Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Hindi Wawa Dam kundi ang flood control project ng DPWH ang sinisisi ng Mayor ng Rodriguez, Rizal sa matinding pagbaha roon. May mali umano sa disensyo nito kaya na-eembudo ang dumadaloy na tubig.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is not a flood control project.
00:30This is not a flood control project.
01:0012 sa 15 barangay ng San Mateo ang binaha kasunod ng walang tigil na pagulan tulad sa bahaging ito ng barangay Mali.
01:08Kwento na ilang mga residente, bandang alas 7 kagabi nagsimulang tumaas yung tubig baha hanggat sa maraming lugar ay umabot na ito sa lampas tao.
01:17Ngayong araw ay may mga lugar naman na na bumaba na yung tubig baha katulad dito na nalalakaran natin pero mataas pa rin daw ang tubig lalo na sa looban.
01:27Bukod sa mga binahang bahay at nasirang mga gamit, problema rin ng ilan ang tumigil na kabuhayan.
01:32Kaya si Lola Leonora, umalis muna ng evacuation center at sumuong sa baha para makapagtinda ng tinapa.
01:40Hindi anya sapat na umasa sa relief goods sa evacuation center.
01:43Hindi kami makapagtinda kasi umuulan.
01:47Wala po kami, siyempre pag hindi po ako nagtinda, wala kami kakainin.
01:51Si Nabuboy naman na piniling manatili sa second floor ng kaninang bahay imbes nasa evacuation center, hindi pa nakakakain.
01:58Mga nasa evacuation center lang anya ang naabutan ng relief goods.
02:02Wala rin silang pambili dahil hindi nakapaghanap buhay mula kahapon.
02:07Maasa lang kami sa hanap buhay namin araw-araw.
02:10Pang hanap buhay namin, pag uwi, kain, yun makakain.
02:13Pag wala, wala hanap buhay, ganito. Gutom kami.
02:16Pakiusap ni San Mateo Officer in Charge Grace Diaz sa mga apektadong residente.
02:21Magtungo sa mga evacuation center dahil hindi naman nila kayang makapagbahay-bahay sa dami ng aabutan ng relief goods.
02:28Sa katabing bayan ng Rodriguez, walo sa labing isang barangay ang binaha.
02:33Winasak ng Agos ang ilang bahay sa tabing ilog sa barangay Burgos.
02:37Wala nang natirang pader sa bahay ni Jerry para may masilungan ang tatlong anak.
02:42Wala po pang gastos eh.
02:45Yung ginagasit lang po na yun, pang araw-araw lang pang kain.
02:47Wala po pang ano, yun, mamumulot na nandiyang mga tagpitagping kaka-flywood para madugtong-dugtong.
02:55Hindi pa nga lubos na nakakaahon.
02:57Ang marami sa mga residente rito mula sa pananalasan ng Bagyong Karina noong nakaraang taon,
03:02eto na naman, binahana naman sila.
03:04Eto nga yung bahagi ng bahay ni Aling Marilu na nasira noong Bagyong Karina at hindi na niya ito napagawa.
03:11Kahapon dahil sa lakas ng Agos ng tubig, eti na nga yung pader sa natitirang bahagi ng kanyang bahay.
03:19Sana po eh, may tumulong po sa amin.
03:22Si Lola Dolores, lumuluha na lang habang nakatingin sa dating kinatatayuan ng kanilang Pentecostal Church.
03:30Tinangay ito ng malakas na Agos, kaya halos wala nang natira sa pinaghirapan nilang itayo.
03:36Masakit dahil po yan ang inalagaan namin para sa aming mga anak at mga apo at mga kapitbahay po para matutupo sila ng tama.
03:49Ganito kahapon ang lakas ng dagsa ng tubig na umapaw mula sa Wawa Dam at umago sa bayan.
03:55Kung tutuusin ayon kay Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista, nakatulong ang disenyo ng impounding dam kung saan iniipon muna ang tubig
04:03para magkaora sila para ilikas ang mga residente bago ito mag-overflow.
04:07Pero pahirapan pa ang pagpilit sa mga residente yung ilikas.
04:13Sabi ni Mayor, ang mas nagpapalala ng problema nila ay hindi ang Wawa Dam,
04:17kundi ang mga flood control project ng DPWH.
04:21I think there is something wrong with the design.
04:24Ninset kasi na malapad ang ilog, ay committed eh.
04:27Imagine yung ilog namin dito sa Montalban, it used to be 200 meters wide.
04:36Ngayon, kung matatapos yung project, kasi pinahold ko yung isang part ng project dun eh.
04:45Kung tinap, ngayon kasi yung mangyayari sa mga 60 meters wide na lang.
04:50So magkakaroon ang embudo effect.
04:52Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang DPWH.
04:55Alam mo Emil, halos buong araw na umuulan dito sa may San Mateo at sa Rodriguez dito nga sa Rizal.
05:05At sa gitna ng sama ng panahon ay nandito na po ang Kapuso Foundation
05:09at namamahagi po ng mga relief packs para sa nasa dalawang libong pamilya
05:14sa may siyam na barangay dito sa San Mateo.
05:17Katunayan ay patapos na yung distribution ng relief packs
05:22dito naman sa may, ito'y isang mga evacuation, isa sa mga evacuation center
05:26sa Justice Vicente Sanchago Elementary School.
05:30At patapos na yung kanilang pamamahagi ng relief packs
05:33nasa dulo na actually ng lina.
05:35Emil?
05:36Ingat at maraming salamat, Maki Pulido.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended