Skip to playerSkip to main content
Matapos ipanawagan ng iba't ibang sektor at grupo, nagpasya ang Independent Commission for Infrastructure o ICI na buksan sa publiko ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects. Inanunsyo ngayon ng ICI Na simula sa susunod na linggo, mapapanood na ito online sa pamamagitan ng livestream.


Sabi ng ilang grupo, "tila huli na" ang gagawing pagla-livestream. Samantala,
itinanggi ng DPWH na may nadamay na mga sensitibong dokumento na may kinalaman sa mga flood control project nang masunog ang gusali ng Bureau of Research Standards sa compound sa Quezon City. Pina-iimbestigahan na rin ng Ombudsman kung sinadya ang sunog.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Nasunog ang gusali ng Bureau of Research Standards sa isang DPWH compound sa Quezon City.
00:10Kaya pag-usisa ng ilang senador sa DPWH,
00:14posibleng bang may nadamay ng mga sensitibong dokumento na may kinalaman sa mga flood control projects?
00:20Itinanggiya na ahensya at nilinaw ng mga opisina at mga training room lamang sa gusali ang apektado.
00:26Pinaiimbestigahan na rin ang Ombudsman kung sinadya ang sunog.
00:30Nakatutok si Chino Gaston.
00:34Dinatnan naming may maitim na usok sa pangatlong palabag ng Bureau of Research Standards sa loob ng DPWH Mimaropa Compound sa Quezon City pasado alauna ng hapon.
00:49Gamit ang mechanized lift, inakyat yan ng mga bumbero para bombahan ng tubig.
00:53Binasag nila ang ilang bintana para maipasok ang mga water hose.
01:00Sa kapal ng uso, kinailangang mag hazmat suit at rebreather ang mga bumberong pumasok.
01:07Nagkahiwa pa ang isang fire volunteer pero ligtas na.
01:10Umabot sa third alarm ang sunog na nirespondehan ng 66 na fire truck.
01:14Agad ininiklarang fire out ang sunog pasado alauna i-medya ng hapon.
01:19Pasalamat po tayo dahil wala pong mga major injuries pong nangyari, wala po tayong vitality po.
01:25In less than an hour po, napate po agad natin yung sunog.
01:27Ang sunog sa DPWH compound, pinag-usapan sa pagdinig sa Senado kaugnay sa mga anomalya sa mga flood control project.
01:36Alaman-alaman doon.
01:37This is actually our region 4B.
01:41The regional office 4B of the DPWH.
01:444B.
01:44Yes, Your Honor.
01:46Mindoro.
01:48Mindoro.
01:49Ito po yung ano, dito po ang site ng testing materials ng DPWH na mga suppliers like semento, mga bakal.
01:58Wala mga dokumento roon?
02:00Of course, meron po, Your Honor.
02:01Yung mga dokumento ng regional office of the DPWH region 4B is housed in that office?
02:10Well, a number.
02:12A number, but most of it naman po nasa database na ng central.
02:17Nilinaw kalauna ng ICI Chairperson Andres Reyes na walang nasunog na may kinalaman sa flood control projects.
02:23As per record now, the burning in Quezon City does not involve flood control projects.
02:29But I did have a meeting with the COA and I told him that you have to secure all the records of the COA
02:37because as an investigator before with the ombudsman, I know that there's a tendency for the criminals to burn down the office.
02:50Pinawi rin ang director ng DPWH Bureau of Research Standards ang pangamba na may mga sensitibong dokumentong nasunog sa apoy.
02:57Wala po kaming dokumento dito na tungkol doon sa mga projects na under investigation.
03:06Dahil po, ang testing of materials ng mga proyekto ng district engineering offices and regional offices ay sila ang nagpakonduct.
03:19Ako po ang magpapatunay na wala po kaming dokumento na kaugnay doon sa mga iniimbestigahang proyekto.
03:27Yan din ang sabi ng DPWH sa isang pahayag.
03:30Ayon sa DPWH-BRS, bagamat naatasan din sila na tumulong sa pag-testing ng mga construction na sangkot sa mga umanoy ghost project,
03:38hindi pa raw ito nasisimulan.
03:40Ang ombudsman, inutusan na ang National Bureau of Investigation at BFP na imbestigahang insidente
03:46at alamin kung aksidente lang o sadyang sinunog ang mga apektadong opisina at records ng BRS.
03:54Para sa GMA Integrated News, Sino Gaston Nakatutok, 24 Horas.
03:58Matapos ay panawagan ng iba't ibang sektor at grupo,
04:03nagpasya ang Independent Commission for Infrastructure o ICI
04:06na buksan sa publiko ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.
04:12Inanunsyo ngayon ng ICI na simula sa susunod na linggo,
04:16e mapapanood na ito online sa pamamagitan ng livestream.
04:20Sa ngayon, lumalabas na marami pang contractors ang sangkot sa anomalya
04:24at nangangalib na matanggalan ng lisensya.
04:27Nakatutok si Joseph Moro.
04:32Labing limang kontraktor na ang iniimbestigahan nila
04:36pero mas marami pa ang nangangalib matanggalan ng lisensya
04:39ang maging kontraktor ayang kay Trade Secretary Christina Roque.
04:43Dumating siya sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
04:46para ipaliwanag kung paano na-accredit ang isang kontraktor
04:50para magkaproyekto sa gobyerno.
04:53Gayunman, di pa masabi kung ilan ang tatanggalan.
04:55Madami talaga sila. We can't really divulge also
04:59because we need to make sure na yung violation nila is correct.
05:04Kung makansila ang lisensya, kahit mga pribadong proyekto
05:07ay hindi pwedeng makuha ng kontratista.
05:10Kabilang sa mga wala ng lisensya,
05:12ang siyam na kumpanya ng mga diskaya.
05:14Masihigwitan pa ng DTI ang pagkuhan ng lisensya
05:17bukos o mo'y iral ng utos na dumaan nito sa DTI
05:20na siya mismong sasala sa mga nag-a-apply para magkalisensya.
05:24Dati kasi ay Philippine Contractors Accreditation Board of PICAB lamang
05:28ang sumasala at nag-a-approba nito.
05:31Iba background check ang mga nag-a-apply ng lisensya.
05:34First, if they are part of this flood control,
05:36definitely, yeah, hindi na sila pwede.
05:39And then, we're also thinking that even the relatives
05:42cannot anymore be also given the license.
05:46Pero nagihintay rin sila ng rekomendasyon
05:48ng ICI at Department of Public Works and Highways o DPWH.
05:52Dahil sa anomalya, bago na ang mga executive directors
05:55ng PICAB at hindi na pwedeng maging board member
05:58ang sino man kung may construction company.
06:00Si Rocky ang tanging panauhi ng ICI ngayong araw.
06:04Hindi pa rin bukas sa publiko ang mga pagdinig ng ICI
06:07pero ang Sandigan Bayan nalilitis sa mga kaso kaugnay
06:10ng mga proyekto kontrabaha.
06:12Handang mag-livestream ng mga pagdinig
06:14kung papayagan ng Korte Suprema.
06:17Hiningan namin ang reaksyon dyan si ICI Chairman Justice
06:19Andres Reyes Jr.
06:21Pero sa Senado, ang sabi ni Reyes,
06:22We will try our best to be able to full blast investigation of all this fraud.
06:33We will now go on live stream next week.
06:37Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
06:42Patong-patong na reklamo ang inihain ng isang grupo
06:45laban sa mag-asawang Congressman Noel Rivera
06:47at Vice Mayor Evelyn Rivera ng Tarlac.
06:49Kaugnayan ng 600 milyong pisong halaga ng mga proyektong
06:53napunta o mano sa kumpanyang iniugnay sa kanila.
06:57Dawit din ang DPWH Engineer sa unang distrito ng Tarlac.
07:01Nakatutok si Salima, Refran.
07:06Dumalog sa Ombudsman ang Grupong United Pilipino Against Crime and Corruption o UPAC
07:11para ireklamo ng plunder si Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera.
07:16Kayon din ang asawa niyang si Vice Mayor Evelyn Rivera
07:19ng Concepcion Tarlac at DPWH Tarlac 1st District Engineer,
07:24Neil Farala.
07:25Para ito sa 600 milyon pesos na infrastructure projects
07:29na inaward ng DPWH sa Tarlac 3G Construction.
07:34Sa kalakip na general information sheet ng Tarlac 3G Construction
07:37mula sa SEC,
07:39nakalista si Congressman Rivera bilang presidente
07:42habang treasurer naman si Vice Mayor Rivera.
07:46Merong mga health center, may flood control, iba-iba po.
07:51Pero sa nakikita namin, ito ay hindi karapat-dabad bilang isang congressman.
07:57Hindi siya nag-divest, siya mismo ang makikita mong pumipirma sa mga kontrata ng DPWH.
08:05Labing tatlong kontrata sa iba't ibang distrito ng Tarlac ang napunta sa Tarlac 3G mula 2018.
08:12Nakapirma rito bilang general manager ng Tarlac 3G si Congressman Rivera.
08:17May conflict of interest dahil siya ay elected congressman ng District 3 Tarlac.
08:24Ang na-verify ko pa lang sa 3rd District ay mga doon sa substandard na nakita ko,
08:31tsaka may ghost eh.
08:32So mga pito.
08:33May conspiracy dito.
08:36Kasi alam niya congressman siya,
08:38alam ni District Engineer na congressman siya,
08:41pero binibigyan siya ng kontrata siguro gamit ang kanyang influensya.
08:45Inire-reklamo rin ang mag-asawang Rivera ng grave misconduct, serious dishonesty at paglabag sa Government Procurement Act.
08:54Ayon kay Ombudsman ay suskis piniramuya.
08:57Va-validate lang natin yung documents.
08:59Kung siya talaga, kung walang pagbabago sa official documents na dapat i-contain ng isang complaint.
09:06Yun yun, tutuloy na natin ang PIN after validation.
09:10Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News ang panig ng mga inireklamo.
09:14Para sa GMA Integrated News, ni Marafran, nakatutok 24 oras.
09:21Ipinagkibit malikat lang ni First Lady Lisa Araneta Marcos
09:25ang hiling na imbestigahan siya kaugnay sa isyo ng mga flood control project.
09:30Ayon sa Malacanang, wala namang naipakitang anumang ebidensya na naguugnay sa unang ginang sa isyo.
09:37At nakatutok si Ivan Mayrina.
09:38Chismis lang ang turing ng Malacanang sa kahiling ang imbestigahan si First Lady Lisa Araneta Marcos
09:47para alamin kung may kaugnayan nito sa flood control projects.
09:51Ang sabi po ng First Lady ay hindi po niya ito bibigyan ng anumang pansin dahil ito po ay hearsay evidence.
09:57Ang tinutukoy niya, ang liham ng private citizen na si John Santander sa Independent Commission for Infrastructure or ICI.
10:05Kalakit nito ang mga larawan ng unang ginang sa mga pagtitipon.
10:09Kasama si Maynard Yu, ang tech billionaire na iniugnay sa mga anumalyang flood control projects.
10:14Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala namang daw makikita doon anumang naguugnay sa unang ginang sa mga proyekto.
10:21Nabasa po natin ang letter of sentiment pati na po ang attachments.
10:25Mismo ang mga attachments ay walang naguugnay at walang naipakitang anumang ebidensya na magsasabing merong anumalyang flood control projects na pinasok ang unang ginang.
10:36Patuloy namin kinukuha na ng pahayag singo, Dagdag de Castro, hinihikayat ng palasyo na magsumbong ng katiwalayan ng sinuman kung may ebidensya.
10:45Pwede natin encourage kapag sila ay kompleto ng ebidensya.
10:48Kung mayroong patutunguhan, vetted. Pero kung ito po ay paraan lamang para magkaroon ng phishing expedition, para ang ICI ang gumawa ng paraan para mag-imbestiga sa mga akusasyong wala namang basihan, hindi po kasi yata yun ang mandato ng ICI.
11:05Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
11:10Handang pag-aralan ng Korte Suprema ang mga panukalan ng Sandigan Bayan para mapabilis ang paglilitis ng mga kaso kaugnay ng mga flood control project.
11:19Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
11:21Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay Sandigan Bayan Presiding Justice Geraldine Ekong,
11:31sinabi nitong plano nilang pabilisin sa loob lang ng 6 hanggang 8 buwan ang paglilitis sa kaso kaugnay sa flood control.
11:39Idadaan daw nila sa Korte Suprema ang kanilang rules kaugnay dito.
11:43Sagot ngayon ng kataas-taasang hukuman, ire-review nila anumang panukalan ng Sandigan Bayan para matiyak na maayos ang pagpapatupad nito.
11:52Any rules that may be proposed by any court, whether it's Collegiate Court, Sandigan, CTA, and CA, will have to be reviewed by the court and bank.
12:04So any suggestions or recommendations coming from the Sandigan Bayan as to expedite the cases involving flood control projects,
12:14for sure we will review immediately these rules and suit to it that are implemented properly.
12:20Sinabi yan, Hes Mundo, sa ikatlong anibersaryo ng Strategic Plan for Judicial Innovations na dinaluhan ng karamihan sa mga maestrado.
12:28Dito nabanggit din ang kontrobersya kaugnay sa katiwalian sa gobyerno.
12:32Addressing corruption is a clear, visible, and urgent priority for all justices, judges, lawyers, court personnel, and all our stakeholders.
12:45Corruption should no longer be hidden.
12:47Samantala, natuklasan din ang Supreme Court na di lang flood control projects ang proyekto sa gobyerno
12:53ng mga kontratistang naka-corner ng malalaking government projects.
12:57Ang ilan sa kanila, nagtayo rin ang mga hall of justice o yung mga gusali kung saan nililitis ang mga kaso.
13:04Iniutos na Hes Mundo na siya sa atin ang mga ito.
13:07There were projects that were included in the budget for some of our halls of justice, which were outside the judiciary's budget.
13:17And therefore, for some of them, these were built by DPWH.
13:20And as of yesterday, the justice in charge, Justice Samuel Garlan, reported briefly to the chief justice,
13:31and I witnessed the report, that he is looking at several projects that were funded by some contractors that were listed.
13:38Natapos naman daw ang karamihan sa mga proyekto at hindi pondo ng Supreme Court ang ginamit dito.
13:44Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Oras.
13:51Isinapubliko na rin ang Senate President at Speaker of the House ang kanilang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-IN para sa taong 2025.
14:01Sa SAL-IN ni House Speaker Faustino D. III, nakalagay na merong 74 million pesos ang halaga ng kanyang yaman kung ibabawas ang mga utang.
14:11Binoorin ng House Speaker ang SAL-IN Review and Compliance Committee ng Kamara para suriin ang mga panuntunan para sa pagsasapubliko ng SAL-IN ng mga mambabatas.
14:24Sa SAL-IN naman ni Sen. President Tito Soto, nakasaad na mahigit 188 million pesos ang kanyang yaman kung ibabawas ang mga utang.
14:34244 million pesos naman ang kay Sen. Robin Padilla.
14:37Tinawag ng ilang grupo na tila huli na ang gagawing pagla-livestream ng Independent Commission for Infrastructure, ICI, sa kanilang mga pagdinig simula sa susunod na linggo.
14:50At nakatutok si Rafi Tima.
14:52Bago pa man magsimula ang diskusyon ng Senate Committee on Justice and Human Rights, inanunsyo na ni ICI Chairman Retired Justice Andres Reyes Jr. ang matagal ng panawagan ng marami sa Independent Commission for Infrastructure.
15:06We will now go on live stream next week once we get to be able to have the technical capability with us already.
15:19So again, I repeat, we'll be doing live stream next week.
15:24Iba't ibang sektor ang nanawagan sa ICI para ipakita sa publiko ang kanilang ginagawang pagdinig para daw maging transparent ang proseso.
15:31And a live streaming of the proceedings will definitely address this concern of the public.
15:38Pero ang makabayan block sa Kongreso nagsabing tila huli na ang gagawing pag-livestream ng ICI.
15:44Dapat sa umpisa pa lang daw ay ginawa na ito ng komisyon.
15:47Nasa Senado si Reyes kaugnay ng diskusyon sa panukalang pagtatatag ng Independent People's Commission
15:52na siya mag-iimbestiga ng maanumalyang infrastructure projects ng gobyerno at iba pang irregularidad.
15:57Kapareho ito ng ICI pero sa panukala, tinitingnan ang pagbibigay dito ng mas malawak na kapangyarihan.
16:04Naging mainit ang diskusyon kung gaano kalawak ang kapangyarihan ibibigay dito.
16:08Nais si Sen. President Tito Soto na magkaroon ito ng kapangyarihan mag-file ng kaso,
16:12mag-freeze ng mga asset at mag-recommendan ang whole departure order.
16:16So question naman ni dating Chief Justice Renato Puno,
16:19bigyan ng proteksyon ng mga membro nito laban sa harassment at pang-impluensya para tunay itong maging independent.
16:24It is respectfully suggested that the bill should not only give the commission the power to investigate
16:35but also the power to file the appropriate charges and the power to prosecute them.
16:44Not just to investigate, not just to be glorified as researchers.
16:49Pero nagpaalala si dating Sen. President Franklin Rilon,
16:52bagamat kailangan ng isang ad hoc committee dahil sa tindi ng problema,
16:56hindi ito dapat maging permanente at hindi nito dapat kunin ang kapangyarihan ng ombudsman o ng commission on audit.
17:02We should not just keep on adding the officers but strengthen the ombudsman
17:11because constitutionally that is the agency that was created for this problem.
17:16Remember that we abhorred the arrest and seizure order or ASSO issued by the Secretary of National Defense during martial law.
17:26Do we want to go back to that? I don't think so.
17:29Aminado naman si ICI member at dating DPWH Secretary Rogelio Singson,
17:34hirap ang kanilang komisyon.
17:35Panukala niya, gayahin ang kapangyarihan ng investigative bodies ng ibang bansa.
17:39The legal process that we have to follow is so tedious bago po may makulong ang haba ho ng proseso.
17:51As compared, you may want to consider, as compared to the two gold standards of anti-corruption,
18:00which is the ICAC of Hong Kong and the CPIB of Singapore.
18:05Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
18:12Gustong tapyasan ng Senado ang budget ng DPWH.
18:16Payag din ang Senado na buksan ang bicameral conference sa sino mang interesadong dumalo at ilivestream ito.
18:22Nakatutok si Mbaki Pulido.
18:23Matagal ng kalakaran tuwing bicameral conference para sa national budget,
18:32natangi mga kongresista at senador na miyembro ng bicameral committee lang ang pwedeng dumalo.
18:37Sarado sa publiko, walang live stream at media ang bicam conference,
18:42kung saan pinag-iisa ang magkaibang Congress at Senate version ng budget,
18:45ang huling yugtu ng proseso bago lagdaan ng Pangulo ang national budget.
18:50Lumabas din sa mga pagdinig ng Kamara at Senado na ang puntong ito ang isa sa mga pagkakataon
18:56kung kailan pwedeng magsingit ng pondo para sa mga flood control project.
19:00Kaya matagal nang nangangalampag ang ilang civil society groups para buksan sa publiko ang bicameral conference.
19:07Payag ang Senado na i-livestream ito ayon kay Senate President Tito Soto
19:11at buksan sa kahit sinong interesadong dumalo.
19:14May nakahain namang resolusyon sa Kongreso na payagan ang pag-livestream ng bicam.
19:19Ayon na rin sana ni Soto sa mga dating pinagdarausan ito tulad sa mga function room na mga five-star hotel.
19:26Ayoko na. Nagbili na akong kapon sa Senate Secretary at BICC.
19:31O eh, di gobyerno may ari.
19:33Dagdag ni Soto sa bicam na rin posibleng pagtalunan ng Senado at Kongreso
19:37ang unprogrammed appropriations at budget ng DPWH.
19:41Gusto ng Senado na tanggalin sa unprogrammed appropriation ang mga ayuda program
19:46at isa ilalim sa mismong departamentong namimigay nito.
19:50Halimbawa, DSWD.
19:51Gusto rin tapyasan ng Senado nang aabot sa 15% ang budget ng DPWH.
19:57Based doon sa mga testimony ng mga DPWH employees or officials
20:06na sinasabi nila na talagang overpriced nila.
20:09Ginagawa nila eh, niahayaan nilang overpriced.
20:11Kasi para doon doon sa mga proponente.
20:14Para sa People's Budget Coalition, dapat wala ni isang unprogrammed appropriation.
20:20Sahalip, gawin na lang mga line items sa ilalim ng mga departamento
20:23ang mga nakalista dyan para may transparency at madaling mamonitor.
20:28Sangayon din ang koalisyon sa pagtanggal ng mga ayuda program
20:31sa unprogrammed appropriation dahil nagagamit ito ng mga politiko.
20:35And then the patron is the politician.
20:37Nagkikreate siya ng dependency because nagbibigay siya ng ayuda
20:40in exchange for the vote.
20:42Kaya marami tayong narinig na binibigay lang naman yung ayuda
20:46kapag malapit yung eleksyon o kaya may kapalit po ito.
20:49Sa November 10 naman, inaasahang babalik na si Sen. Ping Laxon
20:52bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee.
20:55Dati nang sinabi ni Laxon na kung bumalik siya
20:58ay baka matanggal bilang Senate President si Soto.
21:01Pero sabi ni Soto, wala nang ganitong namumuong eksena
21:03pero kung matanggal man daw siya, okay lang.
21:06Maraming dapat pa kasi kasuhin yung Blue Ribbon.
21:08Hindi kailangan makonfine lang sa flood control at saka sa bulakan lang.
21:12It should be encompassing.
21:17Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Oras.
21:22Handang magsiwalat ang isang dating mambabata sa Quezon City
21:25ng mga alam niya umano kaugnay ng anomalya sa mga flood control project.
21:30Ayun yan sa Ombudsman.
21:32Nakatutok si Salima Refran.
21:33Isang dating mambabatas ng Quezon City
21:40ang nagpaabot kay Ombudsman ni Suskes Pinrimulia
21:44nang kahandaang isiwalat ang lahat ng nalalamat
21:47sa maanumaliang flood control projects.
21:50Nakatanggap din ako ng tawag
21:51kalinang maga, very early in the morning.
21:55Isang kaibigan ko, parang siyang go-between
22:01sa isang congressman from Quezon City
22:03who wants to tell all.
22:06Hihintayin rao ni Remulia
22:07ang mga susunod na hakbang ng ex-congresman
22:10pero nagpasabi na rao ito
22:12na marami siyang ilalahad.
22:15Bagay na susariin daw niyang mabuti.
22:17Yung involvement niya sa lahat na nangyayari
22:19tsaka kung paano kalakaran,
22:22paano nangyayari lahat niya.
22:23Masabihin niya.
22:24Sir, magtuturo? Magtuturo din to ng iba?
22:27Magtuturo. Magtuturo.
22:30Ano to? Hindi na siya incumbent.
22:32Ano siya? Hindi na siya incumbent.
22:34Ayon sa Quezon City LGU,
22:36331 ang mga flood control projects
22:38ng DPWH sa lunsod
22:40mula 2022 hanggang 2025.
22:43Pero dalawa lang daw sa mga ito
22:46ang inaprubahan ng lokal na pamahalaan.
22:49Samantala, iniimbestigahan na rao
22:51ng Ombudsman ang isang bidder
22:52na palaging talo
22:54sa ma-anumaliang flood control projects.
22:57Katawang nito ang Philippine Competition Commission o PCC
23:00sa pagsilip sa issue
23:02ng bid rigging.
23:033% of the project cost is given
23:07to the losing bidders.
23:10Yun na yun.
23:11Iba yung for the boys tawag nila.
23:13For the boys.
23:14So,
23:15hinahati-hati yan sa losing bidders.
23:18Etc. etc.
23:19Meron pa ibang binibigyan.
23:21Ano na yan?
23:22Dating gawin na yan
23:23na nangyayari sa DPWH.
23:25Nais rin ni Ombudsman Remulya
23:27na makausap ang sandigan bayad
23:29para mailatag ang mga panuntunan
23:31sa pagbabalik ng ninakaw na pera ng gobyerno
23:34kapalit ng plea bargain
23:36o pagpapababa ng kasong kakaharapin.
23:39Lalo't may mga nagparamdam na raw
23:41kay Ombudsman Remulya
23:43na mga kongresista.
23:45May mga kongresman daw
23:46na gusto lang nilang marahimik
23:49at hindi nilang gagawin ulit
23:52pagsasoli pa sila
23:53sa mga contracts
23:55kung saan nag-contractor sila.
23:57Inatasan na rin ang Ombudsman
23:59ng Department of Justice
24:00na ituloy
24:01ang pag-usig
24:02sa limang reklamo
24:03ng malversation,
24:04graft at perjury
24:05para sa limang ghost projects
24:07ng DPWH Bulacan
24:09First Engineering District.
24:11Ibig sabihin,
24:12DOJ na magsasagawa
24:13ng preliminary investigation
24:15at magdadala nito
24:16sa korte.
24:18Para sa GMA Integrated News
24:20Salima, Rafra,
24:21Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended