Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Aired (October 19, 2025): Sa Tayabas, Quezon, may kakaibang bersyon ng sinigang na bangus ginagamitan ito ng natural na asim mula sa Tibig! Alamin kung paano nagiging mas malasa at espesyal ang ulam na ito. Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Bukod sa luya, may isa ring halamang likas na tumutubo rito sa farm.
00:04Ang tawag dito, tibig o native fig.
00:09Isa itong uri ng puno na endemic o katutubo sa Pilipinas
00:12at karaniwang matatagpuan sa mga gubat o tabing ilog.
00:17Pero dito, meron din tayo dito sa Tayabas, Quezon, na version ng tibig.
00:22Mas maliliit lang siya.
00:23At ang sabi ninyo, Sir Ben, yung tibig may dalawang uri.
00:27May lalaki, may babae.
00:29May lalaki tsaka babaeng prutas.
00:31Yes.
00:32So ito pong nakikita natin ngayon, ito po ay lalaki o babae?
00:35Actually, ito ay babae rin.
00:37Ah, babae to?
00:38Oo, babae to. So medyo makintab siya.
00:41Ang lalaki, mas malaki ng konti dito.
00:45Saan ba yung lalaki? Maghanap tayo ng lalaki.
00:50Ito! Ay, mas malaki.
00:53Ito yung lalaking tibig.
00:56Bakit pinabubulok na lang, Sir?
00:57Kasi yung lalaki, hindi namin kinakain kasi medyo may pakla siya.
01:06Pwede na itong pitasin?
01:07Ah, hindi pa. Merong, dito wala pang gaano hinog.
01:12Merong hinog doon sa kabilang puno.
01:14Pero kung manonotice mo yung difference niya.
01:16Oo, mas malaki yung lalaki kesa doon sa babae.
01:18Oo, tsaka makintab.
01:20Makintab.
01:21Mas maganda actually, yung babae.
01:23Mas attractive na yung babae.
01:23Oo, mas attractive siya. Mas buhay yung kulay niya.
01:26Tapos parang mas shiny siya ng konti.
01:28Pero ito ay matigas pa. Hindi pa ito pwede kunin.
01:31Hindi pa pwede.
01:32Ito yung babaeng tibig.
01:33Oo, babaeng tibig daw.
01:34So, kanina nakita natin yung green na variety.
01:37Ito yung red na variety na fig.
01:39Alright.
01:39Oo, na tibig.
01:40Oo, ito may hinog na.
01:41Oo, ito may hinog na ito.
01:42Red siya. Medyo deep, dark, maroon color siya kapag hilaw.
01:47Oo. Kapag hinog, medyo naglalighten na siya.
01:51Bukod sa kulay at itsura, malalaman din kung lalaki o babae ang isang tibig sa laman nito.
01:58Ang babaeng tibig, kapag binuksan, makikita ang malambot na laman at matubig na loob.
02:04Samantala, ang lalaking tibig naman, karaniwang tuyo.
02:07Kaya naman hindi ito kinakain.
02:10Ay, dry.
02:12Dry.
02:12Oo, tingnan ninyo. Ang pagkakaiba.
02:15Mas malaki, pero dry.
02:18Yes.
02:19Mas maliit, pero juicy. Dito tayo.
02:22Doon tayo sa juicy, syempre.
02:23So, ang babaeng tibig lamang ang pwedeng kainin.
02:27Yes.
02:27Ah. Paano po ito kinakain?
02:30Pwede itong kainin ng as is, sa fresh.
02:40Hindi pa siya gaano matabi.
02:41Yung texture niya parang ano, alam niyo, yung buto ng bayabas.
02:45Tapos paliitin ninyo ng konti. Parang ganun yung peg niya. May mga seeds siya sa loob.
02:51Hindi siya matamis na matami, pero hindi rin siya maasim.
02:54Ang sabi rin sa akin ni Sir Ben, yung puno ng tibig ay indicator na merong tubig sa lugar.
03:05Yes.
03:05Kasi hindi tutubo ang puno ito kung walang water source.
03:09Kaya madalas nakikita ito sa mga tabing ilog, tabing sapa.
03:14Ang mga tibig na ating nakuha, diretsyo na sa kusina.
03:17Ang mga pala si Edgar Rubio. Ang akin pong lulutuin ay ang sinigang na bangus sa tibig.
03:27Ngayon po ang sisimulan po ay ang sa akin muna pinagpakulaw na tibig para yung aroma ng tibig ay lumasan agad.
03:45Ito rin po ang magiging asim ng ating sinigang.
03:48Sunod na ilalagay ang sibuyas at luya.
03:51At sa katitimplahan ng asin.
03:53Idadagdag ang okra, labanos, sitaw, blended tomatoes, at kamatis.
04:05Pagkakulo ng sabaw, ilalagay ang bangus.
04:10Pakuluin ng limang minuto bago isunod ang siling pangsigang at kangkok.
04:15Maya-maya pa, pwede nang humigop ng mainit na sabaw ng sinigang na bangus sa tibig.
04:32So walang hindi natin makikita dito yung tibig kasi yung katas lang niya ang ginamit.
04:38Tikman natin yung sabaw na may katas ng tibig.
04:41Hindi ko naman malasahan yung difference.
04:49Para siyang regular na sinigang na bangus.
04:53Hindi siya maasim na maasim.
04:55Kasi I suppose yung tibig ay medyo fruity at matamis.
04:58Kaya medyo nan-neutralize niya ng kaunti yung asim nung sinigang.
05:03Kaya medyo autobud.
05:26You
Be the first to comment
Add your comment

Recommended