Inalmahan ng ilang kongresista ang pag-alis ng 2026 budget para sa flood control projects na gobyerno lang ang nagpo-pondo. Mahigit P2-B 'yan na hahanapan na lang ng ibang pagkakagastusan.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Inalmahan ang ilang kongresista ang pag-alis ng 2026 budget para sa flood control project sa gobyerno lang ang nagpo-pondo.
00:15Maygit 200 billion piso yan, nahahanapan na lang ng ibang pagkakagastusan.
00:22Nakatutok si Joseph Moro.
00:23Mula sa orihinal na mahigit 881 billion pesos, mahigit 625 billion pesos na lamang ang hinihinging budget ang Department of Public Works and Highways o DPWH para sa 2026.
00:3929% o mahigit 250 billion pesos ang tinapyas.
00:44Ayon kay Public Works Secretary Vince Dyson, ito ay dahil tinanggal na ang para sa mga lokal na mga flood control projects.
00:52Anong sunod yan sa utos ng Pangulo na is zero ang budget sa mga proyekto kontrabaha.
00:57Ang itinira na lamang ay ang 15 billion pesos na halagang sagot ng gobyerno sa mga foreign assisted flood control project tulad ng Pasig Marikina Rehabilitation Project.
01:07May bahagi kasi ng pondo para dyan na inutang sa ibang bansa at obligadong tapusin, bukod pa sa mahigpit na binabantayan ng mga nagpa-utang.
01:15Tapusin na lang muna natin yan, ayusin po natin ang mga ginagawa nating ongoing na flood control all over the country.
01:23For 2026, zero muna tayo.
01:28Ito na ang pinakamababang budget ng DPWH na isinumite sa kongreso simula noong taong 2020.
01:34Wala muna ang pondo para sa mga flood control projects hanggat hindi na sosolusyonan ang problema.
01:40Pero paano ang mga pagbahanan na nangangailangan ng aktual na solusyon?
01:45Sabi ni Dyson, may mga flood control projects naman na napondohan na noon pang 2024 at ngayong taon.
01:52Tanong ni Calocan 2nd District Representative Edgar Erice, paano ang pondo sa dredging sa kanilang lugar na isa sa mga nasagasaan?
01:59Unfair naman po yun. Yung po eh matagal naghihintay. Tapos ang maghihirap ngayon, yung mga kababayan nating babahain sa susunod na taon.
Be the first to comment