00:00Mga kapuso, kain tayo pero naku, tingnan nyo mabuti muna bago kayo kumain at baka may karayom?
00:10Sa Negros Occidental po kasi kakaiba ang palaman ng tinapay na iniwan sa bakura ng bahay ng isang lola na
00:17may mga alagang aso.
00:19Dahil ang palaman, naku karayom!
00:22Nang hawakan ng lola ang tinapay na balak na sanang kainin ng isang niyang alagang aso, natusok ang daliri niya.
00:30At nang buksan na ang tinapay, doon niya napagalamang may mga karayom pala ang mga ito sa loob.
00:37Puntik nang mapahamak ang mga aso niya kung sakaling nakain ng mga ito ang tinapay.
00:43Ayon kay lola, hindi niya alam kung sino ang naghagis ng mga nasabing tinapay sa bakura niya.
00:49Ayon sa mga opisyal, posibleng sinadya ang pag-iwan doon ng mga tinapay na may karayom
00:54dahil may natanggap silang report na ang mga aso raw nang hahabol sa mga taong dumadaan sa bakuran.
01:01Pag-usapan natin yan, ask me, ask Atty. Gabby.
01:13Naku, Atty. Mabuti at nakita agad bago makain ng mga alagang aso.
01:18Pero ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Anong pwedeng kaharapin ng gumawa nito?
01:24Well, kung natuloy at kinayin ng mga aso ang mga pandesal na ito,
01:28mapapaisa ilalim ito sa Animal Welfare Act of 1998 o ang Republic Act No. 8485 na inamendahan ng Republic Act
01:3610631.
01:38Sa ilalim po ng batas na ito ay pinagbabawal ang pananakit, pagpapahirap at pagmamaltrato sa mga hayop.
01:45Medyo obvious naman na sinadya ang paglagay ng karayom sa tinapay at walang ibang layunin nito kundi saktan o mapahamak
01:53ang mga aso.
01:54Well, maaari siyang maimbestigan at makasuhan dahil sa posibing paglabag nga sa Animal Welfare Act.
02:00Medyo mabigat din ang parusa sa ilalim ng batas na ito.
02:04Yung Act of Torturing an Animal may 6 na buwan hanggang isang taon na kulong at multa hanggang P30,000.
02:11Pero kung severely injured naman ang hayop o di kaya ay tuluyang namatay ito,
02:17posibling hanggang dalawang taon ang pagkakakulong and or multa hanggang P100,000.
02:24Kung natuloy din ito, posibling dagdag na kaso ng Malicious Mischief sa ilalim ng Revised Penal Code ang ginawang pagpapakain
02:33ng tinapay na may karayom.
02:34Sa ilalim po kasi ng Revised Penal Code, Malicious Mischief ang tawag sa mga krimen na sadyang pananakit o paninira
02:42sa personal property ng ibang tao
02:45at kasama na dito ang mga hayop na pag-aari ng iba.
02:49Mabuti na lang nga lamang at hindi na tuloy although hindi nagkakaroon ng kaso sa ilalim ng Animal Welfare Act
02:55dahil wala namang naging torture na nangyari dun sa mga hayop
02:59at usually wala kasi tayong tinatawad na attempted stage sa mga special laws.
03:05Pero maaaring magkaroon ng kaso for attempted malicious mischief
03:09although dahil natusok din ang daliri ni Lola, maaaring may hiwalay na pananagot ang kriminalang gumawa nito
03:15kaugnay ng pinsalang natamo niya at malamang ito ay mapapasa ilalim ng Article 266 ng Revised Penal Code
03:22for very slight physical injuries.
03:26Well actually at the end of the day, nakakabahala ang pagkakaroon ng mga kapitbahay
03:31na may masamang hangarin o motibo sa kapwa.
03:33Huwag daanin sa pananakit bilang solusyon sa mga problema.
03:37Actually, idulog nyo na na rin sa barangay at ayusin ang problema sa maayos na usapan.
03:44May iwasan din ang posibleng kulong at criminal record.
03:48Eh naku, kapag nakasuhan kayo sa korte, baka magkaroon kayo ng hit
03:52or derogatory information sa NBI clearance ninyo.
03:57While it's not a conviction at hindi naman finding of guilt,
04:00dagdag stress at hindi maganda na may derogatory information laban sa inyo,
04:06lalo na sa NBI clearance, alam nyo na, trabaho ang katapat niya.
04:11Ang mausaping batas, bibigyan po nating linang
04:14and of course mayroong kaunting advice.
04:16Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:19huwag magdalawang isip,
04:21Ask Me, Ask Attorney Gavin.