Skip to playerSkip to main content
Dismayado ang gobernador ng Cebu sa kung paano sila binaha ng Bagyong #TinoPH sa kabila ng mahigit P26 bilyon halaga ng mga proyekto kontra-baha. Umabot na sa Palasyo ang kaniyang sentimyento.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dismayado naman ang Gobernador ng Cebu sa kung paano sila binahan ng Bagyong Tino
00:05sa kabila ng mahigit 26 na bilyong pisong halaga ng mga proyekto kontrabaha.
00:12Umabot na sa palasyo ang kanyang sentimiento.
00:14Ang tugon nito sa pagtutok ni Ian Cruz.
00:20Sa Facebook dinala ni Cebu Governor Pambaricuatro
00:24ang sama ng loob sa dinanas na naman nilang kalamidad
00:27dulot ng Bagyong Sitino.
00:2926 milyon pesos daw ang pondo para sa flood control project sa buong lalawigan.
00:34Pero flooded to the max daw ang inabot ng maraming LGU sa lalawigan nila kahapon.
00:41Nabasa raw ng Pangulo ang shoutout ni Governor.
00:44Yan po ang dahilan kung bakit po nagpapaimbestiga ang Pangulo Marcos Jr.
00:49Dahil nakita niya po yung epekto may mga budget na inilaan para dito
00:53pero parang hindi gumagana.
00:55Kaya mas maganda po na kung siya man po ay nagagalit
01:01yan din po ang nararamdaman ng Pangulo Marcos Jr.
01:03Kung meron po siya pang mga alam, may mga facts, may mga data rin po
01:09si Governor para dito mas na makakatulong sa ating gobyerno
01:15sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research mula sa isumbong mo sa Pangulo website.
01:25May 414 flood control projects sa Cebu Province mula taong 2022 hanggang 2025
01:31na nagkakahalaga ng P26.7 billion pesos.
01:36Pangalawa ang Cebu sa Bulacan sa dami ng flood control projects at sa contract costs.
01:44Kahit wala ang Cebu Province sa top 10 flood prone provinces base sa National Adaptation Plan.
01:51Apat sa pinangalanan ng Pangulo na top 15 contractor sa bansa,
01:55nakakuha ng 117 flood control projects sa Cebu na may kabuang halagang halos 9.6 billion pesos.
02:04Sa Bayan na Niloan kung saan may 35 ang naitalang nasawi,
02:09may limang flood control projects na may halagang halos 398 million pesos
02:14at lahat base sa isumbong website ay tapos na.
02:19Ang dalawa sa pinakamahal na proyekto dito ay co-contractor ang dalawang kumpanya na mga diskaya
02:26na Alpha and Omega at St. Matthew General Contractor.
02:30Sa Bayan ng Compostela na may naitala ng labing limang patay kaninang umaga,
02:35may tatlong flood control projects na may halagang halos 137 million pesos,
02:40iisa ang kontraktor sa tatlong proyekto at lahat ng ito ay nasa Cotcot River.
02:46Sa Cebu City kung saan may labing dalawang patay, 47 ang flood control projects na may 1.8 billion pesos.
02:54Sa Talisay City na may 7 patay kanina, may 21 flood control projects na nasa halagang 2 billion pesos.
03:02Labing tatlo sa mga proyektong ito, ang QM Builders ang kontraktor na nakabase sa Cebu.
03:08Ang QM Builders ang isa sa top 15 kontraktors.
03:12Sa Danao naman kung saan may siyam na nasawi, ay may dalawang flood control projects na may halagang 172 million pesos.
03:20Maging ang center waste construction na nakabase Sorsogon sa Bicol,
03:24ay may proyekto rin sa mga bayan ng Alegria at Ronda.
03:29Ang tatlong proyektong ito ay may halagang 212 million pesos.
03:33Sinusubukan ng GMA Integrated News sa makuhang panig ng DPWH ukol sa mga flood control projects sa Cebu.
03:40Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended