Skip to playerSkip to main content
Aired (November 8, 2025): Si Angel Mejos, sampung taong gulang, ay isa sa libu-libong residente ng Naic, Cavite na sana’y makikinabang sa itinayong Super Health Center sa kanilang bayan—isang proyektong hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.

Dahil sa kakulangan ng maayos na pasilidad, napipilitan pa rin silang bumiyahe patungong Maynila upang magpagamot. Bakit nga ba hindi maakinabangan ang super health center sa kanilang lugar? Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00The Super Health Center is the Rural Health Unit, or RHU.
00:07You can consult a doctor if you have a doctor.
00:10You can consult a doctor if you have a doctor.
00:13At the Super Health Center,
00:15there must be diagnostics, laboratory, and emergency services.
00:20But it is discovered that almost 300 of the Super Health Center
00:25are non-functional.
00:28Pupuntahan natin ang ilan sa mga ito ngayon.
00:34Sa bayan ng Naikavite,
00:36matatagpuan ang isa sa mga Super Health Center
00:39na ipinatayo ng pamahalaan.
00:41Dahil kulang ang Rural Health Unit, o RHU, sa lugar,
00:45na unang matatakbuhan ng mga residente.
00:47Malaking tulong sana para sa kanilang ganitong pasilidad.
00:53Sa ngayon, nasa 260,000 ang populasyon ng Naikavite.
00:57Sa bilang na yan,
00:58dadalawa lang ang Rural Health Unit sa bayan
01:01na pwedeng takbuhan ng mga residente para sa libreng servisyong medikal.
01:05Sa pamantayan ng DOH,
01:07ang isang RHU dapat ang sineservisyohan lang ay 20,000 katao.
01:12Pero dito sa Naik,
01:14dahil dadalawa lang ang kanilang RHU,
01:16ang ibig sabihin lang yan,
01:18kada RHU ang sineservisyohan ay nasa 100,000 residente.
01:22Kaya isang lokal na pamahalaan ng Naik sa nag-request sa DOH,
01:26napatayuan sila ng Super Health Center.
01:28Napatayuan naman.
01:33Ang problema hanggang sa ngayon,
01:35hindi pa ito tapos.
01:38Ito yung project billboard.
01:40Sabi nga, this is where your taxes go.
01:42Kaya nakalista rito lahat ng mga detalya ng proyekto.
01:46At nakalista rito na ang project cost ay halos 12 million pesos.
01:51At ang nagpapagawa o implementing agency ay ang DPWH Region 4A.
01:57Nagsimula ang proyekto,
01:58sabi niya,
01:59noong October 11, 2024
02:01at dapat tapos na noong April 8, 2025
02:03o higit sa kalahating taon na itong delayed.
02:06Ang pagkakapaliwanag daw sa LGU ng DPWH Region 4A
02:10ay dahil may mga kailangan pa raw baguhin sa floor plan
02:14at may problema sa pagpapakabit ng kuryente.
02:22Isa sana sa makikinabang sa Super Health Center
02:25ang sampung taong gulang na si Angel Mejos.
02:28Kwento ng kanyang ina na si Rosana,
02:30nito lang taon ng madiagnose ang anak na may stage 2 bone cancer.
02:35Sobrang sakit po sa amin.
02:39Na ano na nga po kami, umiyak na nga po kami ng asawa ko noon po eh.
02:43Kasi ganun nga po yung nangyari sa kanya.
02:46Hindi po namin nakalayan na ganun po yung mangyayari.
02:50Kabata-bata niya patas ganyan po.
02:54Dahil maselan ang kondisyon ni Angel,
02:56pinili ni na Rosana na ipagamot si Angel
02:59sa isang private hospital sa Cavite.
03:01Pero nang hindi na makayanan ang gasto sa pagpapagamot,
03:05lumipat na sila sa pampublikong ospital sa Quezon City.
03:08Kailangan na rin daw kasing sumailalim agad ni Angel sa chemotherapy.
03:14Doon na po sa orthopedic po.
03:16Doon po lahat nung ginawa po sa biopsy na na-confine din po siya.
03:23Kasi nga yung nagdudugo kasi yung inano nila yung biopsy.
03:30Pagka tinatanggalan ko po kasi ng gasa, tuloy tuloy yung ano niya kaya lagi siyang na-admit.
03:37Bali, ano po, apat na-admit po kami doon.
03:42Bukod sa regular na chemotherapy session ni Angel,
03:45kailangan din ang regular na laboratory examination
03:48para mamonitor ang kondisyon ni Angel.
03:51Ang problema, luluwas na naman sila ng Maynila
03:54para maka-avail ng libreng laboratory examination.
03:58Yan mga safety scan po, MRI.
04:01Yung iba naman, pagka may yung sa CBC,
04:06kayong creatinine.
04:08Doon po kami sa Las Piñas po.
04:12Hindi po dito.
04:14Isa pa sa pangamba ni Rosana ang sugat sa braso ni Angel.
04:19Ito po yung bigtanggalan po yan po ng bukol.
04:26Alam ni Rosana na anumang oras,
04:28maaaring maimpeksyon ang sugat ng anak kapag hindi ito nalinis ng tama.
04:33Gustuhin man niyang dalhin si Angel sa rural health unit sa kanilang lugar,
04:37pero aabutin daw ng 200 pesos ang pamasahe.
04:41Kaya sa ngayon, siya na lang ang maingat na naglilinis ng sugat ng anak.
04:46Para hindi po siya ma-infect.
04:52Ganyan lang po siya.
04:54Spray-spray lang po siya.
04:58Hindi talaga ako pwedeng mapagod para sa kanila.
05:02Kailangan maging matatagal ang tulong talaga sa kanila po.
05:06Kaya ganun na lang ang panghihinayang ni Rosana sa tuwing makikita
05:10ang hindi patapos na Super Health Center.
05:16Labing limang minuto lang kasi ang layo nito mula sa kanilang bahay.
05:20Sana po magkaroon po ng health center po dito sa NAIC para hindi na po kami lumayo.
05:27Hindi rin po kami mahirapan na pabalik-balik po doon sa Quezon City po.
05:33Sa pahintulot ng lokal na pamahalaan ng NAIC,
05:36pinapasok kami para silipin ang ginagawang Super Health Center.
05:42Para sa primary health care na pangangailangan ng isang residente,
05:46ay kaya na sanang tugunan ng Super Health Center na ito.
05:49Dahil batay dito sa kanilang plano,
05:52unang-una dito dapat yung pharmacy.
05:54Dito ibibigay ang mga kakailanganin mong gamot.
05:58Kung kailangan mo halimbawa ng blood test o kaya urinalysis,
06:02nandito sa kantong to yung magiging laboratory nitong Super Health Center.
06:09Pagka kukonsulta ka sa doktor dahil may mga pangangailangan ka
06:15na kailangan tanungin o kaya may sakit ka, may nararamdaman ka,
06:19ito yung consultation room.
06:21Batay dito sa kanilang floor plan ay meron na rin labor room.
06:26Ito yung labor room.
06:27At sa katabing kwarto ay birthing room para sa ating mga nanay.
06:33Pero dahil nga Super Health Center,
06:35kung kailangan mo halimbawa ng ECG o kaya ng ultrasound,
06:40meron din silang kwarto para dyan.
06:42Dito yun.
06:43Dito dapat yung kanilang ultrasound at saka ECG na mga equipment.
06:48Ngayon, ayon dun sa nakuha nating accomplishment report mula sa DPWH Region 4A,
06:54ang status ng Super Health Center na ito ay 82% completed,
06:58pero tuloy-tuloy pa rin ang construction.
07:01Taong 2021 nang sinimula ng Department of Health o DOH,
07:06ang pagpapatayo ng mga Super Health Center sa iba't ibang lugar sa bansa.
07:10Department of Public Works and Highways o DPWH ang implementing agency naman ng mga proyekto.
07:16Pinadalhan namin ang sulat ang contractor ng proyekto para tanungin
07:21kung bakit hindi natupad ang target completion date ng proyekto.
07:25Kinunan din namin ang panig ang DPWH.
07:28Pero hanggang ngayon, wala silang sagot sa amin.
07:32Inilapit din namin si Angel sa lokal na pamahalaan ng Naikavite
07:36para matulungan siya sa anumang kakailanganin niya sa kanyang pagpapagamot.
07:40Na nagdasal lang po ako, na gumaling na po ako.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended