Skip to playerSkip to main content
  • 52 minutes ago
Ang paghohost natin ng ASEAN Summit, umani ng samu’t saring reaksyon dahil "performative" daw. Pag-usapan natin 'yan kasama si Atty. Michael Tiu, Head ng UP Law Center International Criminal Law Program.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, day 3 na po ng 49th ASEAN Summit at ngayong araw dadalo po dyan si US President Donald
00:06Trump.
00:06Kaliwat kanan nga ang mga protesta ng mga tumututol sa pagdalo niya sa summit,
00:12pati ang mga issues sa pag-u-host ng Pilipinas sa summit ngayong taon.
00:15At para pag-usapan po yan, mga kapanayan po natin, si Attorney Michael Thieu,
00:19head ng UP Law Center International Law Program.
00:22Good morning, Attorney Thieu.
00:24Maganda ang umaga, Maris, at sa lahat ng mga nakasubaybay.
00:27Alright, Attorney, una po sa lahat, ipaliwanag nga po natin kung bakit nga po ba mahalaga
00:33at gaano kahalaga itong ASEAN Summit sa Pilipinas as a host country?
00:38Mahalaga ito kasi mahalaga ang ASEAN para sa atin.
00:42Hindi natin maiiwasan na tayo ay kasama sa isang regyon
00:46at ang pakikipag-ugnayan at pakipagtungo sa kanila ay importanteng kasama sa ating polisya.
00:55So, kailangan natin makapag-ugnayan sa ating mga kapitbahay kaya merong ASEAN.
01:01At ang pag-u-host ng ASEAN Summit ay isa sa mga commitments natin.
01:07Nag-rotate naman kasi yan.
01:09So, sa labing isang miyembro ng ASEAN.
01:13Labing isang miyembro ng ASEAN ay bawat taon ay nag-iiba-iba yung host.
01:18So, third natin ngayon.
01:19Pero yung ibang naman ay nag-o-host.
01:21Importante kasi sa atin mismo na pag-uusapan ang mga importanteng isyo
01:27tulad nga ng mga kinakaharap natin sa West Philippine Sea
01:30at ang mga isyo sa ekonomiya at trade.
01:33Ito nga po kasi yung sabi ng marami.
01:36Performative raw ang Pilipinas.
01:38Tinakpan yung mga kahirapan, nilinis ang kalsada at public spaces.
01:42At may nag-viral pa nga po attorney na naglilinis ng traffic light
01:46at maging yung paglalagay ng artwork-covered barriers.
01:48Parang sinasabi nila, salamat ASEAN.
01:51Kaya naman daw pala.
01:52Pero bakit sa ating mga Pilipino parang hirap na hirap?
01:56Yung halimbawa, paglilinis na lang ng traffic light.
01:59Pwede pala raw malinis yun.
02:01Pero ngayon lang nila nakita sa ASEAN.
02:04Kaya nagpapasalamat sila sa ASEAN.
02:05Ano po ba ang tingin nyo rito?
02:08Tama naman yun na performative ang mga gawain na iyan.
02:12Although that's also not unexpected.
02:14Yun ang lagi namang ginagawa natin kapag meron tayong bisita sa ating bansa.
02:20Siguro ang issue ay yun nga na bakit hindi nagagawa sa ordinaryong araw
02:25na servisyo ito sa ating bayan at bakit nangyayari lamang kapag meron tayong bisita.
02:32Yun yung mas importanteng issue.
02:34Pero sa akin hindi naman it's not unusual na merong paglilinis na ginagawa na gustong ipresenta ang mga kaaya-ayang
02:46bahagi ng ating bansa kapag meron tayong bisita.
02:52Pero with that being said, hindi naman din na itatago sa buong mundo.
02:58Hindi naman din nakatago sa ASEAN ang ating kalagayan dito sa Pilipinas.
03:03In fact, isa sa mga maraming meetings na pinag-uusapan nga nila ay yung economic situation at infrastructure situation ng
03:11bansa at ng member ng ASEAN.
03:14So, hindi naman din nakatago ang yung mga iyan.
03:16So, ibig sabihin, attorney, being performative is not so bad after all.
03:22I think it's bad in some senses kasi nga merong mga naitatagong issue na pwede naman dapat solusyonan.
03:31Pero I'm saying na hindi siya unusual.
03:35Ginagawa talaga natin yan lagi kapag meron tayong bisita.
03:38So, it's not a new thing.
03:39Pag-usapan naman po natin yung budget para sa pag-host ng Pilipinas.
03:43Sa ASEAN Summit, kasi 22.9 billion pesos yung budget na inilaan para rito.
03:49Nakukumpara po yan ng mga kababayan natin sa lumabas na computation ng food poverty threshold na 22 pesos per meal.
03:58Kaya naman daw pala ng gobyerno na gumastos ng ganito kalaki.
04:02Ano po ang masasabi ninyo dito sa budget na ito?
04:05At bakit natin kailangan gumastos ng ganito kalaki?
04:08Commensurate ba yung laki ng iginasos natin sa binipisyong mahukuha
04:12ng mga karaniwang Pilipino po sa ASEAN Summit na ito?
04:16So, kung yun ang ating basihan,
04:18yung beneficyo na nakukuha natin sa ASEAN sa karaniwang Pilipino,
04:23maaari mong tingnan na hindi nga commensurate yung iginagastos natin sa summit.
04:28Kasi yung balik sa kada isang Pilipino ay hindi ramdam.
04:33Although merong balik yan, for example, kapag pinag-uusapan natin yung trade,
04:38ang pakikipagpalitan natin ng mga produkto sa ibang ASEAN member states
04:43kasi meron tayong mga agreements,
04:44doon merong balik na hindi lang ramdam sa pangkalahatan
04:47kasi maliit siya when compared to sa paghihirap ng ating mga kababayan.
04:53Pero yun talaga ang kalakip ng ating pagiging miyembro ng ASEAN.
04:58Every year may nag-host na country.
05:00At in this case, toka natin, panahon natin na mag-host.
05:04So I think ang ayaw lang naman ng Pilipinas ay na mag-host tayo
05:09tapos hindi natin gawin ang ating kailangan gawin.
05:13We don't show our best to our host.
05:16So I think that's the conundrum.
05:18That's the issue that the Philippines might take
05:21bilang respeto din sa mga bisita natin na pagpunta dito.
05:25I think maraming mga oportunidad sa ASEAN
05:29that could result in economic gains to the Philippines and to the country.
05:35Kung maaalala natin, itong budget naman na ito
05:39ay hindi lamang para sa summit na ito sa Manila.
05:41Ito ay sa buong taon na tayo ay chairperson ng ASEAN
05:45and all the 550 meetings nakasama at kalakip doon sa pagiging chair na iyon.
05:51Alright, very clear.
05:52Ngayong araw po, dadalo sa summit si US President Donald Trump
05:56at isa po ang Pax Silica sa talagang usap-usapan.
06:02Although, dinideny naman po ng US Ambassador
06:07na sabi niya there is no planned Pax Silica announcement
06:11sa ASEAN Summit.
06:12At even yesterday, as of yesterday when we attended
06:15the press conference of TFA Secretary Lazaro,
06:18she declined to answer or to confirm if Pax Silica will be signed.
06:25Pero, sa inyo pong obserbasyon, is this a deal as good as signed?
06:34I think, yes.
06:35More likely na masasign ang deal na ito.
06:39Although, hindi ko masasabi kung kailan.
06:42Kasi, even though,
06:44klaro sa ating bansa ang makukuha natin, for example,
06:49from Pax Silica, economically, no?
06:52And what we can save.
06:53Nakikinig din ang ating pamahalaan doon sa hinain ng mga nagpaprotesta
06:58at lalong-lalong na yung mga indigenous peoples na matatamaan dito sa
07:04polisya na ito at kami lang na din ang ating environment, no?
07:08So, while I anticipate na may kahihinatnan itong deal na ito,
07:13lalong-lalong na sa hub na kanilang pinaplano for the processing
07:17or industrial zone na kanilang pinaplano,
07:20ay hindi ko masasabi na good as signed siya this year.
07:24So, it could still take some time habang pinapakiramdaman
07:27ng Pilipinas at tinaayos niya yung problema naman
07:30na idinudulog ng mga domestic actors tulad ng mga protestang na ating naririnig.
07:36Speaking of which, hinimok nga po ng Malacanang na magsumite ng formal na petisyon.
07:40Opposition paper ang mga nagpoprotesta laban sa Paxilica para sa mapayapang diyalogo.
07:45Ano po bang magagawa pa nitong petisyon at position paper na ito?
07:48May silbi pa po ba ito?
07:50Pwede pa po bang mapigilan kung sakasakali?
07:52Or at least malagay yung mga very significant provisions
07:56na pwedeng makatulong doon sa mga nagpoprotesta?
08:03Yes. Important yung position papers.
08:06Para ma-express kung ano yung mga spesipikong hinahing at demands
08:10ng mga nagpoprotest.
08:12I think sa kabuuan, hindi na siguro yung tono na dapat hindi tayo makipag-ugnayan
08:18sa US na hindi dapat natin ginagawa ang inisyatiba ng US.
08:24Yun mga ganong klaseng proposal, sa aking palagay,
08:27ay hindi magiging ng traction.
08:29Pero kung merong spesipikong mga points or ina-outline tulad ng ano dapat ang
08:35safeguards sa nandyan sa industrial zone, ano dapat ang proseso,
08:39dapat sundin ang batas sa pagkuhan ng consent ng indigenous peoples.
08:43Dapat siguraduhin na may protections yung workers na magtatrabaho sa industrial zone.
08:48So yung ganong mga klaseng punto na gusto nilang maisama sa agreement
08:53or sa plano, I think, papakinggan ng pamahalaan yan
08:56kasi babalansihin naman niya ang pag-address ng concerns both
09:00ng kanyang needs dito sa Pax Silica na ito
09:04at both yung demands ng kanyang constituents.
09:07Attorney, isa rin po sa pinag-uusapan niyong Code of Conduct sa South China Sea,
09:12na dekada nang binubuo at dito po sa 49th ASEAN Summit,
09:15eh hindi pa rin mabuo-buo.
09:18Or as what our officials have said,
09:21at least narating natin yung 80% and it's a milestone kung tutuusin.
09:27Pero ano po bang tingin nyo rito?
09:30Is this some sort of a failure na ang inaasahan po sana ni Presidente Marcos
09:35eh magkakaroon ng conclusion itong Code of Conduct sa South China Sea
09:40under his chairmanship?
09:43Yes. So important na development yung 80%
09:47kasi meron silang mga fundamental disagreements talaga
09:51sa pagbuo ng Code of Conduct niyan.
09:54At ang pinakadesenyo dapat ng Code of Conduct niyan
09:57ay kung paano mag-behave ang mga nations
10:00patungkol sa kanilang activities sa South China Sea
10:04or sa tinatawag natin na West Philippine Sea.
10:07At kasama dyan, yung mga behavior na yan na naka-ancla sa international law.
10:12Of course, kasama dyan yung ating panalo
10:14based on international law sa arbitration on the West Philippine Sea.
10:18At meron talagang sticking points doon
10:20kasi may mga punto doon at may malaking disagreement
10:24ang China tungkol doon sa basihan ng award na yun
10:27at international law in general.
10:28So in fact, umabot sila ng 80%, significant na yun.
10:32Pero I think mahaba-haba pa yung prosesong lalakbayin ng Code of Conduct na yan.
10:37So patuloy tayong makakapagkita ng bilateral
10:40na every time merong gagawin ang China sa West Philippine Sea
10:45ay parang ang pakikipag-ugnayan ay ad hoc bilateral
10:48at hindi pa muna base sa Code of Conduct
10:50kasi hindi lang naman tayong dalawang bansa
10:52na pasama yung ibang ASEAN nations
10:55ang nakikilahok sa usapin na iyan.
10:58May nakikita pa ba tayong silver lining dito
11:00sa Code of Conduct na ito
11:02considering that China ay hindi naman
11:07hindi niya pinaniwalaan
11:09o hindi niya tinatanggap yung unclosed decision?
11:13Yes, meron pa naman.
11:15It's going to be very minimum.
11:17For example, kung ano yung hindi dapat mag-escalate
11:21kung ano yung violence, for example,
11:23yung activities against yung fisherfolk natin
11:27sa South China Sea or sa West Philippine Sea.
11:30So mga ganun klaseng movements
11:33na maliliit at incremental
11:36hanggang pinag-uusapan nila yung unclosed.
11:39I think China will continue to insist
11:41na wala dapat reference doon sa arbitration award
11:45dito sa Code of Conduct na ito.
11:48Pero hindi naman,
11:49and I will of course insist na merong mention
11:52kasi yun ang ating pinagbabasihan
11:54ng ating posisyon.
11:55Pero I think meron silang ma-achieve
11:58for minimal rules of engagement
12:01kapag merong mga halimbawa
12:03pag-co-confront ng each other doon sa South China Sea.
12:08Attorney Tew, very briefly,
12:10ano pa ang mga dapat nating abangan
12:11sa pagkapatuloy ng ASEAN Summit?
12:13Today is the formal closing of the ASEAN Summit
12:15but tomorrow meron pa pong bilateral meeting
12:19si Pangulong Marcos at si US President Trump.
12:24Yes, so patuloy nating abangan,
12:26kakalabas lang din ng AI governance framework
12:29ng Pilipinas, no?
12:30At malaking usapin pa rin dyan
12:33yung kaakibat na paksilika
12:35at yung processing ng critical minerals, no?
12:38So I think we can anticipate
12:40na mag-report ang ating pamahalaan
12:42kung ano yung mga economic gains
12:44na makukuha natin from this potential agreement.
12:48And then of course,
12:48patuloy nating aabangan na i-re-raise ng Pilipinas
12:52ang sitwasyon ng West Philippine Sea
12:54sa United States
12:56through President Trump bilang ating ally
12:59dyan sa region na yan
13:00and who can assist us if anything happens
13:02with China in the waters.
13:04Maraming maraming salamat,
13:06Attorney Michael Thieu.
13:08Araw-araw tumutok sa inyong pambansang morning show
13:11kung saan laging una ka.
13:12Unang hirit at para laging updated,
13:15like and subscribe na
13:16sa GMA Public Affairs YouTube channel.

Recommended