Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Sa gitna ng pagdami ng road rage incidents ngayong holiday season, pinag-usapan ni Atty. Gaby ang viral na away-kalsada sa Marikina City at ipinaliwanag kung ano ang maaaring kaharapin ng mga sangkot ayon sa batas. Ask me, Ask Atty. Gaby. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ngayong holiday, ang mapapayo ko lang sa inyo, chill, chill lang ng konti.
00:08Kumalma po kayo at habaan ng pasensya, lalo na sa mga kapuso nating motorista.
00:15Gabi-kabila po kasi ang insidente ng away, kalsada at road rage ngayong holiday season.
00:22Sa Marikina City, viral ngayon ang isang away dahil sa singitan sa parking.
00:28Nako, luma na yung issue na yan.
00:32Sa video, makikita ang bangayan ng mga driver.
00:36May isang ng headlock at meron ding nakipagtulakan at hampasan pa sa mga sakay ng katabing kotse.
00:43Dinala sa police station ang mga sangkot na nagkaareglo na raw.
00:47Pag-usapan natin ang insidente niyan, ask me, ask Atty. Gabi.
00:58Attorney, ang daming mainitin ang ulo ngayong holiday, lalo na sa daan.
01:06In general, ano po ba ang sinasabi sa batas tungkol sa mga away kalsada?
01:11Well, sa totoo lang, walang pinipiling panahon ang bataas holiday man o ordinaryong araw.
01:16Kapag may away kalsada o road rage, pwede itong pumasok sa iba't ibang paglabag depende sa ginawa o kung ano nangyari.
01:25Kung sigawan, murahan, pagbabanta, pwede ito pumasok sa unjust vexation or grave threats sa ilalim ng revised penal code.
01:33Kung may pisikalan na tulad ng tulakan, suntukan o pananakit, pasok ito sa physical injuries under the same law.
01:41Sa usapin ng driver's license ayon sa RA 4136 or ang Land Transportation and Traffic Code,
01:48sa first offense, pwede itong patawan ng multa o kailangan dumalo sa seminar.
01:53Sa second offense, maaaring masuspend ang lisensya.
01:57At kung paulit-ulit or actually, sa unang insidente pa lang pero malala ang paglabag,
02:03pwede ma-revoke na agad ang lisensya.
02:05Yeah, importanteng tandaan na kahit nang nagkaareglo na sa presinto,
02:10hindi automatic na mawawala ang pananagutan,
02:13lalo na kung may nasaktan o malinaw na paglabag sa batas,
02:17or obviously, you are a menace to the pedestrian or to your other co-motorist.
02:22So, yung mga hindi dapat nagdadrive, talagang tatanggalin natin yan.
02:27Anyway, attorney, itong viral video nag-away naman dahil sa parking.
02:32Problema rin kasi ngayong holiday rush.
02:34Ano naman po ang sinasabi ng batas tungkol dito sa isyo ng parking?
02:39Pwede nga po ba ang first come first serve?
02:42Actually, sa public or private parking spaces,
02:46dapat naman talaga first come first serve ang basis sa paradahan.
02:51Ibig sabihin kung sino ang unang dumating at maayos na pumarada,
02:55siya ang may karapatan sa pwesto,
02:57unless of course, ito ay reserved parking tulad ng para sa mga disabled,
03:02di ba, or yung mga PWD.
03:04At bawal ang pag-reserve, naku, eto na.
03:07Bawal ang pag-reserve ng parking gamit ang tao, upuan, o harang.
03:12Ito ay talagang nagahanap ng away,
03:15lalo na sa mga crowded mall,
03:17tapos may tatayo na tao para mag-reserve ng parking slot.
03:21Eh, naku, talaga nagiging dahilan yan ng road rage nga dahil dito.
03:26Kapag nakatapat po kayo ng mainit ang ulo,
03:29baka kayo pa ang masaktan sa ginagawa ninyo.
03:32Kaya marami sa mga mall natin,
03:34nag-issue na ng mga rules in black and white na bawal ito.
03:38Kasi nga, first come first serve dapat.
03:41Tandaan din natin sa mga lansangan naman,
03:44at least sa Metro Manila,
03:46bawal ang parking at anytime sa mga primary roads
03:50tulad ng EDSA, Commonwealth, Shaw at Rojas Boulevard, among others.
03:55Kapag secondary road o yung mga nakakabit sa mga primary roads,
03:59depende kung pinapayagan ng LGU na may sakop dito,
04:03pero for sure, bawal sa rush hours ng 7 to 10 ng umaga
04:07at 5 to 8 ng gabi.
04:09Sa mga residential area naman,
04:11depende na siguro sa mga barangay
04:12or sa mga homeowners association,
04:15lalo na kung ito ay gated community
04:17na merong mga sariling rules na pinapalaganap.
04:20Siyempre, talagang bawal ang pagpark sa harap ng driveway.
04:24Mga sidewalk at sa mga may fire hydrant.
04:28At, ito pang isa pang issue,
04:31hindi nyo pwede pagbawalan ang kapitbahay ninyo
04:34na pumarada sa kalye sa tapat ng bahay ninyo.
04:38Hindi nyo po pag-aari ang kalsada sa tapat ng bahay ninyo.
04:41Bawal nga sa driveway,
04:43pero sa kalye ay free for all yan.
04:45Marami na nag-aaway tungkol dito.
04:48Tapat ng driveway, bawal.
04:50Tapat ng bahay, pwede.
04:51So, magta-2026 na,
04:53sumunod po tayo sa mga rules and regulations at mga batas.
04:58Hindi lang po ito iwas-away.
05:00Importante din kapag sumusunod ang lahat sa batas,
05:04hindi kailangan ng magsuhul pa sa polis
05:06para hindi kayo hulihin.
05:08Walang dahilan para mag-umpisa ng petty corruption.
05:12Dahil alam nyo na,
05:13ang petty corruption later on,
05:15nagiging major graft and corruption na yan.
05:18Kung baga, nag-uumpisa sa maliit na butiki,
05:21nagiging buhaya sa kulit.
05:24Ang mga usaping batas,
05:25ibigyan po natin linaw.
05:27Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:29huwag magdalawang isip.
05:31Ask me,
05:32ask,
05:33Attorney Gabby.
05:35Ikaw,
05:36hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:39Bakit?
05:40Pagsubscribe ka na,
05:41dali na,
05:42para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:45I-follow mo na rin ang official social media pages
05:48ng unang hirit.
05:49Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended