Skip to playerSkip to main content
Ikinabahala ng pangulo kung paano na-korner ng 15 contractor lang ang 20% ng pondo para sa mga proyekto kontra baha ng gobyerno. Inilabas niya ang listahan ng mga ito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ikinabahala ng Pangulo kung paano na corner ng 15 contractor lamang.
00:05Ang 20% ng pondo para sa mga proyekto, kontrabaha ng gobyerno.
00:10Inilabas niya ang listaka ng mga ito.
00:12Nakatutok si Mariz Umali.
00:19Matapos iutos ni Pangulong Bombo Marcos sa kanyang State of the Nation address
00:23ang investigasyon ng posibleng korupsyon sa mga flood control project
00:27sa kasalukuyang administrasyon.
00:30Ibinunyag niyang batay sa paon ng pagsusuri,
00:32aabot daw sa mahigit 545 billion pesos ang inilaan para sa halos 10,000 proyektong kontrabaha
00:39sa buong bansa mula Hulyo 2022.
00:42I don't know about you but that is a very big number by any measure.
00:49That is an enormous number.
00:51Inilabas ng Pangulo ang listahan ng 15 top contractors
00:54na naka-corner down ng tinatayang 100 billion pesos na halaga ng mga proyekto.
00:59Kung susumahin 20% yan ng kabuoang pondo, kaya nabahala ang Pangulo.
01:04This is another disturbing assessment, statistic.
01:1020% of the entire 545 billion budget napunta lang sa 15 na kontraktor.
01:18Sa 15 na kontraktor na yan, lima sa kanila ay may kontrata sa buong Pilipinas.
01:26That for me was the one that stood out very much.
01:32Five of these contractors had projects in almost the entire country.
01:40So those are the ones that immediately pop out na sa aking palagay ay kailangan natin tignan.
01:47Tinukoy din ang Pangulo ang pangalan ng limang sinasabi niyang kontraktor na may proyekto sa halos buong bansa.
01:54Hinahanap pa namin ang mga kontratistang binanggit ng Pangulo para mahingan sila ng pahayag.
01:59Isa pang obserbasyon ay mahigit 6,000 proyekto na nagkakahalaga ng mahigit 350 billion pesos
02:06na hindi tinutukoy ang eksaktong uri ng flood control na itinatayo.
02:10Bukod dito, marami rin daw proyekto sa iba't ibang lokasyon ang may eksaktong magkakaparehong halaga ng kontrata.
02:16It is impossible for one barangay, even if they are the next barangay,
02:21to have the exact same project to the exact same amount with the exact same contractor.
02:29Imposible yan.
02:30And that is why that is a significant finding already that we have made.
02:37Ipinagtataka rin ang Pangulo kung bakit hindi tumutugma ang mga probinsyang may pinakamaraming flood control project
02:42sa top 10 na pinakabinabahang probinsya.
02:46Now, I'm sure there are explanations for that.
02:49We will have to study it further.
02:51But you would intuitively say that projects,
02:56that the areas rather, the provinces, the regions, whatever you want to do,
03:01whatever pinaka-flood prone, yun dapat ang pinakamaraming project.
03:06Sabi ni Pangulong Marcos, paunang pagsusuri pa lamang ito at wala pa naman daw inaakusahan.
03:12Kaya tinihimok niya ang taong bayan na makibahagi at magsumbong sa kanya mismo ng kanilang mga nadidiskubre
03:18sa pamamagitan ng website na sumbong sa pangulo.ph na inilunsad niya ngayong araw.
03:24I encourage everyone to look into this and say your peace.
03:33Kasi parang sinasabi ng mga iba, nakikita naman namin, hindi maganda,
03:38pero wala naman kami mapuntan, wala naman kami malapitan.
03:41Ngayon meron na, ako mismo.
03:43Dahil akong titingin dito araw-araw sa website natin at babasahin ko ang report na ibibigay ng taong bayan.
03:51Para sa GMA Integrated News, Mariz Omali nagtutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended