Skip to playerSkip to main content
Iginiit ng Quezon City Hall na naiwasan sana ang matinding pagbaha sa lungsod nitong Sabado kung tugma ang mga flood control projects ng DPWH sa dati na nilang inilatag na drainage masterplan. Sayang aniya ang P14B na ginastos sa mga proyekto na sana ay ibinuhos na lang sa plano ng lungsod. Sinusubukan naming hingan na pahayag ang DPWH kaugnay nito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ng Quezon City Hall na naiwasan sana ang matinding pagbaka sa lungsod nitong Samado
00:07kung tugma ang mga flood control projects ng DPWH sa dati na nilang inilatag na Drainage Master Plan.
00:18Sayang-a niya ang 14 billion pesos na ginasto sa mga proyekto na sana'y binuos na lang sa plano ng lungsod.
00:27Pinagsisikapan po namin hinga ng pahaya hanggang DPWH COV-9 nito. Nakatutok si Maki Pulido.
00:38Lumagasa ang tubig sa bahaging ito ng Mother Ignacia Avenue sa Quezon City nitong Sabado ng hapon.
00:44Lampas tao ang pinakamalalim na bahagi ng baha.
00:49Sa lalim, lumutang ang SUV-ing ito na nakaparada noon sa gilid ng kalsada.
00:53Sobrang bilis po talaga nung akit po ng tubig.
00:57Kasi parang mga 20 minutes po lang po agad, nagpastao na po yung ane. Sobrang bilis po talaga.
01:03May mga lugar din sa Quezon City na binahan itong Sabado kahit hindi tinuturing na flood prone ayon sa Engineering Department ng City Hall.
01:11Tulad sa bahaging ito ng Barangay Quirino 3A, ang pinakaikinalulungkot ni Teacher Delilah
01:17na baha ang mga librong ginagamit niya sa pag-tutor ng mga bata kaya maaaring hindi na muling magamit.
01:23Iba pa rin talaga yung meron talaga silang binubukla at binabasa.
01:27Ang binuhos na ulan sa Quezon City sa loob ng isang oras, katumbas ng isang linggong ulan ayon sa pag-asa.
01:41100 millimeters per hour yan, higit sa 90 millimeters per hour na ibinagsak ng Bagyong Ondoy noong 2009.
01:48Pero ang kaya lang ng drainage system ng siyudad ay 50 millimeters per hour na buhos ng ulan.
01:55The condition of the drainage system is, well, it's not sufficient.
01:59Saturday is heavy rainfall, nakapag-record po tayo ng around 100,000 cubic meters of flood.
02:05Dahil hindi kinaya ng drainage system, umapaw ang tubig sa kalsada na ipo nito sa mabababang lugar tulad ng bahaging ito ng Mother Ignatia.
02:13Higit 14 billion pesos na ang nagastos ng DPWH para sa mga flood control projects sa Quezon City mula noong 2022.
02:22Pero hindi yan tugma sa drainage master plan ng siyudad na kailangan ng 27 billion peso budget.
02:29Paniwala ng City Hall kung tugma lang sana yan, ay hindi sana ganun katindi ang bahan itong Sabado.
02:34Dahil sa master plan nila, may plano para sa bawat flood prone area batay sa geohazard map.
02:40Sa Mother Ignatia Avenue, halimbawa, nabatay sa master plan, kailangang tayuan ng retention fund.
02:46Had all of those funds been utilized towards implementing our drainage master plan, tingin ko considerably lessened ang flooding natin.
02:55Ang problema, ayon kay Mayor Joy, ang ibang na-inspeksyon nilang proyekto, hindi na nga tugma, nagpapalala pa ng pagbaha.
03:03Ang creek na ito, halimbawa, natambakan na nga ng construction debris, sinimento pa ang ilalim.
03:08Diba isa sa mga solutions nga para maiwasan yung flooding is dredging. Bakit nila sinisemento? Bumababaw ngayon yung creek.
03:18Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katuto, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended