00:00Gaya ng paghuhon ng kanilang dike nitong Disyembre,
00:03tila gumuhon na rin ang pag-asa ng ilang taga Oriental Mindoro
00:07na maiibsa na ang problema nila sa baha.
00:10Yan ay kahit na isa ang lalawigan
00:12sa nakakuha ng pinakamaraming flood control projects.
00:16Nakatutok si Maki Pulido.
00:21Bayan ng Baco sa Oriental Mindoro
00:23ang isa sa pinaka-flood prone area ng probinsya.
00:26Kaya umasa ang mga residenteng nakausap namin
00:28natapos na ang problema ng baha
00:30nang sinimulang itayo ang diking ito
00:32na may habang 220 meters
00:35sa halagang nasa 250 million pesos.
00:38Ayon sa Engineering Department ng Bayan ng Baco,
00:41walang koordinasyon ang proyektong ito sa munisipyo
00:43pero batay sa kanilang monitoring
00:45natapos ang diking ito noong April 2024
00:48pero gumuho ang ilang bahagi ng proyekto
00:52matapos lang ng nasa 7 buwan.
00:55Gumuho ang halos kalahati ng diking noong nakaraang Disyembre.
00:58Kasabay ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha
01:01at noong nakaraang Hulyo,
01:02panahong hindi dapat sila binabaha,
01:05nalubog uli sila sa malalim at rumaragasang tubig.
01:08Pinasok na ang bahay ng mag-asawang Juliet at Marcelo
01:11at nalubog ang kanilang tanim
01:13na dati naman daw hindi nangyayari.
01:15Sabi ko sa amin,
01:16hindi na ito babahay.
01:17Ang aming ito,
01:18libre na kami sa baha.
01:19Mas malaki ang bahang mangyayari sa amin.
01:21Patiwa aming taniman,
01:22nalulubog,
01:23nalulubog ang mga taniman.
01:24Ang dike na dapat haharang sa tubig,
01:27nalulubog daw sa dami ng tubig na rumagasa sa ilog.
01:30Ang proposal po dapat dito ay,
01:32dahil po sabi nga po ng mga taga rito,
01:34ay matataas po ang baha.
01:36So dapat po,
01:36mas matataas yung design ng flood control.
01:40Dalawang linggo na mula nang simulang
01:41i-repair ng kontraktor ang gumuhong dike,
01:44ang relay construction.
01:45Sinusubukan pa namin kunin
01:47ang pahayag ng kontraktor.
01:48Kung same design,
01:49siguro po,
01:50baka po,
01:50maging ganun po ulit.
01:51Baka po,
01:52bumagsak ulit.
01:53Kung ganun pa rin po ang gawin nila.
01:54Mahira po ang pagbaha.
01:56Dahil sobrang laka ng tubig.
01:58Wala ang aming mga halaman.
02:00Was out lahat po ang aming mga tanim.
02:03Pakaya po ang mga tao.
02:05Kawawa po.
02:05Sa Bayan ng Nauhan,
02:06na ayon kay Governor Bons Dolor,
02:08ay hindi may tuturing na flood-prone area,
02:11higit sa kalahati ng flood control projects
02:13sa probinsya,
02:14ay doon itinayo.
02:16Nasita na ng gobernador
02:17ang mga gumuhong dike sa bayan.
02:19Dahil daw substandard.
02:20Bakit sabi ko ang substandard?
02:22Ang cost,
02:22561,000 per linear meter.
02:24Tapos ganoon ang result.
02:25Gawa mga ito ng SunWest Inc.
02:27na sinusubukan pa namin
02:29makuhana ng panig.
02:30Kabilang ang SunWest
02:31sa labing limang kontraktor
02:33na tinukoy ni Pangulong Marcos
02:34na naka-corner umano
02:35sa 20% ng flood control projects
02:38sa buong bansa.
02:40Wala namang pagguho
02:41sa dalawang proyektong nakakuha
02:42ng pinakamalaking budget
02:43na may kabuang halaga
02:45na higit 578 million pesos
02:48sa dike
02:48ang may habang higit 500 meters
02:50ayon sa kapitan ng barangay.
02:52Sa halagang yan,
02:53tinatayang nasa 1 million
02:55ang budget
02:56sa kada metro
02:57ng itinayong dike.
02:58Sa halagang ito,
02:59ayon sa kapitan ng barangay,
03:01naprotektahan sa baha
03:02ang dalawang sityo
03:03ng barangay Metosa
03:04at isa pang kalapit na barangay.
03:06Siyempre,
03:07magtataka ka rin.
03:08Bakit?
03:08Gano'ng kalaking pondo to.
03:10Pero nung nakita ko naman po
03:11na gano'ng kaganda yung ginawa
03:13sa barangay namin.
03:14Sa kabuuan,
03:16isang Oriental Mindoro
03:17sa nakakuha ng pinakamaraming
03:18flood control project
03:20na umaabot sa higit 11 billion pesos.
03:23Higit 3.3 billion pesos nito
03:25na corner ng top 15 construction companies
03:28na binanggit ni Pangulong Marcos.
03:30Kasama na rito ang mga proyektong
03:32may pinakamahal na project cost.
03:34Para sa GMA Integrated News,
03:36Mackie Pulido na Katutok,
03:3824 Oras.
Comments