Skip to playerSkip to main content
Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address, iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na i-review at i-audit ang mga flood control project na hindi napakinabangan sa magkakasunod na bagyo at Habagat. Pagdidiin ng pangulo, kailangan may managot sa mga kumick back sa mga proyekto na nagdulot ng malawakang pagbaha. Binanggit din ng pangulo ang kaso ng mga nawawalang sabungero. Pangako niya, hahabulin ang mga utak at sangkot, sibilyan man o opisyal.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Music
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:22Sa kanyang ikaapat na State of the Nation address,
00:25iniuto si Pangulong Bongbong Marcos na i-review at i-audit
00:30ang mga flood control project na hindi napakinabangan
00:34sa magkakasunod na bagyo at habagat.
00:36Pagdadiin ng Pangulo, kailangan may managot
00:40sa mga kumikbak sa proyekto na nagdulot ng malawakang pagbaha.
00:45Binanggit din ng Pangulo ang kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:49Pangako niya, hahabulin ang mga utak at sangkot.
00:51Si billion man, o opisyal, mula sa Batasang Pambansa,
00:55nakatutok live si Ivan Mayrina.
00:58Ivan!
01:02Mel, Emil, habang lubog pa sa baha ang ilang lugar sa bansa,
01:06ay nangako si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang State of the Nation address
01:09na pananaguti ng mga tiwaling opisyal
01:12na nasa likod ng mga anyay palpak na libu-libong flood control projects sa buong bansa.
01:17Sa pag-ikot daw ni Pangulong Bongbong Marcos itong mga nakarang araw,
01:23ay naging malinaw sa kanya na may mga flood control projects
01:26na ginasosan ng biliyong-biliyong piso
01:28na kung hindi palpak, ay guni-guni lamang.
01:31Mga kickback, mga initiative, ERATA, SOP for the Boys.
01:41Kaya sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan
01:45at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamaya,
01:49mahiyahan naman kayo sa inyong kapo Pilipino.
01:52Mahiyahan naman kayo sa mga kabahayan nating na anod o nalubog sa mga pagbaha.
02:02Mahiyahan naman kayo lalo sa mga anak natin
02:05na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo
02:08na binuunsan nyo lang ang pera.
02:10Pinagsusubitin niya ang Public Works Department
02:20ng listahan ng lahat ng flood control projects
02:23sa nakalipas na tatlong taon
02:24at ilalathala para malaman ng publiko kung sino ang mga dapat managot.
02:31Sa mga susunod na buwan,
02:33makakasuhan ang lahat ng mga lalabas na may sala
02:37mula sa investigasyon,
02:38pati na ang mga kasabwat na kontratista sa buong bansa.
02:50Kailangan malaman ng taong bayan
02:53ang buong katotohanan.
02:56Kailangang may managot sa naging matinding pinsala at katiwilian.
03:01Sa 2025 national budget,
03:10ilang flood control projects na isiningit ang vinito o tinanggal ng Pangulo.
03:15At sa budget para sa 2026,
03:17ay mas magiging mahigpit daw siya.
03:19For the 2026 national budget,
03:25I will return any proposed general appropriations bill
03:29that is not fully aligned with a national expenditure program.
03:34I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget.
03:39Sa usapin naman ng missing sabongeros,
03:47tiniyak ng Pangulo na wala raw sisinuhin
03:49sa pagpapanagot sa anya'y karumaldumal na krimeng ito.
03:52Nagtutulungan ang buong pamahalaan
03:58para lutasin ang mga kaso ng mga nawawala
04:00dahil sa walang pakundangang kagagawan
04:04ng mga sindikato sa likod
04:06ng madilim na mundo ng mga sabongan.
04:09Hahabulin at pananagutin natin
04:12ang mga utak at mga sangkot
04:13si billion man o opisyal.
04:15Kahit malakas, mabigat, umayaman,
04:26hindi sila mangingiwabaw sa batas.
04:33Inanunsyo rin ng Pangulo
04:34ang mga pinalawak at pinalaking programa
04:36ng PhilHealth para sa mga miyembro.
04:38Ang pinalakpakan ang anunsyong
04:40Zero Balance Billing
04:41sa lahat ng ospital na pinatatakbo ng DOH.
04:45I-tinuloy na po natin
04:48ang Zero Balance Billing.
04:51Libre po.
04:57Ibig sabihin,
05:00ang servisyo sa basic accommodation
05:02sa ating mga DOH na ospital,
05:05wala nang babayaran ang pasyente
05:08dahil bayad na ang bill ninyo.
05:12Tuloy din ang kampanya
05:18ng Administrasyong Marcos
05:19kontra droga.
05:20Marami raw ang nauhuli
05:21at sa usapinan niya
05:22ng mga nasasabat
05:23at nakukumpis kang droga.
05:25Tahasan niyang pagkukumpara.
05:27Sa lahat ng mga operasyon na ito,
05:31mayigit 153,000
05:34ang naaresto.
05:36Sa tatlong taon lamang,
05:37halos mapantayan na
05:39ang kabuwang huli
05:40nung nakaraang Administrasyon.
05:42Sa kabila ng mga ito,
05:44tila nagbabalikan daw
05:46ang mga pusher.
05:48Kaya patuloy ang ating mga operasyon
05:50laban sa mga drug dealer,
05:52sila man ay big time
05:53o small time.
05:58Special mention din sa zona ng Pangulo
06:00ang pagpapanagot
06:01sa Siquijor Island Power Corporation
06:03o SIPCOR
06:04na nagdulot ng malawakang blackout
06:06sa Siquijor.
06:09Mga expired na permit,
06:12mga sirang generator,
06:13mabagal na aksyon,
06:15at kawalan ng maayos na sistema
06:17ng pabili ng krudo
06:18at ng mga pyesa.
06:20Iimbisigahan ang naging
06:22kapabayaan nito
06:23at ang iba pa
06:24ang mga katulad na kaso
06:26sa buong bansa.
06:28Dapat nilang ayusin
06:29ang pamamahala
06:30ng mga kumpanya
06:31ng kuryente
06:32at ipag-utos
06:33ang pag-refund
06:34kung kaya na kailangan.
06:39Hindi rin pinilampas
06:41ang Pangulo
06:41ang palpak na serbisyo
06:43ng ilang water utilities
06:45na nakaapekto
06:45sa 6 na milyong
06:46customer nito.
06:50Titiyakin ng luha
06:51na mailalagay na
06:53sa ayos
06:54ang serbisyo ng tubig
06:55ng milyong-milyong
06:57nating mga kababayan
06:58at gawin
06:59mas abot kaya naman
07:00ang presyo.
07:01Higit sa lahat,
07:03titiyakin natin
07:04mapapanagot
07:05ang mga nagpabaya
07:06at nagkulang
07:07sa mahalagang
07:08serbisyong publiko
07:09na ito.
07:15At sa pag-anunsyon
07:16ng mas pinaiting
07:17na suporta
07:18sa sports
07:18ng administrasyon,
07:20nilitaan niya
07:21mga ipinagmamalaking
07:21mga atleta
07:22ng Pilipinas.
07:23Pero,
07:24special mention
07:25si PNP Chief
07:25Nicolás Torre
07:26na tinawag
07:27ng Pangulo
07:27na bagong champion.
07:29Tila patungkol
07:30sa boxing match niya
07:31at laban sa
07:32hindi sumipot
07:32na si Davao City
07:33Acting Mayor
07:34Baste Duterte.
07:35Sumut-sunood sila
07:38sa yapak
07:39ng ating mga
07:40kampiyon
07:41at world-class
07:42na atlete.
07:43Tulad ni
07:44Sen. Manny Pacquiao,
07:46ni Heideline Diaz,
07:48ni Caloy Yulo.
07:50Sama na rin natin
07:51yung bago nating
07:51kampiyon
07:52si PNP Chief
07:53era Nicolás.
08:16Gulat si
08:17Chipente.
08:23Sa talumpating
08:24nagtagal
08:25ng isang oras
08:26at sampung minuto
08:27kapansin-pansin
08:28na binigkas ito
08:29ng halos kabuan
08:30ng Pangulo
08:31sa wikang Pilipino.
08:32Emil.
08:33Maraming salamat,
08:34Ivan Mayrila.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended