Skip to playerSkip to main content
Bukod sa mga idinadawit sa isyu ng flood control projects sisilipin na rin ng Anti-Money Laundering Council ang mga casino. 'Yan ay matapos palutangin ni Senador Ping Lacson na posibleng pinalalabas ng mga dating DPWH official na doon nila napanalunan ang mga nakukubra umanong kickback mula sa mga proyekto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:30Sa privilege speech ni Sen. Ping Lakson, duda niya, hindi lang nagsusugal sa kasino ang mga binansagan niyang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors.
00:39Apat dito, mga naging opisyal ng DPWH Bulacan.
00:43Maaari, sabi niya na naglo-launder ang mga ito ng pera o nililinis ang perang nakamal mula sa mga flood control project.
00:50Sa kanyang pagsasaliksik, sa loob ng dalawang taon mula 2023, mahigit isang bilyong piso ang cash na pinalitan ng chips sa kasino ng BGC Boys.
01:00Baka naman money laundering scheme. May report kami at ito ay aming pang binabalidate na peke lang ang pagdeklaran nilang panalo.
01:11How so? Magpapalit ng cash into kasino chips.
01:15Pero pag natalo ng kaunti, pupunta sa cashier para mag-cash out at ideklarang panalo ang pinagpalitan nilang chips.
01:22Ayon sa Anti-Money Laundering Council, isa ito sa mga paraan para linisin ang itinuturing na maruming pera dahil galing sa korupsyon o krimen.
01:31Binibili po nila yung chips and then they engage in minimal play. Sometimes walang laro.
01:37And then these launderers cash out yung mga chips po na yun.
01:43The funds can be presented as legitimate gambling winnings.
01:48Kaya isa raw ang mga kasino sa covered institutions.
01:51Ibig sabihin, may mga regulasyong dapat silang sundin tulad ng pag-report sa AMLC kung may transaksyon na 5 million pesos o higit pa.
02:00Red flag o dapat na rin i-report sa AMLC kung masyadong malaki ang halagang pinapalitan.
02:06Kailangan nga raw may valid ID na iprisinta at may certificate of winning mula sa kasino para matiyak na totoong galing sa panalo ang kasino chips na i-co-convert na sa cash.
02:16Matapos ang pagbubulgar ni Lakson, sabi ng AMLC, iimbestigahan nila ang mga kasino.
02:22May kalaki po yun na penalty under our rules of aggressive cases against covered persons.
02:29May table of penalties po yun, depende po sa possible na violation na makikita namin.
02:35Iniimbestigahan na rin ng AMLC ang mga personalidad na nadidikit sa mga questionabling flood control project,
02:41mga opisyal ng gobyerno, construction companies, pati na mga kaanak nila.
02:46Katama rin po yung mga nabanggit na mga pangalan.
02:50Alam naman po natin, laundering of funds, even corruption can extend even disassociates or family members of those involved in corruption.
03:01Kaya lumalawak po siya tapos initial finding namin, napakaraming bank accounts, napakaraming properties, whether real or personal properties.
03:08Tinitiyak ng AMLC kasunod ng kanilang imbesigasyon ang paghingi sa Court of Appeals ng freeze order
03:15para hindi magalaw na mga nagsabwatan sa korupsyon ng flood control projects ang ninakaw nilang pera.
03:21Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended