivia sa pranggaan.
02:32Ayun lang ang pagkain niya.
02:33Tinalian lang yung pranggaan na.
02:36Tapos, ayun, naisip na namin, kuhain na talaga siya.
02:40Kinugkup din ni Lola Virginia ang apong si Patrick.
02:44Labing apat na taong gulang at ang kapatid nito nang maagang maulila.
02:49Tapunta si Patrick sa akin.
02:51Tapos yung bunso nila, ano pa lang yun.
02:55Isang taon at isang buwan pa lang din.
02:56Baby pa talaga.
03:01Pareho mang ipinanganak na tila dehado sa buhay,
03:05magkasama namang nagsisikap ngayon si Riven at Patrick.
03:09Delikado ang kalagayan ng bawat isa sa kanila sa tuwing tatama ang bagyo.
03:19Subalit kasama ng unos, umaagos din papunta sa bahay ng magpinsan ang sandamakmak na basura.
03:30Pero kung problema ito para sa iba, para sa magpinsan, katumbas nito ay pera.
03:41Dahil kapag may bagyo o simpleng malakas na ulan, biyaya ang turing nila sa bawat basurang pwede pang ibenta.
03:49Pag may nakikita po kami ang kalakal, pag malayo po yung kalakal, tinatalong po namin.
03:56Tapos kumukuha po kami ng sako.
03:58Bawat pagtalong po namin nakakuha kami ng kalakal, aahon po kami para ilagay po sa sako.
04:03Yung mga kalakal, ano ginagawa ninyo dun?
04:05Pinibenta po namin, tapos pinipilihan.
04:08Oo, magkano kinikita nyo dun?
04:11Making kita nyo lang po, 50 or 100.
04:14Ah, malaki na rin. Tapos nyo ginagamit yung perang yun?
04:18Inaano po namin, pinampibilihan namin po ng pagkait, tapos minsan, pinapambahan po namin.
04:23Katatapos lamang dumaan ng isang bagyo, kaya maaga pa lang, naghanda na ang magpinsang lumaut.
04:43Sakay ng isang styrofoam, pumunta na sila sa gitna ng dagat.
04:49May bitbit silang mga sagbuan at sakong paglalagyan ng kalakal.
04:53Pagdating sa mababaw na bahagi ng tubig, lumusong na si Raven para mamulot ng basura.
05:23Plastic ang karamihan sa nakuha nila ngayong araw.
05:36May ilan kaming inabutan na nangangalakal din.
05:39Ang mga bata rin kasama, nag-i-enjoy sa pagsuswimming sa gitna ng mga lumulutang na basura.
05:48Nang puno na ang bankang styro, nagsagwa na pa-uwi si Raven at Patrick.
06:14Iyon nga lang, wala silang nakuhang notebook na magagamit sana nila sa eskwela.
06:25Maging ito raw kasi, hindi nila prioridad na bilhin mula sa bariya-bariya nilang kita.
06:33Mas nakalaan daw ito para sa pagkain ng kanilang itinuturing na pamilya.
06:38Paano nyo naisipan na meron dyan sa dagat?
06:46Nakita lang po namin na madaming notebook po, tsaka papel.
06:50Ah, as in nakita nyo na nandito may inaanod, parang ganun.
06:53Apo.
06:53Ah, tapos naisipan nyo na tumalun na kayo dito.
06:59Namagkapo lang.
07:00Pag may bagyo po, nasisira po yung mga bahay, tas may mga bag po na nakasabi, tas pag nalalaglag po yung sa dagat, tas kinakalkal po namin.
07:12May maikita po kami doon mga ball pen, mga crayola po, tapos papel, tas notebook.
07:20Lumuklat po namin, tas inaanod namin saan, electric pad.
07:23Electric pad?
07:24Hindi ang tagal nun.
07:26Oo.
07:26Bakit nyo tsinatsaga na ganun ang gawin?
07:30Labo kami pamsik.
07:32Oo.
07:33Labo kami teray.
07:34Tayo lang ako, latrabaho.
07:36Oo.
07:38Kayong dalawa talaga ni Patrick ang gumagawa kayo nun magkasama.
07:43Maraming salamat sa pagtutok sa eyewitness, mga kapuso.
07:46Anong masasabi nyo sa dokumentaryong ito?
07:49I-comment na yan at mag-subscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel.
Comments

Recommended