Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
Hinding-hindi natatapos ang usapin ng korapsyon sa flood control projects! May panibagong development kahapon nang bitbit ang search warrant, pinuntahan ng Bureau of Customs ang garahe ng pamilya Discaya.

Mula sa 40 luxury cars, dalawa lang ang tumugma sa nasa warrant. Ayon pa kay Senator Jinggoy Estrada, hindi lang 28 kundi 80 umano ang sasakyan ng mga Discaya—kalahati rito ay luxury cars. Ano ang ibig sabihin nito sa imbestigasyon?

Alamin sa ating Kapuso sa Batas, Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sabi nga nila, the plot thickens.
00:03Hindi-hindi natin tatantanan ang issue ng korupsyon sa flood control projects.
00:09At eto na nga ang development.
00:11Natuntun na kagabi ng Bureau of Customs ang 12 luxury cars ng mga diskaya na subject ng kanilang search warrant.
00:20Pito sa mga ito ay iginarahe na sa St. Gerard Construction Office ng mga diskaya sa Pasig.
00:26Kabilang ang Rolls-Royce, ang Bentley, ang Mercedes-Benz G-Class at ang Toyota Tundra.
00:34Bago matuntun ang San Dosen ng luxury cars, dalawa lang sa mga ito ang nadatna ng BOC sa naonang inspeksyon nito kahapon ng umaga.
00:45Ayon sa tagapagsalita ng pamilya diskaya, nagkataon lang yun at hindi itinago ang mga sasakyan.
00:52Yan ang pag-uusapan natin. Ask me, ask Atty. Gabby.
01:03Talaga lang ba?
01:05Atty, pakipaliwanag nga po kung ano ang ginagawa sa search warrant.
01:09Sinasabi kasi na nung unang puntahan ang compound nung gabi, hindi raw pinapasok ang mga tauhan ng BOC.
01:16Kapag ba may search warrant, pwedeng pasukin ang property kahit walang pahintulot ng may-are.
01:23Well, theoretically, pwedeng-pwede. Ayon sa Rule 126 of the Revised Rules of Criminal Procedure.
01:29Maraming rules ukol sa mga search warrant na kailangan sundin, hindi basta-basta na nakakakuha nito.
01:36Dahil nga ang karapatan ng mga mamamayan laban sa mga illegal na search at seizure ay guaranteed ng ating constitution.
01:43Pero once magkaroon ng isang validly issued na search warrant, authorized ang mga nage-enforce na ito na gumamit ng tinatawag nating reasonable force in case hindi sila papasukin.
01:55Hindi naman talaga hinihingi ang pahintulot ng may-are, mawawalang visa naman ang search warrant kung maaaring tumanggi ang may-are kung ayaw nilang papasukin dahil nga guilty.
02:06Pero hindi rin naman walang galang ang paggamit ng warrant.
02:10Kaya't meron tayong tinatawag na knock and announce rule, kailangan ay daanin sa maayos na paraan ang paggamit nito.
02:17Kakatok, magri-ring ng doorbell, magpaparamdam, magsasabi na nandun sila kung sila nga yung polis,
02:23halimbawa para mag-enforce ng search warrant at kung sino sila at kung bakit sila nandun.
02:28So hindi raw pinapasok ng mga security guard pero actually, hinayaan lang nila at nag-exercise daw ng maximum tolerance ang polis at ang BOC.
02:38Pagkatapos nun, dapat ang search ay gagawin sa tapat ng occupant ng bahay o miyembro ng pamilya nito.
02:45Kung wala, dalawang witness mula sa lokalidad para siguraduhin na walang miglagrong mangyayari.
02:52For that purpose, actually required na rin na may gamit na body-worn camera or some other alternative form of recording device
03:00ang mga nag-implement ng search warrant.
03:02Ito ay ayon na rin sa rules ng Korte Suprema.
03:05Kung walang gamit na ganitong body-worn camera,
03:08maaaring maging inadmissible na gamitin ang kahit na anong ebidensya
03:12na makukuha sa isang search na hindi sumusunod sa requirement na ito.
03:17So kailangan merong camera.
03:20Attorney, ito pa ang lumulutang na tanong ng bayan.
03:24Sa sobrang mahal ng luxury cars,
03:26kung sakaling napatunayan na iligan ang pag-import sa mga ito,
03:30kukumpus kayo ba ito at saan po mapupunta?
03:33Sabi ka ng iba, paghati-hatihan lang na lang yan ang taong bayan.
03:37Pwede ba ito?
03:37Biro pa ng ilan, kahit yung payong na lang sana ang makuha nila.
03:42Uunahan nyo pa ako.
03:43But in any case,
03:45ang importasyon nga po ng mga luxury cars na hindi nagbayad ng tamang buis
03:48ay maraming talagang serious consequences
03:51ayon sa Republic Act 108.63
03:54o ang Customs Modernization and Tariff Act.
03:58Maraming penalty, fines, surcharges at interest,
04:01patong-patong yan,
04:02na kailangan bayaran at ang kotsi mismo
04:05ay talaga namang maaaring ma-forfeit
04:08o kukumpiskahin ng gobyerno.
04:10Pero unfortunately,
04:11hindi po tayo kasali sa paghahatian dyan.
04:14Hindi nyo pwede i-reserve din ang payong
04:16dahil ang kotsi ay gagawing
04:18pambayad ng mga buis,
04:20penalty,
04:21surcharge at interest
04:23na dapat ay binayaran in the first place
04:25in favor of the government.
04:27Kung smuggled ba yan or something.
04:29Magkakaroon ng public auction
04:30at ang babayaran ng magbibid
04:33ay yung amount na dapat nga
04:35na napunta sa pamahalaan.
04:37So, sorry na lang po,
04:38kanya-kanyang bilin na lang po tayo
04:40ng payong.
04:41Pero hindi nabalik
04:42kung hard-earned pera natin
04:44ang gagamitin
04:45at hindi
04:45pondo ng bayan.
04:47Ang mga usaping batas,
04:49bibigyan po nating linaw
04:50para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:53Huwag magdalawang isip.
04:55Ask me.
04:56Ask attorney Gabby.
04:57Ikaw,
05:00hindi ka pa nakasubscribe
05:01sa GMI Public Affairs
05:02YouTube channel?
05:03Bakit?
05:04Mag-subscribe ka na dali na
05:05para laging una ka
05:07sa mga latest kwento at balita.
05:09I-follow mo na rin
05:09ang official social media pages
05:11ng unang hirit.
05:13Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended