00:00Napag-iiwanan na ang sektor ng edukasyon ng Pilipinas dahil matagal umano sumabay sa pagbabago, ayon yan kay Vice President Sara Duterte.
00:10Sagot siya ng palasyo, e dapat nagawa niya ang mga inire-reklamo noong nakaupo pa siya bilang Education Secretary.
00:18Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:22Mismong si Pangulong Bongbong Marcos nagkomento sa Estado ng Edukasyon sa Bansa at efekto nito sa kabataan.
00:30Malinaw sa atin ang tumambad na realidad tungkol sa ating mga kabataan ngayon, ang kakulangan sa kaalaman at sa kakayahan, lalo na sa matematika, sa agham, sa pagbabasa at sa wastong pag-unawa.
00:45Ang problema ayon kay Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte, matagal raw kasing sumabay sa pagbabagong Pilipinas na hanggang ngayon napag-iwanan, sa papel at lapis lang.
00:56Habang ibang bansay matataas sa paksa na pinag-aaralan tulad ng robotics, coding, ang mga kabataang Pilipino'y hirap pa rin magbasa.
01:05Dagdag ng Vice, marami raw pwedeng gawin para sa modernisasyon na edukasyon.
01:09Mabilis na paalala naman ang tagapagsalita ng palasyo sa Vice.
01:12Dalawang taong pinamunuan ng Vice ang departamentong ngayon'y pinupunan niya.
01:17Dalawang taon halos na siya ay dapat nagtrabaho. Kung ano man ang kanyang nireklamo, dapat natupad na po sana niya ito sa kanyang panahon.
01:28Ang pagtitiwalang ito ay sa kanyang reklamo ngayon, nagre-reflect lamang na bilang siya ay naging DepEd Secretary ay a complete failure.
01:39Pinagsisikapan na raw ng kasalukuyang liderato ng DepEd na solusyonan ng mga problema sa education system ng bansa,
01:46maging ang sinasabing kakulangan sa modernisasyon, sa pamagitan ng pamahagi ng isa't kalahating milyong gadget at iba pang teaching materials.
01:55Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments