- 12 hours ago
- #reportersnotebook
Aired (February 21, 2026): #ReportersNotebook: “Black Market Babies”
Tatlong magkakahiwalay na kaso ng umano’y bentahan ng sanggol online ang tinutukan ng Reporter’s Notebook! Isang 17-anyos, nag-alok ng kanyang sanggol sa halagang ₱55,000. Sa hiwalay na operasyon, minanmanan ng PNP Women and Children Protection Center ang isang ina na ibinebenta umano ang kanyang 3-buwang gulang na sanggol sa halagang ₱130,000 para sa piyansa ng kinakasama. May isa pang sanggol sa Angeles City na inalok kapalit ng ₱25,000.
Paano isinasagawa ang ganitong transaksyon at paano ito napipigilan ng mga awtoridad? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook
Tatlong magkakahiwalay na kaso ng umano’y bentahan ng sanggol online ang tinutukan ng Reporter’s Notebook! Isang 17-anyos, nag-alok ng kanyang sanggol sa halagang ₱55,000. Sa hiwalay na operasyon, minanmanan ng PNP Women and Children Protection Center ang isang ina na ibinebenta umano ang kanyang 3-buwang gulang na sanggol sa halagang ₱130,000 para sa piyansa ng kinakasama. May isa pang sanggol sa Angeles City na inalok kapalit ng ₱25,000.
Paano isinasagawa ang ganitong transaksyon at paano ito napipigilan ng mga awtoridad? Ang buong detalye, alamin sa video. #ReportersNotebook
Category
😹
FunTranscript
00:00Music
00:2217 taong gulang pa lang nang mabuntis ang dalagitang tatawagi namin si Christine
00:26pero dahil hindi pa siya handang maging ina.
00:29At kasalukuyang pa siyang nag-aaral, itinakda na niya ang kapalaran ng bata.
00:36Ibinibenta niya ito online sa halagang 55,000 pesos.
00:41Pero natuklasan ang aming team na hindi lang siya ang nagbebenta ng sanggol sa social media.
00:47Ilan pang ina ang lantarang inilalako ang kanilang sariling anak online.
00:52Hello po, looking po ako ng pwedeng ampunin, baby girl sana.
00:57Sino gusto mag-ampun ng baby ko? Available pa-PM.
01:03Tignan mo yung mga lingwahe na ginagamit.
01:06Parang hindi buhay ng isang tao yung pinag-uusapan.
01:10Yung palitan nila dito parang isang bagay lang yung ibinibenta.
01:17Parang isang bagay lang yung gustong bilhin.
01:31Maligtas kaya ang mga sanggol bago pa man sila ikalakal?
01:51Sa Baliwag Bulacan, isang babae na itatago namin sa pangalang Rhea,
01:56ang minamanmanan ng Philippine National Police Women and Children Protection Center o PNP-WCPC
02:03dahil sa nakababahala nitong post online.
02:11Ang kanyang tatlong buwang gulang na sanggol kasi,
02:14inilalako niya na parabang produkto sa iba't ibang group sa social media.
02:18At ang offer kapalit ng baby, P130,000.
02:25So far ngayong taon na ito, ito yung pinakamalaking transaksyon sa bentahan ng sanggol.
02:31Ang ina humihingi ng P130,000 kapalit ng kanyang baby.
02:37Maging yung mga investigador, nagulat, napaisip,
02:40bakit ganito kalaking halaga yung hinihingi ng ina.
02:45Ah, napakalaki talaga na ito kung kukumpara mo dun sa mga naunang operasyon ng WCPC
02:51na hindi naman umaabot ng P100,000 yung hinihingi ng nagbebenta ng sanggol na ina.
03:01Sa ngayon ma'am, tinanong po namin siya ma'am kung nasaan si baby
03:05at sabi niya po kung gusto mo daw namin mag-video call ma'am.
03:10Para makasiguro ang aset ng PNP WCPC kung totoo ang offer online,
03:17sinubukan nilang i-video call ang seller.
03:20Pero laking gulat nila dahil may isa pang babae na sumali sa video call.
03:26Siya pala ang biyanan ni Rhea at ang lola ng sanggol na itatago namin sa pangalang Elsa.
03:32Tinanong po namin siya ma'am kung sino po yung isang babae.
03:35Ang sabi po is lola po ng bata ma'am at alam niya po yung sa mangyayaring pagpapaampun po ma
03:44'am.
03:45Matapos ang usapan, biglang nag-chat ang seller.
03:48Sa pagkakataong ito, sinusubukan pa niyang pataasin ang presyo ng kanyang sanggol.
03:54Ilang saglit pa, nagsimula ng magduda si Rhea at iaalok na lang daw sa ibang buyer ang baby.
04:03Mailigtas pa kaya ang sanggol sa kamay ng mismong pamilyang nagbebenta sa kanya?
04:08Ayos sa PNP WCPC, nakababahala raw ang ganitong krimen
04:13kung saan lantarang iniaalok na lang ang mga sanggol sa iba't ibang buyer online.
04:18Ang iniisip kasi namin, paano kung mapunta sa maling kamay?
04:22Paano kung hindi pag-aampon yung pupuntahan ng bata?
04:27Pusibiraw kasi na mauwi sa pang-aabuso at iba't ibang uri ng exploitation o higit pa ang mga sanggol.
04:34This is the worst form of exploitation.
04:37Una, yung pagbebenta ng bata is a violation of rights.
04:42Hindi dapat kinokomodify ang tao.
04:45People are not supposed to be sold.
04:48A form yan ng slavery.
04:50Illegal yan.
04:51Ang pagtingin sa bata ay commodity.
04:53Hindi tao.
04:54Kung hindi talaga nila kayang buhay yan, pumunta sa ating gobyerno.
04:59Habang hinihintay ng mga otoridad ang reply ni Rhea,
05:02isa pang message ang natanggap ng aset mula sa isang babae sa Angeles, Pampanga.
05:07Hindi pa po nagtatagal yung usapan namin ng isang birth mom.
05:11May isa naman pong account na nag-message agad sa amin ngayon.
05:14Sabi niya po, hello po, willing ko ba kayo kunin agad yung CV?
05:1925,000 pesos naman ang iniaalok na presyo ng babae sa police asset.
05:26Pero ang babae, agad na nagbago ang isip at humihingi ng karagdagang 5,000 pesos.
05:33Sinabi ko po ma'am na, o po ma'am, basta legit po.
05:37Ang sabi niya naman po, legit po ma'am.
05:39Sa gitna ng transaksyon ng seller at police asset,
05:42biglang nagpadala ng mga litrato ng sanggol ang seller.
05:45Pero ay kinagulat ng mga otoridad.
05:48Kapapanganak lang pala ng sanggol.
05:52Kaya agad na pinuntahan ng mga operatiba ang napag-usapang meet-up place.
05:59At nang makarating sa lokasyon,
06:02namataan ng mga otoridad ang isang babaeng nagaabang sa gilid ng kalsada.
06:06Bitbit ang kanyang 2-day-old na sanggol.
06:10Agad siyang nilapitan ng mga nagpanggap na buyer.
06:14At nang maayabot na ang napagkasundoang pera na 30,000 pesos,
06:21inaresto na siya ng mga otoridad.
06:27At agad sinagip ang sanggol.
06:31Dalawang araw pa lang na naipanganak,
06:33nakuha na namin dahil naibenta na.
06:35Ito din ay isang kaso ng unplanned pregnancy.
06:39Ilang tao na magulang? Ang nanay?
06:41Adult naman na sila.
06:43Nasa 20-27.
06:45So makikita mo pa dito, 2-day-old.
06:48Ando doon pa yung mga balat na nagsished off?
06:50Yan ay yung unang beses na ginawa lang mo ng dalawa.
06:53Yes, oo.
06:55Anong dahilan daw nila?
06:57Hindi nila kayang itaguyo.
06:59So yung pagbubuntis,
07:02parang dahil nga biglaan,
07:04hindi nila naisip na meron palang kaakibat ng responsibilidad.
07:07Yun din na nakakalungkot eh.
07:10Kasi hindi nila napag-isipan yung mga aksyon nila.
07:12Ang kapalit nun eh,
07:14ando doon sila sa loob ng rehas.
07:17Samantala,
07:18makalipas ang ilang araw,
07:19buling nag-chat sa asset
07:21ang mag-inang sina Elsa at Reha.
07:23Payag na raw sila sa unang napag-usapang presyo
07:25na P130,000.
07:28Ngayon po ma'am,
07:29nagkaka-reply niya lang po na
07:30okay na po yun ma'am.
07:33Kaya agad na pinlano ng mga otoridad
07:35ang isang entrapment operation.
07:37Ang meta place,
07:39sa isang restaurant sa Baliwag, Bulacan.
07:43Pagdating sa napag-usapang lokasyon,
07:48tatlong babae ang humarap sa mga operatibang
07:50nagpanggap na buyer.
07:51Ang mismong nanay na si Reha,
07:54doolang si Elsa,
07:55at siahe ng sanggol.
07:57At nang maayabot na
07:59ang napagkasundoang presyo
08:00na P130,000,
08:03tuluyan na silang inaresto.
08:22Sinagip naman ang mga social worker
08:24ng DSWD ang sanggol.
08:27Actually, ito yung pinakamahal na in-offer sa amin,
08:30sa halagang P130,000.
08:34Mabuti na lang,
08:36nakuha namin yung bata.
08:38So ngayon, tatlo sila ngayon,
08:39plus yung tatay ng bata
08:40ang nakakuloy.
08:45Ang mga nahuhuling suspect
08:46ng Women and Children Protection Center
08:48sa iligad na aktibidad
08:49na babies for sale
08:51dito pang samantala
08:52ay kinukulong
08:53sa kanilang jail facility
08:54dito sa loob ng camp krame.
08:56Dito nila ay hihintayin
08:57ang commitment order
08:58mula sa korte.
09:02Nakapanayam ng reporters notebook si Reha,
09:04ang nanay ng ibinibentang sanggol online.
09:07Una-una, ilan taong ka na ba?
09:0923 po.
09:1023.
09:11Ilan na ang anak mo?
09:13Tatlo po.
09:14Doon sa tatlo na yun,
09:16sino yung sinasabing
09:19sinubukan mo doon ibenta?
09:20Big yung baby girl ko po.
09:22Talaga bang
09:24nakapagpasya ka na sa sarili mo na?
09:26Gusto mong ibenta yung anak mo?
09:29Opo.
09:30Bakit mo
09:32naisipang ibenta yung
09:33sarili mong anak?
09:34Kasi po,
09:36hirap na po kami.
09:38Sa isang linggo,
09:39di po kami kumakain.
09:41Mangkastosin pa po
09:42ng mga anak ko.
09:44Ang hirap po
09:44nung walang katuwang,
09:45walang pabilya.
09:48Pagkakano po
09:49nasa isip ko.
09:52Paampun po.
09:53Ang perang
09:54makukuha raw sana
09:55sa pagbebenta
09:56ng kanyang anak,
09:57pangpiyansa
09:58ng kanyang kinakasama
09:59na nakulong
10:00dahil sa kasong robbery
10:01noong nakarang taon.
10:03Along gagawin nyo
10:04doon sa pera?
10:05Sa aray glo po.
10:06Para po may
10:07katuwang na po
10:08ko sa paghahanap,
10:09pag-aalaga
10:11sa mga bata,
10:12pag sa pagbili
10:13ng mga gatas.
10:14Sabihin na natin,
10:16napakahirap talaga
10:17ng buhay mo.
10:18Pero kawawaan
10:19naman yung bata,
10:20walang kamuhang-muhang.
10:21Alam ko naman po yun.
10:23Pero nasa isip ko
10:24na lang po noon
10:25na mapapaganda buhay niyo
10:26sa pagsa iba.
10:27Kasi may bibigay
10:29yung hindi namin
10:29maibigay.
10:32Nakapanayam din
10:32ang reporter's notebook
10:33ang isa pang sangkot
10:34sa bentahan ng sanggol.
10:36Ang bina ni Rhea
10:37at mismong lola
10:38ng sanggol na si Elsa.
10:40Kwento niya,
10:41bukod sa kakailangan
10:42ng pangpiansa
10:43ng kanyang anak,
10:44nangangailangan
10:45nindaw sila
10:45ng pera
10:46para sa pagpapagamot
10:47naman ng kanyang asawa.
10:49Na aksidente siya,
10:50nabali yung ganito niya,
10:52kailangan namin
10:53ng
10:55150,000.
10:56Kaya dito na raw
10:57nila naisip
10:58na ibenta
10:59ang sariling apo.
10:59Ay, yung manugang ko
11:01ang nag-price.
11:02Siya lang naman
11:03na nag-price siya.
11:04Sumunod ko maga,
11:05sinusuportahan ko lang
11:06naman sa kasi.
11:07Tamang dapat lola ako,
11:08dapat,
11:09ano,
11:09hin ko yun.
11:10Pero,
11:11wala rin,
11:12no choice din yung
11:12naisip ko na,
11:14kasi hindi mo na rin
11:15kayang hinibuhayin eh.
11:18Ang hirap din
11:20unawain,
11:22nanay,
11:23lola,
11:25tiyahin,
11:26lahat kayo,
11:27in sync yung isip nyo
11:28na ibenta yung
11:29kadugo ninyo.
11:30Wala man lang
11:30kinilabutan,
11:32wala man lang
11:32kumontra
11:33doon sa
11:35decision na ginawa nila.
11:38Ang nakababahala pa,
11:40pabata ng pabata
11:41ang mga
11:41nagbebenta ng
11:42sanggol online.
11:49Sa Quezon City,
11:51isang 17 years old
11:52na babae
11:53ang minanmanan
11:53ng PNP WCPC
11:55noong January 2.
11:57Pero nanghingan na
11:58ng impormasyon
11:58ng mga otoridad
11:59ang minor.
12:00Bigla na lang daw
12:01itong hindi nagparamdam.
12:04Hanggang sa napagalaman
12:06ng mga otoridad
12:07na nagdadalang tao
12:08pa lang ang seller
12:09at hindi pa
12:10na ipapanganak
12:11ang baby.
12:14Hanggang nito lang
12:14January 4,
12:15muling nagparamdam
12:16ang seller.
12:17Nag-PM na po siya,
12:19ma'am.
12:20Nag-hello po siya.
12:21And ngayon po,
12:22inireplyan ko na po.
12:30Ito po,
12:31may sinend po siyang
12:32picture ng baby
12:33na nakatulog po.
12:35Ang reply ko po ma'am
12:37is kung anong
12:38kailangan ko
12:38ihanda
12:39sa pag-aambole po.
12:42Five minutes po,
12:43nag-reply po siya ulit
12:44na pera po
12:45panimula
12:46ang sagot niya po.
12:4855,000 pesos
12:49naman ang offer
12:50ng minor
12:51para sa kanyang
12:52bagong silang
12:52na sanggol.
12:53Ang pagbebentahan
12:54para daw
12:55sa kanyang tuition fee.
12:56Tinatanong ko na po siya
12:58ngayon kung
12:58saan po ang gusto
12:59niyang meet up
13:00place po namin.
13:01Pero hindi naging madali
13:03ang pakikipag-transaksyon
13:04ng mga otoridad
13:05sa minorte edad.
13:06Napag-alaman kasi nila
13:08na hindi lang pala
13:09sa kanila
13:10iniaalok ang sanggol.
13:12May kausap siya
13:13taga Japan
13:14and then
13:15nakapagbigay na sa kanya
13:16ng earnest money.
13:17So,
13:18deliberate yung
13:19pagbebenta niya.
13:20It was not a
13:22instant decision.
13:24Sabi,
13:25nasa
13:25sinapupunan pa yung bata,
13:27may nagpapa-reserve niya.
13:29Tumatanggap na siya
13:29ng parang
13:30reservation fee
13:31or something like that.
13:32May nakausap na siya
13:33na
13:34supposedly
13:35magiging buyer
13:36nung anak niya
13:37once na
13:38mailabas niya ito.
13:39Sino gusto mag-ampun
13:40ng baby ko?
13:42Binagamit niya.
13:43Baby ko yun
13:44ang sinasabi niya.
13:46Sabi naman nung
13:46isa pang sumagot.
13:48Available
13:49pa-PM.
13:50Tinan mo yung mga
13:52lingwahe na ginagamit.
13:53Parang hindi
13:54buhay ng isang tao
13:55yung pinag-uusapan.
13:57Yung palitan nila dito
13:58parang
14:00isang bagay lang
14:02yung
14:03ibinibenta.
14:05Parang
14:05isang bagay lang
14:07yung gustong bilhin.
14:10Hanggang nito lang
14:11January 6,
14:13napakagat na mga
14:14otoridad ang minor
14:14na nagbibenta
14:15ng kanyang sanggol.
14:18Ano po ma'am,
14:20chinachat ko po na
14:22kausapin ko lang po
14:23yung partner ko
14:24tapos huwag na po siya
14:25maghanap ng iba
14:26at legit po kami.
14:27Ito po ngayon ma'am,
14:29nag-send po siya ulit
14:29ng bagong picture
14:31ni Baby
14:31kasama po siya.
14:32Hawak na po si Baby.
14:35Alas 4 ng hapon.
14:40Oras na para
14:41makipag-meet up
14:42ng asset sa seller
14:43na naghihintay
14:44sa isang fast food restaurant
14:45sa Quezon City.
14:47Pagpasok
14:47ng mga otoridad.
14:54Agad nilang nakita
14:55ang isang babaeng
14:56nakagwin
14:57bit-bit
14:57ang kanyang
14:58bagong panganak
14:59na sanggol.
15:00Agad siyang
15:01inaresto
15:01ng mga polis
15:02at nakatakda siyang
15:03dalhin sa
15:04Department of Social
15:04Welfare and Development
15:06o GSWD
15:07na sagip din
15:08ang kanyang
15:08ibinibentang anak.
15:09Yung social worker
15:10natin
15:10magkakandak
15:11ng discernment
15:12assessment.
15:13Base dito
15:14sa mga
15:15detalyeng
15:16na ibigay niya
15:18positive niyang
15:19pinag-isipan.
15:20Alam niya
15:20yung gagawin niya
15:21na merong
15:23pananagutan
15:24sa batas.
15:27Ayos sa PNP
15:28WCPC
15:29ang mga
15:30suspect na raaresto
15:31mula sa kanilang
15:31sunod-sunod na operasyon
15:33sinampahan
15:33ng kasong paglabag
15:34sa Republic Act
15:35No.
15:367610
15:37o ang
15:38Special Protection
15:39of Children
15:40Against Abuse
15:41Exploitation
15:42and Discrimination Act.
15:44Sakaling mapatunay
15:45ang nagkasala
15:46habang buhay
15:47na pagkahakulong
15:48ang parusa sa kanila.
15:50Ang minor na edad
15:51na naaresto
15:52naman sa
15:52Quezon City
15:53bananatili
15:54sa isang shelter
15:54ng Department of Social
15:55Welfare and Development
15:56o DSWD
15:58at sasayadaling
15:59sa counseling
16:00at intervention.
16:02Bilang isang ina
16:04nung nalaman mo
16:04yung kaso na yan
16:05anong sumagi
16:07sa isip mo
16:08anong-along naramdaman mo?
16:09Punong-puno
16:10ng emosyon
16:10simply because
16:12traditionally
16:13ang Pilipino
16:14makapamilya tayo eh.
16:16Bilang ina
16:17igagapang mo.
16:18Mapapag-isip ka
16:19saan hinuhugot
16:20ng mga ito
16:21yung tibay
16:23ng dibdib nila
16:24na kaya nilang
16:26gawing kalakal
16:27yung mga anak nila.
16:31Ayon sa
16:31Philippine National Police
16:32Women and Children
16:33Protection Center
16:34noong taon
16:352024
16:36limang kaso
16:37ng baby selling
16:38o illegal adoption
16:39ang na-operate
16:40ng kanilang opisina.
16:41Wala naman
16:41na naging kaso
16:42ng 2025
16:43at ang nakababahala
16:44sa unang
16:45dalawang buwan
16:46pa lang ng taon
16:47umabot na ito
16:48sa aning na kaso.
16:49Alarming sa amin
16:50nakaka-second month
16:51pa lang tayo.
16:52Paano ba
16:53nag-thrive itong
16:54illegal activity
16:55na ito?
16:56Nasaan ba sila?
16:57Nandito sila
16:59sa social media sites.
17:01So namamonitor namin
17:02yung ilan sa kanila
17:03pero
17:04paano yung hindi
17:05gumagamit
17:06ng social media platforms?
17:09Yun ang mas delikado.
17:11Yun ang mas delikado
17:11kasi hindi namin
17:12mamamonitor.
17:19Nadiskobrido
17:20ng PNP WCTC
17:21ang bagong
17:22sistema raw
17:23ng bentahan
17:24ng mga sanggol.
17:25There were cases
17:26na previously
17:27na trinabaho namin
17:28na kung saan
17:29mayroong third party
17:29or reseller.
17:31Ito yung kinakatakot
17:31yung modus.
17:33Yung pagpubasok
17:34na yung mga reseller.
17:35Yes.
17:36Kasi
17:36mahirap na kabulin.
17:38Mahirap kabulin.
17:39May lapanapin.
17:40Saan pupunta
17:42ang bata?
17:43Ano ang gagawin?
17:44Ano ang
17:45magiging lagay?
17:47Baka mas malaking
17:48panganib
17:48ang nagaantay
17:49sa bata
17:50sa sanggol?
17:51Yes.
17:52Isang sanggol
17:52na walang kalaban-laban.
17:54Kami ngayon,
17:56the more
17:56na nagiging
17:57active kami,
17:58cyber patrolling,
17:59and at the same time,
18:00ini-encourage namin
18:01yung mga publiko
18:02kung meron
18:03kayong nalalaman
18:04na nakakausap,
18:05na nagbabalak
18:06ng ganito,
18:07ipaalam sa amin.
18:09Ang National Authority
18:11for Child Care.
18:12Matagal nang
18:13kinukundi na
18:14ang talamak
18:15na bentahan
18:16ng mga sanggol
18:16o ang iligal
18:18na pagpapaampon
18:19sa kahit anong paraan.
18:20Dalupat,
18:21may malinaw namang
18:22batas na nagtatakda
18:23ng wasto
18:24at legal na proseso
18:25ng pagkaampon.
18:28Taong 2022,
18:30naipasa ang
18:30Republic Act No.
18:3211642
18:33o ang
18:33Domestic Administrative Adoption
18:35and Alternative
18:36Child Care Act.
18:38Layunin ang batas na ito
18:40na gawing
18:41mas-accessible
18:42ang iligal na pagkaampon
18:43sa Pilipinas
18:44na hindi isinasakripisyo
18:46ang kaligtasan
18:47at kapakana ng bata.
18:49Pero sa ilalim
18:50ng batas,
18:51ang mga nagnanais
18:52magkaampon
18:53ay dapat munang
18:54dumaan
18:54sa masusing proseso.
18:56Understandable po yan
18:57kasi buhay po ng bata
18:59ang ating pinag-uusapan dito.
19:01Kaya po,
19:02hindi po pwedeng
19:03basta-basta
19:04yung proseso
19:05ng pagpili
19:05at pag-apply
19:07at pag-approve
19:07ng ating mga
19:08prospective
19:08adoptive parents
19:10apart from their
19:11financial capability,
19:13apart from their
19:14physical capability,
19:17mental and psychological
19:19din po
19:19ay ating sinisiguro.
19:21Ang pinakaimportante
19:23ang child matching system
19:25para matiyak na
19:26mapupunta ang bata
19:27sa angkop
19:28at ligtas na pamilya.
19:30May proseso pong
19:31kailangang pagdaanan
19:33para masiguro po natin
19:34na yung best interest po
19:36ng bata
19:36ang naibibigay natin
19:37sa mga anak natin.
19:40Samantala,
19:41ang naarestong si Rhea,
19:43laking pagsisisiraw
19:44sa nagawa
19:45sa kanyang anak.
19:47Ang brosakit din po
19:50kasi walang
19:51nakaalalay na
19:52pamilya.
19:53Yung biyanan mo,
19:54yung lola
19:55ng bata
19:55at saka yung
19:57tita
19:57tita nung bata.
19:59Pagka yung tatlo
20:00nag-uusap-usap na yan,
20:01ano,
20:01ano,
20:04napagkukwentuhan niyo?
20:05Anong napag-uusapan niyo?
20:06Dana,
20:07hindi na lang po
20:07naming ginawa.
20:16Sa bawat sanggol
20:18na ikinakalakal
20:19o ibinibenta,
20:23isang buhay
20:24ang nalalagay
20:25sa kapahamakan.
20:26Hindi lang responsibilidad
20:28ng magulang
20:29ang pag-aaruga
20:29at pag-poprotekta
20:31sa kanila.
20:34Tungkulin din
20:35ang pamahalaan
20:36at iyaking
20:36may matibay
20:38na sistema
20:38at pulisiya
20:39na poprotekta
20:40sa kanila
20:40laban sa mga
20:42mapang-abuso
20:43at mapanamantala.
20:46Dahil ang buhay
20:47ng bawat sanggol,
20:48kailanman
20:49ay walang
20:50katumbas na halaga.
20:52Hanggang sa susunod
20:53na Sabado,
20:54ako si
20:55Junveneration,
20:56at ito ang
20:56Reporters Notebook.
20:57At ito ang Reporters Notebook.
Comments