Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng isang videoke set na nagkakahalaga ng halos ₱30,000 sa isang restaurant sa Marikina. Ano ang posibleng kaso at pananagutan ng suspek? Ask me, Ask Atty. Gaby. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00I love you, always, forever, near or far, closer together, everywhere, I will be with you.
00:22But, oo, pero teka muna, wait a minute, kapeng mainit, bakit walang music? Asan na ba yung video kay?
00:33Baka naman ninakaw na naman, gaya ng sakasong to.
00:37Nako, sa Marikina, sa pool, sa CCTV, ang panlaloob ng isang lalaki sa isang ginagawang restaurant.
00:44Ang kanyang ninakaw, videocassette.
00:47Sa video, umakyat sa gate ang suspect at pumasok sa ginagawang restaurant.
00:53Maya-maya pa, binuhat niya ang isang kahon palabas ng gate.
00:56Bumalik pa ang lalaki at kumuha ng isa pang kahon.
00:59Isinakay niya ang mga ito sa sidecar at saka tumakas.
01:04Natangay ng suspect ang halos 30,000 pesos na videocassette.
01:09Naaresto kalauna ng suspect na sinabing nagawa raw magnakaw dahil sa gutom.
01:14Pang-apat na beses na rin daw nahuli ang suspect dahil sa pagnanakaw.
01:19Pag-uusapan natin ang insidente nga yan, ask me, ask Attorney Gabby.
01:28Well, kung gusto nyo, kakantahin ko na rin lang.
01:30Pero, attorney, naka-apat na beses na na-aresto na ang suspect.
01:35Sabi niya, wala na raw pang lima, promise.
01:37Ipaliwanag nga po natin para sa mga nagtataka, bakit po ba nakakalaya ang magnanakaw kahit pa ulit-ulit na?
01:47Well, in a perfect legal world, ang isang taong apat na beses na nahuling nagnanakaw ay dapat napaparusahan ng mas marahas.
01:57Magnakaw ka ng minsan, medyo linyan pa ang batas.
02:00Pwede pang mag-apply for probation, ibig sabihin upon conviction, may conviction po ng West, for theft.
02:08Imbis na ikaw ay ilalagay sa masikip na kulungan, pwede kang umuwi at magtrabaho, mag-aral, mag-community service at mag-counseling.
02:17Ang tingin ng batas, baka nada pa lang.
02:20Maaari pang ma-reform at ibalik sa tamang landas.
02:23Pero one time pass lang po itong probation, gusto sana ng batas ay mabigyan ng minsang nagkamali ng pagkakataon na magbago.
02:32Pero para sa first timer po lamang ito at para lamang sa mga magaan na krimen, yung hindi lalampas ng 6 na taon ang penalty.
02:40So hindi qualified for probation ng mga mamamatay tao, mga drug pusher at iba pang guilty ng mga heinous crimes.
02:46Pero kung tatlong beses ka nang nagnakaw, teka muna, hindi ka na isang kawawang ninalang na nagnakaw dahil sa matinding pangangailangan o matinding gutom.
02:57Professional criminal ka na, talagang dapat ituring bilang isang kriminal.
03:02Lalo na nga kung ikaw ay makisig, malakas, kayang-kaya na sana magtrabaho.
03:07After the first conviction, ang inulit pa ng dalawa o tatlong beses, mas mabigat na dapat ang magiging penalty.
03:13Actually, ang taong nakonvict na minsan halimbawa ng pagnanakaw, tapos nagnakaw ulit, recidivist ang tawag natin dyan.
03:22At dapat sa pangalawang paghatol ng judge sa kanya, maximum penalty ang ibibigay.
03:28Yan ang magnanakaw na nagnakaw ng dalawang beses.
03:32Pero ang magnanakaw na nagnakaw ng tatlong beses in 10 years, hindi na po recidivist ang tawag sa kanya.
03:39Habitual delinquent na siya sa ilalim na batas, at ang habitual delinquent, hindi lang maximum ang penalty na parusa,
03:47may dagdag pa na taon na kulong in addition to the usual penalty for theft, halimbawa, or robbery.
03:54So bakit ang madalas magnakaw ay naglalakad pa rin ng malaya para magnakaw ulit ng paulit-ulit?
04:00Dahil ang requirement ng batas ay conviction ng pagnanakaw, not just once or twice or thrice para mag-apply ang rules on recidivism and habitual delinquency.
04:11Kadalasan kasi pag nahuli, hindi tinutuloy ang kaso.
04:16Naaawa, hindi kakasuhan.
04:19E di sa mata ng batas, innocent pa rin siya dahil hindi pa siya proven guilty.
04:24Tapos nga, magnanakaw ulit.
04:26Mahuhuli muli, pero hindi na naman matutuloy ang kaso ang biktima dahil yung biktima ayaw nang ituloy ang kaso.
04:34Ayaw mag-attend ng hearing.
04:36Eh ayun, dismissed na naman ang kaso.
04:38Inocente na naman ang magnanakaw sa ilalim ng batas natin.
04:43Kaya kahit paulit-ulit na alam na lahat na guilty naman ang magnanakaw na ito, tulad yan sa barangay, alam na magnanakaw siya ng apat na beses, without a conviction by a judge.
04:54Kung hindi natin itutuloy ang kaso, talagang ganun po ang magiging epekto.
04:59Ang professional magnanakaw, ngingising-ngising maglalakad ng malaya para magnakaw ulit.
05:04Kaya't ang payo natin, ituloy niyo po ang kaso kung gusto niyong maturuan ng leksyon, ang mga magnanakaw na paulit-ulit na gumagawa ng mali sa ating mundo.
05:15Huwag magpaloko na hindi mauulit muli, na hindi na siya magnanakaw ng pang limang beses pa.
05:21At dahil love month ngayon, ganun din po ang payo natin.
05:27Mahuli niyo ng minsan, baka pwede niyo pang patawarin.
05:30Mahuli niyo ng dalawa, tatlo o apat na beses.
05:33Pag pinatawad niyo pa, hindi na po pagpapatawad ang tawag diyan.
05:38Iba na ang tawag diyan.
05:40Alam niyo na kung anong tawag diyan.
05:42Ang mga usaping batas at pag-ibig, bibigyan po nating linaw.
05:46Para sa kapayopan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
05:50Let me sing, Ask Me, Ask Eternie Gabby.
05:57Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
06:01Bakit? Pagsubscribe ka na dali na.
06:04Para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
06:07I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
06:11Salamat ka puso.
Comments

Recommended