Skip to playerSkip to main content
Hindi sapat ang mga uri ng flood control project na itinayo sa Cebu tulad ng dike para pigilan ang malawakang pagbaha tulad ng idinulot ng Bagyong Tino ayon sa DPWH. Sinang-ayunan 'yan ng UP Resilience Institute na nagbigay ng mga epektibong solusyon kontra-baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi sapat ang mga uri ng flood control project na itinayo sa Cebu tulad ng Dike
00:05para pigilan ng malawakang pagbaha tulad ng idinulot ng Bagyong Tino ayon sa DPWH.
00:11Sinang-ayunan niya ng UP Resilience Institute na nagbigay ng mga efektibong solusyon kontra baha.
00:18Nakatutok si Ian Cruz.
00:23Nilunod ng baha ang maraming lugar sa Cebu at maraming sa binagyo
00:27ang kinailangang i-rescue sa mga bubungan.
00:30Meron pa namang mahigit apat na raang flood control project noon
00:33na ginastusan ng halos 27 billion pesos.
00:40Binisita ni Public Works Sekretary Vince Dizon
00:42ang mga lunsod ng Talisay at Mandawi sa Cebu kahapon.
00:46Hindi raw kinaya ng mga Dike at Revetment ang malaking tubig na bumuhos.
00:51Sabi ni Dizon, di sapat ang mga flood control projects
00:55lalo sa may Mananga at Butuanon River.
00:59Dalawang rivers ang talagang umapaw ng todo-todo.
01:05Yung Mananga River na nag-originate sa mga bundok sa Cebu City
01:09pababa ng Talisay.
01:12At yung Butuanon River nanggagaling din sa mga bundok sa Cebu City
01:18pababa naman papuntang Mandawi.
01:20So yung mga nakita nating mga grabe ang pinsalang dinulot
01:25dun sa dalawang ilog na marilaking.
01:27Kung titignan sa isumbong mo sa Pangulo website,
01:30may labing siyam na flood control projects sa Mananga River
01:33na nagkakahalaga ng 2 billion pesos.
01:37Lahat dapat tapos na base sa date of completion.
01:41Ang Butuanon River naman,
01:43may labing pitong flood control projects
01:45na may halagang 1.4 billion pesos.
01:48Ang dike can only take you so much.
01:52Ibig sabihin, pag normal na baha o normal na ulan,
01:55okay, kaya ng dike yan.
01:57Pero yung mga ganitong klaseng mga once in 20 year na bagyo,
02:02eh hindi kaya yan.
02:03Puro dike, puro revetment.
02:05Ang problema, hindi lang yun ang flood control.
02:09Ang isa sa mga pinaka-importanting flood control
02:11eh yung pagkukontrol nung daloy ng tubig na nanggagaling
02:15sa upstream ng isang ilog,
02:18pababa, yun ang wala.
02:20Sabi rin ni Dr. Maharlagmay,
02:22Executive Director ng UP Resilience Institute
02:24and NOAA Center,
02:26hindi dike ang solusyon sa baha.
02:29May mas epektibo at murang solusyon kontrabaha
02:33lalo na ang nararanasan lamang minsan sa isang buhay.
02:38Panghuling konsiderasyon nga raw ito.
02:41Una, dapat daw maibalik ang forest cover
02:43na nawalan itong nagdaang dalawang dekada.
02:46Dapat magkaroon ng retention basin
02:48na pwedeng imbaka ng tubig.
02:50Dapat may flow-through o maraming mini-damps.
02:53Dapat may mga rainwater harvesting
02:56at mga pumping station
02:58para mailabas ka agad sa ilog
03:00papunta sa dagat ang tubig.
03:01Yung dike na yun, magiging mas epektibo pa
03:03kasi nabawasan na yung baha.
03:06So yung ngayon na palaging dike,
03:08mas malaki na yung baha,
03:09eh aapaw.
03:10Pero kapag in-exhaust mo muna,
03:12ginamita mo muna ng paraan,
03:15naglagay ka ng mga iba-ibang mga solusyon,
03:17patong-patong na solusyon,
03:19tsaka ka mag-iisip ng dike
03:20para maging efektibo siya,
03:22mas mura at mas sustainable.
03:26Sabi ni Dizon,
03:27sa inisyal na nakita nila,
03:28papalo sa 50 billion pesos
03:31ang flood control project sa Cebu
03:33mula taong 2016 hanggang 2025.
03:37Ang Cebu Province
03:38ay kalawang probinsyang
03:39may pinakamaraming flood control project
03:41sa bansa
03:41base sa isumbong mo sa Pangulo website.
03:45Para sa GMA Integrated News,
03:47Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
03:52Sub indo by broth3rmax
Be the first to comment
Add your comment

Recommended