Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Aired (November 14, 2026): Malaki ang papel ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa ekonomiya ng bansa dahil nagbibigay ang mga ito ng trabaho at kabuhayan sa milyun-milyong Pilipino. Pero paano tinutugunan ng gobyerno ang mga hamong kinakaharap ng mga maliliit na negosyante, lalo na ang pagkalugi at patuloy na pagtaas ng mga gastusin?

Sapat ba ang mga programa at tulong na inilalaan ng pamahalaan upang matulungan silang mapanatili at mapalago ang kanilang mga negosyo? Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Para sa ekonomisang si Sir Peña Reyes, malaki ang papel na ginagampana ng mga MSMEs sa ekonomiya ng bansa.
00:0799.63% of our establishments would be classified as MSMEs,
00:15and two-fifths of gross value added contributed by MSMEs,
00:21and two-thirds of employment contributed by MSMEs.
00:26So basically, malaking bahagi ng ekonomiya mo ang nahihirapan kapag tumataas itong production costs, presyo ng mga bilihin.
00:39Because these are critical backbones of the economy.
00:43Kung mag-collapse yan, yung structurally, maraming madadamay.
00:49Sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, sa mahigit 1.2 million na registered business sa buong bansa,
00:57mahigit 1.1 million ang nakarehistro sa ilalim ng micro, small, and medium-sized enterprises.
01:05Mahigit 6 na milyong manggagawa ang umaasa sa mga MSMEs,
01:10at kapag nagsara ang mga negosyong ito,
01:13nasa 3.2 million na empleyado ang mawawala ng trabaho na nasa micro enterprises.
01:20Mahigit 2.4 million manggagawa naman sa small enterprises,
01:26habang nasa mahigit 640,000 ang nasa medium enterprises.
01:32Paano nga ba matutulungan ng gobyerno ang mga MSMEs o micro, small, and medium enterprises?
01:40Ease of doing business, infrastructure, and these are things that really would attract investments.
01:47Targeted cash assistance, okay?
01:51Kasi yan, kailangan talaga nila, much like what we do with transport.
02:00Kung tutuusin, may Magna Carta for MSMEs naman o ang batas na nagpoprotekta at tumutulong
02:07para palakasin ang maliliit na negosyo sa bansa.
02:10Ang tanong, bakit tila hindi ramdam na mga tulad nila Jennifer, Denver, at Chanel
02:16ang benepisyo para sa mga kagaya nilang negosyante?
02:20Kinuha namin ang panig ng Department of Trade and Industry para tanungin kung ano ang plano nila sa mga MSMEs
02:27na nalulugi at nagsasara.
02:29Ilang araw na rin kaming nakikipag-ugnayan sa kanila, pero wala pa rin silang sagot sa amin.
02:35Abril ngayong taon, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang 4 billion pesos na emergency loan program
02:42para tulungan ang mga MSMEs na nangangailangan at lubos na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.
02:50Bawat negosyante, maaaring magloan ng 30,000 pesos hanggang 20 million pesos bilang tugon sa kakulangan sa cash flow at
02:58pagkaantala sa supply chain.
03:01Binibigyan din ang bawat benepisyaryo ng isang taong palugit sa pagbabayad ng kanilang utang.
03:06Ibig sabihin, hindi muna nila kailangang magbayad ng interest o principal amount sa unang taon ng kanilang loan.
03:15Sa Pilipinas, idinaraos ngayon ang ASEAN Summit kung saan, kabilang sa pinag-uusapan ng mga bansa, ang ekonomiya at energy
03:24security sa regyon.
03:25Pero habang nagaganap ito, may mga maliliit namang negosyo ang nagsasara.
03:31Hiling nila, bigyan sila ng sapat na tulong at suporta, lalo na't marami sa mga manggagawang Pilipino ang umaasa sa
03:40kanilang mga negosyo.

Recommended