Skip to playerSkip to main content
Kasunod ng mga naglalabasang anomalaya sa flood control projects ay nanawagan ang ilang mambabatas sa pagbibitiw o pagsibak kay public works secretary Manny Bonoan. Nagsalita na rin ang DPWH secretary ng Aquino administration tungkol sa flood control masterplan na itinurnover pero di inaksyunan ng sumunod na administrasyon. Ayon sa palasyo, wala silang natanggap na ganitong plano mula sa Duterte administration.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kasunod na mga naglalabas ang anomalya sa flood control projects
00:05na nawagan ng ilang mababata sa pagbibitiyaw o pagsibak
00:09kay Public Works Secretary Manny Bonoan.
00:13Nagsalita na rin ang DPWH Secretary ng Aquino Administration
00:18tungkol sa Flood Control Master Plan na itinurn over
00:22pero hindi inaksyonan ng sumunod na administrasyon.
00:27Ayon sa palasyo, wala silang natanggap na ganitong plano
00:31mula sa Duterte Administration.
00:35Nakatutok si Ma'am Gonzalez.
00:40Ang tanong ni Sen. Kiko Pangilinan
00:42sa gitna ng sunod-sunod na kontrobersya sa flood control projects sa bansa
00:46na pinamamahalaan ng Department of Public Works and Highways
00:49Bakit hindi pa nagre-resign yung Secretary ng Public Works?
00:53Dagdag ni Sen. Wien Gachalian
00:55Dapat, magkusa na si DPWH Secretary Manny Bonoan.
00:59Mahirap investigahan sarili mo, walang lalabas niyan.
01:02Tihin ko, out of de la Cadesa, dapat gawin niya yan.
01:05Hindi naman daw isinasantabi ni Sen. President Pro Tempore
01:08Jingoy Estrada ang posibilidad na hindi alam ni Bonoan
01:11ang ginagawa ng mga tauhan niya.
01:13Pero...
01:14I'm not defending him, pero baka hindi lang nalalaman ni Secretary Bonoan
01:20yung mga nangyayari sa baba.
01:22So hindi naman niya mamamonitor yan eh.
01:26Kaya lang, ang problema niya, command responsibility.
01:29That is his responsibility as Secretary of the Department.
01:33Pero katwira ni Kamanggagawa Partylist Representative Elie San Fernando,
01:38kung hindi raw alam ni Bonoan ang nangyayari sa ahensya niya
01:41at tinuturo niya ang mga regional director at district engineer,
01:44ibig sabihin, incompetent siya.
01:47Kung alam naman doon ni Bonoan ang mga maanumalyang proyekto
01:50at wala siyang ginawa, kurakot siya.
01:52Kaya hiling niya sa Pangulo, si Bakin na ang kalihim.
01:55Kaya na po ang nagsabi, galit na ho kayo.
01:58Kami rin po ay galit na galit na dahil pera ng mga manggagawa
02:02at ordinaryong Pilipino ang pinag-uusapan dito.
02:05At sinong ahensya ba ang nasa ulunan
02:08yung mga maanumalyan na flood control project?
02:11Hindi pa DBWH?
02:12H, kaya sa'yo, Sekretary Bonoan,
02:15kung may kaunti pa na kahihiyan dyan sa katawan mo,
02:20eh have the courtesy, umalis ka na dyan,
02:22bumaba ka na sa pwesto mo.
02:25Sinusubukan namin kunin ng pahayag ni DPWH Sekretary
02:28Manny Bonoan, kaugnay rito.
02:30Si dating DPWH Sekretary Rogelio Babe Singson
02:33noong administrasyon ni Pangulong Noinoy Aquino
02:35aminadong may kalakarang padula sa district level.
02:38Sinabi daw niya dati kay dating Pangulong Aquino
02:41na pabayaan na ang 10% ng parte ng mga nasa baba.
02:45Admittedly, may mga pangangailangan sa district level.
02:48Pero sa ngayon, grabe na raw ang sitwasyon.
02:51Nabastardize lang doble-doble.
02:53Dagdag pa niya, nag-iwan ang administrasyong Aquino
02:56ng 351 billion peso flood control master plan.
02:59Pero hindi ito inaksyonan ng mga sumunod na administrasyon.
03:02Hinihinga namin ng pahayag ang mga sumunod na DPWH Sekretary
03:05noong Duterte administration.
03:07Sina ngayon yung Sen. Mark Villar, Rafael Yabot at Roger Mercado.
03:11Sabi naman ng palasyo, wala silang natanggap na flood control master plan
03:15mula sa Duterte administration.
03:17Tinanong po din natin si Sekretary Bonoan kung na-turnover ba itong mga sinasabing master plan.
03:24Sa kanyang pagkakaalam at sinabi po sa atin kanina ay wala rin po siya natanggap.
03:28Wala rin natanggap, na-turnover mula.
03:31Kaya then DPWH Sekretary Mark Villar, si Sekretary Bonoan.
03:38Ngayong iniimbestigahan kung saan napunta ang pondo para sa flood control projects,
03:43may panawagan si Singson sa mga mambabatas.
03:45Iusap ko sa kongreso, pwede ba sa kongreso time out muna sa grid?
03:50Time out. Para sa bayan naman, mahiyan naman kayo.
03:54Tatlong taon na lang yung natitira. Tama na yung tatlong taong nakaraan.
04:00Nababanggit sa mga ulat ang pangalan ni Singson na posibleng pumalit bilang DPWH Sekretary.
04:05Pero ang kanyang tugon,
04:07Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
04:15Sampai na naman.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended