00:00Muling ang nasubok ang mga flood control project ng bahain ang Maynila kanina.
00:06E dito pa naman may pinakamaraming proyekto kontrabaha sa buong Metro Manila.
00:12Kaya ang City Hall may pasaring sa ilang kongresista.
00:16Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:21Baha sa labas ng Senado kaninang umaga dahil sa malakas na ulan.
00:24Kaya ang ilang pari at miyembro ng simbahang magpe-prayer rally dapat sa labas ng Senado kina ilang sumilong.
00:34Ang kanila pa namang pinoprotesta ang kontrobersyal ngayong flood control projects.
00:40The crisis of the heart, the crisis of faith, the crisis of moral crisis.
00:48Talagang bumagsak na, hindi na nahihiya yung mga nagnanakos sa gobyerno.
00:53O talagang garapal.
00:55Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research,
00:59may mahigit 1,000 na flood control projects sa Metro Manila na nagkakahalaga ng 52.66 billion pesos.
01:07Sa buong Metro Manila naman, ang City of Manila ang may pinakamaraming flood control projects na nagkakahalaga ng 14.46 billion pesos.
01:18Sa 20 pinakamalaking flood control projects sa Metro Manila, labing tatlo ang matatagpuan sa Maynila.
01:25Kabilang dyan ang installation ng booster pump sa Estero de Magdalena sa Tondo,
01:30booster pumps sa Estero de Binondo, Estero de Quiapo at iba pa.
01:35Kaya si Manila Mayor Isco Moreno may pasaring kaugnay sa mga flood control projects na tila hindi raw pinag-aralang mabuti
01:42kung makakatugon ba talaga sa problema ng baha sa Maynila.
01:46Talagang kami may pinakamalaking flood control project.
01:49Yung mga programa na yan, walang due notice, wala kaming impormasyon, hindi ipinaalam,
02:01hindi nabigyan ng pahintulot ng tama lang lungsod ng Maynila, which ordinarily we will keep.
02:09Nanawagan pa siya sa Senado na isama sa investigasyon ang flood control projects sa Maynila
02:14na aniya ay kinasasangkutan ng ilang kongresista.
02:18District 2, District 3, District 6, alam naman ang mga taga Maynila yan eh.
02:22They should be investigated also.
02:24Kaya nga welcome ano yan eh.
02:27Welcome development yung ginawa sa Senado.
02:31Nagpapagawa ng flood control na hindi tumatakbo o tapos parang wala lang.
02:36Bandang huli, alam mo Sandra, nakakalungkot dito.
02:40Alam mo sino sinisisi ng mga congressman o DPWH, kawawang DPWH.
02:45Pero alam din ng mga Pilipino, alam din ng Manilainyo na mahilig makialam ang congressman sa project ng DPWH.
02:53Yan ang katotohanan.
02:54Si Manila 3rd District Representative Joel Chua sinabing nagpapropose lang naman ang mga kongresista.
03:01Kami, ang trabaho namin, magpropose ng mga project.
03:05Kalimbawa, yung mga infrastructure na sa tingin namin ay kailangan.
03:10Dahil kada distrito may mga umiikot dyan ng mga district engineer at sila ang tumitingin talaga.
03:16Itinanggi rin ang kongresista ng 2nd District ng Maynila na may kaugnayan siya sa flood control projects.
03:22Puro po here kayo naman si Mayor Isco Moreno eh.
03:25Ang congressman, nagpapropose lang naman talaga ng project sa DPWH.
03:29Pero para makialam, hindi po ako engineer.
03:32Kinukunan pa namin ng payag si Manila 6th District Representative Benny Abante.
03:37Sa gitna nito, kapwa sinabi ni na Moreno at DPWH, Sekretary Manuel Bunuan,
03:43na maraming aspeto ang flood management.
03:45Bukod sa pagdaragdag ng pumping stations, kailangan ding halimbawa na ayusin ang dinadaluyan ng tubig,
03:52linisin ang mga estero, kolektahin ang mga basura.
03:55Actually, sinasabing namin, yung ginagawa namin ng engineering interventions in Metro Manila
04:02is just part of the flood management program in Metro Manila.
04:06Flooding in Metro Manila ay test to be done collectively and holistically.
04:10I-address naman natin yung waste management.
04:14I-address natin yung mga resettlement ng mga informal settlers.
04:18I-settle natin yung old drainage systems.
04:22Hindi naman namin lahat sa panyan eh.
04:24Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.
Comments