Skip to playerSkip to main content
Panlilihis umano sa ibang isyu ang usapin ukol sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa kapatid niyang si Rep. Paolo Duterte.


Sa gitna niyan, inaasahang maisasalang na sa order of business sa plenaryo ang tatlong reklamo laban sa bise.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Panlilihis umano sa ibang issue ang usapin ukol sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ayon sa kapatid niyang si Congressman Paolo Duterte.
00:10Sa gitna niyan, inaasahang maisasalang na sa Order of Business sa Plenario ang tatlong reklamo laban sa Bise.
00:17Nakatutok si Chino Gaston.
00:19Ngayong nakahaina sa Kamara ang tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at naitransmit na rin sa tanggapan ni House Speaker Boji D.
00:32Inaasahang maisasalang na ito sa Order of Business sa Plenario.
00:35The moment it is done, yung referral to the Justice Committee after matalakay sa Rules Committee, then pwedeng pwede na nairefer sa Justice Committee.
00:47At pang mangyari yan, considered na nga, deemed initiated na yan for purposes of the one-year bar rule.
00:55Pero sa gitna ng usaping impeachment laban sa Vice Presidente, may pahihwating ang kanyang kapatid na si Davao City First District Representative Paolo Duterte na tila panlilihis daw ito ng issue.
01:08Tanong ng kongresista, nakalimutan na raw ba ang trilyong pisong anomalya sa flood control o sadyang pinalilimutang issue?
01:15Noong una raw may mga investigasyon ng Independent Commission on Infrastructure o ICI, pati ang Senate Blue Ribbon Committee.
01:23Pero bigla na lang daw nawala na parang bula.
01:26Sahalip naggaroon ng tinawag niyang Carefully Timed Impeachment Spectacle,
01:31ang sagutan ng Senado at ng Chinese Embassy kaugnay sa West Philippine Sea.
01:35At bigla daw lumabas ang isang dating House Speaker sa saktong oras na may inihaing impeachment complaint sa Kamara.
01:42Halata daw na ito ay panlilihis.
01:45Si Vice President Duterte naman tinanong kung sa tingin niya ay may kinalaman ng impeachment laban sa kanya sa umugong na term-sharing umano sa Senate Presidency
01:55sa pagitan ng kasalukuyang Senate President Tito Soto at ang balak daw nilang ilukluk sa hinaharap na si Senador Loren Legarda.
02:04Nabuo ito ngayong posibleng umabot sa paglilitig sa Senado ang impeachment complaint ni Duterte.
02:10Nilinaw ng Vice na wala siyang kinalaman dito.
02:14Mula naman akong nakakausap na Senador sa term-sharing.
02:21In fact, hindi ko na nga kinakausap yung mga Senators.
02:25Kasi napapansin ko kapag merong kumakausap sa akin o tumutulong sa akin,
02:33o kahit man lang nangangamusta sa akin ay binabanatan ng administrasyon.
02:38Pinafailan ng kaso, tinitreten, hinaharas.
02:42So ang nangyayari sa akin ngayon ay hindi ako makikipag-usap sa mga tao para nalang maiwas sila sa init ng ulo ng administrasyon.
02:56Ganun din sa mga Senators.
02:59Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
Comments

Recommended