Skip to playerSkip to main content
Pinangalanan na ni Pangulong Bongbogn Marcos ang chairman ng Independent Commission on Infrastructure o ICI. Giit niya, walang sisinuhin ang komisyong sisiyasat sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno kahit pa ang pinsan niyang si House Speaker Martin Romualdez.


Inalmahan naman ng Minorya sa Senado ang pagbalik kay dating DPWH Engr. Brice Hernandez sa detention facility ng Senado mula sa Pasay City Jail. Si Hernandez at 2 pang opisyal ng DPWH-Bulacan, sinibak na sa puwesto at bawal nang huwak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:00.
00:06Walang sisinuhin ang komisyong sasyasa at sa mga maanumalyang proyekto ng gobyerno ayon.
00:12Kahit Pangulong Bongbong Marcos, kahit pa ang pinsa niyang si House Speaker Martin Romualdez.
00:19Sinabi niya yan matapos pangalanan ang chairman ng komisyon.
00:23Kilalanin siya sa pagtutok ni Ivan Mayrina.
00:25.
00:27Ang pagtitiyak ng Pangulo, walang sisinuhin ang binuon niyang Independent Commission on Infrastructure
00:34sa investigasyon nito sa mga anumalyang sa mga proyektong pang-infrastruktura sa nakalipas sa taon.
00:40Kaya ang tanong sa Pangulo, paano kumadawid ang kanyang pinsa na si House Speaker Martin Romualdez
00:45sa kontrobersya sa mga flood control projects?
00:47How do you convince the public that your cousin and other allies, both in the House and in the Senate,
00:53would not be spared from the scrutiny of this panel?
00:57Well, there's only one way to do it, isn't there?
01:00They will not be spared.
01:05Nobody, nobody, anybody will say, ah, hindi, wala tayong kinikilingan, wala tayong tinitulungan.
01:12Wala namang maniniwala sa'yo hanggat gawin mo eh. So, gagawin namin.
01:15Dito raw nangingibabaw ang ICI kung iyahambing sa Senado at Kamara na nagsasagawa ng sarili nilang investigasyon sa flood control projects.
01:23Kung may mga sangkot na senador at kongresista, iniimbestigahan lang nila ang mga sarili nila kaya mahirap maging patas.
01:30Sinisiguro raw ng Pangulo, hindi siya makikialam sa magiging trabaho ng komisyon.
01:35What I want to stress here is that the independent nature of this commission, hindi kami makikialam sa trabaho nila.
01:46We will of course be in discussion with them.
01:48They will be, we will ask them, anong nangyari, what have you found, what are we doing next, etc.
01:53But we're not about to direct them as to how they are going to, they are going to conduct their investigations.
02:00And we are going to leave it up to them.
02:03Sinusuportahan naman daw ni Romualde sa pahayag ng Pangulo.
02:06Dagdag pa niya, magiging mga ibang miyembro ng Kamara, hindi raw po protektahan kung mapapatunayang may ginawang mali.
02:13Nag-anap ngayong araw ang unang pulong ng Independent Commission on Infrastructure.
02:17Kasunod ng pag-anunso sa magiging chairperson nito, si retired Supreme Court Justice Andres Reyes Jr.
02:23He has been a jurist for a very, very long time with a very good record of honesty and fairness.
02:35I was very encouraged because in my meetings with Justice Andy yesterday,
02:41sabi niya, this has to be, we have to make it nothing less than a turning point in the conduct of governance in the Philippines.
02:51Nauna nang inanunso bilang miyembro ng komisyon, sinadating DPWH Sekretary Rogelio Singson
02:56at si Rosana Fajardo, country managing partner na accounting firm na SGV.
03:02Malaki raw maitutulong ng kaalaman at karanasanin na Singson at Fajardo sa isasagawang investigasyon.
03:07Isinama si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special advisor ng komisyon.
03:11Tiwala raw ang Pangulo sa kakayahan ni Magalong bilang investigador pero hindi isinama sa komisyon
03:16dahil hindi naman daw nito matalikuran ang kanyang tungkulin bilang Baguio City Mayor.
03:21Ipinaliwanag din ang Pangulo kung bakit mga infrastructure projects na nakalipas sa 10 taon ang saklaw ng komisyon.
03:27Una, 10 taon daw kasi ang pagtatago ng records sa Komisyon ng Audit Ocoa.
03:31At pangalawa, kailangan daw maalaman at matuntun kung bakit nagkaganitong sistema sa gobyerno
03:36at paano ito maisasaayos at matiyak na hindi na muling mahuulit.
03:40Kansilado ng lahat ng flood control projects sa 2026 budget at sa halip,
03:45naghanda ang palasyo ng menu na pagpipilian ng mga mambabatas para paglaanan ng pondo.
03:50Kabilang dito mga proyekto sa edukasyon, agrikultura, kalusugan at iba pa.
03:55Sa pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya, hindi rin daw sapat na makasuhan at makulong lang.
04:01Dapat rin anyang tapusin o ayusin ang proyekto dahil ito naman ang nakasaad sa kontratang pinasok nila.
04:07Muling giit ng Pangulo, galit siya sa mga tinawag niyang balasubas na nagnakaumanan ng pondo ng gobyerno
04:15at suportado ang karapatan ng bawat mamayang Pilipino na magpahag ng galit sa anomalya ito.
04:21You have to remember, I brought this up.
04:25And it is my interest that we find the solution to what has become a very egregious problem.
04:32But it has now been exposed to the general public.
04:35Do you blame them for going out into the streets?
04:40If I wasn't president, I might be out in the streets with them.
04:45So, you know, of course, they are enraged.
04:48Of course, they are angry.
04:51I am angry.
04:53We should all be angry.
04:55Because what's happening is not right.
04:57So, yes, express it.
05:01You come, you make your feelings known to these people and make them answerable for the wrongdoings that they have done.
05:10Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
05:21Rehabilitation of Drainage System ang project title ng flood control project para sa kalsadang ito sa barangay South Triangle, Quezon City.
05:28Nang gamitin ang Quezon City Engineering Department ang Google Earth app, nakita nilang itong sitwasyon sa kalsada noong February 2024, kung kailan dapat nagsimula ang proyekto.
05:39At pagkatapos ang mahigit isang taon, September 2025, makikitang ang pinagkaiba lang, may pintura na ang sidewalk.
05:46Mahigit 70 million pesos ang project cost.
05:49It appears wala talagang ginawa sa ilalim.
05:52Unless, napakagaling po ng contractor na talagang ginayang gaya po niya.
05:56Yung pag-restore, talagang gaya-gaya po.
05:58Ito naman ang Rehabilitation of Drainage System sa barangay Tatalon.
06:02Mahigit 48 million pesos ang project cost, pero pininturahan lang din ang sidewalk at pinalitan ang manhole.
06:08Kung papansinin nyo po, yung inlet, kung alam nyo po yung inlet, yung inlet ng drainage,
06:14kung sa't pumapasok yung tubig, yung pinakasira niya ay exactly the same po eh.
06:18So paano nangyayari yung Drainage System?
06:21Kung ang mga ito may bakas, hindi naman nila mahanap ang 35 flood control project.
06:27Sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
06:29I believe those are ghost projects.
06:31Dahil sa patuloy na paghahanap ng City Hall,
06:34lumobo na ang bilang at halaga ng mga flood control project na hindi dinaan sa City Hall.
06:40Umaabot na ito ngayon sa 331 projects sa halagang 17 billion pesos.
06:457.7 billion pesos nito, mga insertions umano at wala sa National Expenditure Program noong 2024 at 2025.
06:54Ang binigay sa amin ay scope of work lamang o yung general information lang.
07:00Hindi isinumite at hanggang ngayon, hindi pa rin isinusumite sa amin ang tinatawag na program of works
07:07na mas detalyadong impormasyon ang nilalaman.
07:10Kung naggasos lang daw ng tama ang 17 billion pesos, sabi ni Mayor Joy Belmonte,
07:16halos na kompleto na sana ang 24 billion peso drainage master plan ng siyudad.
07:21O kaya, naipagawa ang higit limang libong classroom shortage sa Quezon City,
07:25nakapagpatayo ng 350 field health accredited health centers,
07:30o kaya'y pabahay para sa halos 1,500 informal settler families.
07:35Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Oras.
07:40Inalmakan ng minorya sa Senado ang pagbalik kay dating DPWH Engineer Bryce Hernandez
07:46sa detention facility ng Senado mula sa Pasay City Jail.
07:50Hirit nila, bakit tila nasunod umano si Hernandez?
07:55Nakatutok si Mav Gonzalez.
07:56Naka-bulletproof vest at naka-face mask si dating Bulacan 1st District Engineer Bryce Hernandez
08:05at bantay sarado ng mga tauhan ng BJMP at PNP
08:09nang humarap sa pagdinig sa Pasay RTC Branch 112
08:12para sa inihain niyang petisyon for writ of amparo.
08:16Matatanda ang unang na detine si Hernandez sa Senado
08:30matapos isight and contempt ng Blue Ribbon sa investigasyon nito sa flood control projects.
08:36Pero matapos humarap sa pagdinig ng Kamara,
08:38dinala siya sa PNP Custodial Center dahil sa pangambaraw sa kanyang seguridad.
08:42Matapos niyang idawit si na Sen. Gingoy Estrada at Joel Villanueva sa flood control kickbacks.
08:48Pero inalmahan nito ni na Estrada
08:50na nagmosyong ilipat sa Pasay City Jail si Hernandez bagay na inaprubahan ang plenaryo.
08:56Sa sulat naman ng legal counsel ni Hernandez kanina,
08:59umapela sila na ibalik siya sa Senado.
09:01Ngayong may bagong tiwala raw sila sa ilalim ng liderato
09:04ni na Sen. President Tito Soto at Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lakson.
09:09Kung payagan daw nila si Hernandez na manatili sa Senado,
09:13patunay ito na handa ang Senado harapin ang mahihirap na katotohanan.
09:17Agad inaprubahan ni Soto ang hiling ng kampo ni Hernandez
09:20at inaasa ang haharap siya ulit sa Blue Ribbon Committee.
09:23Hirit naman ni Sen. Villanueva, weird.
09:26Dahil plenaryo ang nagdesisyon na ilagay siya sa Pasay City Jail.
09:30Si Bryce na naman aniya ang nasunod?
09:32Dagdag ni Sen. Rodante Marcoleta,
09:34Blue Ribbon Committee lang ang pwedeng magtalaga
09:36kung saan idedetain ang isang witness na cited in contempt.
09:39Hindi ako pala away. Ang gusto ko lang kasi
09:43the processes of the Sen. and the integrity of the inquiry will not be compromised.
09:50Dagdag ni Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano,
09:53tila naging VIP witness si Hernandez.
09:55Yung oras ay nag-google din dun sa pag-uusap na
09:59bakit parang naging Senate VIP etong si Assistant D. E. Bryce
10:04na pinag-usapan na sa Senado at meron pong motion na in-approve ng buong Senado
10:11na sa Pasay City Jail.
10:13Pero walang konsultasyon ay nandito na ulit.
10:16Paano siyang nasunod sa PNP custodial?
10:19Paano siyang nasunod sa Pasay City Jail?
10:22Puro ayaw niya ngayon eh.
10:24Diba? So it's a maling opinion. It's their opinion.
10:28Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
10:34Sinibag sa pwesto at hindi na pwedeng magtrabaw sa gobyerno.
10:38Ang tatlong opisyal ng DPWH Bulacan na sangkot-tumano sa mga ghost projects sa probinsya.
10:46Bukod sa paghabol sa mga contractor, iniutos rin ng Pangulo na ibalik ang dating sistema
10:52sa pag-aproba ng mga proyekto na dapat e katanggap-tanggap muna sa lokal na pamahalaan.
10:59Nakatutok si Joseph Moro.
11:00Official ng sinibag sa pwesto si na DPWH Bulacan District 1 Assistant District Engineer Bryce Erickson Hernandez,
11:11Construction Division Chief JP Mendoza, at Chief Accountant Juanito Mendoza.
11:16Batay sa desisyon ng DPWH guilty.
11:19Ang tatlo sa reklamong administratibong disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino people,
11:25grave misconduct, gross neglect in the performance of duty, and conduct prejudicial to the interest of service.
11:32Si na Hernandez at Mendoza ang nag-aproba sa umunin natapos na flood control project
11:37sa Barangay Perez sa Bulacan, Bulacan na may halagang P92.58 million at P55 million na proyekto
11:44sa Barangay Pielbaliwag, Bulacan na personal na binisita ng Pangulo.
11:49Pero sa investigasyon ng Internal Audit Service ng DPWH, walang naitayong ni struktura kaya itinuring itong ghost project.
11:57Sa kabila nito, binayaran pa rin ng accountant na si Mendoza ang parehong proyekto sa Sims Construction.
12:04Hindi sumagot sa memo noon ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, sina Hernandez at Mendoza.
12:09Pero pagtatanggol ni Auditor Mendoza, limitado ang niya ang kanyang papel sa pag-aproba ng paglalabas ng pondo
12:16at hindi kasama ang aktwal na pagberipika sa mga proyekto.
12:22Bukod sa pagsibak habang buhay silang hindi pwede magtrabaho sa gobyerno.
12:27Wala rin silang matatanggap na retirement benefits.
12:30Nauna na nang sinibak sa servisyo si dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
12:34Nauna na rin sinampahan ang reklamang kriminal sa Ombudsman ng apat.
12:38Ang Pangulo hahabulin daw ang mga kontraktor para gawin ang mga ghost o substandard na proyekto.
12:45Para sa akin, kailangan buuhin nila yung project.
12:48Dahil kung titignan ninyo, may warranty lahat yung project na yan.
12:55Kahit sinabi nilang completed, pag na-discovery na hindi tama ang pagkagawa,
13:01they still have to respect, they still have to honor the warranty that they have given us
13:09to complete the project properly.
13:13So we can still go back to them at sasabihin natin sa kanila,
13:17balikan ninyo yung walang kwentang project na ginawa ninyo at ayusin ninyo ng maganda.
13:24Out of your own pocket.
13:25Ibabalik din ang Pangulo ang proseso na kailangang tanggapin muna
13:29o magkaroon ng acceptance ang lokal na pamahalaan sa mga proyekto ng national government.
13:35So I have instructed the DPWH and for that matter all of the department to return that.
13:47Tinanggal in the last administration yan eh, yung acceptance.
13:50Gumagalaw na ang Anti-Money Laundering Council o AMLOC at Bureau of Internal Revenue o BIR
13:56para malaman kung may dapat kasuhan ng tax evasion at money laundering
14:01sa mga sangkot sa mga maanumalyang flood control project.
14:05May joint investigation ng Bureau of Internal Revenue at Anti-Money Laundering Council
14:09kaugnay ng mga umuling anumalyas sa flood control projects.
14:12Ayon sa BIR, nakikita raw ng AMLOC ang lahat na mga transaksyon sa bangko
14:18na mga kumpanya at individual na sangkot sa mga maanumalyang flood control project.
14:24Maaari raw humingi ang AMLOC ng mga bank reports sa mga pinagsususpet siyang nagma-money laundering.
14:30Ibabangga raw ang mga record na ito sa mga pinayarang tax at kung hindi tama ang ibinayad
14:35ay maaaring kasi ito ng tax evasion.
14:38Sa kopraw sa gagawing tax frauded audit ng BIR,
14:42ang lahat ng mga kontraktor, opisyal ng gobyerno at mga pribadong individual na sangkot sa anumalyang.
14:49Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
14:54Bagyang nagkatensyon sa Prescon para sa trillion peso marks sa Luneta at EDSA sa September 21
15:02dahil yan sa isang placard na kontra sa Pangulo.
15:06Kung paano yan nauwi sa gulok sa pagtutok ni Oscar Oida.
15:14Walang ibang agenda ang trillion peso match sa September 21 kundi ang pagkontra sa korupsyon.
15:21Yan ang idiniin ng mga organizer ng Kilos Potesta na pinangunahan ng mga grupong Siklab,
15:27Church Leaders Council for National Transformation, Tindig Pilipinas at Bayan Party, Kalipunan at Nagkaisa Labor Coalition.
15:38Let's wear white as a symbol of unity and hope.
15:42Sama-sama natin ipakita na hindi kailanman katanggap-tanggap ang korupsyon.
15:49Batid daw nilang sasali ang iba't ibang grupo sa pagtitipon pero dapat daw matiyak na nagkakaisa sila ng layunin.
15:58Hindi na sa loob sa anong agenda namin na pauwiin ang dating Pangulong Duterte,
16:05hindi rin kasama sa loob na panagutin si Mr. Marcos o patarsikin si Mr. Marcos, hindi po.
16:15At saka hindi din po ito inoorganisa para pabagsakin ang current administration.
16:20Absolutely no.
16:22Pero kalagitnaan ng Prescon kanina, bagyang nagkatensyon nang ang mga kabataang may mga placards sa kontra BBM kinumpronta ng isang ginang.
16:34Kaya gano'n ang reaksyon ko na may tinadala silang placard na pinagre-resign si BBM.
16:40Hindi tayo gano'n. Hindi gano'n yung Prescon na to.
16:43Gusto nilang iano dun sa issue ng organisasyon na yun kung sino man yung sila.
16:48Sa mga tinaas pong panawagan ng mga kabataan sa likod ay panawagan, lilikitin mo ng mga kabataan.
16:53Yun po ay pagpapanagot sa mga korap, sa mga tiwaling politiko, starting from the top hanggang sa pinakababaan ng mga sangkot at korakot ay dapat managot.
17:02Sa kabila nito, maayos namang ipagpatuloy ang Prescon.
17:07Sa linggo, magsasagawa ng kilos potesta sa Luneta alas 9 no umaga
17:11at susunda ng pagtitipon sa EDSA People Power Monument ng alas 2 ng hapon
17:17nang tanungin kung bakit kailangan pa ng dalawang magkaiwalay na pagtitipon sa iisang araw.
17:23May umaapaw talaga yung galit ng taong bayan.
17:25Malaki po ang Metro Manila kaya ang rallies po natin strategically located, Quezon City, Luneta
17:30para kung saan ka man, mayroon pong convenient po kayong mapupuntahan.
17:34Sa araw na yun, naka-full alert daw ang Philippine National Police.
17:38Walang tayong nakikita ng matang pagbabago except may di-declare na full alert status
17:44ang buong NCFP o sa mga darating na araw.
17:46Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
17:53Hindi pa man gumugulong ang investigasyon, may mga maisasampang kaso na
17:57kaugnay ng mga maanumalyang flood control project.
18:00Ayon sa advice kami itong si Baguio City Mayor, Benjamin Magalong.
18:05Base umano yan sa mga naisiwalat ng impormasyon.
18:08Nakatutok si Sandro Aguinaldo.
18:13Si Retard Justice Andres Reyes Jr. ang tatayong chairman ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
18:21Appointed siya sa Supreme Court di dating Pangulong Rodrigo Duterte.
18:24Pero naging presiding justice at associate justice din ng Court of Appeals.
18:30Miembro naman ng komisyon si Rogelio Babes Singson na Public Works Secretary di dating Pangulong Noy Noy Aquino.
18:36Bukod sa mga infra-projects na itinayo noon, namuno rin siya sa isang good governance and anti-corruption program.
18:44Bago maging kalihim, humawak ng mataas na posisyon si Singson sa private sector at naging chairman at president ng basis conversion and development authority mula 1998 hanggang 2002.
18:56Rogelio Babes Singson, commission member.
19:00Mr. Singson brings decades of direct experience in both the planning and execution of major government infrastructure projects.
19:08Bihas ang certified public accountant naman si Rosano Fajardo, country managing partner sa SGV, ang pinakamalaking professional services firm sa bansa ayon sa kanilang website.
19:20She has over three decades of experience in auditing. Her technical insight and financial acumen are critical in following the trail of public funds and determining where leakages and irregularities may have occurred.
19:34Special advisor naman ng komisyon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
19:39Bago maging mayor, humawak siya ng iba't ibang posisyon sa PNP at kabilang sa nag-imbestiga noon sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao at Ninja Cops Drug Raid sa Pampanga.
19:54His experience in leading difficult investigations, uncovering internal wrongdoing and enforcing compliance makes him a strong asset to this commission.
20:07Ayon kay Magalong, ibabahagi rin niya sa ICI ang mga nakuhan niyang ebidensya tungkol sa mga flood control projects.
20:13May mahirap, may madali kasi marami namang magagandang informasyon na naibibigay ang pribadong sektor at yung mga lokal ng government.
20:24Yung mga personalities behind it, kailangan talagang yung matinding ebidensya din.
20:32Makatutulong aniya sa ICI ang mga law enforcement agency.
20:35Kailangan talaga na investigador kasi syempre may tradecraft yan, may skills, may wrong talent, hindi basta-basta sino-sino na lang ang pwedeng magtanong-tanong dyan.
20:48Sa mga impormasyong naglabasa na, tingin daw ni Magalong, meron ng maisasampang kaso.
20:53Pero para raw maimbestigahan ang malalim at malawak na katiwalian, kailangan ng mas mahabang panahon.
21:00Kung kabuuan, yung corruption infrastructure, talagang matagal na laban ito.
21:07Pero every one, regularly, periodically, meron kami may papayal na kaso.
21:13Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
21:19Naglabas ng hinaing ang minorya sa Senado.
21:22Laban kay Senate President Tito Soto.
21:25Pino na rin ni dating Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta ang pagtanggi ni Soto na gawing state witness.
21:33Ang mag-asawang diskaya na pinalaga naman ang Senate President.
21:37Nakatutok live si Rafi Tima.
21:40Rafi?
21:44Mel, naging mainik nga ang sesyon dito sa Senado kanina matapos tila direct ang komprontahin ng minorya si bagong nga talagang Senate President Tito Soto.
21:52Dumipensa na rin ang dalawang Senador na ininadawit sa mga manumalyang flood control projects.
22:00Para raw patunayan na walang katotohanan ang aligasyon ni dating Bulacan First District Engineer Bryce Hernandez
22:05na tumatanggap umana siya at si Sen. Joel Villanueva ng kickback sa mga flood control projects,
22:11may handa raw gawin si Sen. Jingo Estrada.
22:13Ako, I'm open to an investigation. In fact, Mr. President, ngayon pa lang kahit hindi pa nagko-commend sa mga Blue Ribbon Committee ni Sen. Laxon.
22:23Ngayon pa lang, I'm willing to sign a new waiver to open my bank accounts.
22:27And that, I'll put that on record.
22:31I don't know with Sen. Joel, maybe we'll also conform with my idea.
22:37Why are we giving so much importance or credence to this person who is a liar,
22:48who is the number one suspect of this corruption what is happening in our country today?
22:57Bakit? Bakit? Meron ba nagpo-protection sa House of Representatives?
23:02Naglabas din ang hineingang minorya na naka-direkta mismo kay Sen. President Tito Soto
23:06dahil tila hindi sila pinaprotektahan ng bagong mayorya.
23:10Puna ni Sen. Bato de la Rosa, tila nilaglag ni Soto ang minorya sa pagsasabing gumigimik lang sila
23:15ng questionin ng minorya ang naunang pagdetain kay Hernandez sa PNP Custodial Center sa halip na ibalik sa Senado.
23:20Ang Senado po, hindi po itong noontime TV show na puro gimmick ang ating titikap dito.
23:27Ang pahayag na ito ng Sen. Bato de la Rosa, hindi pinalagpas ng Sen. President.
23:36I'm not supposed to do this. I'm not supposed to answer you here in the restroom, but I cannot help but do that
23:42because you took the floor and parang sinisita mo yung Sen. President, which is very unparliamentary.
23:48Just because I mentioned that Martin Romaldis called me, does not mean that ako'y sumunod sa kanya.
23:54The request was coming from the House of Representatives and the request was to retain Hernandez in the Congress
24:04at doon ako hindi pumayag. Is that being too tight?
24:12Pero hindi dito tumigil ang dibate.
24:15Si dating Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta,
24:18pinunarin ang mga pahayag ni Soto sa affidavit ng mag-asawang Sarah at Carly Diskaya
24:22at sa pagtanggi niyang pirmahan, ang rekomendo siya na gawing state witness ang dalawa.
24:26Ang sabi po ninyo, with reference to the affidavit of the diskayas,
24:31may suspetya kami na inedit yung affidavit.
24:36Mr. President, ito po ay indirect affront to the integrity of this representation.
24:47Yung lamang pong pag-suspetyahan ninyo na inedit yung affidavit.
24:54Paano kayo nagsuspetya?
24:57Ano po ang ginamit ninyong batayan at pag-suspetyahan ninyo na maring inedit yung affidavit?
25:04Para masagot ang mga tanong, bumaba sa Senate President Soto mula sa Rostrum.
25:08To the rescue din ang ibang membro ng mayorya.
25:10Kung gagawin silang state witness, kinakailangan buo, hindi edited.
25:20And when I've referred to edited, sila bilang mga testigo, kine-edit nila.
25:25Paramihan ang binanggit ko, opinion ko.
25:28Kung ako ini-interview ng media, I always, as far as I'm concerned, tell the truth.
25:35Sa huli, pansamantalang sinuspindi ang sesyon para mag-usap po sa pang mga senador tungkol sa pinakaugat ng issue.
25:58Ano ba ang kapangire ng Senate President sa mga desisyong pinagbotohan ng buong plenaryo?
26:02I believe we have reached the consensus. Mukhang hindi naman po siguro tayo mag-aaway na yun.
26:07No need for a vote with the minority leader and the group.
26:11I believe that better coordination na lang po.
26:15And we agreed to coordinate better with the minority floor leader.
26:18Mel, nandito nasa Senado si dating Bulacan Engineer Bryson Nardes
26:28at mananitin na siya rito hanggang sa pagpapatuloy ng pagdilig ng Senado sa Huwebes
26:32tungkol sa mga manumalyang flood control projects.
26:36Yan ang latest mula rito sa Senado. Mel?
26:38Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima.
26:40Mag-file ng ethics complaint ang ilang mababatas laban kay Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.
26:48Para yan, sumaray iba't ibang misbehavior o hindi tamang pag-aasal
26:52kabilang ang pagkanta habang nagsesesyon ang kamera
26:56at pangangampanya umano para maging house speaker.
27:00Nakatutok si Mark Salazar.
27:02Habang nagsesesyon ang kamera kanina,
27:07nag-iikot sa floor si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.
27:12Nag-post din siya habang kumakanta at nagbitiw ng batiko sa kamera.
27:16Kayo po na nakaupo, subukan nyo namang tumayo
27:24at baka mamiaw, miaw, miaw, miaw, miaw, miaw, miaw, miaw, miaw, miaw, miaw, miaw.
27:31Magbabago na ang House of Representatives.
27:34We will bring justice into this corrupt system.
27:37Bukod dito, pinasok daw ni Barzaga ang opisina
27:39ni House Majority Leader at Presidential Son na si Congressman Sandro Marcos.
27:45Isa pa, dalawa pang bagay.
27:47Kanina, tanghali, pumasok siya sa opisina ng Majority Leader.
27:52Sinaran niya yung pintuan.
27:56Tapos sabi niya, everybody sit down.
27:59I want to tell you about my plans for what to do with Congress.
28:03Sabi niya, I'm running for speaker.
28:08Tapos lumapit siya sa mga sabi niya,
28:10ikaw, sabi niya, if you will join me, I will make you Deputy Speaker.
28:14Sabi ni Deputy Speaker Ronaldo Puno,
28:16ang pag-iikot ni Barzaga sa floor kanina
28:18ay pangangampan niya para maging speaker.
28:20Pero wala naman daw sumiseryoso sa kanya.
28:23Bago ito, binatikos ni Barzaga si Speaker Martin Romualdes
28:27na siyang dapat daw unang imbestigahan sa flood control projects.
28:32Ipinakita rin ni Puno ang mga dating posts ni Barzaga
28:35na umano'y may kalaswaan,
28:37na paglabag daw sa Code of Conduct ng House of Representatives
28:41maging sa RA 6713 o Code of Conduct for Public Officials.
28:46May mga posts din daw si Barzaga na tila nag-uudyok na sunugin ang gusali ng kamera.
28:56Inciting to sedition daw ito, sabi ng NUP.
29:00Kaya naman sabi ni Napuno,
29:02sasampahan nila ng ethics complaint si Barzaga
29:05dahil sa kanyang mga misbehavior.
29:07Si Barzaga ay dating kapartido ni Napuno sa National Unity Party
29:11bago ito nag-BTO sa partido kamakailan.
29:15Kung baga, he is not well.
29:16Alam mo yun,
29:17I think everybody is seeing that.
29:21Pero tinanong si Puno,
29:23kung ganito ang kondisyon ni Barzaga,
29:25bakit dinala ng NUP si Barzaga noong eleksyon
29:28at inupo pa bilang assistant majority leader?
29:31Ang tatay ni Congressman Kiko Barzaga
29:35is the former Congressman PD Barzaga,
29:39LPG Barzaga.
29:40Kasama ko na nag-umpisa ng NUP.
29:43Mataas ang aming paggalang sa kanya.
29:45Mismo si Mayor Jenny,
29:48parang pinapayuhan na kami.
29:51Medyo, alam ninyo,
29:54yung anak ko nandyan,
29:55pero huwag niyo masyadong bigyan ng assignment
29:57sa Congress.
29:58Kasi mahirap i-control yan.
30:05Hindi naman daw hinihingi ng NUP
30:07ang expulsion ni Barzaga.
30:09Pero dapat daw may disiplina
30:11at magkaroon ng standards of behavior
30:13para sa mga congressman.
30:16Sa miyerkulis nila isasampa ang ethics complaint.
30:19Hindi pa sumasagot si Barzaga tungkol dito,
30:21pero sa isang post,
30:23sabi niya,
30:23nagkakamali daw si Puno
30:25dahil siya raw ay nananawagan
30:27para sa kapayapaan.
30:29Aniya, detached
30:30o kalas daw sa ordinaryong tao si Puno.
30:32Kaya hindi niya alam ang mga gagawin
30:35ng isang umano'y inaaping mamamayan
30:37para makuha ang hostisya.
30:39Patuloy naming sinisigap na makuha
30:41ang panig ni Barzaga.
30:42Para sa GMA Integrated News,
30:45Mark Salazar.
30:46Nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended