Skip to playerSkip to main content
Kasabay ng pagtanggi sa mga ibinato sa kanyang alegasyon kaugnay ng flood control projects tiniyak ni Rep. Zaldy Co na babalik siya sa Pilipinas para sumagot sa aniya'y tamang forum. Binigyan siya ng hanggang Lunes ng house speaker para umuwi. Ang nagpakilalang dating security aide niya na si Orly Guteza , pineke umano ang notaryo sa affidavit na nag-deliver umano siya ng pera sa bahay ni Co at ni dating Speaker Martin Romualdez.


Ayon 'yan kay Sen. Ping Lacson na iniutos nang i-background check si Guteza. Samantala, inanunsyo na ni Pres. Bongbong Marcos ang paglilipat ng pondo sa mga programa ng DSWD na galing sa mga ipinatigil niyang flood control projects. Pinasusuri rin ng pangulo sa legal team ang pagiging bahagi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng Independent Commission on Infrastructure.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00TINA PANGANIBAN PERES
00:30Sa sulat ni ako, Bicol Partilist Representative Elizalde Co, kay House Speaker Faustino D. III.
00:37Tiniyak niyang babalik siya sa Pilipinas para sagutin ang mga aligasyon laban sa kanya kaugnay sa anomalya sa mga flood control project.
00:45Haharapin daw niya ang mga akusasyon sa tamang forum.
00:48Pero nangangamba raw si Co kung ano ang naghihintay sa kanya pagbalik sa Pilipinas
00:53dahil nahusgahan na raw siya ng publiko at ni D kasunod ng pagkansela sa kanyang travel clearance
00:59nang hindi man lang daw siya hinihinga ng paliwanag at kahit wala pang reklamong inihahain laban sa kanya.
01:06Matatanda ang nag-leave si Co nang uminit ang isyo sa mga budget insertions para raw magpagamot sa Amerika.
01:13Pero ang travel authority niya para rito, kinansela ng maupo bilang speaker si D.
01:19Ang Department of Justice, kinukumpirma pa raw ang ulat na wala na sa Amerika si Co at ngayon ay nasa Spain na.
01:27Sa kanyang sulat, iginiit ni Co na wala siyang tinanggap na pondong konektado sa mga proyekto ng DPWH.
01:34Pinabulaanan din niya ang aligasyon na mag-isa siyang gumawa ng budget insertions sa 2025 national budget.
01:41Hindi raw ito totoo dahil aprobado naman ang Senado at Camera at may Cameral Report na sumunod-umano sa proseso.
01:50Hindi rin daw totoo ang bintang na humingi siya ng fish import allocations para sa ZC Victory Fish Incorporation.
01:57Wala raw siyang kinalaman sa naturang kumpanya at hindi raw Zaldico ang ibig sabihin ng ZC kundi Zamboanga City.
02:05Pati ang aligasyong pag-aari niya ang eroplanong naghatid kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, The Netherlands, pinabulaanan niya.
02:14Pumaasa si Co na pagbalik niya sa Pilipinas, bibigyan siya ng due process at matitiyak ang kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.
02:23May hanggang September 29 si Representative Elizalde Co na bumalik sa bansa.
02:28Alin sunod ito sa direktiba ng speaker.
02:31Kung hindi siya makakabalik sa nasabing pecha, babala ng speaker, mahaharap si Co sa disciplinary at legal actions.
02:40Sabi pa ni D, hindi naman prejudgment kay Co ang pagbawi sa travel clearance nito, kundi oportunidad para direktang harapin ni Co ang mga aligasyon sa tamang forum.
02:50Tiniyak pa ng speaker na kung babalik nga sa bansa si Co, makikipag-ugnayan ang kamera sa mga otoridad para masiguro ang kaligtasan niya at kanyang pamilya.
03:01Sakaling hindi umuwi sa takdang pecha si Co, sabi ng Malacanang, maaari raw humingi ang Department of Justice ng Blue Notice mula sa International Police o Interpol.
03:12Ito ay para sa pagkalap ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan, lokasyon o aktibidad ng isang tao kaugnay ng isang criminal investigation.
03:23Maaari din naman po maghiling ang DOJ ng Blue Notice at dahil nagsisimula na rin po silang mag-imbestiga.
03:30Pero bilang courtesy po sa Senado, mas nanaisip po nila na mauna po ang Senado ng kumilas dito.
03:35Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok, 24 oras.
03:43Kasunod ng sunod-sunod na bagyo na migay ng ayuda si Pangulong Bongbong Marcos sa mga magsasakasal union.
03:49Inanunsyo rin ang Pangulo ang paglilipat ng pondo sa mga programa ng DSWD na galing sa mga ipinatigil niyang flood control projects.
03:57Nakatutok si Ivan Mayrina.
03:59Kasabay ng pagbuo ng komisyon nag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects.
04:07Pinakansila rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng flood control projects para sa taong 2026.
04:13Sa matitipid na pondong 195 billion pesos ayon sa Pangulo, 36 billion ang ililipat sa DSWD.
04:21Inanunsyo ng Pangulo yan sa harap ng mga nakinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Programma 4 Peace na kinilala sa Malacan niya kanina.
04:28Ilalaan natin sa mga programa ng DSWD.
04:33Kasama na rito ang tinatawag na Assistance to Individuals in Crisis Situations o ang pagkakilala ng karamihan ay yung AX at saka yung Sustainable Livelihood Program.
04:48Bukod sa AX, ilalaan din ang programa para sa mga dating rebelding nagbabalik loob sa pamahalaan.
04:53Palalawakin din daw ang 4 Peace para mas marami ang makinabang.
04:57Kaunday nito, pinag-aaralan ng pag-ambiyanda sa programa tulad ang pagtatanggal sa 7 taong limit na mapasay lalim sa programa,
05:04ang pagsaklaw sa mga edad 0 hanggang 3 years old at pagsama sa sektor ng pabahay sa Advisory Council.
05:09Mas mabuti po at mas gugustuin po ng pamahalaan na ang karamihan po sana na naging beneficiyado ng 4 Peace ay makagraduate.
05:19Dahil ibig sabihin po noon ay umaangat ang kanilang buhay.
05:22Bukod sa mga karaniwang ayuda tulad ng Family Food Packs at Health Kits mula sa DSWD,
05:27namigay ang Pangulo nanting 3,000 peso sa Fuel Subsidy Card sa halos 300 farmer beneficiaries sa La Union.
05:34May pinamahagi ring fertilizer at mga binhi.
05:37Kaya po, nakapag-savings po tayo dahil marami kaming nakita na project na hindi talaga tumutugon doon sa problema.
05:46At saka may mga ghost project pa at saka yung pagkagawa.
05:49Kaya tinigil ko lahat yan para matiyak natin na tama naman ang paggamit ng pera ninyo.
05:57Dahil pera ninyo ito eh.
05:58Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
06:03Pineke-umano ang notaryo sa affidavit ni Orly Gutesa,
06:08ang nagpakilalang dating security aide ni Congressman Zaldico,
06:12na nag-deliver umano ng pera sa bahay nito at ni dating Speaker Martin Romualdez.
06:17Ayon po yan kay Sen. Ping Lakson na iniutos ng i-background check si Gutesa.
06:22Bigla kasi umano itong iniharap sa pagdinig ni Sen. Rodante Marcoleta ng walang abiso.
06:29Nakatutok si Joseph Moro.
06:30Mabibigat ang mga pahayag na binitawan ni Orly Gutesa
06:37na nagpakilalang dating security aide ni Jacobi Colpartilist Rep. Saldico
06:41sa Senate Blue Ribbon Committee.
06:44Saksi daw si Gutesa sa paglabas-masok at pag-deliver ng mali-maletang pera sa bahay ni Co
06:49tulad na nanggaling kay dating Act CIS Partilist at ngayong Benguet Rep. Eric Yap.
06:54Nag-deliver din daw siya ng mga maleta ng pera na tinawag niyang basura sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez.
07:02Humigit kumulang tatlong bisis ako mismo ang nag-deliver ng basura sa bahay ni Congressman Saldico
07:09at sa mga bahay ni Speaker Romualdez sa...
07:15Itinangginan ni Romualdez at Yap ang aligasyon.
07:20Si Co itinanggiri na may tinanggap na pondo mula sa anumang proyekto ng DPWH.
07:26Pero ang affidavit ni Gutesa na binasa sa Senado nakukwestiyon ngayon.
07:31Ang notary public kasi na nakapirma sa affidavit na si Atty. Petchi Rose Spera
07:35sinasabi ngayon na hindi raw siya nag-notaryo.
07:38Lumagda o lumahok sa paggawa ng affidavit ni Gutesa
07:41ayon kay Sen. Blue Ribbon Chairman Sen. Panfilo Lacson.
07:45Palsifikado rin daw at walang otorisasyo ng pirma nito at ibang detalye sa notaryo.
07:50Ninonotaryo ang isang dokumento para maging publiko ito at magamit sa korte.
07:55Personal na pinanunumpaan ang isang affidavit sa harap ng abogadong nag-notaryo nito.
08:01Pinuntahan namin ang opisina na Spera sa Maynila para kunin ang kanyang pahayag
08:05pero wala ito roon ayon sa staff na nakausap namin.
08:08Sabi ni Lacson, sorpresa raw ang pagpipresentan ni Marcoleta kay Gutesa kahapon
08:12at ni hindi man lamang nag-abiso sa kanya bilang chairman ng komite.
08:16Kailangan ano niyang makilatis ang background at record ni Gutesa
08:19lalo na at mabigat at seryoso ang mga testimonya nito kahapon.
08:23Sinisigap namin makuha ang panig ni Gutesa at Marcoleta.
08:27Ang DOJ ang sabi hindi pa pumupunta sa kanila si Gutesa.
08:31Inaalam na rin nila kung peke nga ang notaryo ng salaysay nito.
08:35Kahit nasabihin natin may isyong notarization,
08:38the fact that it is a sworn statement delivered under oath in the Senate
08:44makes it an official statement pa rin.
08:46Sa pagtatanong kay Gutesa, binanggit din niyang naghatid siya ng pera
08:50para kay Romualdes sa isang bahay sa Aguado Street malapit sa Malacanang.
08:54Nanghinga ng reaction ukol dito, sabi ng Palacio,
08:57Kung meron po ganito talagang pangyayari, patunayan naman po.
09:00At hindi naman po muli, hindi po makikialam ang Pangulo sa mga pag-iimbestigan na ito.
09:05Kaya po nag-create ng isang independent commission para po maging malaya ang pag-iimbestiga.
09:10Kamag-ana, ka-alyado, pinsan man, kapatid man o anuman,
09:15lahat po ay dapat maimbestigahan kung dapat na maimbestigahan.
09:18Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
09:24Pinasusuri na ni Pangulong Bombong Marcos sa legal team
09:26ang pagiging bahagi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong
09:29sa Independent Commission on Infrastructure.
09:33Binanggit ito ng Palacio kasunod ng punah ng ilan
09:35sa pag-iimbestiga umano ni Magalong kahit itinalaga siyang special advisor ng ICI.
09:42May mga puna rin umanong abala siya sa komisyon
09:44at baka nauubusan na ng oras sa pagiging alkalda ng Baguio City.
09:49Bagay na ayaw raw mangyari ng Pangulo.
09:50So, tinitingnan din ng Palacio ang posibleng conflict of interest
09:54dahil naman sa maanumalya umanong tennis court project sa lungsod.
09:58Sabi ng Malacanang, posibleng bigyan ng ibang tungkulin si Magalong
10:03para hindi makompromiso ang independence ng ICI
10:06at maiwasan ang anumang paglabag.
10:09PINALA
Comments

Recommended