Skip to playerSkip to main content
Pinangangambahang tumaas ang presyo ng gulay kung titigil ang mga magsasaka sa pag-ani ng kanilang mga pananim.


Daing nila, lugi na raw kasi sila dahil sa taas ng presyo ng langis. Kaya pinag-aaralan na raw ng kapitolyo ang pamimigay sa kanila ng subsidy.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pina nga nga bahang tumaas ang presyo ng gulay kung titigil ang mga magsasaka sa pag-ani ng kanilang mga
00:07pananim.
00:08Daing nila, lugi na raw kasi sila dahil sa taas ng presyo ng langis.
00:12Kaya pinag-aaralan na raw ng kapitolyo ang pamimigay sa kanila ng subsidy.
00:17At mula sa La Trinidad Benguet, nakatutok live si Ian Cruz.
00:23Ian!
00:25Vicky, umaaray na nga ng mga magsasaka dito sa Cordillera dahil sa taas ng presyo ng langis.
00:31Yung mga biyahero naman na ating nakausap, sinabing baka hindi maiwasan na itaas ang presyo ng gulay na inihahatid nila
00:38dyan sa Metro Manila
00:39at sa iba pang bahagi ng bansa dahil nga sa taas ng gastusin nila ngayon sa diesel.
00:49Tambak ang mga ibinabagsak na repolyo sa trading center ng La Trinidad.
00:53Kaya 5 pesos per kilo na lang ang benta ng magsasakang si JR Gabol sa limang tonelad ng kalakal.
01:00Kulang yan para sa gasto sa pagsasaka, bayad sa tagakamada sa trading post
01:04at sa gasto sa limang oras na biyahe mula Bauco Mountain Province dahil sa mega oil price hike.
01:11Posibleng hindi anya siya mag-ani na posibleng rin gawin ng iba pang magsasaka.
01:17Wala lang, pag yung talagang lugi, malulusaw lang dun sa Gardin.
01:22Bakit po?
01:23Kaysa naman abunan nung magbiyahe.
01:26Kasi kahit ibiyahe mo yan, madideficit ka rin.
01:31Lugi rin.
01:32Kung tutuusin, stable naman ang mismong presyo ng gulay sa La Trinidad
01:36ayon sa asosasyon sa bagsakan sa ngayon.
01:40Pero kung hindi magde-deliver ang mga magsasaka dahil kinakain ang presyo ng langis ang kanilang kita,
01:47kukulangin ang supply sa palengke kaya magmamahal ang gulay.
01:51Example, pag repolyo, pag 4 lang ang kaya ng repolyo, e paano, transportation, 8 na.
01:59Di hindi sila magkakat. Sigurado, konti lang dumating dito, di tataas ang presyo.
02:03E hindi lang naman sa delivery gumagamit ng langis ang mga magsasaka.
02:08Ayon kay Jonah Kabaling na bumiyahe rin ng limang oras mula sa Bugyas, Benguet.
02:14Pati ngayong susunod na itatanim namin, pag walang krudo, wala kaming pandidilig kasi gamit namin water pump.
02:19Pinag-aaralan na ng Kapitolyo ang pagbibigay subsidy sa mga magsasaka ng gulay
02:24para pamalit sa dagdag gasto sa krudo,
02:27para tuloy ang pagsasaka, pag-ani at paghahatid ng gulay sa bagsakan.
02:33Kailangan na kailangan talaga yan kasi siyempre sustainability pa rin.
02:37Pwede makapagtulong tayo ng financial assistance for transport, for fuel.
02:41At least makadala pa rin sila ng mga gulay natin sa markado.
02:46Sa tatlong malalaking gasolinahan sa La Trinidad,
02:49nasa 85 pesos hanggang halos 97 pesos na
02:52ang litro ng diesel ngayong ikalawang araw ng utay-utay na mega oil price hike.
02:58May kasunod pang installment ng presyo bukas.
03:01Matataas din ang presyo sa malalayong bayan ng Benguet,
03:05pero malalapit naman sa taniman ng gulay.
03:08Pero ang issue sa isang gasolinahan sa bugyas ay kawalan ng supply,
03:13kaya nagsara na lang.
03:18Vicky patuloy ang monitoring ng LGU ng Benguet kung may mga gasolinahan ba
03:23na labis-labis yung ginagawang pagdataas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
03:27At Vicky, ang mga sabi na sa atin niya, Gov. Di Klas,
03:31ang mapapatunayan nga na lumabag ay isusumbong nila sa DTI
03:36para maipagharap ng kaukulang reklamo.
03:39Yan ang latest mula rito sa Benguet.
03:41Balik sa'yo, Vicky.
03:42Maraming salamat sa'yo, Ian Cruz.
Comments

Recommended