Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
GUSTO NG PASYAL NA CHILL AT WALANG GASTOS?!
Sulitin ang holiday break kasama ang pamilya at barkada! Hatid ng Unang Hirit ang ilang libreng pasyalan na puwedeng puntahan para sa masayang bonding nang hindi gumagastos. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Hey guys, wait, wait, wait. Last week na ng holiday break, kaya sulitin na natin ang pamamasyal.
00:05Kung budget ang problem ninyo, don't worry dahil, marami pong pasyalan ang pwedeng mapuntahan na libre.
00:13Panorin nyo po ito.
00:14Makakit!
00:16Hindi na talaga mapipigilan ang masayang holiday break, mga kapuso.
00:20At kung hanap nyo ay pasyalan na chill and vibes, at hindi na kailangan pang gumasos,
00:24ito ang ilan sa mga libring pasyalan na pwedeng puntahan with your family and friends.
00:30Christmas by the Lake ang tema ng dinarayong pasyalan sa Taguig City, ang Taguig Lakeshore Carnival.
00:37Dito sigurado mag-e-enjoy ang mga pungapasyal sa kanilang samot-saring lights installation,
00:43walkway of lights, giant Christmas tree at interactive displays.
00:47Pwede rin maglibot at mag-food trip sa kanilang floating food village na kung tawagin ay Mercado de Lago.
00:54Only picture pang socials ang pwede gawin dito simula linggo hanggang Pwebes,
00:58from 5 p.m. to 10 p.m. at 5 p.m. to 11 p.m. naman kapag Diyernes hanggang Sabado.
01:06Ganap na ganap naman ang holiday pasyalan sa Gapan, Nueva Ecija.
01:10Matatagpuan ito sa City Plaza kung saan pwede mag-strike a pose sa kanilang picture-perfect Christmas decor,
01:16tunnel of lights at giant Christmas tree.
01:18Libre lang ang entrance fee sa pasyalang ito.
01:21Pero sa mga may hilig sa rides at may extra budget, sigurado mag-e-enjoy kayo dahil for just 30 pesos to 100 pesos per ticket,
01:28pwede na kayo sumakay sa kanilang rides tulad ng giant ferris wheel, bumper car at carousel.
01:34Isama na rin ang buong pamilya at maglibot sa kanilang night market.
01:38Maharing mag-bounding dito sa Gapan City Plaza araw-araw from 4 p.m. to 10 p.m.
01:42Batangas represent naman para sa ating susunod na libreng holiday pasyalan.
01:49Ito ang pailaw sa Taal 2025 na matatagpuan sa harap ng pinakamalaking Catholic Church sa Asia,
01:55ang Basilica of St. Martin of Tours.
01:57Get your cameras ready, dal IG-worthy ang mga colorful installation at tunnel of light sa buong park.
02:04Bukod sa unlimited snaps, pwede rin mag-food trip sa food hubs sa Taal Park.
02:09Best time to visit pailaw sa Taal 2025 mula 6 p.m. para mags-ma-enjoy ang mga nagkagandahang pailaw.
02:16Talagang nothing beats fun with fam and friends.
02:19Haya-ayain ng lahat at gawing Holly-A ang holiday.
02:24Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
02:28Bakit? Mag-subscribe ka na dali na para lagi una ka sa mga latest kwento at balita.
02:34I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
02:38Salamat kapuso!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended