00:00Kabilang din ang Oriental Mindoro sa may pinakamalaking flood control project na ipinatupad ng gobyerno batay sa contract cost.
00:09Sa kabuan, umabot sa 139 ang bilang ng projects na nagkakahalaga ng mahigit 11 billion pesos, ayon sa GMA Integrated News Research.
00:21Base sa website, 16 na flood control project ang itinayo sa bayan ng Bungabong Oriental Mindoro.
00:27Tinungo namin ang isa sa mga proyekto sa barangay San Isidro kasama ang governor ng probinsya.
00:34At ito ang tumambad sa amin.
00:37Pare bakit nag-crack to? Kasi walang bakalong portion by portion.
00:41Pag gumagawa tayo niyan, pinagdudugtong para hindi nag-ihiwalay.
00:45Tsaka common sense ang tawag ko dyan. Hindi kinakailangan ng ingeniero eh para maintindihan yan.
00:50Paano nga naman daw hindi guguho yung dike?
00:53Eh, substandard na nga daw yung pagkakagawa. Substandard pa yung mga materiales na ginamit.
00:58Tulad ng mga bakal na ito na napakanipis rao.
01:02Sa halip na 16mm, 12mm lang ang ginamit.
01:06Patay sa website, February 11, 2023, sinimula ng construction ng Road Dike Esplanade along Bungabong River,
01:13San Isidro, San Jose section, Bungabong Oriental Mindoro.
01:17At natapos noong December 15, 2023, ang kontraktor, San West Inc.
01:24At ang halaga nito, mahigit 217 million pesos.
01:30Pero kapansin-pansin din sa website na may isa pang dike project sa Bungabong na may halos kaparehong presyo
01:37at nasa ilalim din ng San West ito.
01:41Kabilang din ang San West sa top 15 kontraktors na inilabas ng Pangulo.
01:45Sa bayan naman ng Nauhan Oriental Mindoro, matatagpuan ang 36 flood control projects batay pa rin sa website.
01:55May gumuhuring flood control rito. San West din ang kontraktor ng proyekto.
02:00Bakit sabi kong substandard? Ang cost, 561,000 per linear meter. Tapos ganoon ang result.
02:07Batay sa SEC records ng kumpanya noong 2022, nakalista bilang isa sa mga incorporator si Elizaldeco.
02:14Si Elizaldeco ang nakaupong kinatawa ng Ako Bicol Party List at dating tumayong chairman ng Appropriations Committee sa mababang kapulungan mula July 2022 hanggang January 2025.
02:27Ito ang Primary Referral Committee para sa General Appropriations Bill.
02:31Lahat ng panukalang batas na may kinalaman sa paggastos ng pondo ng gobyerno ay dinadala muna sa kubite.
02:39Minsan ang sinabi ni Co na nag-divest na siya sa kanyang mga kumpanya.
02:43Hindi na bago ang pagkakasangkot ng SunWest Inc. o dating kilala bilang SunWest Construction and Development Corporation sa mga kwestyonabling proyekto ng gobyerno.
02:57Katunayan, minsan nang pinuna ng Commission on Audit Ocoa sa kanilang report mula 2007 hanggang 2009 ang kumpanya dahil sa mga kwestyonabling umanong proyekto sa Albay.
03:09Ito ang Maryawaan ni Slug Road Project na kukonekta sana sa Daraga Albay at Legazpi City, Albay.
03:16Sa P28M na pondo na inilabas para sa road project na ito, meron namang konti na bahagi na nasimento.
03:24Pero hanggang dito lang at wala nang kasunod. Hindi na madaraanan.
03:29P42M ang inilaan na pondo para sa road project na ito na kung tawagin ay Maryawamayon Road.
03:35Sa P42M na yan, dapat nakasimento na siya ng 1.76 kilometers.
03:41At ayon sa completion report ng DPWH ay 100% completed ang road project na ito.
03:48Pero ayon sa Coa at makikita niyo naman, sa 1.76 kilometers na yan, 297 meters lamang ang nasimento.
03:56Umabot sa 79 flood control projects ang nakuha ng SunWest mula 2022 hanggang 2025 ayon sa ginawang pagsusuri ng GMA News Research.
04:08At ang kabuang halaga nito, mahigit 10.1 billion pesos.
04:14Nagpadala kami ng sulat at mensahe sa SunWest Inc. para kunan sila ng panic.
04:19Pero hanggang ngayon, wala pa rin silang sagot.
04:21Pero sa isang statement, sinabi ng SunWest na sinisiguro nila na nananatiling reliable at resilient ang kanilang mga proyekto.
04:32Itong Webes, sinabi ng tagapagsilita ng House of Representatives na nasa Amerika si Coa para sa medical treatment.
04:38Ang isa pang gumuhong dyke sa Nauhan Oriental Mindoro, gawa naman ang kontraktor na St. Timothy Construction Corporation, ayon kay Governor Dolor.
04:49Pag mamayari ng mag-asawang Cezara at Pasifiko Diskaya, ang St. Timothy, nakasama rin sa top contractors ng flood control projects.
04:59Sa kabuan, umabot sa 105 ang flood control projects na nakuha ng St. Timothy mula 2022 hanggang 2025 sa buong bansa ayon sa pagsusuri ng GMA Integrated News Research.
05:12Ang halaga nito, mahigit 7.3 billion pesos.
05:16Sa pagdinig sa Senado, lumabas na siyamang kumpanya na umano'y pagmamayari at konektado sa mga diskaya.
05:24It is common knowledge that you own nine companies, namely St. Gerard, St. Timothy, Alpha and Omega, Elite General Contractor and Development Corporation, St. Matthew, Great Pacific Builders, YPR General Contractor, Amethyst Horizon Builders, and Waymaker OPC.
05:46Yes, po.
05:48Hanggang ngayon?
05:49Yes, po.
05:51Dalawa sa mga kumpanyang ito, pasok sa top 15 na listahan ng Pangulo na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa DPWH.
06:00Alam mo, nakakapagtaka dahil kayo lagi nakakuha ng DPWH contracts.
06:06Sino ba talaga sa DPWH ang nagbibigay sa nyo listahan ng mga projects for bidding?
06:12Wala po akong knowledge po.
06:14Malinaw na nakasaad sa government procurement law na labag ang pagbibid na mga kumpanyang pagmamayari ng iisang tao sa iisang proyekto.
06:24Marami po kaming sinasalihan na bidding.
06:28Meron naman tayong procurement law, pero paano nila ito nalulusutan? Paano ito nagawa?
06:34Bawal ito eh. Kasi supposedly, ang purpose ng public bidding, eh mapalawak yung competition, di ba?
06:41Mapalawak yung competition para magkaroon ng opportunity ang government to afford or to be able to obtain the best price and the best quality, you know, for the goods or services to be delivered.
06:53Paano nakakalusot na ganyan yung pare-parehong kumpanya, pare-parehong may-ari bidding for the same project?
07:02Ibig sabihin, nag-fail yung committee na nag-aral ng kanilang mga documents, kapag sumali sila, naalam nilang sila-sila rin yun, eh talagang may intention na silang dayain yung batas, di ba?
07:15And that, having said that, ibig sabihin, may timbre na sa laob.
07:22Ano yung timbre?
07:24Timbre na, uy, si ganito yung nanalo. Hindi pa nga sila pare-parehas na owned by one company, eh. Pero parating sila ang magkakapartner sa bawat bidding.
07:35Pwedeng nag-uusap na sila?
07:36Oo, arrange ito. At ito yung tinatawag nilang sahod system, di ba?
07:41September 1, sinabi ng Philippine Contractors Accreditation Board, o PICAB, na nirevoke na nila ang lisensya ng siyam na kumpanya na konektado sa mga diskaya.
07:50Hindi po kami naniniwala na dapat kansilahin ng ganun-ganun na lang na walang pagdinig, walang wastong pagdinig, basis sa dokumento.
Comments