- 1 day ago
- #reportersnotebook
Aired (November 8, 2025): #ReportersNotebook: ‘Pera Natin ‘To: Super Health Centers
Halos 300 Super Health Centers sa iba’t ibang panig ng bansa ang itinuturing ng Department of Health na non-functioning o hindi pa rin napapakinabangan.
Layunin ng mga pasilidad na ito na magbigay ng libreng konsultasyon, diagnostic tests, at emergency services. Pero karamihan, naiwang nakatiwangwang kahit milyon-milyon ang inilaan para sa pagpapatayo rito.
Ano na nga ba ang nangyari sa mga Super Health Center na inilaan para sa kalusugan ng bawat Pilipino? #ReportersNotebook
Halos 300 Super Health Centers sa iba’t ibang panig ng bansa ang itinuturing ng Department of Health na non-functioning o hindi pa rin napapakinabangan.
Layunin ng mga pasilidad na ito na magbigay ng libreng konsultasyon, diagnostic tests, at emergency services. Pero karamihan, naiwang nakatiwangwang kahit milyon-milyon ang inilaan para sa pagpapatayo rito.
Ano na nga ba ang nangyari sa mga Super Health Center na inilaan para sa kalusugan ng bawat Pilipino? #ReportersNotebook
Category
😹
FunTranscript
00:004 days a day,
00:08a few days in Visayas.
00:11It was a big effect on this province.
00:14We lost everything,
00:16that's all.
00:17We can have everything again.
00:19Because of the water,
00:22a lot of water.
00:25It's too big.
00:27Kaya, pahirapan ang pagsagip
00:29sa mga residenteng na-trap
00:30sa bubong ng mga bahay.
00:33Stop!
00:34Ang mga sasakyan sa kalsada,
00:38nagpalutang-lutang na rin
00:40sa tubig.
00:48Magigang kanilang kabuhayan lubos na napinsala.
00:53Pero ang mas malungkot,
00:55mahigit isang daan na ang naitalang na matay
00:58dahil sa bagyo.
01:00Sino ang dapat managot sa trahedyang ito?
01:16Madaling araw ng November 4,
01:18makikita ang malakas na ragasan ng tubig sa kalsada
01:21sa Guadalupe Cebu City.
01:26Pero makalipas lang ang ilang minuto,
01:28bigla na lang tumaas ang tubig
01:30at halos lumagpas na sa unang palapag ng mga bahay.
01:38Ang ilang mga sasakyan,
01:40nagpalutang-lutang na sa tubig.
01:42Ang residenteng si Benida,
01:44nakuhanan pa ng video ang mabilis na pagtaas ng tubig sa kanilang lugar.
01:59At nang mas tumaas pa ang tubig,
02:01hindi na napigilang maging emosyonal
02:03nang abutin na ng tubig ang kulungan ng kanyang mga alagang baboy.
02:09Habang ang isang ginang na ito,
02:10pilit pang isinasalba ng mga kapitbahay sa bubungan.
02:15Sa impormasyong nakuha ng reporter's notebook,
02:18nanunod daw sa loob ng kanilang bahay ang ginang
02:20nang hindi agad nakalabas ang kanilang pamilya
02:23dahil sa taas ng tubig.
02:25Paghupa ng tubig,
02:30tumambad ang malaking pinsala sa Cebu.
02:35Nagpatong-patong ang mga sasakyan sa kalsada.
02:39Nawasak din ang maraming bahay at gusali.
02:43Parang isang masamang panaginip.
02:48Sa datos ng Office of Civil Defense,
02:50umabot na sa walong regyon ang naapektuhan ng bagyo.
02:53Mahigit dalawang milyon na individual naman ang naapektuhan
02:57ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
03:03At ang pinakamalungkot,
03:05umabot na sa halos dalawang daan ang bilang ng namatay
03:08dahil sa bagyong Tino.
03:11Mahigit isang daan din ang patuloy na pinaghahanap.
03:15Ano nga ba ang dahilan ng paglubog ng Cebu?
03:18Ayon sa geologist na si Professor Maharlagmai ng Project NOAA,
03:25ang mga pinakaapektadong komunidad sa Cebu ay matatagpuan sa mga flood-prone area o floodplain
03:31kung pagbabasihan ang ginawa nilang hazard map.
03:34Can we see please?
03:36Star Park!
03:38Nakalatag naman yan yung mga lugar na yan
03:41na itong mga floodplains ay kapag umapaw yung tubig sa ilog,
03:47kahit pa may flood control,
03:51na, ano to, na-overwhelmed,
03:55umaapaw dun sa floodplains,
03:56lalo na kapag rumaragasa yung tubig,
03:59nasa panganib yung mga nandun sa mga settlements
04:04na nasa tabi ng floodplain.
04:08Dapat rin daw ay nakabatay sa tinatawag na
04:10Mountains to Sea Approach
04:12ang pagtatayo ng mga dike o flood control projects sa lugar.
04:16Ang tubig ay dadalo yan kung saan niya gusto.
04:20It will follow the path of least resistance.
04:23At yun, sa tagal ng panahon, inuka na ng tubig yun.
04:27Kapag nag-aral at nagplano yung fundamental ng flood control interventions,
04:34yung fundamental unit ay kailangan from the mountain to the sea.
04:39Mula 2022 hanggang 2025,
04:42nagtayo ng 414 na flood control project
04:46sa iba't ibang bahagi ng probinsya.
04:50I-investigahan din daw ng Independent Commission on Infrastructure
04:54o ICI ang mga flood control projects sa buong lalawigan.
04:58Ayan po ang dahilan kung bakit po nagpapaimbestiga
05:00ang Pangulo Marcos Jr.
05:02dahil nakita niya po yung epekto,
05:04may mga budget na inilaan para dito
05:07pero parang hindi gumagana.
05:08Kaya mas maganda po na kung siya man po ay nagagalit,
05:14yan din po ang nararamdaman ng Pangulo Marcos Jr.
05:17Pero ang isa pang itinuturong dahilan ng paglubog ng Cebu,
05:21ang mga kalbong bundok.
05:23Sa aerial footage na ito halimbawa,
05:25makikitang nakalbo na ang gubat sa bahaging ito ng probinsya.
05:29May mga minahan sa tuktok ng bundok
05:31at may mga magagarang subdivision din na itinayo sa bundok.
05:36Kapag walang cover, mas bibilis at saka magla-landslide.
05:40Kapag pag simentado na yan,
05:41kinonvert mo na yan sa subdivision,
05:43puro na yung surface runoff.
05:45Pagdating ng tubig,
05:46hahanap na agad yan ang malalabas ang ilog.
05:48While flood control projects and flood control infrastructures are important,
05:53kailangan mo rin tingnan yung land development,
05:56yung urbanization, lalo na sa Cebu.
05:59Nitong Huwebes,
06:01idineklara na ni Pangulong Bongbong Marcos
06:03ang State of National Calamity.
06:05Ilang regions na yan,
06:07there will be almost 10 regions,
06:0910-12 regions that will be affected.
06:11So, pagkaganong karami,
06:15ganon ng scope,
06:16then we will really have to,
06:18that it is a national calamity.
06:20Nagahanda na rin daw ang pamahalaan sa paparating na Bagyong Uwan
06:24na inaasahang tatama sa Luzon.
06:31Nakapanlulumo ang sinapit ng maraming residente ng Cebu
06:34sa isang iglap, maraming bahay,
06:40kabuhayan at buhay ang nawala.
06:43Ang mas nakababahala,
06:47may mga infrastruktura at proyektong
06:50dapat sana ay puprotekta sa kanila,
06:53pero malinaw na hindi naging efektibo.
07:04Mga pasilidad na itinayo
07:06para tugunan ang mga kakulangan
07:08sa servisyong pangkalusugan
07:09sa iba't ibang lugar sa bansa.
07:12Pero inabando na.
07:16Nakatingga
07:20o hindi na pakikinabangan kahit tapos na.
07:23At delayed
07:24o hindi na tapos
07:25sa itinakdang pecha.
07:27Ito yung project billboard.
07:28Sabi nga,
07:29this is where your taxes go.
07:31Kaya nakalista rito
07:32lahat ng mga detalya ng proyekto.
07:35At nakalista rito
07:36na ang project cost
07:37ay halos 12 million pesos.
07:39At ang nagpapagawa
07:40o implementing agency
07:41ay ang DPWH Region 4A.
07:45Nagsimula ang proyekto,
07:47sabi niya,
07:48noong October 11, 2024
07:49at dapat tapos na
07:50noong April 8, 2025
07:51o higit sa kalahating taon
07:53na itong delayed.
07:54Paano humantong sa ganitong sitwasyon
07:57ang mga proyektong magsisilbisa
08:00ng primary healthcare
08:01o unang takbuhan ng mga residenteng
08:03nangangailangan
08:04ng agarang atensyong medikal?
08:06Ang Super Health Center ay pinalaking
08:20Rural Health Unit o RHU.
08:22Sa RHU,
08:23makakapagkonsulta ka sa doktor
08:24kung may doktor.
08:25Mabibigyan ka ng gamot
08:26kung may gamot.
08:27Sa Super Health Center,
08:29maliban sa pagkonsulta sa doktor,
08:31dapat may diagnostics,
08:32may laboratorio
08:33at emergency services.
08:35Pero nadeskubrean ang DOH
08:37na halos tatlong daan
08:38sa mga Super Health Center
08:40ay maituturing na non-functional.
08:43Pupuntahan natin
08:44ang ilan sa mga ito ngayon.
08:49Sa bayan ng Naikavite,
08:51matatagpuan ang isa
08:52sa mga Super Health Center
08:54na ipinatayo ng pamahalaan.
08:56Dahil kulang ang Rural Health Unit
08:58o RHU sa lugar,
09:00na unang matatakbuhan
09:01ng mga residente,
09:02malaking tulong sana
09:04para sa kanilang ganitong pasilidad.
09:08Sa ngayon,
09:09nasa 260,000 ang populasyon
09:11ng Naikavite.
09:12Sa bilang na yan,
09:13dadalawa lang
09:14ang Rural Health Unit
09:15sa bayan
09:16na pwedeng takbuhan
09:17ng mga residente
09:18para sa libreng servisyong medikal.
09:21Sa pamantayan ng DOH,
09:22ang isang RHU
09:23dapat ang sineservisyohan lang
09:25ay 20,000 katao.
09:27Pero dito sa Naik,
09:28dahil dadalawa lang
09:29ang kanilang RHU,
09:30ang ibig sabihin lang yan,
09:31kada RHU
09:33ang sineservisyohan
09:34ay nasa
09:35100,000 residente.
09:37Kaya isang lokal
09:38na pamahalaan
09:39ng Naik sa nag-request
09:40sa DOH,
09:41napatayuan sila
09:42ng Super Health Center.
09:47Napatayuan naman.
09:48Ang problema,
09:49hanggang sa ngayon,
09:50hindi pa ito tapos.
09:52Ito yung project billboard.
09:55Sabi nga,
09:56this is where your taxes go.
09:58Kaya nakalista rito
09:59lahat ng mga detalya
10:00ng proyekto.
10:01At nakalista rito
10:02na ang project cost
10:03ay halos 12 million pesos.
10:06At ang nagpapagawa
10:07o implementing agency
10:08ay ang DPWH Region 4A.
10:12Nagsimula ang proyekto,
10:13sabi niya,
10:14noong October 11, 2024.
10:16At dapat tapos na
10:17noong April 8, 2025
10:18o higit sa kalahating taon
10:20na itong delayed.
10:21Ang pagkakapaliwanag daw
10:22sa LGU
10:23ng DPWH Region 4A
10:25ay dahil
10:26may mga kailangan
10:27pa raw baguhin
10:28sa floor plan
10:29at may problema
10:30sa pagpapakabit
10:31ng kuryente.
10:37Isa sana
10:38sa makikinabang
10:39sa Super Health Center
10:40ang sampung taong gulang
10:41na si Angel Mejos.
10:43Kwento ng kanyang ina
10:44na si Rosana,
10:45nito lang taon
10:46nang madiagnose
10:47ang anak na may stage 2
10:48bone cancer.
10:50Sobrang sakit po
10:52sa amin.
10:53Na ano na nga po kami,
10:55umiyak na nga po kami
10:56ng asawa ko noon po eh.
10:58Kasi ganun nga po
10:59yung nangyari
11:00sa kanya.
11:01Hindi po namin
11:02nakalayan
11:03na ganun po
11:04yung mangyayari.
11:05Kabata-bata
11:06niya pa
11:07tas ganyan po.
11:09Dahil maselan
11:10ang kondisyon
11:11ni Angel,
11:12pinili ni na Rosana
11:13na ipagamot si Angel
11:14sa isang private hospital
11:15sa Cavite.
11:16Pero nang hindi na
11:17makayanan
11:18ang gasto
11:19sa pagpapagamot,
11:20lumipat na sila
11:21sa pampublikong
11:22ospital
11:23sa Quezon City.
11:24Kailangan na rin daw
11:25kasing sumailalim
11:26agad ni Angel
11:27sa chemotherapy.
11:29Doon na po
11:30sa orthopedic po.
11:31Doon po lahat
11:32nung ginawa po
11:33sa biopsy
11:35na na-confine din po siya
11:38kasi nga
11:39yung sa,
11:40nagdudugo kasi
11:41yung inano nila
11:43yung bi-iopsy.
11:44Pagka tinatanggalan
11:46ko po kasi
11:47ng gasa,
11:48tuloy-tuloy
11:49yung ano niya
11:50kaya lagi siyang
11:51na-admit.
11:52Bali ano po,
11:54apat na-admit
11:55po kami doon.
11:56Bukod sa regular
11:58na chemotherapy
11:59session ni Angel,
12:00kailangan din
12:01ang regular
12:02laboratory examination
12:03para ma-monitor
12:04ang kondisyon
12:05ni Angel.
12:06Ang problema,
12:07luluwas na naman
12:08sila ng Maynila
12:09para maka-avail
12:10ng libreng
12:11laboratory examination.
12:13Yan, mga
12:14safety scan po,
12:15MRI.
12:16Yung iba naman,
12:17pagka,
12:18kunwari,
12:19pagka may
12:20yung sa CBC,
12:21kayong creatinine,
12:23doon po kami
12:24sa ano,
12:25sa Las Piñas po.
12:27Hindi po
12:28dito.
12:29Isa pa
12:30sa pangamba
12:31ni Rosana,
12:32ang sugat
12:33sa braso
12:34ni Angel.
12:35Ito po
12:36yung
12:37pigtanggalan
12:38po yan
12:39po,
12:40ng bukol.
12:41Alam ni Rosana
12:42na anumang oras,
12:43maaaring maimpeksyon
12:44ang sugat
12:45ng anak
12:46kapag hindi ito
12:47nalinis
12:48ng tama.
12:49Gustohin man niyang
12:50dalhin si Angel
12:51sa rural health unit
12:52sa kanilang lugar,
12:53abutin daw ng 200 pesos
12:55ang pamasahe.
12:56Kaya sa ngayon,
12:57siya na lang
12:58ang maingat
12:59na naglilinis
13:00ng sugat ng anak.
13:01Para hindi po siya
13:03ma-infect.
13:07Ganyan lang po siya.
13:08Spray-spray lang po siya.
13:13Hindi talaga ako
13:14pwedeng mapagod
13:15para sa kanila.
13:16Sa kanila.
13:17Kailangan maging matatagal
13:18ang tulong
13:19talaga sa kanila po.
13:21Kaya ganun na lang
13:22ang panghihinayang
13:23ni Rosana
13:24sa tuwing makikita
13:25ang hindi patapos
13:26na super health center.
13:31Labing limang minuto lang
13:32kasi ang layo nito
13:33mula sa kanilang bahay.
13:35Sana po magkaroon po
13:36ng health center po
13:38dito sa NAIC
13:39para hindi na po kami lumayo
13:41para hindi rin po
13:43mahirapan na
13:44pabalik-balik po doon
13:46sa Quezon City po.
13:48Sa pahintulot
13:49ng lokal na pamahalaan
13:50ng NAIC
13:51pinapasok kami
13:52para silipin
13:53ang ginagawang
13:54super health center.
13:57Para sa primary health care
13:58na pangangailangan
13:59ng isang residente
14:01ay kaya na sanang tugunan
14:02ng super health center na ito
14:04dahil batay
14:05dito sa kanilang plano
14:06unang-una
14:07dito dapat yung pharmacy
14:09dito ibibigay
14:10ang mga kakailanganin mong gamot.
14:12Kung kailangan mo halimbawa
14:14ng blood test
14:15o kaya urinalysis
14:17nandito
14:18sa kantong to
14:19yung magiging
14:21laboratory
14:22nitong super health center.
14:25Pagka
14:26kukonsulta ka
14:27sa doktor
14:28dahil may mga
14:29pangangailangan ka
14:30na kailangan tanungin
14:31o kaya may sakit ka
14:32may nararamdaman ka
14:33ito yung consultation room.
14:35Batay dito sa kanilang
14:37floor plan
14:38ay meron na ring
14:39labor room.
14:40Ito yung labor room.
14:42At sa katabing kwarto
14:44ay birthing room
14:46para sa ating mga nanay.
14:48Pero dahil nga
14:49super health center
14:50kung kailangan mo halimbawa
14:52ng ECG
14:53o kaya
14:54ng ultrasound
14:55meron din silang kwarto
14:57para dyan.
14:58Dito yun.
14:59Dito dapat
15:00yung kanilang ultrasound
15:01at saka ECG
15:02na mga equipment.
15:03Ngayon,
15:04ayon dun sa
15:05nakuha nating
15:06accomplishment report
15:07mula sa DPWH
15:08Region 4A
15:09ang status ng
15:10super health center
15:11na ito
15:12ay 82% completed
15:13pero tuloy-tuloy pa rin
15:15ang construction.
15:16Taong 2021
15:18ang sinimula ng
15:19Department of Health
15:20o DOH
15:21ang pagpapatayo
15:22ng mga super health center
15:23sa iba't ibang lugar
15:24sa bansa.
15:25Department of Public Works
15:27and Highways
15:28o DPWH
15:29ang implementing agency
15:30naman
15:31ng mga proyekto.
15:32Pinadalhan namin
15:33ang sulat
15:34ang contractor
15:35ng proyekto
15:36para tanungin
15:37kung bakit hindi natupad
15:38ang target completion date
15:39ng proyekto.
15:40Kinunan din namin
15:41ng panig
15:42ang DPWH
15:43pero hanggang ngayon
15:44wala silang sagot
15:45sa amin.
15:47Inilapit din namin
15:48si Angel
15:49sa lokal na pamahalaan
15:50ng Naikavite
15:51para matulungan siya
15:52sa anumang kakailanganin niya
15:54sa kanyang pagpapagamot.
15:55Nagdasal lang po ako
15:57na gumaling na po ako.
16:05Kung sa Naikavite
16:06hindi tapos
16:07ang super health center
16:08sa Ubando, Bulacan
16:10mahigit isang taon
16:11na raw natapos
16:12ang super health center.
16:14Pero hanggang ngayon
16:15nakatinga pa rin ito
16:17at hindi na pakikinabangan.
16:21Ito sana ang inaasahan
16:23ng buntis na si Joanna.
16:24Lalo pat tatlong buwan na lang
16:26manganak na siya
16:27sa kanyang pangalawang anak.
16:30Malaking bagay raw sana
16:31ang pasilidad na ito
16:32dahil meron na itong labor
16:34at birthing room.
16:36Malapit na po.
16:37Hindi na po kami
16:38mahirapan
16:39na babiayay
16:40ng malayo.
16:41Makakalibre
16:42na rin kami
16:43pagka
16:44hindi na po kami
16:45balik-balik
16:46na pupunta
16:47sa malayo.
16:48Sa ngayon,
16:49sa health center
16:50sa kanilang lugar
16:51nagpapacheck up
16:52si Joanna.
16:53Pero hindi pa raw niya alam
16:54kung saan siya manganak.
16:55Nag-ipon-ipon na po
16:57naman
16:58kung sakaling
16:59sa malayo po.
17:01Sinubukan namin
17:02kuna ng panayam
17:03ang lokal na pamahalaan
17:04ng Ubando.
17:05Tumanggi silang
17:06kumarap sa kamera.
17:07Sa written statement
17:08na ipinadala
17:09ng Ubando,
17:10Bulacan,
17:11sinabi nilang nasa
17:12final stage na round
17:13ng preparation
17:14ang Super Health Center
17:15sa kanilang bayan
17:16at target na mag-operate
17:17ngayong darating
17:18na November.
17:19Ito lang na karaang buwan
17:22nagsagawa ng inspeksyon
17:23ng DOH
17:24sa iba pang
17:25Super Health Center.
17:27Isa sa kanilang
17:28binisita
17:29ang Super Health Center
17:30sa barangay Concepcion 2
17:31sa Marikina City.
17:33Meron ito
17:34ang kanilang nadatnan.
17:36Balot na ng mga ligaw
17:37na halaman
17:38at damo ang loteng
17:39dapat sana'y tatayuan
17:40ng pasilidad.
17:41Makikita rin
17:42ang mga bakal
17:43na kinakalawang na.
17:502024 pa raw
17:51nang sinimula ng proyekto.
17:5221 million pesos
17:54ang inilaang Pondo
17:55para dito.
17:56Pero hanggang ngayon,
17:57pundasyon pa lang daw
17:58ang nagagawa.
18:00Di ba yung manananggal
18:01hati?
18:02Yung itaas wala,
18:03yung iba ba na iiwan?
18:04So, ewan ko,
18:05lumilipad siguro
18:06yung manananggal dito.
18:08Ito yung paanan.
18:10DPWH rin
18:11ang implementing agency
18:12ng proyekto.
18:13Sila rin dapat
18:14ang gagawa ng phase 2
18:15o ang 4-story building
18:17na Super Health Center.
18:18Pero hindi raw
18:19masimula ng proyekto
18:21dahil sa mga kulang
18:22na dokumento.
18:23Hindi naman
18:24maumpisahan
18:25yung DP,
18:26nagre-reklamo yung DP sa akin
18:27kasi ayaw ibigay
18:28nung previous phase 1
18:29contractor
18:30yung
18:31as-built
18:33as-built
18:34plans.
18:37Paliwanag ng Marikinas City,
18:38LGU.
18:39Noon pa raw nila
18:40gustong tapusin
18:41ang pasilidad
18:42pero hindi raw
18:43binigay ng DOH
18:44ang hinihingi nilang
18:45pondo
18:46na nagkakahalaga
18:47ng mahigit
18:48180 million pesos.
18:51Kaya para hindi masayang
18:52ang nasimulang
18:53proyekto,
18:54nagdesisyon ng Marikinas City
18:55na sila na lang
18:56ang magpapatuloy
18:57sa pagpapagawa
18:58ng Super Health Center
19:00gamit ang kanilang pondo.
19:03Pinadalhan din namin
19:04ng sulat
19:05ang contractor ng proyekto
19:06pero hindi sila sumagot
19:07sa amin.
19:08Dito lang nakaraang linggo,
19:11binalikan ng
19:13reporter's notebook
19:14ang ipinapatayong
19:15pasilidad.
19:16Yung dating foundation
19:17lang na inabot
19:18ng
19:19Department of Health
19:20dito.
19:21Ngayon makikita mo
19:22may mga posty na
19:23tapos ito
19:24meron ng pader
19:25inuumpisahan na natin.
19:27So ito
19:28most probably
19:29early next year
19:31matatapos yung ground floor
19:32yun yung aming plano
19:34para magamit
19:35tapos susunod na yung
19:36second floor
19:37second floor
19:38hanggang matapos yung third floor.
19:39At kapag natapos na ang proyekto
19:41malaking bilang
19:42ng mga residente
19:43ang makikinabang dito.
19:45Sa parang gay lang na to
19:46humigit kumulang
19:47nasa 100,000
19:48kasi yung
19:49marikina
19:50autism center
19:51buong marikina
19:52ang pwede niyang
19:53pag-servisyohan.
19:56Sa plano ng DOH
19:57may tatlong modelo
19:58ang Super Health Centers
19:59depende sa dami
20:00ng populasyon
20:01kung saan itatayo
20:02ang pasilidad.
20:03Ang small model
20:04na nagkakahalaga
20:05ng 6.5 million
20:06pesos
20:07ang konstruksyon.
20:08Medium model
20:09na nagkakahalaga
20:10naman
20:11ng 12 million
20:12pesos.
20:13At ang large model
20:14na aabot
20:15sa 15
20:16to 20 million
20:17pesos.
20:18At kapag natapos
20:19at nai-turn over na
20:20ng DOH
20:21ang mga Super Health Center
20:23ang lokal na pamahalaan
20:24na ang sasagot
20:25sa mga medical equipment,
20:26mga gamot
20:27at mga health worker.
20:28mga health worker.
20:29Sa datos ng DOH,
20:31876 na Super Health Centers
20:34ang pinondohan
20:35noong 2021
20:36sa ilalim
20:37ng Health Facility
20:38Enhancement Program.
20:39Pero sa bilang na yan,
20:41196 lang ang operasyonal,
20:4517 ang partially operasyonal,
20:48at 365 pa ang under construction.
20:52Malaking bagay sana
20:53ang mga ganitong
20:54health care facilities,
20:55lalo pat sa pag-aaral
20:56ng Philippine Institute
20:57for Development Studies
20:58o PIDS.
21:00Kalahati ng buong populasyon
21:02sa bansa,
21:03hindi nakakakuha
21:04ng agarang access
21:05sa mga primary health care facilities.
21:07Isang failure yan
21:14ng leadership
21:15at saka governance.
21:17Dahil
21:18may mga hospital ka palang
21:20pinatayo,
21:21tapos hindi mo alam
21:22kung tapos.
21:23So,
21:24nagbibigay ng pera
21:25yung kongreso,
21:27pero hindi mo minomonitor
21:28kung papano
21:30ang execution yan.
21:32Mahalaga rin daw
21:33na magkaroon
21:34ng proper monitoring
21:35ang DOH
21:36sa mga ipinatutupad
21:37nitong proyekto.
21:38Ito yung may building,
21:40pero wala ka namang
21:42doktor,
21:43nurses,
21:44medtech,
21:45at saka iba pang
21:46healthcare workers.
21:48Hindi tatakbo
21:49yung hospital.
21:51At ang huli,
21:52funding.
21:53Very critical kasi
21:55yung funding
21:56yung pera
21:57para doon.
22:00Sa datos naman
22:01ng Department of Budget
22:02and Management
22:03o DBM,
22:04may inilaan
22:05na P336
22:06million pesos
22:07para sa pagpapatayo
22:08ng mga bagong
22:09primary care facilities
22:10kabilang na
22:11mga super health centers
22:12para sa taong
22:132026.
22:15Ang tanong,
22:16paano
22:17makasisigurong
22:18may patutupad
22:19ng tama
22:20ang mga proyekto?
22:24Bawat segundo,
22:25mahalaga
22:26para sa mga kagaya
22:27ni na Angel
22:28at Joanna
22:29na nangangailangan
22:30ng agarang
22:31servisyong medikal.
22:32Kaya sa mga
22:33pagkakataong
22:34nakatingga
22:35at hindi
22:36napakikinabangan
22:37ang mga
22:38pasilidad,
22:39gaya ng mga
22:40super health care centers,
22:41buhay ang
22:42nagiging kapalit nito.
22:44Ako si Maki Pulido
22:45at ito
22:46ang Reporter's Notebook.
22:47Reporter's Notebook.
Recommended
4:13
Be the first to comment