Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Caught on cam sa Teresa, Rizal — isang kotse, sinadyang banggain ang motorsiklong minamaneho ng estudyante! Ano nga ba ang pananagutan ng driver sa ganitong sitwasyon? Alamin kay Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mulit-muli po, lagi naming paalala.
00:04Huwag daanin sa init ng ulo ang mga insidente sa kalsada.
00:08Sa Teresa Rizal, caught on cam ang isang kotse ng bangga sa isang rider.
00:15Makikita sa video na nagpagulong-gulong ang rider na isang estudyante
00:20sakay ng kanyang motosiklo matapos siyang banggain ng sasakyan.
00:24Unatatak po!
00:25Naku, salbahe ka talaga!
00:50Base sa investigasyon, unang nasagi ng rider ang kotse
00:55pero hindi ito huminto, kaya nahantong sa habulan.
00:59Samantala, ang mga magulang ng rider disibigong kasuhan ang driver ng kotse.
01:04Ayon sa DOTR, habang buhay nilang ipapakansila sa LTO ang lisensya nito.
01:13Pag-usapan natin ang insidente niyan.
01:16Ask me, ask attorney Gabby.
01:18Attorney, parang eksena ng car chase sa pelikula ito.
01:28Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:31Maaari nga ba itong maituring na attempted murder?
01:36Well, sa palagay ko, posible talaga.
01:38Sa mga kasong ganito, ang unang-una na kailangan maipakitay ang mental state
01:43na nagpapakitang may intent to kill o intensyong pumatay nga ba.
01:48Since hindi naman natin literal na mababasa o makikita
01:51ang nilalaman ng utak ng isang tao,
01:54kailangan natin makita sa kanyang mga pinaggagawa
01:57kung meron nga ang intensyong pumatay.
02:00At dahil gamit niya isang kotse,
02:02maaaring sabihin nakitang kita na hinabol,
02:05tinutok at inasinta talaga ang batang nakamotor.
02:09Nagkaroon nga na isang car chase bago tuluyang binundol.
02:12Hindi natin masasabi na ito ay pawang pagpapabaya lamang, di po ba?
02:17Kailangan din natin ma-appreciate na isang kotse ay tinatawag ng isang killing machine.
02:22Ang potensyal nito para makapatay ay talagang malaki
02:25dahil sa laki, bigat at yung speed, of course may physics involved dito,
02:30na maaaring magamit at tunay na makapatay lalo na kung isang tao ang tatamaan.
02:36Mukhang nakatalon nga lang o tumilapon ang bata
02:39kaya hindi siya nasentrohan ng kotse.
02:41Maaaring sabihin nga rin na may motibo.
02:44Isang halimbawa ng road rage ang biglang silakbo ng init ng ulo
02:48na nagmula sa simpleng pagsagi ng kotse na hindi hinintoan ng kawawang bata.
02:54Of course, maaaring naman i-argue na wala naman talagang intensyong pumatay
02:58na gusto lamang niya pahintuin ang bata para panagutan ang damage na nagawa.
03:03Pero mali pa rin ang mga nangyari, buti na lang nga walang nangyari dun sa bata.
03:09Kahit na masabi niyang walang intensyong na patayin ang bata,
03:12e kunwari daw na matay ito, buti lang hindi.
03:14Liable pa rin siya for homicide.
03:17Dahil kung may ginagawa tayong hindi naaayon sa batas,
03:20pananagutan pa rin natin ang mga natural na mga consequence ng ating malihing ginagawa.
03:26Nakakalungkot nga na meron talagang mga initin ang ulo na talagang maaaring nakamamatay.
03:32Hindi natin sinasabing walang kasalanan ng menorde edad na nakasagi ng sasakyan.
03:38Pero dahil lamang sa gasgas na iyon,
03:40ay inilagay niya sa posibleng kapahamakan ang buhay nga ng isang tao.
03:44For sure ngayon, mas malaki ang magiging gastos para bayaran ang pagpapagamot,
03:51pagpapagawa sa motor ng bata,
03:52hindi pa kasama ang posibleng moral, exemplary at iba pang damages na maaaring ipataw
03:59dahil nga sa nakakabahalang mga pangyayari.
04:02So, ano ang lesson?
04:04Huwag pa iralin ang init ng ulo.
04:07Sangayon ako na dapat talagang magkaroon ng perpetual disqualification ng lisensya
04:12ang ganyang mga driver.
04:14Menace at danger talaga sila sa ating mga lansangan.
04:18Init ng ulo, huwag pa iiralin.
04:21Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:24Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:27huwag magdalawang isip.
04:29Ask me, ask Eternie Gad.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended