Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Lubog sa baha at wasak ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Caranglan, Nueva Ecija matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan. Mahigit 30 na magsasaka ang nawalan ng ani mula sa halos 50 ektaryang palayan. Kaya naman si Chef JR, may hatid na sorpresa para sa kanila!

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, patuloy po ang ating mission na maghatid ng servisyong totoo sa mga kapuso nating apektado ng bagyong uwan.
00:09Bukod sa mga kabahayan, marami rin pong nasirang mga kabuhayan.
00:15Gaya na lamang po ng mga magsasaka sa Nueva Ecija na hindi na mapakinabangan ang kanilang mga itinanim na palay matapos bayuhin ng bagyo.
00:23Oh, bibisitahin sila ni Chef JR ngayong umaga. Hi, Chef!
00:31Hello, kamusta na yung mga kapuso natin dyan?
00:34Blessed morning po sa inyo, mga kapuso.
00:38Hi, ma'am. Okay naman po sila.
00:41Kagaya ng nakausap natin kanina yung mga kapuso natin dito, despite yung we consider na trahedya doon sa kanilang kabuhayan na nangyari,
00:49eh, we are glad to say na wala naman po tayong casualty.
00:54Dito nga po yan sa Karanglan, Nueva Ecija.
00:57Specifically, nandito po tayo sa Sitio Botolan, dito po sa Barangay Burgos.
01:02At ito pong kinatatayuan natin ngayon is a good example kung ano po yung sitwasyon nila ngayon.
01:09Kasi ito pong mismo, yung nakikita po natin hanggang sa likod po, eh, dati po yung sakahan.
01:14Dati po nilang tinataniman yan ng palay at makikita po natin ngayon, eh, para na pong ilog.
01:21Makikita natin, punong-puno ng graba at ito mismo, yung kinakatapakan ko ngayon,
01:25ang dati pong level nitong palayan nila.
01:28In fact, ito po papakita natin mga kapuso.
01:31Ito po ang dati nilang tinataniman.
01:34Ito po mga palay na natabunan mula po doon sa gumuhong, well, bumaha po yan, may mga kasamang graba.
01:40So, makikita po natin, gatuhod po yung taas.
01:45So, at this point, itong ilang ektarya po na parting ito dito sa situ Botolan,
01:51eh, unfortunately, hindi na po nila mapapakinabangan.
01:55At isa lang po ito doon sa mga kinakaharap nila na problema ngayon,
02:01eh, tuloy-tuloy pa rin naman po ang paglaban natin.
02:04Pero yun nga po, kagaya ng mga kapuso natin na nandirito, eh, mahirap talaga hagilapin kung paano po ba sila makakapag-umpisa.
02:12Kakausapin lang po natin yung ilan sa mga magsasaka natin na nandirito,
02:15at kamustahin natin kung ano yung sitwasyon.
02:18Sir, nabaganda nga bigat yun, ma'am.
02:21Kamusta po ang sitwasyon ng inyong pamilya, sir?
02:24Eh, ala na po, lubog na-lubog na po talaga kami sa utang.
02:28Eh, ala na po, ayun po, kita naman po natin yung palayan po namin.
02:34Talagang ala na po.
02:36Yung sabi po ninyong utang, yung pinangpuhunan po ninyo sa pagtatanim, sir, eh, galing po doon?
02:42Opo, utang po yun.
02:43Pati po nung nakaraan, eh, nalugi po kami mga magsasaka.
02:46Hindi pa rin po nakabahad noon, utang pa rin po hanggang ngayon.
02:49Eh, paano na po ito ngayon?
02:50Sir, saan bang parte yung sinasakahan nyo dito ngayon?
02:53Ito po, baka, panap, yan.
02:55Itong parting natabunan na ng graba ngayon?
02:58Opo.
02:59Gano'n po ba kalaki yung sinasaka natin, sir?
03:02Eh,
03:02Isang ektarya po ba yun?
03:03O, isang ektarya po.
03:05So, mga 50 kaban po ng bigas yun, kung tutusin?
03:09Opo, ano po.
03:11Eh, paano po ang plano natin?
03:13Paano po tayo makakabangon yan?
03:16Eh, hindi ko na po alam.
03:18Eh, may pinag-aaral pa po ako, eh.
03:20Hindi ko na po alam kung mapapag-aaral pa po.
03:21Ilan pa po ang nag-aaral sa inyo ngayon, sir?
03:24Isa po yung bunso ko kasi po, 92 po yung dalawa dahil lubog na lubog na po talaga sa utang.
03:29Yung sitwasyon nyo na yan, sir, eh, gano'n po karami dito sa mga kabaranggay ninyo ang kapareho ng estado ninyo ngayon na pinangutang lang din po yung pinamuhunan dito sa inyong aning ngayon dapat?
03:40Eh, halos lahat po siguro dito, sir, eh, parang sa amin rin po.
03:47Puro utang din po.
03:48Kasi po, halos palagi-lagi pong nababa ito.
03:50Ito yung tagulan po.
03:53Pero yung ganito pong kalakas, ganito kataas, ganito kagrabe, normal po ba itong sitwasyon dito sa inyo?
03:58Hindi po. Ngayon lang po nangyari ito, sir.
04:01Pamula po at sa pool?
04:03Nadadaaran po dati ng tubig pero nasasaka pa rin po.
04:05Pero ngayon po, talagang kita naman po natin na talagang hindi na po kayang, hindi na po pwedeng mong kalin.
04:11Nanay, kamusa naman po yung ating mga anak?
04:14Kanina po yung isa nakausap natin na trauma.
04:17Eh, parang gano'n din po, na-trauma po yung mga anak ko, eh.
04:20Kamusa naman po sila ngayon? Sila po ba, eh, maayos naman, wala naman pong sakit?
04:25Ano na alam po, sir?
04:26Kadalasan po kasi pag may mga trauma yung mga bata, nagre-reflect yan, parang nagma-manifest, nagkakaroon ng mga lagnat.
04:31Alam po silang trauma, sir, pero ako po ang na-trauma, sir.
04:35Naintindihan po natin, May. Kasi yung laki po nung damage dito sa inyo, maintindihan po natin.
04:41Na ganyan po ang inyong nararamdaman. Ano naman po ang gusto nating iparating sa, pwedeng makatulong sa sitwasyon po ninyo dito ngayon?
04:49Eh, kahit sana po, kahit konti lang po, makatanggap po kami ng kahit konting tulong.
04:54Yan po, inilalapit na po natin sa gobyerno or private sector na pwede pong makatulong dun sa mga kababayan natin.
05:02Hindi lang po dito sa situ botolan po, ano, marami rin po kayong mga kasama dito na ganto rin ang sitwasyon.
05:07Ano po, lahat po kami magsisa kasi.
05:10Mga kapuso, yan po yung isa sa mga mahirap na parte, lalong-lalong na pag may mga gantong pinagdadaanan tayo, eh, yung babangon.
05:19Kung paano po tayo muling makakatayo.
05:22Kung baga, parang, di ba po, tayo, eh, tuloy-tuloy pa rin naman po ang paglaban sa buhay.
05:29Tayo po, eh, mga kapuso, ang hatid po natin dito, eh, of course, iparating po sa lahat yung kanilang sitwasyon dito.
05:35At tayo naman po, bilang inyong food explorer, eh, magdadala lang din po ng kaunting pampalubag po ng kanilang pampaibsan,
05:44ng kanilang pinagdadaanan ngayon, tayo po, eh, magpe-prepare ng isang maayos po na almusal.
05:50Ma'am?
05:50Ah, ilalapit po natin yan doon sa mga makakatulong sa atin.
05:56At alam po natin na ang ating gobyerno kahit po po paano, ultimo po kahit private sector, eh, gagawan po natin yan ng solusyon.
06:07Ayan po, ang ating, ano, sige ma'am, ah, parang liyo po maibsan ang ating pakiramdam, ipagluluto ko po kayo ng medyo mainit-init na almusal.
06:17Ayan po.
06:18Ayan.
06:18Sir, maraming salamat po.
06:21Mga kapuso, yun po, the, the, one of the least that we can do, aside from, of course, letting everybody know yung kanilang sitwasyon dito is,
06:29eto, may may gantong communal na, na activity ba?
06:32So, somehow, we get to talk about stuff over hot meal.
06:37Ito po yung ating ipine-prepare para sa ating mga kapuso na nandito is gumagawa po tayo ng ginataang kalabasa na may hipon.
06:45So, just like with anybody else sa bahay nila yung kanilang sariling mga recipe, eh, same lang po yung ating ginagawa dito, nag-isa po tayo ng mga bawang sibuyas at luya, tapos saka po natin inilagay yung ating kalabasa.
07:01Siyempre, meron po tayong gatadi yan.
07:04At, at, syempre, para lang po mas nutritious at saka mas filling, maglagay din po tayo ng sitaw.
07:09At, para medyo mas espesyal ng kaunti, yung ating ginataang kalabasa, eh, lalagyan po natin ang ating hipon.
07:19So, more or less, pag ganto po karami, ganto rin naman po kalakas yung kala natin, this would siguro take us roughly mga 10 to 15 minutes pa.
07:29Finish lang din natin ng konti pang seasoning.
07:31At, mamaya-maya po, eto mga kapuso, yung ating mga food explorers dito, mga kapuso natin na nagaantay na po,
07:45haharap na naman sa panibagong yugto ng kanilang mga buhay, eh, at least po, busog po tayong gagawin yan.
07:54So, lagyan lang din natin ng sile, saka syempre yung ating malunggay.
08:02Ayan.
08:03So, again, mga 10 to 15 minutes lang po ito mga kapuso.
08:06At, eto po, yung ating mga kasama dito.
08:09Sa Sityo Botolan, sila po yung ating pakakainin mamaya, makakasalo.
08:14At, syempre, mamaya makakakwentuhan pa po natin sila, kakamustahin pa natin yung lagay.
08:19At, eto nga, magandang pagkakataon po ito para sa ating lahat, para mag-regroup,
08:23tapos mag-plano kung paano itong klase ng problema na hindi lang po kasi ito panandalian.
08:29Ito'y magiging matagalang rehabilitasyon para muling magamit nila yung parting ito ng kanilang sityo para sa kanilang kabuhayan,
08:39which is yun nga po, kanilang pagsasaka.
08:41Mga kapuso, tuloy-tuloy po ang ating paghahatid ng servisyo totoo, kaya tumutok lang po sa unang hirit.
08:47Mga tapos, sumagupit ng sunod-sunod na bagyo.
08:52Ang pagbangon naman ang sinusubukan gawin ngayon ng marami sa ating mga kababayan.
08:57Gaya na lamang ng ilang magsasaka sa bayan ng Karanglan sa Nueva Ecija na naglaho ang kabuhayang palayan dahil sa matinding baha.
09:06Sa pagpapatuloy ng ating misyon para sila'y makabangon, maghahatid tayo ng servisyong totoo.
09:12Ngayong umaga kasama si Chef J.R.
09:14Chef?
09:15A blessed morning, Ma'am Susan. A blessed morning, Kaisal.
09:21Tama ka dyan, ano?
09:22Literal po na na-wipe out yung kabuhayan ng mga kapuso natin dito nga sa Karanglan, Nueva Ecija.
09:29Specifically dito po sa Barangay Burgos, kung saan 50 hectares po ng buong sinasaka nila ang talagang na-damage.
09:37At ito po, kanina pa natin pinapakita sa inyo, itong kinatatayuan po natin dito.
09:41Eh, hindi po ito ilog or parang yung pinagkukunan ng mga graba.
09:46Kundi, ito po mismo yung pinagsasakahan nila na natabunan na ng halos tuhod po yung taas.
09:54Makikita natin yung sa gilid na yan, yung ilang mga palay pa o, na sana ilang linggo na lang maha-harvest na.
10:02Kaso nga hindi nila ine-expect po na ganito kalakas at ganito ka grabe yung sasapitin nilang baha dito.
10:10Na may kasama pa nga ito, mga graba.
10:12Tsaka hindi lang biro yung kasama niya kasi talagang totally wiped out.
10:16Kagaya ng pinauulit-ulit natin kanina at makakasama po natin this morning,
10:20yung isa sa mga kapuso natin na grabe po talagang naapektuhan.
10:24Si Ma'am Ami. Ma'am, good morning po.
10:26Good morning po.
10:27Alam po natin, medyo nakakapanlungo po yung inyong sinapit dito dahil yung kabuhayan po ninyo eh natabunan na.
10:35Kamusta naman po kayo despite ng nangyayari sa atin?
10:38Eh, ganito po mahirap po nakakalangkot po sa amin.
10:44Kasi po yung asawa ko na trauma.
10:46Paano pong na trauma?
10:47Si Sir Paul?
10:48Yung hindi po siya, ganong makausap.
10:50Bakit po ma'am? Bakit? Bukod po sa...
10:52Bukod po sa nasira po lahat ng buki rin namin. Tapos yung bahay po namin nakatirik na po sa ilong.
11:01At least safe naman po tayo ma'am.
11:03Opo. Kahit ganun po. Nakatira pa rin po kami kasi hindi pa po kami lumilipat.
11:09Si Sir po eh naturo. Saan po ba banda dito ma'am yung inyong bahay?
11:13Ayan po sir.
11:14Itong nasa likod po natin?
11:16Opo.
11:16Itong makikita natin dati, ma'am palayan ito lahat?
11:19Opo.
11:20Hindi po ito karayan, hindi ito ilog before?
11:22Hindi po ilog yan.
11:22Mukha na, nagmukha na lang po siyang ilog ngayon na makikita natin medyo delikado na yung pwesto nung kanilang bahay.
11:29Kasi parang mahuhulog na po doon sa ilog na nangyari dito.
11:34Si Sir naman po bukod po sa trauma, ano po ba yung pinoproblema niya bukod sa naranasan niyo dito?
11:39Iniisip din po niya yung mga inutang po namin kung saan po kami kukuha ng pumbayad namin.
11:45Ayan mga kapuso, isa po yun sa mga paulit-ulit natin naririnig sa mga kapuso natin magsasaka is yung kung paano nga po kasi nila fina-fund yung kanilang hanap buhay e galing din po sa utang.
11:57Opo.
11:58Yung utang po ba natin ma'am pang ngayong season lang o may hinahabol pa kayo ng mga nakaraan?
12:04Yung magsasaka po kami, umuutang po kami. E ngayon po, nasira naman po. Paano na po yung mga utang namin?
12:11Yan po yung hinahanapan po natin. May koordinasyon naman po tayo sa mga tanggapan ng gobyerno kung paano natin ito masusolusyonan.
12:22Meron po ba tayong nakukuhang kahit pag-dialogo man lang?
12:26Wala po.
12:26Yun po siguro yung ating gustong ilapit din po sa mga opisyal natin, sa gobyerno po.
12:34Oo po, humihingi po kami ng konting tulong. Lalo na po sa bahay po namin.
12:40Tsaka mam yung hinihingi po nating tulong is hindi po yung panandalian.
12:43Opo.
12:44Yung permanente po sana kung paano natin masusolusyonan yung gantong klase ng problema.
12:48Kasi hindi po ito yung basta-basta lang naayusin tapos okay na po ulit.
12:53Opo.
12:53Okay. Alam po natin mga kapuso, ma'am, amin na mahirap itong pinagdadaanan nyo.
13:00Pero kaya po ng inyong mga pagsisikap ng mga nakaraan, tayo po'y babangon pamuli.
13:06Opo.
13:06Si sir, maraming salamat mga amin.
13:09Isa rin po sa sana bukod doon sa mga pinansyal, sa mga permanenteng solusyon na pwede nating maibigay sa mga kababayan natin.
13:16Yung paulit-ulit din natin naririnig sa mga kapuso natin dito is yung sa trauma.
13:21Sana meron din tayong mga ehensya ng gobyerno na tutulong doon sa mga kapuso natin na nasalanta.
13:27Dahil hindi lang po physical at saka financial ang tinamaan dito, pati po yung kanilang mental health na talaga naman po yung talagang sinapit nila dito na sabi nila, eh lampas tao daw po yung baha.
13:39At yung tayo naman po bilang inyong food explorer, ang mayaambag po natin dito is maibsan man lang po yung kanilang pangamba, yung kanilang trauma po na nararanasan by giving siguro an activity na magsasama-sama tayo where we could all discuss at makakapag-usap pa ulit kung paano natin makakapag-regroup.
13:59At eto, yung mga kasama natin, mga magigiting pong magsasaka, eh patuloy pong lumalaban sa kinakaharap natin mga problema.
14:08Sir, magandang umaga po.
14:10Sir, kamusta ka ngay?
14:12Ayos lang po.
14:13Inyanagan mo, sir?
14:15Ronald po.
14:16Sir Ronald, manutawan mo? Ilang taong ka na?
14:18Nineteen po.
14:19Nineteen?
14:20Isa sa ka pinakabata po kasi na magsasaka na nakilala natin si Ronald dito. Manutawan ka nga nga ag-agtaltalon?
14:29Apat po.
14:30So, apat na taon na daw po siyang nagsasaka. Nag-aaral ka pa ba?
14:34Hindi na po.
14:35Bakit ngay?
14:39Bapay ngay, ang dada-da-da lang?
14:42Hira po ng buhay. Tabagyo po.
14:45So, hindi ka na nag-aaral ngayon?
14:47Pa po.
14:47So, yung kwento po ni Ronald, mga kapuso, isa din sa mga refleksyon ng mga, isa din po ng mga kabataan natin sa mga gantong areas na kailangan po nilang i-give up yung kanilang pag-aaral para makatulong, ano, Ronald?
15:01Opo.
15:01Ayan. So, eto. Nasaan ba yung tinatalon mo dito?
15:06Sa Bandok po.
15:07Kamusta na? Tinamaan din ba?
15:09Hindi naman po. Opo.
15:11Paano na ang kwan natin ngayon? Paano na natin madidiskartehan ngayon yung pang-araw-araw natin?
15:17Makikiaapit ka na lang?
15:22Opo.
15:23So, ganun din po ang nangyayaring yun. Yung mga nawalan po, ang mangyayari, lalapit na lang din po dun sa pwede pang taniman para makitulong.
15:31Yun na lang po yung magiging source nila.
15:33Ronald, maraming salamat. At tayo po dito sa unang hirit, katuwang po ang Kapuso Foundation,
15:38e, nandito po tayo para mamigay rin po ng kaunting tulong sa mga kababayan natin dito sa Sityo Botolan.
15:48At eto, mga Kapuso, meron po tayong kaunting financial aid. Sir, magandang umaga po.
15:54Sir, eto po yung ating mga kausap. Sir, ninyo na agad tayo, sir?
15:57Kristo Perdo ngayon po.
15:59Si Sir Christopher po is yung presidente, sir po, no?
16:03Opo.
16:03Nang samahan niyo po dito.
16:04Opo.
16:05Sir, in behalf po ng unang hirit at GMA Kapuso Foundation, ito po yung ating tulong para sa inyo.
16:10Si Sir na po yung bahalang mag-distribute doon sa ating mga Kapuso na matutulungan po nung ating kaunting financial aid para sa kanila.
16:18At of course, bukod po dyan, sir, maraming salamat.
16:21Meron din po tayo dito mga relief goods at saka mga bigas na pwede rin po nating iabot sa ating mga Kapuso.
16:29At ayan po, nakakatuwa rin, despite ng mga pinagdadaanan natin, tuloy-tuloy po yung pagdating ng tulong.
16:36At syempre, doon sa mga gusto pang magpaabot ng inyong pagsaklolo sa ating mga kababayan, bukas po ang Kapuso Foundation para po tanggapin.
16:45At i-distribute po doon sa mga talagang nangangailangan.
16:48So, ito po yung ating mga ilang pamimigay.
16:50Mga more or less 30 families at least po yung apektado ngayon.
16:54Dito lang po yan, sa Sityo Botolan, ang may bibigyan natin ng tulong.
16:59Tapos, again, ito po yung pinakamahirap na party po kasi.
17:03Sir, para sa inyo po sana.
17:05Eh, yung pagre-regroup nga po natin, mga kapuso.
17:08Pero, despite of all the problems na nararanasan natin sa Pilipinas,
17:14Unang Hirit at Kapuso Foundation, eh, lagi pong tutulong at magbibigay po sa inyo ng servisyong totoo.
17:21Lagi pong tumutok sa inyong pambansang morning show kung saan.
17:23Laging unang ka.
17:24Unang Hirit.
17:25Wait!
17:28Wait, wait, wait!
17:30Wait lang!
17:31Huwag mo muna i-close.
17:33Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
17:36para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
17:39I-follow mo na rin ang official social media pages na ang unang Hirit.
17:44Thank you!
17:45O, sige na!
17:45Thank you!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended