00:01May kasalan sa Sultan Kudarat na nauwi rin agad sa hiwalayan matapos matuklasan diumano ng groom ang itinatagong pagkatao ng
00:14kanyang bride.
00:18Ito ang pag-iisang dibdib na gumawa ng ingay sa linggong ito sa palimbang Sultan Kudarat.
00:30Isang Nika o Muslim Wedding Ceremony.
00:34Pagpasok ng bride, hiyawan ang lahat.
00:53Pero kinabukasan, ang ikinasal na bride, halos kuyugin na.
01:00Bastos ka talaga.
01:02Huwag ka naman gano'n ng babae pa.
01:05Yung mga kapatid po ni Jack at saka yung mga tito niya po, sinusunto kahit saan sa likod.
01:12Kwan pa ako ng 45 na baril dito po sa ano ko, kaya ang sakit ko.
01:18Ang bride kasi na pinakasalan, isa pala, biological male.
01:25Mag-esawa ka ng babae para magpapamedya ka.
01:29Huwag yung, wala, hindi na nangasawain ko.
01:33Paano umabot sa puntong naidaos ang kasalan, na hindi pala klaro sa lahat ang katauhan ng ikinasal.
01:47Nitong miyerkulis, ang kontrobersyal na bride, naabutan ang aming team sa presinto ng Palimbang Municipal Police Station.
01:56Tawagin na lang daw natin siyang Sofia.
01:59For my safety lang po, dinala po ako dito ng mayor po. Baka mapag-initan po.
02:04Si Sofia, inilipat at iniuwi muna sa kanilang bayan sa maitom Sarangani Province.
02:11Natatakot kasi siya para sa kanyang buhay.
02:14Amin siya pong natid para masiguro po ang kanyang safety sa biyay from vitamin PS hanggang sa kanyang resident.
02:20Sa pagtutulungan din ang mga otoridad, nagawa ng paraan para makauwi si Sofia sa kanyang pamilya.
02:27Doon na lang po ako nakaingan ng maluwag talaga po.
02:31Natatakot lang po kasi ako baka bugbugin po ako ulit.
02:35Handa na niyang ilahad ang kanyang paning sa nangyaring gulo.
02:40Bakla po ako talaga. Bata pa po ako. Ang gusto ko sana po ang maging trans.
02:45Nito lang nakaraang taon, tumibok daw ang kanyang puso sa isang binata na nakilala niya online.
02:53Itago na lang natin siya sa pangalang Ali.
02:56Nagsimula po kami yan dati po sa ML po. Hanggang po sa Facebook na po kami nagchat-chat.
03:02Nag-uusap po kami sa video call po. Hindi po nahalata sa boses ko na boses pong lalaki.
03:09Kinalaunan, nagdesisyon silang magkita.
03:11Hindi po halata na lalaki po ako. Hindi ko pa po inamin sa kanya na bakla ako.
03:16Nahulog po kami sa isa't isa't.
03:18Makalipas di umano ang dalawang buwan.
03:21Doon ko na po sinabi sa kanya na ganito ang kasarihan ko.
03:25Sa personal po talaga. Tanggap din naman daw niya po ako.
03:30Minahal po talaga namin yung isa't isa.
03:32Milihin po namin talaga pareha-pareha sa pamilya po namin.
03:36Ang pagkakaalam namin, magkaibigan lang po sila.
03:39Kung nalaman namin ako na balik Islam, pagsasabihan ko na hindi pwede yung ganyan na gawain nila.
03:45Alam ko naman po na bawal po yung magpakasal po sa Muslim.
03:50Yung lalaki to lalaki po.
03:52Gusto ko lang po yung sana yung mag-live in.
03:55Pero nito raw May 12.
03:57Niyaya na raw siya di umano ni Ali na tumira sa iisang bubong.
04:01Sinundo po ako ni *** dito para doon po sa kanila kami manirahan.
04:07Napilitan po akong sumama sa kanya po.
04:09Hindi po ako nagpaalam sa parents ko.
04:12Sa kabila ng kanilang pagtatago, may nakahalapa na raw sa lihim ni Sophia.
04:17Nung isang kapatid niya po nagduda po sa akin.
04:21Patingin daw sabi niya kung babae o lalaki.
04:25So pinakita ko.
04:29Pero niipit ko lang po yung ari ko.
04:31Ngunit hindi magiging ganun kasimple ang pagsasama nila sa iisang bubong.
04:38Dahil sa mahigpit na paniniwala at tradisyon sa Islam,
04:43hindi maaring magsama sa iisang bahay ang magkasintahang hindi pa kasal.
04:48Ang nag-isip po ng kasalan po is yung mother niyo po.
04:51Wala po akong nagawa niyo.
04:52Kaya nitong May 17 itinakda ang kanilang kasal.
04:57Wala po ako talagang family doon na nagpunta.
05:00Hindi ko po na-chat sila pa pa po na ikakasala ko.
05:04Ya Allah, tatap na kanabwa apamusunan nila at sunya at pinagdampong siya sa kanu-agama Islam.
05:09Tinakabahan po ako yun that time.
05:11Baka patayin po nila ako kung malaman nilang bakla ako.
05:15Wala pong atras kasi napasubo na po ako.
05:18Di umano ang plano raw nila ng kanyang groom.
05:21Natakas na lang po pagkatapos po ng kasalan.
05:24Lilihim na lang po sana namin habang buhay.
05:28Yun nga lang.
05:29Na-post po nila yung video namin.
05:32Doon po nag-trending.
05:34Doon po yung maraming nakakikilala sa akin.
05:37Pasentita, barkada ako kasi ang dati.
05:39Hindi po yung totoo. Huwag kayong maniwala dyan.
05:41Tropa ko din yan before.
05:42Di ko alam ba't umabot sa ganito.
05:44Ewan anong nangyayari sa kanya.
05:48Huwag mong i-deny.
05:49At dito na raw nagsimulang magkagulog.
05:52Ang lihim ni Sophia.
05:54Tuluyan ang nabunyag.
05:55Nagtawag sa akin si Vice Mayor.
05:58Kap, kunin mo yung tao doon na kinasal doon sa Sityo Minanga
06:02at dalihin mo sa bahay mo.
06:04Pagdating sa bahay ni Kapitan,
06:06doon na raw siya pilit pinaamin sa kanyang tunay na pagkatao.
06:11Ang mong magkataping lalaki ka,
06:13apay maging pakasar ka ti.
06:15Tatay na niyang kausap ko.
06:17Sabi niya sa akin, hindi yan babae kay lalaki.
06:19Pausap po nila, si Papa na,
06:21anak ko yan, sabi niya po, bakla po yan.
06:24Di umano, sinaktan siya at hinampas pa ng baril.
06:29Yung mga kapatid po ni *** at saka yung mga tito niya po,
06:33sinusun ko kahit saan sa likod.
06:35Di, kuwan pa ako ng 45 na baril dito po sa ano ko,
06:39kaya ang sakit po.
06:40Dito po ako tinamaan nung gabing yun, dito sa likod.
06:44Tsaka dito din po sa ulo, marami din.
06:46Si Salmi Diyaretay, nakapos, nakapos yung pinagkasar ka niya.
06:49Mabag mo, babae ka.
06:50Nag-alala po ako, kasi kapatid ko po yun,
06:53alam po na po kasi yung patakaran sa Islam
06:55na pag ay kasal yung lalaki sa lalaki,
06:58alam ko may parusa po talaga.
07:02Ano naman kaya ang nangyari sa groom?
07:09Sinadya ng aming team si Ali sa kanilang bahay sa palimbang,
07:12pero iba ang versyon niya ng kwento.
07:16Sa buong re-reaction namin, hindi ko po talaga alam.
07:18Nabakla siya.
07:19Kung nalaman ko talaga noong paman nabakla siya,
07:22matagal na akong malis.
07:23Bawal kasi sa Muslim.
07:24Si Sophia raw, ang kauna-unahang naging nobya ni Ali.
07:28Ang pakilala niya sa akin, Sophia Fernandez.
07:31Magandang ugali niya ba sa akin?
07:33Taliwas sa sinabi ni Sophia na walong buwan na silang may relasyon.
07:38Ayon kay Ali, nito lang daw Marso sila nagkakilala.
07:42March 19, sabi niya sa akin, magkita raw kami.
07:45Naging kami.
07:46Niyaya niya ako dun matulog sa kanila.
07:47Walang nakalata sa mga kamag-anak ko at saka magulang ko na bakla talaga siya.
07:51Hindi talaga namin inspected na bakla.
07:53Sabi ko na, maraming pang babae, maghanap ko na lang ng babae.
07:55Ayon kay Ali, hindi rin daw totoo na nagtanan sila.
08:00Si Sophia raw ang may gusto na matulog sa kanilang bahay.
08:04O May 12, maghanap talaga ako ng tarbaho dun.
08:06Tapos sabi niya sa akin, umuwi na tayo.
08:09Sabi ko, bawal dun sa amin na magsama yung babae at saka lalaki na hindi kasal.
08:13Kasi haram.
08:14Magpakasal na lang tayo para hindi maging haram dun sa inyo.
08:17Yung ginagalaw ko na siya, kinitigilan niya yung kamay ko.
08:20Sabi niya daw sa akin is magpapakasal muna daw bago meron daw mangyari sa amin.
08:26Nagtulong-tulong na po yung mga pamilya ko sa akin.
08:29Napagandaan yung kasal ko.
08:30Oo, ito po yung sinuot niya ng kasal po nila.
08:32Feel no feel talaga niya na ikakasal siya.
08:35Sa tradisyon po ng muslim sa kasal, dapat po malaman ng kanyang magulang.
08:39Kaya po yun, pinuntaan niya yung magulang niya.
08:41Ang sabi niya, hindi niya nakita yung magulang niya.
08:46At dumating na nga ang araw ng kasal.
08:50Sinabi ng tito ko sa akin, mga pinsan ko, is bakla siya.
08:53Pinanindigan ko naman, paano magiging bakla yung asawa ko.
08:56Pinakita niya naman sa akin, kalahati lang.
08:58Hindi ko lang talaga alam kung iniipit niya yung ano-ano.
09:00Kinabukasan ng umaga, maraming na naglilipada na chat sa social media.
09:04Pinanindigan niya na babae siya.
09:06Hindi na ako matahimik talaga. Galit na galit talaga ako sa kanya.
09:09Kasi po yung g***o niya talaga ako at saka g***o niya yung lahat ng mga pamilya ko.
09:13Nagsinungaling pa siya.
09:14Huwag yung lalaki din na nang saway mo.
09:16Wala kang mapaparala.
09:17Di mabuti ko mo na.
09:18Huwag mong i-deny.
09:19Hindi namin alam kung may nanakid sa kanya.
09:21Kasi nung kinuha siya ng barangay, inaanap na namin yung kamangganak niya.
09:24Hindi namin gustong saktan.
09:25May batas naman.
09:26Kasan niya po kaya na huwag ibasak?
09:27Siguro doon sa pagtakbo niya.
09:29Kasi nakadapas niya.
09:30Binugbog po talaga ako ng mga tao po doon.
09:39Magkakandak po kami ng investigasyon against po sa nagsakit sa kanya.
09:43Pwede niya i-cast o physical injuries.
09:45Kaya hindi pa ako nag-file ng kaso po.
09:47Ang sa akin lang po sana na gusto ko lang po sana ma-ariglo.
09:51Samantala, hindi pala ito ang unang beses na si Sophia nagpakasal sa isang lalaki
09:57na itago natin sa pangalang Ibrahim.
10:00At kwento niya, iba raw ang pakilala sa kanya ni Sophia.
10:04Pangalan na ginagamit niya, Nicole.
10:06Nakakilala kami sa Facebook at email.
10:07Yung profile niya kasi, babaeng-babae talaga eh.
10:10Nagpunta ako sa kanila.
10:11Tama ko daw yung isang anak kong lalaki.
10:13Yung nalagaan na naman niya.
10:14Doon nahulog yung loob ko sa kanya.
10:16Hindi ko pa rin alam na baklas niya.
10:18Hindi siya umamin.
10:19Tinatago niya yung sarili niya sa amin.
10:20Nilihim ko po yung kasarian ko sa kanila po.
10:23Pati yung lalaki, nilihim ko po.
10:25Hindi ko po sinabi sa kanya.
10:27Ang relasyon nila, na uwi rin daw sa kasalan.
10:31Parang laro-laro ko lang po.
10:33Hindi ko naman in-expect na ayun na magpakasal kami kaagad.
10:36Apto na kinasal namin, yung dapat may mangyari sana sa amin,
10:40wala na ko ng gana kasi gusto niya patay yung ilaw.
10:43Ayaw niya pahawak, nakasipit yung paa niya.
10:46Ilang araw pa raw ang lumipas,
10:48bago natuklasan ni Ibrahim ang totoong pagkatao ni Sofia.
10:53O, nadesipuin talaga ako.
10:54Yung nalaman na may baklas niya,
10:55hindi na namin pinatagay na uwi na talaga namin siya.
10:57Ang marriage in Islam is very much respected.
10:59Nikah is always something that is followed religiously.
11:02Religiously, kailangan niyan man and wife because the intention is for procreation.
11:07Even in the civil code, it is also not valid.
11:11It is still considered as void abineso in the civil code.
11:14Marriage has always been considered as a union between a man and a woman.
11:19Aminado naman po ako na nagsinungaling po ako sa family ng una ko pong naasawa.
11:24Nagahingi po ako ng pasensya na nagawa ko po yun.
11:27Galit na galit pa rin. Dahil sa ginagawa niya, nasira yung pagkatao ko.
11:30Wala na akong iharap na mukar sa mga tao.
11:32Mas pabuti na masampahan sa nang kaso, parang hindi na niya ulitin.
11:34Dahil sa napasok niyang gulo, nag-aalala ngayon si Sofia para sa kanyang buhay.
11:40Meron daw pong case na pugutan din daw po ako ng ulo, tapos firing squad daw po.
11:46Tatakot lang po kasi ako.
11:48Natatakot po kami sa masamang mangyayari sa pamilya namin.
11:52Naawa po ako baka balikan po nila kami.
11:55Tapos wala po kaming mataguan.
11:56Wala po kaming nasabi na binabantahan namin siya.
11:59Napatayin siya.
12:00Ang gusto mo na kami pa ni Papa kumutat tayo na panakijay.
12:03Nothing in the Holy Quran sanctions the penalty of death.
12:06And the proper Islamic maxim here is
12:12meaning you cannot correct a mistake with another mistake.
12:15If you look at the Philippines, wala tayong penalty for that.
12:18Magpapasalamat ako kasi nga yung isang municipal mayor din po doon,
12:21meron na Kapina, madali lang po namin na settle.
12:24Kung maaari, surrender na lang po dito sa amin.
12:26Kami na po ang maghahandle po ng reklamo sa lugar po nila.
12:30We will make sure po na yung safety ng bawat party
12:33ito habang inaasikaso po namin at inimbestigahan yung tunay na nangyari.
12:37May plano kami pong magsampan ng kaso sa ginawa niya sa lahat ng mga pamilya.
12:42Ang pwede pong makasok kayo,
12:44magreklamo po yung pamilya, yun nga yung simple prove.
12:47Ang pwede pong maging kaparasuan yun is kulong po ng 2 to 6 months.
12:55Kasi lahat ng mga dito ko sa akin kasi hindi nila ako tinatanggap kasi sa ginawa ko daw.
13:03Pero hindi ko naman talaga kasalanan kasi wala talaga akong alam.
13:05Biktima po talaga ako.
13:07Hiningin namin ang opinion mula sa hanay ng LGBT at mga nagsusulong ng human rights sa ganitong sitwasyon.
13:14I'm a Moro Muslim, openly gay man from Mindanao.
13:18Mahalala pa rin yung situation ng members of the LGBTI plus community.
13:21Experiences nila, especially in Mindanao and also in Bangsamoro area.
13:25Technically, hindi pa accepted culturally and also with faith yung member of the LGBT community.
13:31Although may level of tolerance naman we're in, we are invited to spaces, to tradition.
13:36At some point, medyo naiintindihan rin namin yung challenges kasi na being experienced rin ni Sophia.
13:41Kasi pag ikaw ay isang transgender at nahulog na loob mo sa isang tao at alam mong may malaking consequences
13:47yung pagbubulgar mo ng gender identity mo,
13:50sometimes mahirap umamin kasi gusto mong ipurso pa rin yung pag-ibigan nyo kasi you know you're in cloud nine.
13:57Yun nga lang, nag-commission ng deception, mali yung kinawa niya and we don't support that but we also understand
14:03where she's coming from.
14:05Hirap ang pag-ibig sa LGBTQ plus community especially pag nasa area ka ng mga Muslim.
14:09Mas maganda pa rin na sabihin mo yung totoo kesa mabuhay ka sa kasinungalingan at inadamay mo pa yung ibang
14:16tao.
14:16Kahit mali yung kinawa ni Sophia, hindi pa rin yung justified for them to take actions in their hands and
14:22beat up Sophia.
14:23Kung totoo mang sinaktan si Sophia, pinugpok ng barel especially with her organization, we take it as a hate crime.
14:29Based on the information that we've gathered, hindi binugbog si Sophia because of what she did.
14:34Binugbog siya freely by many people because of her gender identity.
14:39Kasi pag biological na babae yung nag-commit nung deception at nung crime na yun, hindi siya bubugbugin.
14:45But since transgender woman, so it's a hate crime by standards.
14:48Apparently, wala tayong law yet here in the Philippines that really protect people from hate crimes.
14:52Sana po mapatawad po nila ko sa lahat po ng nagawa kong kasalanan.
14:57Kahingin lang po ako ng pasensya sa mga magulang po ng lalaki.
15:01Hindi ko na po uulitin. Talaga po yun.
15:03Kaya ko rin siyang patawarin. Basta huwag niya nang uulit-ulitin.
15:07Magbagong buhay siya.
15:08Sa mga Muslim po, nagingin po ako ng pasensya.
15:11Sana po mapatawad nila po ako.
15:13Para naman sa mga brothers and sisters natin sa LGBTQI plus community,
15:17especially in Bangsamoro or Muslim provinces,
15:19Alam ko buhay natin ay mahirap pero dapat mangibabaw pa rin yung katotohanan,
15:24mangibabaw pa rin yung consent.
15:26Hindi dapat tayo manlinlang at hindi dapat tayo mangloko,
15:30especially pagmahal natin yung tao.
15:36Hindi masama ang magmahal.
15:39Pero sa anumang relasyon, mahalaga ang katapatan at paggalang sa sarili at sa kapwa.
15:51Thank you for watching mga kapuso!
15:54Kung nagustuhan niyo po ang video ito,
15:56subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel
16:00and don't forget to hit the bell button for our latest updates.
Comments