Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Sumama ang pakiramdam ng ilang botante sa init ng panahon at siksikan sa ilang presinto sa Quezon City. #Eleksyon2025


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sumama ang pakiramdam ng ilang botante sa init ng panahon at siksikan sa ilang presinto sa Quezon City.
00:08At nakatutok doon live si Maki Pulido.
00:11Maki, kamusta na?
00:13Alam mo Vicky, exactong alas 7 ng gabi ay nagsara ang ilan sa mga presinto dito sa Commonwealth Elementary School.
00:21At dahil nagsara ng maaga, dahil wala ng mga botante,
00:24ay nasimulan na ng mga electoral board yung proseso para makapag-transmit ng boto.
00:30Katunayan, ngayon, pinoproseso na lang ngayon para matapos yung audit log at maisara na yung makina.
00:38Pero around 7.20, before 7.20 of course, ay inimprinta na mga election returns
00:44at yung isang kopya dito ay ipinaskill na sa labas ng silid-aralan.
00:48At pagkatapos niyan, for the first time, ngayong araw, ay idinikit na yung modem para makonekta sa Wi-Fi,
00:55yung automated counting machine para matransmit na yung boto.
01:00So, sa ngayon, tinatapos na lang ng ating mga guro na tumatayo bilang electoral board yung mga huling proseso
01:07para maisara na itong makina.
01:10So, ngayon, ganito yung sitwasyon dito sa Commonwealth Elementary School.
01:13So, medyo talagang tahimik na tinatapos na lamang yung mga proseso.
01:18Marami sa mga presinto dito ngayon, sa apaara lang ito, eh talaga naman natapos na sa kanilang pag-transmit ng boto na sent to all.
01:27Sabi nga nila kanina, isang pindot lang ay matra-transmit na yung resulta ng boto dito sa kanilang mga presinto sa iba't ibang mga server.
01:36Pero, sabi nga ng mga guru sa atin, hindi pa naman talaga tapos ang kanilang gawain.
01:41Nandito pa nga sila kahit na-transmit na yung boto.
01:43Katunayan, itong mga makina na ito, pagka nalakna nila, ay ihahatid pa sa Office of the City Treasurer sa may City Hall
01:51na karaniwan ay inaabot daw ng magdamagan.
01:55Ako si Maki Pulido, nakatutok 24 oras para sa eleksyon 2025.
02:00Maraming salamat sa iyo, Maki Pulido.

Recommended