00:00Nanganganid mapinsala ang power transmission towers ng National Grid Corporation of the Philippines dahil sa mga pagbaha.
00:06Supportado naman ang power grid operator, ang planong pag-realign ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa energy sector
00:13ng bilyong-bilyong pisong pondo para sa flood control projects.
00:16Yan ang ulat ni Harley Balbuena.
00:20Hindi rin ligtas ang power transmission facilities sa posibleng pinsala, bunga ng matinding pagbaha sa bansa.
00:28Ito ang sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines sa harap ng madalas na pagbaha sa maraming lugar
00:36dahil sa mga palpak at ghost flood control projects.
00:41Generally, meron talaga yan. And usually it's erosion. It could also be a factor pag na-weaken ang foundation.
00:48Kaya naman, supportado ng NGCP ang pagsasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng enerhya
00:56sa mga nais niyang mapaglagyan ng ire-realign na P270 billion pesos na lokasyon para sa flood control projects sa susunod na taon.
01:06It's always heartening to know that there's importance given to the energy sector because that is foundational to support a growing economy.
01:14Samantala, nakaanda na rin ang NGCP sa posibleng epekto ng bagyong mirasol na inaasang tutumbukin ang Hilagang Luzon.
01:24Ayon sa power grid operator, pinatibay na ang power transmission towers at hindi anya ito mapatutumba ng bagyong may dalang 300 kilometers per hour na lakas ng hangin.
01:37NGCP does a study, yung napag-aralan ng NGCP na dyan most likely tatama or maglalanding yung malalakas na bagyo, na-upgrade na yun to 300 kp.
01:47Sa ngayon, normal pa ang operasyon ng lahat ng transmission lines ng NGCP.
01:53Inanunsyo naman ng NGCP ang mas matayas na overall transmission rates para sa buwan ng Agosto.
01:59Tumara sa 1 pesos and 47 centavos per kilowatt hour ang overall equivalent average transmission rate mula sa 1 peso and 32 centavos per kilowatt hour noong Julio.
02:12Such increase is mainly driven by the ancillary services rates while NGCP's transmission rates on the other hand has just an insignificant increase of less than 1 centavo per kilowatt hour.
02:31Lalabas ang August transmission rates sa electricity bill ngayong September at ang isang household na kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay magkakaroon ng 283 pesos and 42 centavos na transmission rate sa kanilang bill.
02:49Horny Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.