Skip to playerSkip to main content
  • 17 hours ago
Pagkatapos ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, ano ang mga karapatan ng mga biktima sa usapin ng tulong, relocation at proteksyon? ‘Yan ang ipapaliwanag ni Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Bakas ang malawakang pinsalang dulot ng magnitude 6.9 na lindol, lalo na sa episyente nito sa Bogos City, Cebu.
00:10Mula sa mga nawasak na bahay, kalsada at mga gusali, umakyat na po sa 73 ang bilang na mga namatay dahil sa lindol.
00:20Ang ilan sa residente nakaligtas nga sa lindol, problema naman ang pansamantalang matutuluyan.
00:26Kaya ang iba sa kalsada naglatag ng kanilang mga sapin at pansamantalang doon nananatili.
00:35May mga nananawagan naman ng tulong sa kalsada para sa pagkain, tubig at iba pang kailangan gamit ang mga placard.
00:43Yan ang pag-uusapan natin dito. Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:47Attorney, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa maaaring makuhang assistance o tulong ng mga apektado ng kalamidad,
01:01kagaya nitong lindol at ngayon nga ay may bagyo rin?
01:06Naku, kapag may kalamidad, gaya nga ng lindol at sasabayan pa ng bagyo,
01:10dapat ay may nakalaan talagang tulong ang gobyerno para sa mga apektado.
01:14So, kapag sinabi natin gobyerno, ito ang pinagsanib na lakas ng national government at ang mga lokal na government po natin.
01:23Of course, kasama dito ang DSWD, ang Office of Civil Defense at ang NDRRMC.
01:29Siyempre, ang frontliner dyan ay ang office ng mayor.
01:33Isama na natin yung barangay, yung mayor at ng gobernador dahil sila ang pinakamalapit at on the ground.
01:40Sa ilalim ng Republic Act 101-21 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act,
01:48malinaw na obligasyon ng gobyerno na magbigay ng assistance sa mga mamamayan.
01:53In fact, may pondo dapat na nakalaan for relief and recovery operations at the local and the national level.
02:00Sa lokal na level, ito ay percentage ng kanilang revenue.
02:03Sa national government naman, ang alam ko, nasa gaya yan, mga 20 to 23 billion na parang isang buwan na kinita lang ng isang contractor na kinuha dyan sa ating mga flood control project.
02:16So, talagang nakakainis ko minsan isipin.
02:19So, unang-una, dapat ay meron makukuha na food, water at drink at mga damit siguro at pansamantalang matutuluyan mula sa DSWD at tulad ng sinabi natin, mula sa LGU.
02:31Pangalawa, dapat may financial at medical assistance din para sa mga nasugatan at burial assistance kung may namatayan.
02:40At kung totally damaged ang mga bahay, dapat may programa para sa relocation or emergency shelter aid.
02:47Kaya mga kapuso, ay tandaan po nakarapatan natin na makatanggap ng tulong mula sa gobyerno, lalo na nga sa panahon ng kalamidad.
02:56So, titignan po natin ito. Tingnan nyo yung barangay ninyo, ang mayor, gobernador.
03:02Sila ba ay tumutulong? Sila ba ay nandyan on the ground at tumutulong sa inyo?
03:07Diba? Dahil, ang unang dapat natutulong sana, ang local government natin and of course, the national government through the DSWD, the Office of Civil Defense at kung sino-sino pa.
03:18But at the same time, tandaan po natin, tungkulan din po nating ordinaryong mamamayan na tumulong sa abot kaya nating makakayanan.
03:27So, maaaring mag-donate through established or yung mga mapagkakatiwalaan ng mga foundation at NGO.
03:33Whether ito ay pera, pagkain, mga tent, kumot, gamot, or dugo.
03:38Actually, nagtatawag din ang Red Cross for blood donations dahil ang lahat ng mga supplies natin pinapadala na nga ngayon sa Cebu dahil nga sa napakaraming nasugatan.
03:49So, sa mga usaping batas at hindi lang batas, pati humanitarian needs, bibigyan po natin linaw dito para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:58Huwag magdalawang isip.
04:00Ask me. Ask Attorney Gabby.
04:04Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
04:08Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:14I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
04:18Salamat ka puso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended