Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
PINAKAMALALA NA NGA RAW SA BUONG ASIA ANG TRAFFIC SA PILIPINAS!

Ayon sa 2025 TomTom Traffic Index, pangatlo rin umano ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa traffic congestion. Hanggang kailan ba ang matinding trapik sa bansa? Ano ang mga sanhi at ano-ano ang mga posibleng solusyon? Sasagutin ‘yan ni MMDA General Manager Nicolas Torre III sa Issue ng Bayan. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nagbabalik po ng hirit mga kapuso, pinakamalala sa buong Asya at pangatlo sa buong mundo ang Pilipinas pagdating sa traffic.
00:09Base po yan, sa kanalabas lang na 2025 TomTom Traffic Index Report na gumagamit ng GPS data sa pagsusuri.
00:18Batay sa nasabing report, katumbas po ng halos 6 na araw sa isang taon ang nasasayang sa bawat Pilipinong commuter dahil sa traffic.
00:25Ramdam na ramdam nga yan ng mga kapuso natin. Ito po ang mga pahayag nila.
00:30Paano po kayo naapektuhan ng traffic?
00:33Sobrang dami sasakyan at saka yung oras po na dapat kong makuha, hindi ko na makuha sa sobrang traffic.
00:39Pag traffic, kadagal makapagalik ng pasayero.
00:42Pagka pupunta ka sa work, mali-late ka kasi traffic. Tapos mainit pa.
00:49Ang laki ng oras na nakakain niya, iska i-maga akong nakapagalik.
00:53Pag papasok ko sa school or sa work, sobrang traffic.
00:56So laging ako nag-a-advance ng pasok and kailangan kong makagagumisig para lang makapasok ako.
01:03Ang matagal ng issue ng matinding traffic ang hihimahin natin na issue ng bayan.
01:08At live this morning, mga kasama po natin, MMDA General Manager, Nicholas Torre III.
01:24Sir, welcome. Good morning.
01:27Thank you, sir. Thank you.
01:28General GM, ang itatawag ko po sa inyo.
01:31Una-una, General, ano bang reaksyon ninyo sa Lomas na report na ito na Pilipinas ang most congested country sa Asia at ang Manila, nasa 40th most congested city na po?
01:42Ito na.
01:43Yes.
01:43Lumaki lalo ang challenge.
01:46Okay.
01:46At malaki sakit ng ulo nga yan.
01:48Pero yan, may solusyon yan.
01:50Hahanap na tayo ng solusyon.
01:51Ito ho'y tinatanggap natin. Hindi naman natin nire-refute. Hindi naman siguro.
01:56Those are the numbers. Hindi po pwedeng...
01:58Data ito, ano?
01:59Data yan.
02:00Okay. Sir, as a former Chief PNP, now General Manager ng MMDA, linawin nga po natin.
02:07Ang chairman po, si Atty. Romando Artes, kayo po ang General Manager, ano ba ang difference ng trabaho ninyo?
02:17In a private company, think of a CEO and a COO.
02:20Kayo po ang COO.
02:21Ako ang COO.
02:22Kayo mag-execute na mga polisiyang bubuin ng MMDA.
02:25Noong na-appoint po kayo bilang MMDA, General Manager, ano ho ang marching order sa inyo ng appointing authority, the President?
02:31Well, it's...
02:32Siyempre, tulungan ng MMDA, tulungan si chairman Artes sa mga day-to-day operations ng MMDA.
02:37Anything specific?
02:39Parang halibawa yan, masyado naman traffic, do your thing.
02:42Kasama yan.
02:43Kasi ang MMDA ay may pitong areas.
02:46Kasama dyan yung urban renewal, traffic, flood control,
02:49solid wage management, et cetera, et cetera.
02:52So, yan yung mga concern natin na dapat tinututukan.
02:57Pero, syempre, ang pinaka-concern po ng average Filipino ay yung traffic.
03:02Bilang General Manager, ang mindset nyo, I suppose, is you bring into the MMDA a law enforcement perspective.
03:10Ano ho kaya yung nakikita ninyo, General, ng mga low-hanging fruits?
03:13Ika nga, pag minamasdan nyo ang mga kalsada sa Metro Manila,
03:18meron ba kayong napapansin na pwede nating agarang i-implement ito
03:21na malaking magiging impact sa mga commuter at mga motorista?
03:24Alam mo, sir, yung una kaagad na expectation sa akin dyan, law enforcement,
03:28dahil pulis nga ako dati.
03:30Pero, dapat natin maintindihan, ma-explain sa ating mga kababayan,
03:34na ang traffic, ang pinakauna talaga dyan, engineering.
03:38Tatlong ikas yan eh.
03:39Engineering, education, enforcement.
03:43So, ang engineering, nagsisimula yan sa isa pang letter E, environment.
03:49Environmental scot.
03:50So, tinitingnan muna natin, anong itsura ng ating environment,
03:53anong itsura ng ating mga kalsada,
03:55yung datos na sinasabi ng TomTom.
03:58Yan, basically.
03:59And then, we go for the engineering.
04:00Paano ba natin ito i-manage through engineering solutions,
04:04itong mga problema ito.
04:05Tapos, education, maintindihan na ating mga kababayan,
04:07na ito ay ginagawa natin ito para sa ganitong purpose.
04:12And then, pag ang enforcement is sa dulo na yan eh.
04:16Kung hindi susunod, pipilitan natin sumunod.
04:19Gagamitan natin ng pwersa, na ticket, gagamitan natin ng multa, etc.
04:23So, bottom line, sa ngayon, last week,
04:28I went to UP National Center for Transportation Studies.
04:31Nagpag-usap sa kanila.
04:32Tapos, pumunta na kami sa Project NOAA.
04:34Kasi ang problema ng baha, at problema ng traffic,
04:37at problema ng basura, mga mag-putin sa nyo.
04:41Again, low-hanging fruits.
04:42Meron ba kayo mga observations?
04:44I know, kaka-one months na rin yung huwi yata ngayon.
04:46January 26.
04:48Nakaisang muna kayo. Tama ho ba?
04:49Essentially, this is my fourth week.
04:50Ah, fourth week. Okay.
04:52Ano, ano kaya mga, on the enforcement aspect,
04:54since yun yung expertise inyo,
04:56meron ba kayong balak na agaran na ipatupad
04:59para maging mabilis din ang impact,
05:02maramdaman din ang mga motorista?
05:03Well, ang una is,
05:06ilulaunch namin ito,
05:07last week na ito ng training
05:08at ng dry testing,
05:12yung five minutes response namin
05:14sa lahat ng mga kalsada.
05:15Alam natin na mga kalsada,
05:16as it is,
05:17ay congested lang.
05:18Mas lalong maging congested dyan
05:19pag may banggaan.
05:20Pag may tumirek,
05:21may aksidente o.
05:22So, lahat naman ng mga lugar
05:23na aming na-covered,
05:25yung radial at saka circumferential roads,
05:29ay yun ang sa MMDA na AOR,
05:33Arab Responsibility.
05:34Pag may banggaan dyan,
05:36kailangan ng constable
05:37ang aming mga traffic enforcer
05:39makarating sa loob ng limang minuto
05:40para makapag-provide ng kung ano man.
05:42So, yung five-minute response natin,
05:44nung kayo po yung chief PNP,
05:45dadalhin nyo dito sa MMDA
05:46in response to traffic accidents.
05:50Ayan.
05:50Again,
05:51we have to...
05:54Gusto namin is
05:55pag nagkaroon ng banggaanan,
05:59nakarating ang ating enforcer,
06:01review kagad ng CCTV
06:02at pag nakuha sa CCTV ang banggaan,
06:05i-extract na kaagad
06:06at sabihin na kaagad sa parties concerned
06:08na kunin namin ang mga waiver number nyo,
06:10ibibigyan namin sa inyo,
06:11tumabi kayo,
06:12doon kayo mag-diskusyon sa tabi ng daan.
06:14Correct, correct.
06:14Huwag sa gitna ng daan.
06:15Right.
06:16Para po masolusyonan yung traffic
06:17na nabagit ninyo,
06:18nakipag-uusap kayo sa NCTS,
06:20National Traffic...
06:22National Center for Traffic.
06:23Yeah.
06:24For transportation.
06:24Tapos yung NOAA,
06:25ano naman ho ang...
06:26ano yung highlights
06:27sa naging pag-uusap ninyo?
06:29Well, may mga partnerships
06:30na kaming online
06:32tapos magpipirmahan kami
06:34ng Memorial of Understanding.
06:36We took it up
06:38with the UP President.
06:40So,
06:40ang mga areas
06:43na pwede kaming mag-collaborate
06:44para...
06:46Yun nga,
06:46pinaka-importante nyo
06:47sa engineering design
06:48and engineering education
06:50sa ating mga kababayan.
06:52Yung traffic ho natin,
06:54hindi naman yan
06:54rumerespeto ng boundary
06:55ng mga LGU.
06:56Yeah.
06:57Kailangan ho siguro
06:58holistic,
06:59consistent
06:59ang ating traffic rules.
07:01Ano ho ang balak ninyo
07:02para gawing...
07:04Yun nga,
07:05maging mas...
07:06Kumbaga,
07:07isa-isa lang
07:07ang magiging prinsipyo natin
07:10sa pagpapatupad
07:11ng traffic rules
07:12sa Metro Manila.
07:13Actually,
07:13lahat naman ang ginagawa
07:14ng MMDA
07:14is done through
07:15the Metro Manila Council.
07:16So,
07:17ang presidente niyan,
07:18si San Juan Mayor Francis Zamora
07:20and silang dalawa
07:21ni Chairman Don.
07:23Kumusta na ba
07:23ang coordination ninyo?
07:25We're very, very...
07:26We're very, very close...
07:27Closely working with each other.
07:28Okay.
07:29Chairman Don is doing
07:30the liaison with them
07:32at pagkatapos ako rin
07:33personally sa ground level,
07:35ako ay personal
07:36nakikipag-usap
07:37sa mga mayors.
07:37Nagko-coordination ko lang
07:38sa ngayon
07:38nasa process ako
07:39ng coordination call
07:40and making sure
07:42that ang aming mga
07:43i-craft na mga solutions
07:45ay i-pe-present mo namin
07:47sa local government
07:48para merong
07:49merong acceptance,
07:51merong buy-in
07:52ang ating mga LGUs.
07:54Ito naman ho
07:54sa usapan
07:55na recently
07:56itong nag-viral na saguta
07:58ng enforcer at driver
07:59dahil
08:00kupas na yung yellow lane
08:02sa Pasay.
08:03Sa pahag po
08:04ng public PIO
08:05o Pasay Public Information Office
08:07idinulog na raw ito
08:08sa inyo,
08:08sa MMDA.
08:09Ano bang
08:10sagutin nyo rito
08:11at anong bang gagawin
08:12sa mga similar situations
08:14na burado na ho eh.
08:15Yung mga markings sa atin eh.
08:17Yan ang sinasabi natin
08:18na engineering solutions.
08:20So yan,
08:21nagkaroon ng dispute
08:22dahil nga
08:22totoo nga naman
08:23tanggap natin
08:24na talaga namang
08:25kumupas ang yellow lane.
08:26So ngayon,
08:27pinagawa na natin
08:27ang bago.
08:28May solusyon na kaagad muna.
08:30Pero ang sunod yan
08:31is eh
08:32tanggap naman natin
08:34na kailangan natin
08:35turuan pa
08:35ng customer relations
08:37ang ating mga enforcers.
08:38Just making sure
08:39that they know
08:40how to handle
08:40yung different situations.
08:43Kasi alam nyo naman,
08:44dyan sa ground,
08:44maraming mga variations
08:45yan eh.
08:46Walang cut and dried way
08:47to interact with people.
08:51So,
08:51sa mga variations na yan,
08:52tuturoan na lang natin sila
08:53on how to
08:54they be able to act
08:55professionally
08:56and they can act appropriate.
08:58At kailangan din
08:59siguro ma-realize
08:59sa mga enforcers natin
09:01na ang bayan
09:01eh nagbabantay.
09:03At may mga cellphone.
09:04Lahat ko ng mga motorista
09:05dyan may cellphone.
09:06Kung ano man yung gagawin
09:06nilang mali,
09:07eh talagang
09:08madaling ma-record.
09:10Ito naman,
09:11General,
09:11mga tanong ng bayan.
09:13Mula kay Ronald
09:14Loterio,
09:15sobrang daming
09:16private cars
09:17sa isang pamilya.
09:18Halos tatlo
09:18ang kotse.
09:19Sa isang pamilya lang yan,
09:20kahit wala namang
09:22paradahan.
09:23Paano ba ito
09:24susolusyonan,
09:25General?
09:26We will be very,
09:27very strict
09:27on, you know,
09:28yung street parking.
09:29Street parking.
09:30If it's allowed,
09:31then it's allowed.
09:31If it's not allowed,
09:32then it is not allowed.
09:33So,
09:34it will be done
09:35through the local government,
09:35through the barangay.
09:36At pag sinabi ng barangay
09:38na bawal dyan,
09:39ay mga...
09:40Ito ho,
09:40personal observation.
09:41Siguro ho,
09:42dapat consistent.
09:43Kasi yun,
09:43nagiging cut and mouse eh.
09:45Pag nandiyan na MNDA,
09:46kiklear nila.
09:47Pag talikod ninyo,
09:49ayan na naman sila.
09:50Totoo yan.
09:50Totoo yan, sir.
09:51Kailangan natin talagang
09:53magsimula naman
09:54sa ating mga
09:55maumayan
09:56ang pagsunod
09:57sa tamang
09:59alitong tunin.
10:00Ito,
10:01tanong naman ni
10:01John Dexter Dillara.
10:04Ang sabi po niya,
10:05ayusin nyo lahat
10:06ng road signage,
10:07road marking
10:07sa traffic light
10:08sa buong bansa
10:09sa isang buwan.
10:11May deadline si Kuya.
10:12Kaya ba yun,
10:13General?
10:14Yan, sir Ivan.
10:15Alam mo,
10:15yun nga ang sinasabi ko.
10:16Traffic engineering.
10:17Ayan,
10:18road signs,
10:18markings,
10:19and everything.
10:20So,
10:20we are continuously
10:21doing that.
10:22It is round the clock.
10:23May mga crew tayo
10:24na talagang
10:25walang katapusan
10:27na araw-araw.
10:28Tuloy-tuloy ang trabaho.
10:29Ito naman,
10:30kay Troy Aglup.
10:32May traffic court.
10:34May traffic court ba
10:34sa Pilipinas,
10:35General,
10:36saan maaaring
10:36i-appela yung mga
10:37traffic violation?
10:39May performance card ba
10:40yung mga enforcers ninyo?
10:42Okay,
10:43sa mga taga-MMDA,
10:44narinig nyo sa ating kababayan,
10:46di ko kilala yan,
10:47na performance card.
10:48Pero on the second week
10:50ng aking meeting dyan,
10:51individual performance card
10:52ang aking
10:53isa sa mga
10:54advocacies
10:55na gustong dalhin
10:55sa MMDA.
10:56Kasi ISO certified
10:58naman ang MMDA.
10:59So,
11:00i-institualize namin
11:01na bawat isang
11:02traffic enforcer
11:04araw-araw,
11:04may hawak siyang
11:05parang ID.
11:06Pero nandun,
11:07nakalagay kung ano
11:08ang kanyang mga
11:08expectations sa kanya,
11:09mga trabaho niya
11:10araw-araw,
11:11weekly,
11:11monthly.
11:12So,
11:12individual performance card.
11:13Ginawa namin sa PNPN.
11:15IP is Mikey
11:15ang tawag namin dyan.
11:16Isa ho yun sa mga
11:17balak nyong dalhin
11:18o dadalhin nyo talaga
11:19sa MMDA.
11:19Yes, yes.
11:21Ito, General,
11:22baka may panghuling
11:24mensahe po kayo
11:24sa mga Pilipinong
11:26araw-araw pong
11:27nakararanas
11:27ng matinding traffic,
11:28napeperwisyo
11:29sa matinding traffic.
11:30Thank you, Sir Ivan.
11:31Maraming salamat
11:32sa inyong pagbigay
11:34ng oras sa akin
11:35para maihayag
11:36ang mga programa
11:37ng MMDA.
11:38Rest assured
11:38na ang MMDA po
11:39ay nagtatrabaho
11:40para sa maghanap
11:42na solusyon
11:42para sa ating
11:43kalbaryo
11:44na araw-araw
11:44ay dinadanas.
11:46We feel you.
11:46Alam namin
11:47kung anong inyong
11:48naramdaman
11:48kasi ako rin mismo
11:49ay nagbibisikleta rin
11:51actually
11:51mula sa opisina
11:53hanggang sa
11:53bahay
11:57and bahay opisina.
11:58I've been doing that.
11:59So, naramdaman ko rin
11:59ang kalbaryo
12:01na dinadanas
12:02ng ating mga kababayan.
12:03So, sa ngayon
12:04ang MMDA
12:06ay nandito
12:07para magbigay
12:08ng mga agarang tugon
12:09sa inyong mga problema.
12:10Tawagan nyo lang po kami
12:11sa MMDA 136.
12:13Yan po ang hotline
12:14ng MMDA.
12:15May zero two lang po yan
12:16para inyong mahingi
12:17kung ano ang
12:18appropriate
12:20kung press one
12:21kung ito ay emergency
12:22gaya ng mga banggaan,
12:23nag-stall lang inyong
12:24mga sasakyan
12:24or kung ano man
12:25ang nakita nyong
12:26aberya sa daan.
12:27So, again,
12:29MMDA 136
12:30at kami po ay
12:30tutugon sa inyong
12:31mga pangangailangan.
12:32General, may ihahabol lang
12:34akong tanong.
12:34Eh, kasi po yung
12:35magiging impact
12:37ng trabaho ninyo
12:37as MMDA GM,
12:39talagang
12:40pag kayo po
12:41ay nag-succeed,
12:41talagang matutuwa
12:42ang mga kababayan
12:44natin sa inyo.
12:45Ano ba ang plano
12:46ni General GM
12:48sa 2028?
12:49Naku, Ivan,
12:50ang layo naman.
12:51Ang layo naman.
12:52Ano ba?
12:522026 mula pala.
12:53Kasi yun,
12:54lumulutan yung pangalan ninyo
12:55sa mga posibleng,
12:56alam nyo na,
12:57lumutang ang pangalan ko dyan.
13:00Pamaya,
13:01lumutang na ako
13:02sa Ilog Pasig.
13:04Eh,
13:05sa atin lang naman,
13:05Sir Ivan,
13:06maraming salamat
13:07sa inyong tiwala,
13:08maraming salamat
13:08sa mga tanong na ganyan.
13:09Pero pagbigyan nyo muna ako,
13:10magtrabaho muna
13:11sa ating mga kababayan
13:12sapagkat ito ay
13:13isang advokasya
13:15na hindi lamang
13:16para sa akin,
13:16kundi para sa pamilyar,
13:17para sa taong bayan.
13:19At kung gusto,
13:20speaking of takbo,
13:22malapit na po,
13:232026,
13:23tatakbo ako.
13:24Tatakbo ako sa takbo
13:26laban sa mga bully
13:26version 2.
13:28Ah, may ganun ah.
13:29Sige,
13:30tell us more about that,
13:32General,
13:32sa mga susunod na pagkakataon.
13:34Maraming salamat,
13:35General Torres,
13:36sir.
13:36Kung may take away ako
13:37sa interview na ito,
13:38isa yung
13:38five-minute response
13:40na pinapangako ninyo.
13:42Dadalhin ninyo sa MMDA
13:43yung five-minute response
13:44na ginawa ninyo sa PNP.
13:46At syempre,
13:47yung stricter enforcement,
13:49pag bawal,
13:49bawal.
13:50Dahil si General Torrejo
13:52ay enforcer,
13:53pero hindi lamang
13:54enforcement
13:55ang aspeto
13:55ng traffic management
13:56na rin din po
13:57ang engineering solutions.
13:59Mahaba-haba pa ito,
14:00General.
14:01Good luck sa inyo, sir.
14:01Good luck.
14:02Yes, sir.
14:02Maraming salamat, sir.
14:03So, ang mga mahalagang
14:04usapin ng bansa,
14:05bubosisiin at ihimayin natin
14:06dito sa
14:07Issue ng Bayan.
14:09Magbabalik po unang hirit.
14:12Ikaw,
14:13hindi ka pa nakasubscribe
14:14sa GMA Public Affairs
14:15YouTube channel?
14:16Bakit?
14:17Mag-subscribe ka na,
14:18dali na,
14:19para laging una ka
14:20sa mga latest kwento
14:21at balita.
14:21I-follow mo na rin
14:22ang official social media pages
14:24ng unang hirit.
14:26Salamat ka puso.
Comments

Recommended