Skip to playerSkip to main content
Pito ang naiulat na nasawi habang mahigit 100,000 indibidwal ang naapektuhan sa pananalasa ng Bagyong #RamilPH.


Bagama’t nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility nag-iwan ito ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang probinsya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pito ang naiulat na nasawi habang mahigit isang daang libong individual
00:04ang naapektohan sa pananalasan ng Bagyong Ramil.
00:08Bagabat na sa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility,
00:12nag-iwan ito ng matinding pagbaha at paghuho ng lupa sa ilang probinsya.
00:17Nakatutok si Tina Pangniban Perez.
00:22Halos gumuho ang ilang bahay at establisimiento sa Dipakulao Aurora
00:27dahil sa pagtaas ng ilog na nagtulot ng matinding pagbaha.
00:32Kita rin ang mga natuklap na bubong dahil sa masamang panahon.
00:39Sa bayan ng Dinalungan, may mga kalsadang binaha kaya hindi nadaana ng mga motorista.
00:50Nakapagtala rin ang kabikabilang landslide sa probinsya.
00:53May mga nabuwal ding puno na humambalang sa kalsada.
00:57Ganito naman kalawak ang rumagasang baha sa bayan ng Maria Aurora
01:04dahil sa halos walang tigil na buhos ng ulan.
01:11Sa Isabela, pitong overflow bridge ang hindi madaanan dahil sa pag-apaw ng mga ilog.
01:17May mga pag-uhurin sa Quirino kung saan nabalot ng makapal na putik at punong kahoy ang ilang kalsada.
01:30Luzon man ang tinumbok ng bagyong ramil, ramdam din ang epekto nito sa Visayas.
01:36Gaya sa kalbayong sa Samar kung saan rumagasa ang baha dahil sa malakas na ulan.
01:45Isa rin sa pinakanapuruhan na mga pag-ulang dala ng bagyong ramil ang laluwigan ng kapis.
01:51At dahil sa matinding pagbahang naranasan itong weekend, isa na ilalim na sa state of calamity ang Rojas City.
01:58Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, pito na ang naitalang nasawi at dalawa pa ang napaulat na nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong ramil.
02:09Pero ang mga ito umano ay for validation pa.
02:12Umabot naman sa mahigit 130,000 individual ang naapektuhan ng bagyo.
02:19Ang DSWD nakapaghatid na ng mahigit 5 milyong pisong halaga ng tulong sa mga apektado ng masamang panahon.
02:27Para sa GMA Integrated News, Tina Panganibad Perez, nakatutok 24 oras.
02:35Tuloy-tuloy po ang pagpapaabot natin ng tulong.
02:38Pupunta po ang GMA Kapuso Foundation sa Kapis para mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng matinding baha dahil nga sa nagdaang bagyong ramil.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended