Skip to playerSkip to main content
Aired (September 27, 2025): Sa nakaraang Senate Blue Ribbon hearing, dinawit nina dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara at dating Assistant Engineer Brice Hernandez ang ilang senador at mga opisyales sa mga maanomalyang flood control projects na nagkakahalaga umano ng bilyon-bilyong piso.

Sa Malolos, Bulacan, halos pundasyon pa lamang ang naitayo sa isa sa mga proyektong sinabi ni Alcantara na nagkakahalaga ng daan-daang milyon.

May pananagutan ba ang mga opisyal na idinadawit sa umano’y malawakang korapsyon? Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook #FloodControlProjects



Category

😹
Fun
Transcript
00:00Pinuntahan namin ang isa sa mga proyekto na binanggit ni Alcantara.
00:05Ang Construction of Flood Mitigation Structure with Pumping Station and Floodgate
00:10at Barangay Santo Rosario Creek Phase 3 sa Malolos, Bulacan na nagkakahalaga ng 40 million pesos.
00:17Nakipag-ugnayan kami sa barangay para hanapin ang proyekto.
00:21Pero ayon sa Kapitan ng Barangay,
00:23Meron po kasi kung dalawang hindi makita,
00:26kaya natusan ko po yung aking sekretarya na magsadya sa DPWH
00:31at sila na magturo sa amin kung nasa ang project
00:36kasi para hanapin namin na hindi naman namin makikita.
00:40Pagdating ng aking sekretary, tinataka nila ng suspended.
00:45Paliwanag ng Kapitan, Phase 1 pa lang daw ng proyekto ang kasalukuyang ginagawa sa kanilang lugar.
00:50Sa dokumentong nakuha ng Reporter's Notebook mula sa DPWH,
00:54August 2024 ang Notice to Proceed ng Flood Control Project sa Santo Rosario.
01:01Pero nang puntahan namin,
01:05halos pundasyon pa lang ang nasisimulan sa proyekto,
01:09kahit mahigit isang taon na mula ng simula nito.
01:12Ang mga residente ng Joker Street sa Barangay Santo Rosario
01:26ang makikinabang sana sa Flood Control Project.
01:30Hindi na raw kasi humuhupa ang tubig sa kanilang eskinita,
01:33lalo na tuwing tagulan.
01:35Nabutan namin papasok ang estudyanteng si Gene.
01:43Pero bago makarating sa kalsada,
01:45ito ang kailangan niyang pagdaanan.
01:47Ang ilang residente na abutan naming naglilimas ng tubig sa loob ng kanilang mga bahay.
02:11Hindi ka po makapaghanap buhay na ayos dahil nga laging ba may gusto kang gawin,
02:17di mo magawa.
02:18Kasi paano ka gagawa may tubig lagi?
02:21Ayon po nakakasama ng loob.
02:23Kasi kami po nagdodusa.
02:26Sila po ang nakikinabang.
02:28Sila ang umihiga sa salapit.
02:30Kami po ay lagi ba ang hinihigaan namin.
02:33Ang proyekto sa Malolos malinaw na unfinished o hindi tapos.
02:41Itinanggi naman ni Sen. Estrada ang mga akusasyon laban sa kanya.
02:45I am confident that I have not committed any illegal act.
02:50Let us settle this once and for all and show the public who is telling the truth.
02:55Walong flood control projects naman ang iniugnay ni dating DPWH Assistant Engineer Bryce Hernandez
03:03kay Sen. Joel Villanueva.
03:06Ang kabuang halaga nito, 600 million pesos.
03:10Noong 2023 naman, ay naglabas ng 600 million si Sen. Joel Villanueva
03:15at ang SOP nito ay 30% din.
03:19If I'm not mistaken, construction of Bukawe River Flood Mitigation Structure.
03:23Construction of Bukawe River Flood Mitigation Structure, Station 12 plus 589 to Station 12 plus 739
03:32at Barangay Bambang, Bukawe, Bulacan.
03:35With an amount of 75 million pesos.
03:38Nauna ng itinanggi ni Villanueva ang akusasyon laban sa kanya.
03:42Wala po ako kailanman naging flood control project.
03:46Hindi ko po sasabihin na I categorically deny this accusation.
03:52Dahil po may resibo po tayo.
03:55Meron po po pwedeng i-verify ka kung bakit ito nangyayari.
04:02Pinuntahan ng Reporter's Notebook ang isa sa mga proyektong binanggit ni Hernandez.
04:06Ang construction of Bukawe River Flood Mitigation Structure sa Barangay Bambang, Bukawe, Bulacan
04:13na nagkakahalaga ng 75 million pesos.
04:17Pinuntahan ng Reporter's Notebook ang Barangay Bambang para hanapin ang sinasabing proyekto.
04:23Pero tumanggi sila ang magbigay ng panayam.
04:25Pero sa listahan na nakuha ng Reporter's Notebook, may labin-limang flood control project sa lugar.
04:30Pero wala sa listahan ang inilistang proyekto ni Hernandez.
04:33Ang flood control project sa listahan mula sa barangay, malinaw na hindi nakatutulong sa pagpigil ng baha.
04:43Isang residenteng si Mang Edgardo Valero sa mga dumaraing sa sitwasyon sa kanilang lugar.
04:49Habang tumatagal kasi, papataas ng papataas ang tubig sa kanilang lugar.
04:54Pinatuloy kami ni Mang Edgardo sa kanilang bahay.
05:04Ito ang second floor. Ito ang first floor. Yung ilalim ito, dati nakatatayo ako.
05:11Kaya ngayon, wala na. Siguro mga two inches na lang ang natira.
05:15Ito na lang yung feet.
05:19Lumbog na lahat na lana.
05:20E hala, paano gagawin natin? Adjust ka ng adjust. Taas ka ng taas.
05:24Kung kaya mo ng bulsa mo. Kung hindi, hindi yung pahinog ka na maglilimas ka ng tubig.
05:28Dalawang congressman ang pinangalanan ni Alcantara sa kanyang affidavit na umano'y nakakuha ng porsyento sa mga proyekto.
05:37Anim na flood control projects para kay congressman Elizalde Coe noong 2022 na nagkakahalaga ng 519 milyon pesos.
05:47At 68 flood control projects naman noong 2023 na nagkakahalaga ng mahigit 5.7 bilyon pesos.
05:54Ayon kay Alcantara, noong 2022, 20% daw ang hinihingi ni Coe sa bawat proyekto.
06:01Pero naging 25% daw ito noong 2023 hanggang 2025.
06:07Siyam na flood control projects naman ang nasa affidavit ni Alcantara na para naman daw kay congresswoman Mary Mitzi Mitch Kahayun-Uy
06:15na nagkakahalaga ng 411 milyon pesos.
06:19Pero pareho nilang itinanggi ang akusasyon ni Alcantara.
06:31Kasama rin sa affidavit ni Alcantara ang mga flood control projects na para naman daw kay former Undersecretary Roberto Bernardo.
06:39Anim na proyekto noong 2022 na nagkakahalaga ng 350 milyon pesos.
06:44Ang kasunduan ay 25% para sa proponent.
06:48Ang proyekto ayon kay Yusek Bernardo, ang kabuan ng mga proyekto na ibaba ni Yusek Bernardo sa aking Dio ay nagkakahalaga ng 350 milyon.
06:56Labing dalawang proyekto noong 2023 na nagkakahalaga naman ng 450 milyon pesos.
07:02At apat pang proyekto na nagkakahalaga ng 260 milyon pesos.
07:07Sa mga nakalipas na linggo, nag-inspeksyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
07:16na mga flood control projects sa Metro Manila at iba't ibang probinsya.
07:20Ganun din.
07:22Dinagad din ang Agos.
07:25This is a joke.
07:26Base pa lang sa observation namin ni Mayor Benji, mukhang napaka-substandard nito.
07:30Hindi nga ito ghosting, pero kita mo naman, isang taon lang, sira kagad.
07:38Di ba?
07:38Paano naman?
07:39Mahawa naman kayo sa mga taong nakatira dito.
07:42Di ba?
07:43Buhay yung pinag-uusapan natin dito.
07:47Ang seat pile na binabaon, tinatamaan yung sa ilalim.
07:51Kaya, misal, mag-realign ulit.
07:54Pero ibig sabihin nga, may problema.
07:56Either may problema yung methodology nyo, o may problema yung design.
08:00This is about 131 na flood control projects.
08:07And probably, ikikita namin kung ilan ang nagkakaroon ng problema.
08:17Marabe.
08:18Dapat kayo, ang iniisip nyo, paano nyo papaganahin yung buo?
08:22Kasi, noong 2020, Dinagibirto, buo eh.
08:25Binayaran nyo, buo eh.
08:27Dapat gumagana eh.
08:28Five years na hindi gumagana eh.
08:31Tapos ngayon, papatsi-patsiin nyo na naman.
08:34Inirekomenda naman ng National Bureau of Investigation o NBI
08:37na sampahan ng mga kasong indirect bribery at malversation of public funds.
08:42Sinadating DPWH Engineer Henry Alcantara,
08:46Sen. Jingoy Estrada,
08:47Sen. Joel Villanueva,
08:49Congressman Elizalde Coe,
08:51former Caloocan 2nd District Representative Mitch Kahayun Uy,
08:55at former DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
08:59Terima kasih.
09:04?-
Be the first to comment
Add your comment

Recommended