Inalmahan ng ilang Kongresista ang pag-alis ng mahigit P200B na 2026 budget para sa flood control projects na gobyerno lang ang nagpo-pondo. Base naman sa imbestigasyon ng Task Force ng NBI, pare-pareho ang ilan sa mga board director ng 7 o 8 sa 15 contractor na pinangalanan ng pangulo nakakorner ng mga flood control project. May nadiskubre ring maanomalyang proyekto sa San Jose, Camarines Sur.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Inalmahan ang ilang kongresista ang pag-alis ng 2026 budget para sa flood control project sa gobyerno lang ang nagpo-pondo.
00:15Maygit 200 billion piso yan, nahahanapan na lang ng ibang pagkakagastusan.
00:22Nakatutok si Joseph Moro.
00:23Mula sa orihinal na mahigit 881 billion pesos, mahigit 625 billion pesos na lamang ang hinihinging budget ang Department of Public Works and Highways o DPWH para sa 2026.
00:3929% o mahigit 250 billion pesos ang tinapyas.
00:44Ayon kay Public Works Secretary Vince Dyson, ito ay dahil tinanggal na ang para sa mga lokal na mga flood control projects.
00:52Anong sunod yan sa utos ng Pangulo na is zero ang budget sa mga proyekto kontrabaha.
00:57Ang itinira na lamang ay ang 15 billion pesos na halagang sagot ng gobyerno sa mga foreign assisted flood control project tulad ng Pasig Marikina Rehabilitation Project.
01:07May bahagi kasi ng pondo para dyan na inutang sa ibang bansa at obligadong tapusin.
01:12Bukod pa sa mahigpit na binabantayan ng mga nagpa-utang.
01:15Tapusin na lang muna natin yan, ayusin po natin ang mga ginagawa nating ongoing na flood control all over the country.
01:23For 2026, zero muna tayo.
01:28Ito na ang pinakamababang budget ng DPWH na isinumite sa Kongreso simula noong taong 2020.
01:34Wala muna ang pondo para sa mga flood control projects hanggat hindi na sosolusyonan ang problema.
01:40Pero paano ang mga pagbahanan na nangangailangan ng aktual na solusyon?
01:45Sabi ni Dyson, may mga flood control projects naman na napondohan na noon pang 2024 at ngayong taon.
01:52Tanong ni Calocan 2nd District Representative Edgar Erice, paano ang pondo sa dredging sa kanilang lugar na isa sa mga nasagasaan?
01:59Unfair naman po yun. Yung po eh matagal naghihintay. Tapos ang maghihirap ngayon, yung mga kababayan nating babahain sa susunod na taon.
02:18Natanggal din ang pondo para sa bypass road sa lugar nila ayon kay Cagayan de Oro, 2nd District Representative Rufus Rodriguez.
02:25Limang taon na aniya itong pinupondohan.
02:27And nothing is left. That is the situation, Mr. Secretary.
02:32This is only about 900 million. That is why of the region, Region 10, the District of Congressman Rodriguez is the biggest reduction.
02:43Not because of flood control, but because of this bypass road.
02:47So I am asking, appealing to the Secretary, can you restore this?
02:51I think it was looked at as multiple packages.
02:54We will find a way to restore this.
02:56Umaasa pa rin ang mga kongresista na uubra ang pagbabalik ng pondo kung hindi naman anila para sa flood control.
03:03Wala na mga pag-singin, sir.
03:05Yun ang instructions.
03:08Yun lang kailangan natin bantayan.
03:09Kung may babalik man, kung saan man mapunta, kailangan ma-verify na yun talaga yung kailangan.
03:14Hindi rin ibig sabihin na babawasan ang gastusin ng gobyerno sa 2026.
03:20Ang lampas 200 bilyong pisong tatapisin kasi sa pondo kontrabaha, hahanapan ng ibang pagkakagastusan tulad sa edukasyon o kalusugan.
03:28The prerogative of the President, I think he will choose which department, how much and which department to transfer the funds.
03:35And then, through the secretaries, siguro sila na magpaprioritize.
03:41Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
03:45Sa Kamarinas Sur, hindi matapos-tapos ang flood control project sa Rangas River.
03:51Utay-utay na nga ang paggawa, ilang parte pa nito ang gumuguho tuwing may bagyo.
03:56Silipin yan sa pagtutok ni Mark Salazar.
04:01Sa paana ng Mount Isarog sa bayan ng San Jose, Kamarinas Sur, dumadaloy ang malaking waterway na Rangas River.
04:09Di tumatatagpuan ng flood control project na utay-utay raw kong gawin.
04:14At palaging may gumuguhong parte pag may bagyo.
04:17Kapag naglagay ka kasi ng utal-utal, naglagay ka ngayon, masusundan siya after 3 years, after 4 years, andyan na yung bagyo.
04:24Yung dating maikli na nilagay mong riprap, tatamaan na naman ang bagiikutan ng tubig, giba na naman.
04:30Nung manalasa ang bagyong Christine, Oktubre, nung nakaraang taon, malaking bahagi ng lumang riprap ang gumuho.
04:36Pati ang pundasyon ng mahalagang tulay ng San Jose, papuntang Naga City, nadadamay ng mga pagguho.
04:42Yung ilalim ng foundation ng bridge, kung nakita nyo po, di ba yung poste, medyo may nakakalkal na doon ang tubig kasi doon umiikot yung tubig.
04:52Doon magsisimula yun.
04:53Doon magsisimula yun.
04:54Pag nasira yun, mas problema po kami kasi isa sa secondary arterial road po yung pugay section.
05:00Pag naparelesa po kami doon, apektado po yung transport ng karating ng buong distrito namin papuntang Naga.
05:06Kasi isa yun sa economic highway namin.
05:10Pinuntahan namin ang nakakasakop sa proyekto ang DPWH Camsur 4th District Engineering Office.
05:17Pero itinuro kami sa regional office.
05:20Hindi naman sinasagot ang tawag namin ng DPWH Region 5 na siyang nag-implement ng proyekto.
05:26Ayon sa On-Site Project Board, ang Alro Construction and Development Corporation ang kontratista ng proyektong ito na nagkakahalagang 121.68 million pesos.
05:40Base sa datos ng Philippine Contractors Accreditation Board o PICAB,
05:44ang Amani One Rider Partylist Representative Roj Gutierrez, ang Authorized Managing Officer ng Alro Construction and Development Corporation.
05:53Sinusubukan namin kunin ang panig ng Alro Construction at ni Congressman Gutierrez.
05:59Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
06:06Pare-pareho ang ilan sa mga board director ng 7 o 8 sa 15 kontraktor na pinangalanan ng Pangulo na nakakorner ng mga flood control project.
06:18Ayon po yan sa task force ng NBI na nag-imbestiga rin sa isyo para suportahan ang Independent Commission for Infrastructure o ICI.
06:28Nakatutok si John, konsulta.
06:33Gumugulong na ang imbisigasyon ng NBI task force para suportahan ang Independent Commission for Infrastructure o ICI.
06:40Kasama po dito yung mga accountants, forensic accounting na gagawin, mga investigador, at kasama rin po yung mga money laundering aspect.
06:51Kasi ho, ang gagawin po natin, kaya po ng naunan ng ginawa, eh makakaroon po tayo ng mga seizure, freeze orders sa mga properties.
07:00So meron din po tayo mga eksperto na sinama dito sa NBI para po magtulong-tulong at ilulunsan po natin ito kaagad-agad.
07:09Wala rao sasantuhin ang imbisigasyon.
07:25Saklaw rin kaya sa kanilang imbisigasyon ang ilang mambabatas?
07:30Kung sinabi ng ICI, isaman ninyo sa imbisigasyon ito, ito, ito, senator, congressman, then wala po tayong magagawa, tatrabahuhin po natin yan.
07:41We are working closely with AMLOC.
07:45Makikita po ng AMLOC, ilambawa si senator ganito, ay ikaw ang kunyari ang dami.
07:57Makikita namin if you have the capacity, makikita ng AMLOC.
08:01So huli ka pa rin.
08:03Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ngayon pa lang nakita na rin nila na pito hanggang walong contractors
08:10sa labing limang contractors na pinangananan ni Pangulong Bomo Marcos
08:14ang may overlapping na mga pangalan na Board of Directors.
08:17A, B, C, D, E, F, G na yan, nakipag-bid sila kahit na sino manalo doon, kanila pa rin, sila pa rin.
08:38Umiikot na rin daw ngayon ang mga NBI agents na may kasamang engineers sa mga proyektong substandard
08:43at nawawala o ghost projects, particular sa probinsya ng Mindoro at Bulacan.
08:49Ayon pa kay Santiago, kasama sa mga iimbisigahan din nila ay ang itinatayong NBI building sa Taft Avenue
08:56na nagkakahalaga ng 2.4 billion pesos, matapos madiskubre na nanalo sa bidding
09:02ay parehong pagamayari ng mga diskaya.
09:05Imbisigahan namin mabuti. Ano ba ito?
09:09Baka hindi magawa yung building namin, baka kulang-kulang yung substandard yung bakal.
09:14Eh, nandun kami, lumindul, bumagsap yung building namin.
09:18Ngayon ko lang nalaman yan, that the diskayas were part of it.
09:21Very close to home. Kaya hindi hoon natin papayagan talaga na lumusot ito
09:26ng malugi na naman ang gobyerno sa ganitong usapan.
Be the first to comment