Skip to playerSkip to main content
Aired (August 2, 2025): Mula sa tumataas na presyo ng bilihin hanggang sa pagbagsak ng ani – maraming magsasaka ang lugmok dahil sa patuloy na pagdagsa ng smuggled na produkto tulad ng sibuyas. Sa gitna ng banta ng kalamidad at peste, nadadagdagan pa ang pasanin nila sa harap ng mga ilegal na kargamento na nagiging sanhi ng mas murang bentahan sa merkado. Paano nakakalusot ang mga ito sa mga awtoridad? At ano ang aksyon ng ating pamahalaan? Ang buong ulat, panoorin sa video. #ReportersNotebook

Category

😹
Fun
Transcript
00:00.
00:07Sakay ng mga kalabaw, isa-isang tinatawid ng mga magsasaka ng Bungabo Nueva Ecija ang mga sakos-sakong inaning sibuyas sa isang ilo.
00:17.
00:27Dahil mataas ang tubig matapos ang ilang araw na pagulan, ang mga kalabaw, pahirapan sa pagtawid.
00:38Nalunod na isa!
00:40Titignan ko lang sa isa na ito. Bukan di makakaawag.
00:47Ang tulay na ito, itinatayo taon-taon na lang dito sa amin na dinadaanan namin ting tagulan.
00:53Ang hirap ng mga magsasaka dito, ting tagulan, naglalangwi na lang kami dito. Ilalangwi namin yung ilog.
01:04Naapektuhan din ang ulan ang mga pananim nilang sibuyas.
01:12Wala na ikita. Puhunan na sana ang gusto naming lumabas. Wala na rin.
01:15Kaya sira na. Wala na. Sira na yung tabuhayan. Masakit dahil yung kukunin yung pakakain ko sa pamilya ko eh. Nakakaiyak man eh.
01:25Pero ang isa pang matinding kalaban ng mga onion farmer, ang pagpasok ng mga imported at smuggled na sibuyas sa bansa.
01:37Yun nga ang isang masama eh. Hindi malulugi kami lalo.
01:43At ang mas nakababahala, ang mga sibuyas na ito nagpositibo sa E. coli.
01:48That's dangerous.
01:49Yung E. coli na hemoragic, magkakasakit ka. Some patients really die from that.
01:56Paano mapoprotektahan ang mga lokal na magsasakag? At bakit patuloy na nakakapasok sa bansa ang mga smuggled na sibuyas?
02:08Ang lalim mga kapi. Masanay sibuyas oh.
02:11Maagang naghanda ang onion farmer na si Mang Gerardo.
02:36Magaani sila dapat ng tanim na sibuyas.
02:38Pero ang inaasahan niyang magandang ani, mapupunta lang sa wala.
02:46Dahil ang kanyang mga pananim pinalubog ng baha.
02:51Ang ulan ay masyado. Hindi nga namin nakalaing aahon dito eh.
02:55Dahil ang kabuhayan namin nakakalat na dito eh.
02:59Kung bagas ako nakabigay na yung lahat ng pera namin dito, eh dumaan yung ulan, bumaha.
03:09Pagdating sa sakahan, ito na ang naabutan ni Mang Gerardo.
03:13Mere oh. Sira na yung aming sibuyas oh. Tingnan mo oh. Yung ubod ng sibuyas wala na.
03:19Bulok na oh yung ubod. Maitim na.
03:21Kaya ito, papunta na sa pagkapatay. Hindi na pakikinabangan.
03:26Itong buong bukit namin na ito, wala na. Wala na kaming aanihin.
03:30Hindi na maitatayo yung puhunan. Puhunan man na, hindi maitatayo.
03:32Kaya sira na. Wala na. Sira na yung kabuhayan. Masakit.
03:42Dahil yung kukukunin yung pakakayan ko sa pamilya ko eh. Nakakaiyak man eh.
03:51Masakit sa amin. Yung makikita namin yung pinaghirapan namin na natakayin yung baha.
03:55Kaya lang pinipilit. Kailangan makatapos yung mga anak eh.
03:58Igaagapang namin hanggang sa ikaw nga eh makakaya.
04:02Eh ako, dapat mag-resign na ako sa ano eh.
04:04Sa pagsasaka pero hindi ko magawa.
04:08Ang ilang tanim na sibuyas, pinilit pang isalba ni Mang Gerardo.
04:13Haalagaan na lang yung mga natira.
04:15Kung sakaling kumita, de salamat. Makabawi kami.
04:18Makapagtanim muli kami sa isang taon.
04:21Kaya malaki man ng lugi.
04:22Magbaba kasakali raw siya sa susunod na buwan.
04:36Binalikan namin si Mang Gerardo.
04:38Matapos ang anihan ng sibuyas, mais naman ang tinanim niya.
04:41Pagkayari namin umani ng sibuyas, tatamna namin ang mais na katulad nitong mais nito.
04:49Para yung hindi siya masyadong sukalin.
04:51Tatanim namin ito ng April.
04:53Aanihin namin ito ng August.
04:54Mas maliit man ang kita sa mais, malaking tulong na raw ito para makaraos sila ng kanyang pamilya.
05:05Yung kita namin eh, konti lang, hindi ka mukha nung sa sibuyas.
05:13Parang kumbaga sakuan, pamatid uhaw lang ito eh.
05:16Dahil ito, sa isa itara, kumikita ka lang ng 20,000 dito eh.
05:19Sa sibuyas, pagka medyo maganda-ganda, yung 200,000 sa isa itara nakakuha.
05:25Pag maganda yung hindi ka tinamaan ng panahon ng kalamidad.
05:29Kalamidad. Uod.
05:32Ang sinasabi niyang uod ay ang mga army worm o harabas na kumakain sa kanilang mga tanim na sibuyas.
05:40Bukod sa kalamidad, pagka ikaw ay nahuli ng konti sa pagtatanim, ang tinatamaan ka ng army worm.
05:46Uod.
05:48Ikay mamahal ng ating mga pang-isiktong lason.
05:51Itong ganito, yung ganito, budito.
05:54Sa kadepende sa kwan, ngayon eh mahina na ani ngayon dahil yung tinatamaan na rin ang uod ng mais.
05:59Dati hindi naman namin ini-spray ito eh.
06:01Ngayon, apat na beses kami mag-spray.
06:03Dati pag tinanim namin ito, pababayaan na namin pagka napataba na.
06:07Eh ngayon, apat na spray eh. Gano'ng isang spray sa isang spray namin, umuubos kami ng 2,000 isa.
06:14Kaya malaki ang nawawala.
06:15Itinuturing na Onion Capital of the Philippines ang bayan ng Bungabon.
06:23Ang nasa 3,000 hektaryang lupa sa bayan, ginagamit na taniman ng sibuyas.
06:29Ang problema, ang ibang magsasaka tulad ni Mang Gerardo,
06:33kailangan pang tumawid ng ilog para marating ang mga taniman.
06:40Wala raw kasing maayos na tulay.
06:45Kaya ang tulay na ito eh, itinatayo taon-taon na lang dito sa amin.
06:53Na dinadaanan namin ting Tagulan.
06:56Pag tagaraw, itinatayo ito para daanan ng mga malananim,
07:01nagdadamo, para maaliwalas yung mga tao.
07:06Eh pag dating ng Tagulan, nasisira.
07:09Tinatangin ng tubig.
07:10Kaya sana gusto namin kung meron sanang mag-esponsor na tayuan ng concrete na tulay na overflow.
07:21Kaya kailangan sana kung taon-taon na lang ay binagastusan ng barangay,
07:26eh iting Tagulan, sira.
07:30O pagdating ng Tagaraw, tatayo na naman namin taon-taon na lang yung ganun.
07:35Mausayang.
07:37Ano bang epekto sa inyo tayo tulad ngayon? Sira. Anong epekto sa mga tao?
07:41Malaki ah. Dahil ang hirap ng mga magsasaka dito,
07:45iting Tagulan, naglalanguy na lang kami dito eh.
07:47Ilalanguy namin yung ilog.
07:53Maingat na itinatawid ng mga magsasaka sa Kaynang Kalabaw ang sako-sakong bagong aning sibuyas.
08:00Malalim noon ang tubig dahil sa ilang araw na pagulan.
08:03Ay naku mo! Nalunod na ang mga kakri! Pampira! Natapa na! Nalunod na isa!
08:14Para lang makatawid sa kabilang, yung aming trabaho.
08:19Para mapuntahan namin yung kalabaw namin, pakakainin namin, ting mag at hapon.
08:24Tapos uwi kami ng hapon, naglalanguy na naman kami.
08:27Kaya yun ang hirap naming magsasaka.
08:3025 years na ako dito eh, nagtatanib ng sibuyas.
08:35Iyan ang pahirapan namin. Kumisan, walang tulay.
08:38Lahat nung mga manananim, lahat nung mga magdadamo,
08:42tinatawid pa namin ang kariton dito sa ilog.
08:44Ang ilog ay halos ilubog yung kariton.
08:51Kaya kumisan, di tumatawid yung mga tao.
08:53Papunta ang grupo sa palengke para magbenta ng mga sibuyas.
08:58Titignan ko lang ito sa nato, mukhang di makakaawid.
09:03Oh?
09:07Yan, yan.
09:09Parang di makakaawid.
09:14Kala ko di makakaawid sa'yo, kuya.
09:17Ang bina.
09:19Lubog na eh.
09:21Hindi ka ba? Kala ko, lubog na.
09:23Sabi mo, mababaw na. Kalaling pala.
09:26Masa amin, walang tubig dito. Napakalakas.
09:40Kaya ating sakripisyo namin ang mga magsasaka dito ng sibuyas.
09:44Piligroso?
09:45Oo, piligroso. Kumisan, nagtataog pa nga yung kariton dito.
09:48Naaanod pa yung mga sibuyas.
09:50Hirap kaming magdala ng produkto namin dito sa bayan.
09:52Nilolonahan lang namin yung kariton para lang huwag mabasa yung aming sibuyas.
09:57Eh, delikadong-delikadong mabasa ang sibuyas.
10:00Mabubulok.
10:01Saka hindi kukunin ang bayar.
10:04Bukod sa kalsada at tulay, malaking hamon din ang kawalan ng sapat na storage facility.
10:11Nasasayang at hinahayaan na lang mabulok.
10:14Katunayan, minsan ang napabalita ang pagtatapon ng mga sibuyas na mga magsasaka sa bungabon dahil sa mababang bilis sa kanila.
10:23Nagkaroon kasi ng oversupply at walang pag-iimbakan ng mga ani nila.
10:29Bilang tugon, nagtayo ng mga cold storage facility sa lugar nila.
10:34Sa bungabon, may dalawang storage facility.
10:37Apat hanggang anim na buwang maaaring magtagal ang mga sibuyas sa ganitong pasilidad.
10:44Lahat po nung inaari ng farmers na gustong magpasok ng sibuyas, dito po sila nagpapasok.
10:51Meron po kasing may ari na pag nagpasok at nagustuhan na nila yung presyo, inilalabas na nila kaagad.
10:57Sa labas ng storage facility, sako-sakong mga sibuyas ang inabutan naming pinatutuyo para ibiyahe at ibenta sa ibang lugar.
11:06Itong sibuyas na ito, 500 bags doon ang galing sa lub na storage.
11:12Ngayon, inilabas na nung may ari at ibibenta na nila doon sa merkado.
11:20160 pesos kada sako ang singil nila sa apat na buwang storage ng sibuyas rito.
11:26Mura na raw ito, kumpara sa iba.
11:28Pero para kinamang Gerardo...
11:30Hindi naman kasi basta-basta yung nakapag-aakupahan ka agad yung storage
11:35nung mga may pera, babayaran ka agad nila yung deposit.
11:39Paano kami makapag-i-stack ay wala naman kaming ano.
11:42Saka yung nakapag-i-stack lang kasi dyan, yung talagang may perang maikukundo sa storage.
11:48Pero hindi natatapos ang problema ng mga magsasaka sa kakulangan ng maayos na infrastruktura
12:00dahil isa pa sa pumapatay sa kanilang kabuhayan ang pagpasok ng mga smuggled o iligal na sibuyas sa bansa.
12:07Iyon nga ang isang masama eh.
12:10Dahil tayo, pag nag-import tayo, pag nag-smuggling, hindi natin makukontrol yung paglabas ng sibuyas nila
12:18dahil kahit mura nila ibigay o upra naman.
12:20Kaya namumura yung sibuyas.
12:23Kaya ina-apektuhan niyang nagpapasok sa storage.
12:26Paano? Kailangan nyo rin mo e-benta ng tubla?
12:29May natural, wala namang kukuhang mahal pagka mura sibuyas eh.
12:32Halimbawa, may import.
12:34Pag mababa yung sibuyas, yung aming produkto, maibibigay namin sa bababang halaga.
12:40Dahil hindi namin pwedeng i-stack sa amin yun dahil wala namang kaming istakan.
12:45Ang sibuyas ay mapakahina mga ilang linggo lang bulok.
12:49Kaya hindi malulugi kami lalo.
12:51Kaya yun ang nagigiging kuhan sa import.
12:54Ang ikinatatakot ni Mang Gerardo na pagpasok ng mga smuggled na sibuyas, muli na namang nangyari.
13:06Itong mga nakalipas na linggo, ilang mga container ang naharang sa iba't ibang lugar sa bansa na naglalaman ng smuggled goods, kabilang dito ang sibuyas.
13:16Dito lang mga nakaraang buwan, lumapag sa Port of Manila ang anim na container vans.
13:23Assorted food items ang nakadeklarang laman ng shipment na nagmula sa China.
13:28Pero nang buksan na ito na mautoridad, tumambad sa kanila ang toneto nila ng mga puti at pulang sibuyas at frozen mackerel.
13:43Tinatayang nasa 14 million pesos ang halaga ng mga smuggled na sibuyas.
13:47Nakarang naman ang 31 shipment sa Subic Port sa Zambales.
13:56Mga karne ng manok ang nakadeklarang laman ng mga container.
14:00Pero nang inspeksyonin, frozen mackerel, carrots at mga sibuyas pala ang laman.
14:06Tinatayang nasa 100 million piso ang halaga ng smuggled agricultural products.
14:11Wala rin importation permit ang nasabing shipment.
14:14Yan nga ang isang nakakaano sa amin, nakasisira sa preso ng sibuyas.
14:20Wala silang buwi sa gobyerno.
14:22Kaya mainam din yung paghuli-huli nila na yun.
14:25Pag nagiging talama kasi yung agricultural smuggling,
14:28syempre hindi sila nagbabayad ng tamang tax.
14:31Na ibebenta nila na mas mura yung produkto nila.
14:34Compared halimbawa kung ako ay farmer at magbebenta ako,
14:38syempre mas mahal kasi dahil meron akong production.
14:41Farmers natin ngayon hindi nila kaya mag-compete dun sa presyo ng mga smuggled goods.
14:47So ayun yung isa sa direktang problema ng smuggling.
14:51Napapababa niya artificially yung presyo na yung mismong farmers natin,
14:56hindi sila nagiging competitive.
14:58Pero ang mas nakababahala, ang ilang smuggled onion,
15:03nakarating na sa ilang pamilihan.
15:06At ang problema, natuklas ang may peligrong dala ito sa mga mamimili.
15:10Ang mga nasabat na sibuya sa isang palengke sa Maynila,
15:16nagpositibo sa E. coli o isang uri ng bakterya
15:20na karaniwang natatagpuan sa dumi ng tao at hayop.
15:23Ang mga sibuyas naman na nasabat sa Manila Port,
15:27nagpositibo rin sa E. coli at salmonela
15:30na maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan at pagsusuka
15:33sa sino mang makakain ng pagkain kontaminado nito.
15:37Inalam namin sa Bureau of Plant Industry kung paano sinuri ang mga sibuyas.
15:43Nandito tayo ngayon sa Microbiological Contaminants Laboratory.
15:48Bilang protocol, kailangan daw magsuot tayo nitong shoe cover
15:52para matakpan yung ating mga sapatos
15:55dahil para hindi na rin daw tayo makadagdag ng mikrobyo
15:59sa loob ng laboratorio.
16:01Sa laboratorio ito, dito una sa salang yung mga produkto.
16:10Dito yung sample preparation room.
16:13Sa nakikita natin ngayon, ang tinitesting o yung hinahanda
16:16para matesting ay yung mga sibuyas at mga carrots
16:21na nakumpis ka mula sa South Harbor.
16:24So, pagka nahanda na yung mga samples mula rito,
16:27ay ililipat naman sa table na yan
16:30para sa microbiological analysis
16:33para malaman kung may E. coli o salmonella.
16:37Ang E. coli kasi, parang common syon na contaminant
16:41na hindi natin naiwasan.
16:42But, it should not be there.
16:44Delikado talaga yan.
16:45Because, like for example, sa salmonella,
16:47a lot of cases doon,
16:49magkakaroon talaga, magkakasakit ka.
16:51Patients really die from that.
16:55Sa dami ng mga produkto na inaangkat ng Pilipinas,
16:59sapat ba yung mga laboratorio natin
17:02para bantayan yung mga pagkain?
17:04Although, limited lang yung resources namin,
17:06we try to maximize it.
17:08We use risk-based determination
17:10kung ano ba yung i-priority natin
17:12ng mga commodities and from what countries.
17:15But, we really need additional budget talaga.
17:18Yung talaga, to maintain a laboratorio na ganito,
17:22it's very costly.
17:24Very costly.
17:25Nitong Hunyo, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr.
17:30na lahat ng mga imported na sibuyas
17:32sa lahat ng palengke ay smuggled.
17:34Mataas yung production data natin.
17:36Simula noong lumabas itong data na to,
17:39wala pang nilalabas na sanitary import clearances ulit
17:42kasi because of the huge volume of production.
17:46To further strengthen,
17:47nagtayo si Sekretary
17:49ng tinatawag na Inspectorate and Enforcement Office
17:52to help and coordinate with Bureau of Customs, PNP, NBI
17:57sa mga ganitong usapin.
18:03Ang tanong, bakit patuloy na nakapapasok sa bansa
18:06ang mga subagod na sibuyas at ibang agriculture products?
18:10Sabi ng BOC,
18:11karaniwang nanggagaling ang shipment mula sa China
18:14at iba pang mga bansa.
18:15Dahil bawal mag-import na magpasok sa bansa ng mga sibuyas,
18:19e dinideklara ang mga shipment bilang ibang produkto.
18:21Tulad ng Assorted Frozen Goods.
18:24Hindi rin tama ang binabayarang buwis ng mga smuggler
18:27at may mga pagkakataon din daw
18:29na nagkakaroon ng sabwatan sa loob ng kanilang ahensya.
18:32Ang sistema kasi para makapag-smuggle ka,
18:36hindi lang na agricultural products,
18:38lahat ng klaseng kargamento.
18:40Papalitan mo yung klasifikasyon
18:42kung ano yung talagang laman ng kargamento mo.
18:44Again, it takes two to tango.
18:46Yung nag-import, makakatipid kasi siya.
18:48Meron siya nakausap na taga-amin dito sa BOC
18:52na merong kakayanan na palitan yung klasifikasyon.
18:55Ganon lang yung kasimple.
18:59Pero para sa isang agriculturist,
19:01malalim ang ugat ng smuggling sa bansa.
19:04Nandito pa rin tayo sa sistema ng corruption,
19:07especially sa gobyerno.
19:09Meron magagawin, maglalagay,
19:11tikit mata lang nilang hahayaan na pumasok yung itong mga goods na to.
19:16Digitalization is the backbone of any major transformation,
19:21especially ng BOC.
19:23Dahil thousands of transactions ito everyday,
19:25hindi pwedeng mano-mano yan,
19:27na kailangan natin talaga ng technology-based solutions.
19:32Noong 2023,
19:34umabot sa 3 bilyong piso.
19:37Ang halaga ng buwis,
19:38ang nawala sa gobyerno dahil sa smuggling.
19:41Matindi rin ang pinsalang dulot ito sa mga bagsasaka.
19:44Pag nagpasok tayo ng import,
19:46sasabayan na smuggling yun,
19:47hindi nila makukontrol yun,
19:49yung paglabas nung kakayababa-baba ang presyo.
19:51Hindi malulugi kami lalo.
19:54Kinatandaan na ni Mang Gerardo
19:55ang mga problemang hinaharap ng mga magsasaka.
19:58Mula binhi hanggang sa pag-ani,
20:04iba't ibang hamon ang dumarating sa kanila.
20:08Problema na nga nila ang pagbaha dahil sa ulan.
20:12Dumagdag pa ang pagbaha ng mga subagad na sibuyas sa mga pambilihan.
20:16Tanong nila kailan kaya sila mga kabawi?
20:20Pag tumingil tayo kung sasaka,
20:23hala na, hindi kakaay.
20:25Paano yung mga alang mga sinasa,
20:27yung mga nangungupahan,
20:28ala silang lulusungan pag kami huminto.
20:34Hanggang sa susunod na sabado,
20:36ako si Maki Pulido.
20:37Ako si Jun Veneracion
20:39at ito ang Reporters Notebook.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended