Skip to playerSkip to main content
Iginiit ng pangulo na hindi nito isinasantabi ang kapangyarihan ng kongreso na busisiin ang national budget. Pero giit niya, tungkulin ng ehekutibo na isulong ang mahahalagang proyekto ng administrasyon. Kaugnay naman sa usapin ng katiwalian sa flood control projects, may mga hawak nang pangalan ang pangulo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ng Pangulo na hindi nito isinasantabi ang kapangyarihan ng Kongreso na busisiin ang national budget.
00:09Pero ang giit niya tungkulin ng ekutibo na isulong ang mahalagang proyekto ng administrasyon.
00:16At kaugnay naman sa usapin ng katiwalian sa mga flood control projects, may mga hawak ng pangalan ang Pangulo na katutok si Ivan Mayrina.
00:30Sa magkakasunod na pananalasa ng mga bagyo at habagat bago matapos ang buwan ng Hulyo, naharap sa paulit-ulit na problemang baha ang maraming lugar.
00:38Bagay na pinuna ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang sona.
00:41Mga kickback, mga initiative, erata, SOP for the boys. Mahiya naman kayo sa inyong kapag Pilipino.
00:50Kaya tanong ko sa Pangulo, sa aking panayam, para sa kanyang podcast.
01:00Sino ho nga ho bang pinatutungkalan ninyo dito, Mr. President?
01:03They know who they are. Meron naman dyan talagang mga notorious. Matagal lang ganito ang ginagawa.
01:08I'm sorry, but they will have to account for their actions and they will have to account for the expenditures that they have made na hindi natin nakikita kung ano yung naging resulta.
01:17Sa pagsusuri ng GMA Integrated News Research sa pabansang budget mula 2023 hanggang 2025, halos isang triliyong piso na ang nailaan para sa mga flood control projects.
01:29Bukod sa flood control projects, sisilipin din ang lahat na iba pa mga proyekto ng gobyernong pinagkakakitaan ng mga tiwaling opisyal at mga kasambuat na kontraktor.
01:39Ngayon pa lang daw, ay may mga pangalan na silang hawak at inaasahang darami pa dahil tiyakanyang maraming magsusumbong.
01:45Isa sa publiko raw ang mga sangkot at lahat, mananagot.
01:49It has to be evenly applied. Sinuman may naging kasabuat dito sa ganyang klaseng pagtrabaho, sorry na lang.
02:00Paninindigan din daw ng Pangulo ang binitiwang salita noong Sona na hindi niya tatanggapin ang budget na hindi naayon sa kanyang nais na mapunduhan kahit pahumantong sa isang re-enacted budget.
02:09Bagamat kinikilala niya ang kapangyarihan ng Kongreso na busisiin ang budget, tungkulin din daw ng ehekutibo na maisulong ang mga mahalagang proyekto ng administrasyon.
02:19And the worst part of this all, yung napupunta, kuminsen yung mga project na hindi maganda, napupunta sa unappropriated.
02:31Ano yun? Utang yun. Nangungutang tayo para mangrakot itong mga ito. Sobra na yun. Sobra na yun.
02:40Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended