00:00Tiniyak naman ng Department of Trade and Industry na hindi tataas ang presyo ng pangunahing bilhin hanggang sa katapusan ng
00:06taon.
00:07Ayon sa DTI, pumayag ang mga manufacturers na huwag baguhin ang presyo ng mahigit sa 200 produkto na binabantayan ng
00:15ahensya.
00:16Kabilang sa mga produkto na nilalagyan ng SRP o suggested retail price ng DTI,
00:21ay dilatang sardinas, gatas, kape, tinapay, instant noodles, asin, nakaboting tubig, sabon at kandila.
00:28Sakop din ang prime commodities tulad ng luncheon meat, meatloaf, corned beef, beefloaf, baterya at condiments.
00:35Samantala nakatakda naman maglabas ng advisory ang DTI para sa presyo ng mga nochebuena items.