Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Mula Cebu hanggang Davao Oriental, sunod-sunod ang malalakas na lindol na naitatala sa bansa. Konektado nga ba ang mga pagyanig na ito at posibleng babala ng mas malakas pang lindol? Kasama ang DOST-Phivolcs expert na si Melissa Mae Garcia at ang live Earthquake Simulator, tatalakayin natin ang mga dapat malaman ng lahat.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, naging sunod-sunod nga ang malalakas at mapaminsalang lindol na tumama sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:07Nabisita ko at nasaksihang ko mismo ang nag-iepekto ng 6.9 magnitude na lindol sa Bogos City, Cebu.
00:16At ang doublet earthquake na may lakas na magnitude 7.4 at 6.8 sa Davao Oriental.
00:22Nakita po natin ang mga gumuhong gusali, mga bahay at nakumusta ang mga residenteng pansamantalang nasa mga evacuation area dahil sa pangambang lumindol ulit ng malakas.
00:37Ang tanong tuloy ng marami, babala na nga ba ito para sa pinangangambahang the big one?
00:43Yan ang pag-uusapan natin dito sa Issue ng Bayan.
00:48Para sakutin yan, makakasama natin si Melissa May Garcia, Science Research Specialist ng PHEBOX.
00:55Good morning, Melissa.
00:57Good morning po, Ma'am Susan, and good morning po sa ating mga viewers.
01:00At naku, eto, Melissa, sunod-sunod yung mga lindol at hanggang ngayon may mga aftershocks pa rin sa ibang mga lugar.
01:06Nangyari na ba ito noon na ganito kadalas magkalindol sa iba't ibang bahagi ng bansa?
01:10Even yung nangyari, yung 1990 earthquake, na nangyari na ba itong ganito?
01:15Yes, ma'am. Actually, nangyari na po siya before.
01:18Dahil po, alam naman natin na ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire.
01:22So, marami po talaga active falls and trenches dito sa Pilipinas na nagiging dahilan po ng paglindol dito sa ating bansa.
01:29Kaya napakahalaga po na lagi po tayong maghanda.
01:32So, nagkakaroon ng sunod-sunod.
01:34I mean, parang nagkalindol na sa Visayas, Mindanao, Luzon, di ba?
01:39Ano ba ito? Ito ba yung sinasabihin?
01:41Ako baka malapit na yung the big one?
01:43Actually, ma'am, hindi po natin masasabi na magkakaroon na nga po ba ng big one.
01:48So, linawin muna po natin, ma'am, yung term na sinasabi nating big one.
01:51The big one, o.
01:52So, yung big one po kasi ito yung sinasabi natin or nire-refer natin dito, yung malakas na lindol na pwedeng magdulot po ng malawak na pinsala.
02:01So, hindi lamang po ito sa Metro Manila, dahil nga po maraming active falls and trenches sa buong Pilipinas,
02:07pwede po itong mangyari sa kahit ano pong rehyon o probinsya.
02:10Kaya napaka-importante po na ito po ay ating paghandaan.
02:14Ngayon po dito sa Metro Manila, yung sinasabi nating big one,
02:18ay yung paggalaw po ng West Valley Falls na maaari pong magdulot ng magnitude 7.2 na earthquake scenario.
02:24O, Tomilisa, ang tanong din na marami at kung ano-ano yung mga nababasa ngayon online,
02:29ito yung mga tumamang lindol.
02:30So, konektado ba yung mga nangyari paglindol na yan sa Luzon, Visayas at Mindanao?
02:35Hindi po siya konektado, ma'am.
02:37Dahil nga po marami tayong active falls and trenches,
02:40talaga po lang nagkataon na naging sunod-sunod na malalakas po itong naramdaman natin.
02:45So, yung nagkakasunod-sunod, nagkataon lang din ba yun?
02:48Nagkataon lang din po siya.
02:49Actually, ma'am, sa office namin nakaka-record po kami ng around 30 earthquakes per day.
02:53So, normal po talaga. Ngayon lamang po ay,
02:56yun nga sabi ko, nagkataon siya, ma'am, na sunod-sunod na malalakas po ang nangyari.
03:00At yan, para mas maunawaan ang mga kapuso natin, ipaliwanag nga po natin itong the big one.
03:05So, pag nangyari yan, tayo ay talagang makakaranas ng mas matinding malakas na pagyanig, no?
03:14Na dapat ay paghandaan natin dahil kung hindi, baka tayo ay masaktan, ayan, madisgrasya, okay?
03:23At para mas malinawang pa po ng ating mga manonood yung pinag-uusapan natin
03:28tungkol dito sa the big one, ayan, ano-ano ba yung mga dapat natin nga gawin?
03:33Ito, papaliwanag pa rin sa atin ito si Melissa.
03:37Ito, ito, itong kulay red na yan, ano ba yan, Melissa?
03:40Bale, ma'am, ito pong nakikita po natin na kulay red po na yan.
03:43Yan po yung sinasabi natin na West Valley Fault, ma'am.
03:45So, ito po siya, ma'am, ito po yung East Valley Fault.
03:49So, ito po yung West Valley Fault, ma'am, simula po siya ng Bulacan,
03:53dumaraan po siya ng Quezon City, Marikina, Pasig, Makati, Taguig,
03:58and then pati rin po sa Montenlupa.
03:59Dire-direcho po ito hangga po Cavite at Laguna.
04:02Yan yung talagang ano eh, parang ang dami-dami natin nakikita ngayon sa social media
04:08na nagdudulot pa ng mas matinding takot doon sa mga kababayan natin.
04:12So, sa West Valley Fault, yung mga gumalaw na fault doon sa Luzon, Visayas at Mindanao,
04:18hindi ito yun?
04:19Hindi po ito, iba pang fault po yung dumalaw.
04:22Sa Cebu po yung tinatawag po natin na Bogo Bay Fault,
04:25at doon naman po sa Mindanao ay yung pong Philippine Trench.
04:28Tapos yan, di ba, meron tayo mga inilagay dyan ng mga parang mga kwadrant, di ba?
04:34Kung saan-saan kayo pupunta.
04:35Importante malaman ng mga kababayan natin,
04:37saan pupunta kung sa kasakali na makaharanaso tayo ng malakas na pagyanig?
04:41Yes, ma'am. Dahil nga po meron na po tayo na plano para doon po sa ating magnitude 7.2 earthquake scenario.
04:48So, nagkaroon po tayo ang tinatawag nating Metro Manila Contingency Plan,
04:52kung saan nakapagplano po tayo na kung sakali man po na magkaroon ng isolation
04:57dahil po sa mga building, fire or bridge damages.
05:00So, para po sa mga nasa north area,
05:02Pina sa north, ito yung Veterans Memorial Medical Center.
05:05Anong lugar yung pwedeng pumunta dyan? Saan sila? Tagga Quezon City?
05:09Bali po yung Caloocan, Quezon City, Valenzuela, ma'am, San Juan, Mandaluyong,
05:13pwede po sila dyan pumunta dyan po yung ating magiging emergency operation centers.
05:19Okay, sa west, eto naman, sa west quadra pa niya?
05:20Sa west naman po ay yung Manila, Malabon, tsaka Navotas,
05:24and then pwede po silang pumunta doon po sa ating Intramuros Golf Course.
05:27So, may golf course doon. So, south naman tayo yung Villamore Air Base Golf Course.
05:31Yes po, ma'am.
05:32Ito yung mga galing saan? Pasay?
05:33So, from Pasay, Makati, Pateros, Taguig, Paranaque, Las Pinas, and Montenliu pa,
05:38dito po sila, ma'am, sa Villamore Air Base.
05:40Pati po yung ating Field Hospital, ay dyan din po.
05:43Itong east?
05:44For east naman po, Marikina at Pasig lamang po yan.
05:47Dito po sila pupunta sa my LRT to Santolan Depot.
05:51Ah, para mas maintindihan po natin yung posibleng lakas ng iba't ibang magnitude o intensity ng lindol,
05:58lalikad dito, Ms. Melissa, mayroon tayo ditong earthquake simulator. Ayan.
06:03Eksun lang, Akan.
06:04Teka lang, dito tayo. Ayan.
06:06Ayan, si Karyl. At saka si Anjo.
06:09Ayan.
06:10Nakakikita natin, may iba't ibang level ito, diba?
06:12At, ah, ito yung naramdaman ng mga kababayan natin, diba, Melissa?
06:17Lalo na dyan sa Cebu, diba? Hanggang ngayon may mga aftershock.
06:20Ah, makikita natin yung mga pwedeng mangyari sa loob ng bahay.
06:25Hanggang, ay, yan ganyan, lakas ba yan? Ano yan, Melissa?
06:27Yan, mga nakikita natin. Ito intensity 7 to intensity 8 po yan.
06:31Nakita natin, ma'am, tumumba yung ating mga gamit sa loob, yung halaman.
06:35So, ganyan po yung posibleng mangyari.
06:37At tandaan natin, ma'am, na pagka yung building ay hindi po siya sumusunod sa building code
06:41o hindi tama yung pagkakagawa, ay definitely po siya ay masisira at mag-collapse.
06:45So, halimbawa, nararamdaman yung ganyan.
06:48Hilo na yan, tata, yung ating mga tao dito.
06:50Halimbawa, nararamdaman natin yan.
06:52Teka lang, wag po na kayo. Alas, pahinga lang kayo tatanong.
06:55Halimbawa, nararamdaman mo na yung ganyan, Melissa?
06:57Ano ba dapat gawin? Manatili ka, gaya ng ginawa ni Karila at ni Anjo,
07:00na kumapit lang o minsan yung iba ang gusto nila,
07:04makalabas agad ng bahay o ng building.
07:06Ano ba dapat gawin?
07:06Dapat po, ma'am, haba po nararamdaman natin yung paggalaw o yung ground shaking.
07:10Dapat po ay mag-duck cover and hold po muna tayo.
07:12Duck cover and hold.
07:13Once na huminto, tsaka lamang po tayo dapat mag-evaculate.
07:15So, yung ginawa ni Karila at saka ni Anjo, tama yan?
07:18Tama po siya, ma'am.
07:19Kumapit lang sila.
07:20Kumapit lang sila, ma'am.
07:20Kaya lang tanoyin natin kung nasa huwisyo pa yung dalawa.
07:23Anjo, ikaw, kumusta? Ano naramdaman mo?
07:25Ebi, ang galing kasi parang lindol talaga.
07:27Hindi ka may minariningan na magsisimulan.
07:29Okay, oo.
07:29Nakakataranta siya, nakakahilo.
07:32Karila, okay ka lang?
07:33Ano narin ko kasing kinain kanina.
07:36Tapos may injury pa ako.
07:39So, parang importante palang ready ka, nakapag-stretching ka na sa umaga for anything.
07:44Oo, pero nahilo ka ba?
07:47Nahilo ka?
07:48Medyo.
07:49Medyo, ikaw, anjo?
07:50Medyo.
07:51Nahilo.
07:52Hindi, pero totoo yan.
07:53Alam mo, pag nakaharanas kayo ng paglindo, lalo na kung may kalakasan.
07:57Ano yan eh, talagang dapat makiramdam ka lang muna.
08:00Para alam mo kung ano yung susunod mong gagawin.
08:01Haniba, nando kami sa Cebu, may mga aftershocks talaga.
08:04So, parang bigla ka itutulak, di ba?
08:06At ito, may debate rin online sa Melissa.
08:09Sabi ng iba, kung inabutan ka ng lindol sa building at mas malapit ka
08:13o mas malapit ka sa taas na gusali,
08:15mas okay rin na umakit ka na lang sa pinaka mataas
08:18para hindi ka madaganan dahil matatagalan pa kung bababa ka.
08:23Ano ang tama, Melissa?
08:24Bumaba, tumaas.
08:25Bale po, ang ina-advise po namin sa Feebox na dapat po tayo po ay go down
08:29and go out.
08:31Importante po kasi, ma'am, na tayo po ay wala na dun sa building.
08:34Tayo po ay makapunta sa evacuation area
08:36kung saan mas mataas po ang chances na tayo po ay mag-survive,
08:39mabigyan ng mga tulong kung kinakailangan.
08:41So, kahit anong palapag ka, basta ang goal mo dapat is to go down?
08:46Yes, ma'am, yun po ang goal natin.
08:48Kung halimbawa, ma'am, nasa 42nd floor ka,
08:50tapos nakaramdam ka ng shaking,
08:52the cover and hold, tapos tayo po ay mag-evacuate.
08:55Once na huminto, kung may aftershocks po,
08:57the cover and hold po ulit,
08:58tsaka po tayo patuloy na lumabas.
09:00Halimbawa, dito, nasa 16th floor ka,
09:02susunod dun, ano na ba, parang helipad na yan, ganyan.
09:06Di, mas malapit ka na doon sa open.
09:09Hindi safe yan.
09:10Hindi po natin siya ina-advise, ma'am,
09:12kasi pwede po rin po na kung hindi man po siya magiging pancake collapse,
09:15pwede pong paggilid, so pwede pa rin po kayong,
09:18delikado pa rin siya, ma'am.
09:19So, ang importante talaga natin, ma'am,
09:21ay makapunta tayo sa open space kung saan tayo mas ligtas.
09:24Oo, Melissa, may mga kumakalat din online na tips
09:26na para rin makaligtas sa lindol kung nasa loob ng establishmento.
09:30Gawing yung tinatawag na triangle of life theory.
09:33Totoo ba ito?
09:34Halimbawa, dito tayo sa loob ng studio.
09:36Meron ba tayo itong, ano yung triangle of life?
09:39Yun nga, ma'am.
09:40So, mahirap po kasi ang triangle of life.
09:42Kailangan, habang lumilindol, isipin natin,
09:45saan ba pwede mag-form ng triangle?
09:47Kaya hindi po ito nire-recommendan ng Feebox.
09:49Ang sinasabi po natin, gawin natin ang dock cover and hold.
09:53Sa triangle of life po kasi,
09:54hindi natin ako considera na,
09:56paano kung sa kabilang side pala,
09:57tumumba yung ating furniture o yung gamit,
10:00hindi siya mag-form ng triangle.
10:01At dapat tandaan natin,
10:03during the earthquake, intense po ang shaking dito.
10:06So, kung baga ma'am, kung nag-forman siya ng triangle,
10:08gagalaw po ito, pwede siyang ma-dislodge,
10:11matapol yung mga gamit.
10:12So, baka mas maipit ka pa po lalo.
10:14So, ano yun?
10:16Talagang dapat ang goal mo ay makalabas.
10:18Siyempre, lagi rin pinapaalala ngayon na dapat
10:20mayroong mga go bag.
10:22Ayan, may mga LGU na namimigay na rin ang go bag.
10:25Recap lang natin, ano ba yung dapat ng mga go bag
10:28gaya ng hawak ni Caril at saka ni Anjo.
10:30Anjo, open mo nga yan.
10:31Miss Melissa, ano dapat laman ang go bag natin?
10:34Siyempre, ma'am, importante na mayroong food, water,
10:38yung ating mga go bags.
10:39Mayroon din po tayo dapat ng mga whistle.
10:41Whistle.
10:42O kaya naman po, mayroon tayong mga flashlight.
10:44Tama, ma'am.
10:45Kung mayroon tayo na battery-operated na radio,
10:47importante ito para alam natin yung balita
10:50at hindi tayo basta-basta nakikinig sa mga fake news, ma'am.
10:53And then of course, dapat meron din po tayo yung,
10:56kung meron tayong first aid kit na pwedeng gamitin.
10:59And then mga matches or pwede rin, ma'am,
11:02kung meron tayong mga sakit, naglagay tayo.
11:04Ay, mga pang ano sa sugat, yung bandage, ano.
11:06Kasi bintan, hindi mo alam, masugatan ka.
11:08Importante, may pang-ampat ka ng dugo, eh, di ba?
11:11Hindi mo alam kung ano yung pwede mangyari sa'yo.
11:13Ako, maraming salamat, Melissa May Garcia ng Feebox.
11:17Mga kapuso, dapat maging handa sa anumang sakuna
11:19para mas maiwasan ang mas malaking pinsalang maidudulot nito.
11:24Ayan.
11:24Mag-iingat po tayo, mga kapuso,
11:26at lagi tayo magdasal.
11:28Salamat, Melissa.
11:29Salamat rin, Melissa.
11:29Thank you so much.
11:31Wait! Wait, wait, wait!
11:34Wait lang!
11:35Huwag mo muna i-close.
11:37Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
11:40para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
11:43I-follow mo na rin ang official social media pages
11:46na ang unang hirit.
11:48Thank you. O, sige na.
Comments

Recommended