Nasa mga kongresista raw kung gusto nilang lagyan ng pondo ang “AKAP” o ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program sa 2026 budget, ayon ‘yan kay Budget Secretary Amenah Pangandaman. May ilang kongresista namang nananawagan na maisama na lang sa ibang programa ang mga tinutulungan ng “AKAP.”
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nasa mga kongresista raw kung gusto nilang lagyan ng pondo ang ACAP o ang ayuda para sa Kaposangkita Program sa 2026 Budget, ayon yan kay Budget Secretary Amina Pangandaman.
00:12May ilang kongresista namang nananawagan na maisama na lang sa ibang programa ang mga tinutulungan ng ACAP.
00:19At nakatutok si Tina Pangniban Perez.
00:21Kahit hindi isinama sa National Expenditure Program ang ACAP o ayuda para sa Kaposangkita Program, meron pa rin pondong pwedeng magamit para rito ngayong taon, ayon sa Department of Budget and Management.
00:38Paano'y kalahati lamang daw ng alokasyon sa ACAP ngayong 2025 ang nagamit ng DSWD at dalawang taon ang validity nito.
00:47Malaki po kasi ang budget masyado sa ACAP at out of 27 billion allocation for 2025, 13 billion pa lang ang nagagamit ng DSWD.
00:57So may natitira pa pong 13B na pwedeng nilang gamitin until the end of 2026.
01:03Ang ACAP ay programang isinulong ni House Speaker Martin Romualdez bilang ayuda para sa mga minimum wage at low income earners.
01:11May mga bumatikos dito dahil isiningit umano ang alokasyon sa Bicameral Conference Committee para sa 2025 budget.
01:20Sabi ni Budget Secretary Amien na pangandaman, nasa mga kongresista daw kung gusto nilang nagyan ng pondo ang ACAP sa 2026 budget.
01:29Pero meron siyang paalala.
01:31So nasa kongres na po kung gusto nilang idagdag ito ulit.
01:37Pero sa amin po eh hindi po siya kasama sa priority program.
01:41Matatanda ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na handa niyang i-vito ang anumang probisyon sa 2026 budget na hindi naayon sa prioridad ng kanyang administrasyon.
01:52Ang masakit po kasi pag na-vito, kunyari ilagay po nila tapos hindi natin priority tapos binito natin.
02:00Tapo na po yan.
02:02Wala na yung allocated na pondo.
02:04Opo, sayang. Bababa na po yung level ng budget natin. Sana nilagay na lang po natin sa ibang programa na sa tingin natin.
02:11Mas makakatulong.
02:12Ayon kay House Deputy Speaker Janet Garin, may mga kongresistang sumusuporta sa ACAP.
02:18Pero dahil walang binigay na pondo rito ang Department of Budget and Management para sa 2026,
02:24nananawagan ng ilang kongresistang isama na lang sa ibang programa ang mga tinutulungan ng ACAP.
02:30Dahil walang bahay ang ACAP, mahirap siyang mapondohan.
02:36Pero andun pa rin yung hinain ng mga kongresista na baka sa 2027 maibalik ito or ma-expand ngayon yung coverage ng AICS.
02:50Talagang nakakapanginayang yung isang programa na demonize.
02:56Si House Committee on Public Accounts Chair Terry Ridon ipinauubaya sa House Committee on Appropriations
03:02ang pagdadesisyon kung dapat ba itong pondohan o hindi.
03:05I'm not quite certain on what Congress will do, whether they will restore ACAP for next year.
03:12Pero very important po yung prinsipyo na kailangan po nating tulungan,
03:16hindi lang po yung mga pinakamahirap po nating mga kapabayan,
03:19kundi kasama din po dapat dito, yung mga near poor nating mga kapabayan.
03:24Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.