Inirekomenda nang kasuhan sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, dating congressman Zaldy Co, at tatlo pang sangkot sa mga flood control project. Hiniling 'yan ng Independent Commission for Infrastructure sa Ombudsman. 6 na kaso rin kaugnay ng mga proyekto kontra baha sa Oriental Mindoro at Bulacan ang target maiakyat ng Ombudsman sa Sandiganbayan bago matapos ang Nobyembre.
Kakasuhan din umano ang isang hindi pa pina-pangalanang mataas na opisyal matapos umanong makatanggap ng kickback. Sa gitna niyan, bumuo ang DPWH ng grupo ng mga flood experts na susuri muna sa mga proyekto kontra baha bago ito hingan ng pondo. Naglabas na rin ang lahat ng Senador ng kani-kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o tala ng kanilang yaman.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Be the first to comment