Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Sinuri ni Chef JR ang presyo at suplay ng mga pangunahing bilihin sa Balintawak Market matapos ang sunod-sunod na bagyo na nakaaapekto sa mga pamilihan. Ibinahagi rin niya ang isang murang putaheng pampamilya na puwedeng ihanda kahit sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, isa sa mga pinangangambahang maapektuhan ng sunod-sunod na pananalasan ng bagyo ay yung supply ng ating mga pangunahing bilihin.
00:08Kamusta naman kaya ang mga presyo?
00:09Alamin niya ni Chef JR na nasa palengking ngayon.
00:12Chef, in general, kamusta ang supply at presyo ng mga bilihin dyan?
00:17Hi, Chef!
00:18Morning!
00:19A blessed morning, Brother Caloy.
00:21Ma'am Suzy, a blessed morning po sa inyo.
00:23Ang presyo po, mataas.
00:25Yun po yung general na nakikita natin dito.
00:27And tama po kayo, malaking epekto talaga ang supply dito.
00:30Kaya yung paggalaw nga ng presyo ng ating mga pangunahing pamilihin, lalong-lalo na po yung mga gulay, e talaga namang naapektuhan.
00:38Marami po sa atin, e talagang bumabangon pa rin.
00:40Pero eto nga yung isa sa mga nakakalungkot na realidad, e pati yung presyo ng mga pang-araw-araw natin, e gumagalaw talaga ng mataas.
00:49So tatanungin natin mismo, direkta dun sa mga nagtitinda, kung kamusta ba yung presyo ng ating mga gulay.
00:54Sir, magandang umaga po.
00:56Magandang umaga din po.
00:57Sir, kamusta po ang presyo ng gulay ninyo, sir?
01:00Ayos naman din po. Pag-usang pabago-bago.
01:03Etong ating talong, magkano po ito ngayon?
01:06Ngayon po, 40 ang kilo.
01:0740 ang kilo. Pero dati, magkano po ba yan?
01:1050, 60.
01:11So ito bumaba?
01:12Bumaba ngayon.
01:13Pero yung sa ibang kasama natin, nakikita natin, mataas pa, no?
01:16Etong okra natin, sir, magkano po?
01:1750 lang po ang kilo.
01:18Dati po ay?
01:19Dati po 80.
01:20Ah, bumaba itong parte na ito.
01:22Yung mga papaya natin?
01:24Papaya po, 30.
01:25Okay, so mababa rin ito, no?
01:28Ang peta na kumataas.
01:29Bakit po yung sa inyo ngayon, medyo mas mababa yung presyo?
01:32Kumpara sa ibang nagpipenta dito sa balito?
01:34Depende po ay sa klase yan.
01:36Ah, yung klase?
01:36Klase po ng okra.
01:39Okay.
01:40Maganda, mahal po.
01:41Mas mahal.
01:41So yun yung isa sa mga atento?
01:42Ayun po, sir.
01:43So mas marami po bang bagsak ngayon ng mga klas B.C.?
01:47Oo, marami nyo.
01:48Okay.
01:49So maraming salamat, sir.
01:50So ito si sir, na tsambahan natin, medyo mas mababa yung presyo niya kumpara dun sa ibang nakakausap natin dito.
01:57Ang sinasabi ni sir, malaking parte po niyan daw is yung quality or yung class, ika nga, nung kanilang binibentang gulay.
02:07Ito si ma'am, busy-busy nagbibenta.
02:10Ito, meron tayo ditong...
02:12Nay, magkano saan palaya mo ngayon?
02:14Ano ang palaya po?
02:15Ito po.
02:1680.
02:1780. Magkano po yun dati?
02:19Sandaan.
02:20Sandaan.
02:21Ah, sandaan, mababa rin ito.
02:22Okay.
02:24Ayan, mga kapuso, magandang balita po ito.
02:27Na sa ibang parte, kasi maganda pong gauge yung balintawak, na bagsakan kasi talaga ito.
02:32So kung sa mga lugar po ninyo, kung saan binibit-bit yung mga binibili dito ng bultuhan,
02:36eh, ma-expect po ninyo na may malaking pagbabago po talaga doon sa presyo.
02:41Eh, tayo naman, bilang food explorer, trabaho naman natin this morning,
02:45eh, pagbigay sa inyo ng isang budget-friendly na ulam.
02:49Ito po, personally, paborito ko po ito.
02:53Ito po yung ating sardinas with pechay.
02:56Pechay ngayon, mababa, mababa, baba ng konti yung presyo.
03:00So maganda itong ihain sa mga gantong panahon na kailangan natin magtipid.
03:05So meron tayo ditong sibuyas, bawang, and then isusunod na natin yung ating sardines.
03:15Yan.
03:15So itong ating niluluto, eh,
03:21mababa, bibigyan ko kayo ng presyo.
03:22Ito po, yung ating iginigisa ngayon,
03:27more or less nasa 100 pesos po yung ating budget dito.
03:30Yan, maganda dito is,
03:33kakasya na po ito sa family of five.
03:37Three to five person, makakapagpakain na po kayo.
03:40Maganda po dito sa recipe natin is,
03:43dahil mag-dense ang nutrients ng ating sardines,
03:47eh, kahit, kahit sabihin nating mura,
03:51eh, siguradong makakapagbigay pa rin ng nutrition
03:54para sa ating pamilya.
03:55And ito po, isang technique.
03:56Siyempre, makikita natin, medyo dry.
03:59Yung ating dish.
04:01Lagyan lang natin, extend lang natin
04:02para mas marami pang kaning maipatumba.
04:04Ika nga.
04:07So pakukuluan lang natin ito.
04:08Season na rin natin ng kaunti pang
04:10asin.
04:12Lagyan na rin natin ng paminta.
04:14Siyempre, yung ating sealing panigang.
04:15And, finally, yung parang pinakadahon
04:25ng ating petchay.
04:27So marami pa po tayong options ito ng gulay
04:29na pwede ninyong i-substitute
04:32doon sa ating petchay.
04:33Kung mas available sa inyo yung,
04:35kita natin, may mga petchay bagyo pa dyan.
04:38Kahit ano pong gulay na magandang ipares
04:41doon sa ating ever-dependable na sardinas.
04:44Yan, ito po.
04:46Although, you would expect na for a chef,
04:49gourmet yung mga kinakain.
04:51Ako, personally po,
04:52ito hindi nawawala sa menu cycle ko
04:55every week.
04:56Ang ating tinisang petchay with sardinas.
05:00Ito po, mga kapuso.
05:02Yung presyo nga po ng ating dish,
05:04ito po, ganito karami.
05:06Nasa 100 pesos.
05:08Can feed 3 to 5 persons.
05:10Siyempre, yung kanin,
05:12marami-raming maitutumba po ito,
05:13mga kapuso.
05:15Saktong-sakto sa mga gantong panahon na
05:17medyo kailangan natin maging praktikal,
05:20masustansya,
05:21pero sulit na sulit sa bulsa.
05:23Mga kapuso, sa mga solid na food adventure,
05:25laging tumutok sa inyong pambansang morning show
05:27kung saan.
05:28Laging una ka,
05:28unang hirit.
05:37Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
05:41Bakit?
05:42Mag-subscribe ka na,
05:43dali na,
05:44para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:47I-follow mo na rin ang official social media pages
05:50ng unang hirit.
05:51Salamat ka puso.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended