Skip to playerSkip to main content
Aired (December 14, 2025): MGA NAGTITINDA NG MGA PASALUBONG AT SARIWANG GULAY SA BAGUIO CITY PUBLIC MARKET, NANANAWAGAN DAHIL ANG KANILANG PALENGKE… GAGAWIN DAW…MALL?!

Umaalma ang mga vendor ng mga pasalubong at sariwang gulay sa Baguio City Public Market dahil ang kanilang palengke… gagawing mall! Hinaing nila sa kanilang siyudad, ayusin na lang daw sana ang palengke ngunit huwag sumang-ayon sa ‘mallification’ o ‘privatization’ nito.

Ano nga ba ang kakahuntangan ng kanilang panawagan? Panoorin ang video. #KMJS

"Kapuso Mo, Jessica Soho" (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00May tuturing ng institusyon ang kinawilihan ng palengke ng Baguio City na ngayon binabalak gawing mall kaya naman may mga protesta.
00:17Ramdam na ang Pasko dito sa Baguio City. Pero hindi Christmas carols ang pumapailan lang sa ere.
00:25Pagpatak kasi ng alas 3 ng hapon sa Baguio City Public Market, ang palengke mas lalong umiingay sa tunog ng mga nagkakalampagang palanggana, bakal, pati na gong.
00:47Ang nag-no-noise barrage, ang mga tindera't tindero mismo ng palengke.
00:57Protesta nila ito sa plinaplanong market modernization project dito sa Baguio City.
01:03Yun po yung aming gesture. We are crying out at voice po namin ng mga manininda dito sa palengke ng Baguio para kami po ay marinig ng aming counselors.
01:14Ang palengke po ay para sa mga tao ng Baguio City.
01:18Hindi po namin kailangan ng isa pang mall dito sa palengke dahil hindi na ito matatawag na public market pag may mall pa.
01:26Bakit nga ba't tutol sa planong modernization ng kanilang pamilihan ang mga tindero't tindera ng Baguio City Public Market?
01:42Sa loob ng mahigit isang siglo, naging iconic landmark na o institusyon pang maituturing ng Baguio ang palengke.
01:51Hindi nga raw kompleto ang bakasyon sa Baguio kung hindi ka makakapamili rito.
01:56Bagsaka ng napakaraming mga produkto mula sa Cordilleras.
02:01Convenient to sa mga mamimili po kasi mas mura siya at malapit po siya sa mga turist pad.
02:06Pero para sa mga vendor gaya ni Aling Perpetua,
02:10ang Baguio City Public Market hindi lang lugar kung saan sila nagahanap buhay.
02:15Sa palengking ito rin, umiikot ang kanilang buong buhay.
02:20Dito na po ako halos lumatid.
02:22Awa ng Diyos, eh sapat pa rin naman para kami maka-survive.
02:28Hanggang nabalitaan nila ang engrandeng plano ng lungsod para sa kanilang palengke.
02:33Bukod sa mas magiging bago,
02:36balibalitang patatayuan din daw ito ng mall at parking area na solusyon sa lumalalang traffic sa Baguio City.
02:44Pero sa halip na matuwa si Aling Perpetua,
02:47nangangamba, baka ito raw kasi ang maging mitya para mawala ang kanilang kabuhayan.
02:53Hindi lang daw sila mapipilitang tumigil sa trabaho kapag nagsimula na ang renovation.
02:59Mas tataas din daw sigurado ang magiging upah o renta nila ng pwesto.
03:05Ang ikinatatakot pa nila, baka hindi na raw nila ito kayang bayaran.
03:09Nakakaramdang rin ng takot, paghihinayang, awa sa sarili.
03:14Kasi nga wala na kami uurungan talaga eh, ito na lang.
03:17So, umaasa kami na sana naman may mga tao, may mga opisyal tayo na isinaalang-alang yung mga kalagayan ng mga kagaya namin.
03:27Ganito rin ang ikinababahala ng 75 anyos na si Lola Catalina.
03:33Ang pagtitinda na lang daw kasi sa palengke ang inaasahan niya, lalot mag-isa na lang niyang binubuhay ang kanyang sarili.
03:40Sinasabi ng mga tao, malaki daw ang renta, mayaman lang daw ang magtitinda.
03:45Kung pwede lang, huwag niyo naman akong tanggalin para mayroon akong pabili ng pagkain.
03:50Magtitinda ako dito, sabi ko ah.
03:52Kung ako lang, kaya namin iwanan itong palengke kasi mayroon na rin kaming nai-invest.
03:57Ang pananaw ko is, hindi yung para sa sarili ko.
03:59Kung mawawala ang public market, how about the next generation?
04:03Ang modernization o planong pagpapaganda sa Baguio City Public Market,
04:08kabilang sa 10-point agenda ni Mayor Benjamin Magalong.
04:13Nung tumakbo siya sa pagka-mayor taong 2019,
04:16Sa parehong taon, matapos ang ilang public consultation,
04:21inaprubahan ng City Council ng Baguio ang Conceptual Master Development Plan para sa proyekto.
04:28Kaya naman si Sunny, na tatlong dekada ng vendor at leader din ng market section,
04:34sangayon sa plano ng kanilang mayor.
04:37Bago pa hindi nagka-pandemic, may prinupos na ang city na madibilap itong palengke.
04:45At kami naman ay nakonsulta noon, nagawagawa pa ng plano.
04:50Pero taong 2020, inanunsyo ni Mayor Magalong na ang kanyang market modernization project
04:56nakaakit sa ilang retail giant sa bansa.
04:59At isusulong daw ng lungsod ang tinatawag na PPP o Public-Private Partnership Joint Venture.
05:07Isa raw sa nagpakita ng interes ang SM Prime Holdings Incorporated
05:13na nagsumite ng 4.5 billion peso proposal sa pamunuan ni Mayor Magalong.
05:19The process right now is they submitted an unsolicited proposal
05:29back when the city was following the PPP ordinance.
05:33But then the National PPP Code came in, I think that was in the latter part of 2023.
05:38May original proponent status na po kasi ang SM as one of the proponents
05:43when the PPP law took effect.
05:45We followed the procedures under the law, kaya po na-reconfirmed yung original proponent status nila.
05:50Dahil dito, na-alarma ang maraming vendor.
05:53Sa pagpasok kasi ng mga pribadong korporasyon,
05:56hindi na lang daw basta simpleng modernization ang gagawin sa kanilang palengke,
06:01kundi ang tinatawag nilang mollification.
06:05Ang dati public spaces, katulad ng pampublikong pamilihan,
06:09isa sa ilalim sa renovation para gawing malaking commercial complex.
06:16Walang fair na competition, pwede nga niyang lamunin eh.
06:19Maliban dyan, dahil nga profit yung orientation niya,
06:22hirap yung ating mga farmers saan na nila ibabagsak yung kanilang produkto.
06:26Hindi magtitinda rin ng mall yung mga panindahan sa market.
06:31At saka siguradong may pagkataas na yung mga opa.
06:35Malulogi kami kasi baka kunti na lang ang binta.
06:38Ayaw namin maging mall tong palengke kasi maraming maapektuhan.
06:42Hindi ako, hindi lang sila buong bagyo.
06:44Kasi bukod sa tataasang bilihin, syempre marami rin kami maapektuhan na mawawalan ng trabaho.
06:49Tsaka hindi lahat ng tao is affordable ang presyo ng mall.
06:53Malaking kawalan din daw sa kanila kung matuloy ang construction.
06:57Ang mga vendor kasi pansamantalang ire-relocate daw sa slaughterhouse habang inaayos ang palengke.
07:04Siyempre maapektuhan directly yung mga vendors. Hindi yun pupuntahan ng mga tao.
07:09At saka parang sardinas na ito, tatlong hektarya itong palengke.
07:14Ipagsisiksikan mo lang sa isang hektaryang relocation site.
07:18Yung ating mga mamimili din, magiging limited ang supply. May hirapan silang pumunta ron.
07:24Dagdag pa ni Sunny para sa kanya.
07:27Hindi na raw kailangan ang kanilang lungsod ng isa pang mall.
07:30Sapat na raw ang mga mall na meron silang ngayon.
07:33Ngayon, katunayan, ang pagpapatayo ng ekspansyon ng mall noong 2012, inulan din noon ang kontrobersya.
07:42Maraming puno raw kasi ang pinutol. Matuloy lang ang construction nito.
07:47Maraming nasirang punong kahoy dyan.
07:50E pre-preserve natin yung mga punong kahoy na putol-putol.
07:53Ang pamunuan ng SM naglabas ng pahayag sa issue taong 2012.
07:59Nilinaw nilang hindi pinutol, kundi nireplant daw ang mga puno papuntang Luneta Hill.
08:06Walang tumututol na i-develop itong palingki para sa lahat naman yan.
08:11Kaya lang ang inaano namin, ang siyudad sana, ang mismong magpapaganda nito, magpapaayos.
08:17Para naman ang iayos dito, i-gagawa sila ng parking at saka as in palingki lang ang may tayo sana.
08:24Wala ng koneksyon ang mall-mall na may tayo.
08:27Ang pangamba ng grupo, minsan sinagot o binigyang linaw ni Mayor Magalong.
08:32May hindi lang po pagkakaintindihan doon.
08:43Kasi ang paniwala din po ng iba, pag nabigay po sa proponent, sila na po ang magpapatakbo ng market.
08:49Hindi po totoo yun.
08:50So yung itatayo po na Baguio City Public Market, fully under the management of the city po yun.
08:56Sa ngayon, ang renta po dyan, ang management, lahat ng patakaran, base po yun sa aming market code.
09:02Same din po ang renta, ang spaces, ang rules and regulations, magagaling din po sa city.
09:08Kabilang sa isinumiting proposal ni Mayor Magalong, ang magiging itsura ng Baguio City Public Market.
09:14Kapag natapos itong sumailalim sa modernization, magkakaroon ito ng walong palapag para sa parking area,
09:24tatlo para sa pinaplanong mall, at apat na palapag ang para sa palengke.
09:29Ang kontrata, tatagal ng limampung taon.
09:41Pero ang mahigit 4,000 vendors ng pamilihan, hindi kumbinsido.
09:53Kaya para ipahayag ang kanilang pagtutol, araw-araw silang nag-iingay.
10:02Mula Oktubre, nagsagawa na rin sila ng signature campaign.
10:12Layo nilang makakalap ng 25,000 hanggang 30,000 na mga pirma para mapahinto ang proposal.
10:18Hindi lang basta signatures yan.
10:21Ando naman yung petition na sinasight namin yung dahilan ng pagtutol.
10:26Ando yung 70-30, hindi naman totoong at no cost to the government.
10:30Apektado yung art and soul of the city of Baguio.
10:33Yung limampung taon, napakatagal.
10:35Hindi list yan, parang naibigay na o pag-aari na.
10:39Kasi 50 years eh.
10:40Dalawang henerasyon na yun.
10:41At sinasabi namin, kaya naman ang city na i-develop.
10:45Financially po, although meron naman po tayo mga funds available,
10:49marami rin pong proyekto ang city.
10:50Bukod sa public market, so meron po tayo mga health centers,
10:53barangay halls, satellite markets.
10:56Baka po mapabayaan din po yung mga equally important projects like that
10:59kung devoted po lahat sa Baguio Public Market.
11:02Kasi medyo malaki-laki po ang kailangan ayusin dyan.
11:05Gaya po ng drainage at ng sewerage.
11:07Kung gusto may paraan, kung ayaw, maraming dahilan.
11:10Nitong miyerkulis, naabutan namin ang public session ng Baguio City Councilors
11:16kasama ang SM Prime Holdings Incorporated.
11:19Muli nilang tinalakay at sininsin ang plano para sa development ng palengke.
11:25National issue na po yan.
11:27Anong nangyayari? Bakit ganyan ang sinasabi nila yung proyektong yan?
11:31Ito po ay widely perceived na po na nakaka may harm na po sa local community,
11:39sa cultural and economic fabric.
11:41Tinutukan din ito ng mga vendor nakasabi ng BCPM.
11:46I'm standing as a voice of the vendors of public market.
11:49Retain public market for the public people, not a mall, not SM.
11:56Maraming na po kaming karanasan sa SM, tama na ang isa sa Baguio po.
11:59Kaya fight, fight, fight!
12:01Parang wala doon sa i-reject yung proposal.
12:04Parang hinihilot na approvan yun.
12:07Lalagyan nga lang ng mga conditions.
12:09Like for example, yung logo nitong mall na ito,
12:12na dati pinangalala nilang market mall.
12:15Maliliit na bagay.
12:16Pero ang hindi natatalakay yung talagang pagtutol ng mga vendors
12:21at saka pagtutol ng mga mamamayan ng Baguio.
12:24Sinubok ang hinga ng aming team ng pahayag,
12:29ang SM Prime Holdings Incorporated.
12:31Pero tumanggi silang magpa-interview.
12:33Ulitin ko lang po, hindi po siya magiging mall.
12:45Rehabilitated market po siya.
12:46So syempre, kailangan din po natin mag-update po ng infrastructure doon.
12:50After po na nangyari, two or three years ago,
12:52yung may nasunog po na isang block,
12:53kailangan na po gawing disaster-proof yung infrastructure ng market.
12:57Ang pinal na desisyon ng Baguio City Council sa proyekto,
13:02malalaman sa susunod na buwan.
13:05Dalawang klase yung legacy, good at saka bad legacy.
13:08Makikita lang natin ang epekto nito after 10, 15, 20 years.
13:13Kung hindi naging maganda ang ating desisyon,
13:15nag-suffer na sila, baka hindi na natin pwedeng ibalik yan.
13:19Ating panawagan sa mga namumuno dyan sa magdi-desisyon,
13:23dahil diretsuhin ko namin, i-reject na lang natin yung proposal na yan
13:26at tayo na mismo magpaganda at mag-develop.
13:30Ongoing pa rin po yung review ng City Council.
13:33We have always been transparent and open.
13:35We hear all of the criticisms and sentiments.
13:39We really do.
13:39Hindi naman po namin na-deny ever na marami-rami rin po yung may ayaw sa project,
13:44pero sundan po natin yung process.
13:46Kung hindi po siya ma-approve ng City Council, next options.
13:50Walang masama sa pag-unlad,
13:52pero dapat walang maiiwan, walang maiecha puwera o maaagrabyado.
14:13Alangga po ito ako.
14:15Alangga ako man ka wala.
14:17Huwag ka nang siman.
14:19Maharap ko ito eh.
14:21Parang kay Lola din.
14:23Hindi ko na mo alam, hindi ko na yung itindihan kung anong nungyayari sa kanya.
14:27Maka ka siguro kayong gagawin namin ang lahat para sa kanya.
14:31Wala ka ba talaga nakita at na?
14:33Wala ka narinig?
14:35May gumagala na berbalang dito sa atin.
14:37Ang mga nangangambang puso't isip, ginagamit niya ng demonyo para kumapit sa kaluluwa ng tao.
14:51Alam mo kung sino yung dapat mong ipagdasal na hindi mo makita?
14:55Anong hindi mo mag-sulad?
15:03Si Pochong?
15:04May matalampusa, may pakpak ng pangyuki,
15:07lumalakas kapag kapilukan ang buwan.
15:12Pag-iingat ka sa mga susunod ko sa sabihin.
15:19You know about the Pochong?
15:21Please repent from talking about Pochong.
15:25Ito ka patrakin sa tensyon.
15:28Father X,
15:29yan po bang pinakamatinding sanig na hiharap ninyo?
15:34Hindi ako titigin hanggang hindi ako nakapalingil.
15:40Hindi tayo ipapatay.
15:42Nakampi natin ng Diyos.
15:44Mag-iingat mo kita sa akin!
15:46Ha?
15:47Masusunod ang kalor nga mo, Silviana!
15:51Papatawad ng Diyos sa lahat ang lumadapin sa katiyaw!
15:54Weh!
16:04Ito po si Jessica Soho.
16:08At ito ang Gabi ng Laging.
16:12Thank you for watching mga kapuso!
16:25Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
16:27subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel.
16:31And don't forget to hit the bell button for our latest updates!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended