00:00Aray ko, grabe naman yan. Viral ang videong yan kung saan suntok sa tiyan ang inabot na isang lalaking suspect sa diuman o sa pagnanakaw sa labas na isang ospital.
00:13Ang nanuntok is ang police auxiliary na naka-assigned sa Bahada Police Station.
00:18Kung hihinto ng police auxiliary, isa siya sa mga humabol sa lalake at nang masuko ng lalake, sinuntok daw siya nito.
00:26Humihingi ng tawad ang nanuntok ng police auxiliary na iniimbestigahan ngayon.
00:31Inaalam din ang polisya kung bakit hindi umawat ang dalawang polis na naroon.
00:36Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:39Ask me, ask Attorney Gatto.
00:42Attorney, ayan sa police auxiliary na una siyang sinuntok ng suspect, nang hinabol niya ito, kaya sinuntok niya rin.
00:56Ano po ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:59Well, unang-una itong use of force ng mga police or siguro police auxiliary or mga law enforcement agencies natin,
01:07nakasaad yan sa kanilang manual na sa lahat ng oras, yun lamang reasonable and necessary use of force ang nararapat.
01:15Ano ba ang ibig sabihin ng reasonable and necessary?
01:19Masasabi na reasonable and necessary ang paggamit ng daas kung lumalaban ng suspect at kailangan ito para mapigilan ito.
01:28Pwede rin masabi natin na reasonable and necessary kung may malinaw at umaambang danger or piligro na mangyayari sa police kung hindi siya lumaban.
01:38And of course, kung kinakailangan ng paggamit ng daas dahil ito ay self-defense o defense ng ibang tao.
01:46Pero dun sa naparood niyong video, mukhang nakagapos na ang suspect.
01:50Lumalaban ba ito?
01:52Masasabi ba natin na may malinaw at umaambang piligro, clear and imminent danger na maaaring mangyayari sa police kung hindi niya suntukin ito?
02:02Ito ba ay kaso ng self-defense o defense of a stranger?
02:06Kaya lang nga, nakahandcuff na ang suspect, di po ba?
02:10So sa mga pagkakataon ang paggamit ng daas at ang pananakit ng police ay hindi pasok sa sinasabing reasonable and necessary means,
02:19ito ay posibling magiging kriminal na kaso.
02:22Ibig sabihin, tulad ng ibang kaso ng pananakit o physical injury na nagiging krimen, hindi exempted ang mga police natin dito.
02:32So pwede silang makasuhan tulad ng mga ordinaryong tao at hindi lamang kriminal na kaso ang maaaring harapin,
02:40meron ding administrative na investigasyon at kaso para matan ito kung talaga ba ang labag ito sa panuntunan ng mga police at mga law enforcement agencies natin.
02:53Ang dalawang police na naroon hindi umawat sa ginawa ng kasamahang nilang police.
02:58Maaari po ba may pananagutan din sila?
03:01Well of course, kasama dapat sa mga tungkulin nila na siguruhin na walang paglabag ng batas at dapat ay pipigilan nila ang mga guilty sa paggawa ng krimen,
03:10whether or not ang mga ito ay mga civilian o kapo police.
03:14So kung wala man silang criminal na liability, siguradong may administrative na investigasyon at kaso na maaari silang kahaharapin.
03:24Mahirap yung walang ginagawa na may maling nangyayari sa harap ninyo.
03:30Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:35Huwag magdalawang isip.
03:37Ask me, ask Attorney Gabby.
Comments