00:01Sakto, isang taon na mula ng arestuin si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ICC.
00:06Inalala yan ng kanyang mga taga-suporta at ipinagdasal na mapauwi na siya sa Pilipinas.
00:12May hiwalay ring pagtitipon ang mga kaanak na mga biktima ng drug war.
00:15Nakatutok si Mark Salazar.
00:21Ngayong unang anibersaryo ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court,
00:27ipinagdasal na mga taga-suporta niya sa isang misa sa Davao City ang ligtas na pagpapauwi sa dating Pangulong.
00:34It is unthinkable that a government, no matter the political differences with the administration,
00:44would send a citizen to a foreign jurisdiction to be detained and tried for crimes against humanity.
00:55na walang basihan at walang maayos na witnesses.
01:01Ayon kay Vice President Sara Duterte, hindi sila titigil sa paghiling sa ICC ng interim release
01:08o pansamantalang paglaya ng kanyang ama.
01:10Every time merong opportunity na mag-apply ng interim release,
01:16si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay gagawin yun.
01:20Inalala rin ni Davao City 1st District Representative Paulo Duterte ang pag-aresto sa ama.
01:26Para sa kanila, ito ang araw kung kailan kinuha si Duterte sa kanyang mga anak at apo
01:31at kung kailan ipinahyaumano ang dating Pangulo sa buong mundo.
01:37Nagtipon din ang mga taga-suporta ni Duterte sa tapat ng Korte Suprema sa Maynila.
01:42Sigaw nila, desisyonan na ang habeas corpus petition ng mga anak ni Duterte
01:47na humihiling na utusan ng gobyerno na pauwiin ang kanilang ama.
01:51We want to know whether or not tama yung ginawa ng gobyerno
01:54o kaya mali, whatever it is, nakapag-desisyon na, we can move on to other things.
02:00Isang taon na ho, medyo nangangamba na ho ang maraming mga nagmamahal kay Digong.
02:07Hindi naman namin kinikilala yung ICC. Kami lahat, lalo na ako.
02:14Pilipinas to, dapat. Hindi nga dinala doon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
02:20Ang mga kaanak naman ng mga biktima ng madugong drug war
02:24nagpapasalamat sa pag-usad ng kaso sa kanilang misa at programa.
02:28Mahalaga yung paggunita, pag-alaala, sapagkat ito'y isang patunay sa katotohanan na naganap.
02:37At haluhalong pakiramdam, pero lahat sila ay may pasasalamat.
02:41Lahat sila ay mayroong pahayag na kagalakan na umuusad ho ang kaso.
02:48Sa parehong programa, may dalawang earn din na itinurn over sa kanilang mga kaanak
02:53matapos i-examine ang kanilang mga labi.
02:56Nanawagan din sila sa ICC na kumpirmahin na ang charges laban kay Duterte
03:01at arestohin ang mga umano'y co-perpetrator niya.
03:04Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments